Kabanata 14
Kabanata 14
"Ma, tama na po." Kanina niya pa kasi ako yinayakap at binabati dahil sa aking pagtatapos sa Junior High.
She chuckled, "I'm just proud of you."
Nandito lahat ng pamilya ko, kasama sila tita at tito. Nalilito rin ako kung nakikipamilya rin ba si Greg sa amin. Nandito na naman siya, e. Inisip ko pa nga na baka siya na naman ang susundo sa akin pero alam ko namang nandito sila mama at papa.
Katatapos lang ng moving up namin at masayang nagpipicture taking ang mga kaklase ko. Minsan, sumama rin naman ako para remembrance na rin.
Kinuhanan din naman kami ng larawan kasama sila Keila at iba kong mga kaibigan. Nagulat din naman ang mga kaklase ko at ibang kamag aral dahil nga hindi nila alam na marangya ang buhay ko. Iyong mga iba ay humingi ng tawad at alam ko namang nakikipagplastikan lang ang mga iyon dahil sa magulang ko.
Nakikipagkwentuhan sila papa sa magulang ni Keila, nakisama lang sila Kuya. Kaso itong si Greg, nakikidikit sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niya kahapon sa puntod ni mama.
"Congrats. Naks, top 1." Binati ako ni Greg pero may halong asar.
"Syempre, nagagawa ng pakikipagkaibigan ko sa mga 'boyfriends' ko," sabi ko, naririnig ang sarkasmo sa boses ko. Inalala rin ang sinabi niya sa akin noon na hindi makakatulong ang mga kaibigan ko sa akin.
"No wonder your friends are all girls didn't know if that Jonathan is a gay," pasaring niyang sabi.
Inirapan ko siya. "Lalaki siya at may bago na rin naman akong kaibigan na lalaki. Kaya parang gano'n na 'yon."
Sumama naman ang mukha niya at kung hindi mo pa siya kilala ngayon ay hindi mo masasabing galit na siya.
"And who is that? Didn't I tell you to stay away from boys? They won't help you."
"Eh, lalaki ka rin naman ah! Bakit hindi ka lumalayo? Mauna ka para layuan ko sila."
Mas lalo namang dumilim ang mukha niya at natatawa ako dahil inaasar ko lang naman siya. Saka ano bang problema niya sa pakikipagkaibigan ko sa ibang lalaki. Akala mo naman kung Kuya ko, e hindi naman! Saka si Rovick 'yon. Mas maganda ngang kasama 'yon kaysa sa yabang na 'to! May matutunan ka na nga, mas mabait pa!
"Who's that guy?" he asked again. This time, you can hear the thunder of his voice.
"Secret kuya," asar ko pa rin sa kanya kahit alam kong galit na siya. Overprotective lang talaga sila ni Kuya Chevin. Hindi ko naman jojowain ang mga lalaking kakaibiganin ko no!
He stepped in front of me. Sobrang lapit na niya sa akin at nag uumpisa ng tumibok nang mabilis ang puso ko. I looked at him awkwardly. What if our parents or worst Kuya Chevin saw us in this position? He would think another meaning at baka pa magalit siya kay Greg.
Humakbang ako paatras para lumayo ako sa kanya dahil medyo naaasiwa rin ako sa pwesto namin. Baka marinig niya rin ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari man.
Lumapit muli siya sa akin at ngayon, hinahawakan na ang baywang ko at nilalapit ang mukha sa tainga ko. Sa totoo lang, may kiliti ako roon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya ko pa lang tiisin at hindi nakikiliti sa hininga niya.
"Tell me, Blayrie. Who's that guy? I don't think it's Cedrix because he has a girlfriend and he won't entertain you."
Aba! Napapansin ako ni Cedrix, ano! 'Tsaka hindi ko naman sinabing ieentertain niya ako dahil boto naman ako sa kanila ni ate ganda.
"Or don't you tell me... that bastard, loser boy!"
"Huwag mo ngang tinatawag na ganiyan si Rovick. May pangalan siya at Rovick 'yon. 'Tsaka mas ok pa nga iyon kasama kaysa sa'yo e!" Sabi ko at lumapit na kanila mama.
Sumunod naman siya at lumapit pa talaga sa akin. Is he not afraid to be seen in this position? If I were mama or papa, I would think that we are something, but of course, we're not.
Pinagpahinga niya sa baywang ko ang braso niya. Napatalon pa ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan iyong gagawin niya. Tumingin ako kanila mama pero halos hindi nila ito iniintindi. Tumingin din ako kay Kuya ngunit nakakunot lang ang mga noo nito.
Inalis ko naman ang kamay ni Greg sa kaliwang baywang ko. Binalik niya rin ito agad pero pinipilit kong tanggalin iyon.
I looked at him but he's looking at my parents who are talking to the parents of Keila. He's ignoring me and he's making himself busy listening to the talk when in fact it's non-sense. They are just chitchatting some adult stuff.
I removed his arm again and he's making a way to take it back to its place. Hinayaan ko na lang iyon dahil ako lang naman ang napapagod sa ginagawa.
May nararamdaman akong hininga sa malapit sa tenga ko. Sobrang bango ng hininga niya. Sarap amuy amoyin. At kung noong una, hindi ako nakakaramdam ng kiliti, ngayon, ramdam na ramdam ko na.
I giggled and I couldn't help myself but laugh out loud. The adults stop their talk and looked at me. Napatigil din si Kuya sa pakikipag usap kay Ate. I smiled awkwardly at them and then, they decided to continue they chitchats. Mataman pa akong tinignan ni Kuya bago ibinalik ang tingin kay ate at itinuloy ang pag uusap nila.
At kung bakit natawa na lang ako?! Dahil hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako tinamaan ng kilig! Bakit hindi kanina? Bwisit na 'yan, napahiya tuloy ako! Kanina pa kasi ako hindi mapakali rito. Kaya ko rin tinatanggal ang braso ni Greg ay dahil lumalakas ang tibok ng puso ko. Sa sobrang lapit namin, natatakot ako na marinig niya 'yong tibok ng puso ko.
Tinignan ko ang lalaking pasimuno ng lahat. May pahinga hinga pa siya, hindi niya alam kung may makakakita sa ginagawa niya. Ngumisi lang ito at lumapit sa akin at may binulong.
"I didn't know that you would tickle... I will probably breathe in your neck then. I would love to see you laugh," he said.
Kagat kagat ngayon ang labi ko para hindi matawa, kiligin o ngingiti sa sinasabi niya. Baka pa mamaya, mayabang na naman siya na magsasabi na crush ko siya o baka mamaya mahalata niya pa na crush ko nga talaga siya.
Inimbitahan nila Papa ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga magulang nila para sa salu salong hinanda nila sa bahay. Agad naman na sumama sila Jonathan dahil gusto raw nilang makatikim ulit ng mga pagkaing mayaman.
Isang sasakyan lang talaga ang dinala nila papa. Sumakay lang si kuya kay Greg. Kaya ngayon, hinati hati. Iyong mga magulang nila Jonathan, nasa kanila tito Richard, papa ni Keila. Tapos iyong iba, nasa sasakyan namin, si Kuya ang magdadrive. Kami naman nila Keila, doon sa sasakyan ni Greg.
Sa front seat na ako para hindi ko na aawayin si Greg. Ngayon pa na nandito ang mga kaibigan ko. Mamaya aasarin pa nila ako.
Sa garden kami kumain ng mga kaibigan ko at sila mama. Sabi pa nga nila ay mag boodle fight kami. Pumayag naman sila papa at pinahanda ang kakainin namin. Sumama rin ang mga ibang kasambahay sa amin. Kung titignan mo sila papa, para silang hindi mga CEO sa kompanya. Marunong silang makisama at hindi nila tinitignan ang isa tao kung saan ito nanggaling o kung sino pa siya.
Kung hindi siguro ganiyan kabait si papa, ay baka pa naabandona na niya ako at hahayaan na lang sa nanay ko para palakihin ako.
"You're overthinking... what's your problem? I told you, don't think your mom too much. Let's be happy for now. I think she's happy for her beautiful daughter. Top 1, huh!" Greg whispered. I smiled a bit.
Umalis din naman siya sa tabi ko para ayusin pa ang mga ibang pagkain na lalantakan namin. Pagkatapos niyon, masaya kaming nagsalu salo sa pagkain.
"Itong si Keila at Blayr, magkasama na talaga sila simula bata pa. Hindi na nga mapaghiwalay, at talagang gusto pa nila magkasama talaga. Ewan ko nga ngayon na hindi na sila magkaparehas ng paaralan," ani Tito Richard.
"Where does Keila study? Blayr is going to study in La salle." Si Papa.
"Sa FEU naman siya. Kaya naman pala panay ang emote niya sa amin kasi maghihiwalay sila ni Blayr."
"Aww. It's convenient for Blayrie to study there kasi. Her brother and sister are studying there also." Si mama naman ngayon ang sumagot.
Hindi na kami nakinig sa ibang usapan dahil panay na ang reklamo nitong Keila sa paghihiwalay namin ng school. Hindi ko na lang ginagatungan.
"Why are you silent? Do you have a problem? Tell me, Blayrie." Pansin ni Greg na nasa tabi ko.
Umiling lang ako.
I don't have a problem. I am just happy, speechless. I don't know how to express my feelings to them. Sobrang punong puno lang ako ng pagmamahal galing sa kanila.
"Is this about your mom? You can tell me about it. I can be your human diary."
"No. I am just happy," I said smilingly.
Pagkatapos namin kumain ay nag aya sila Keila na maligo sa swimming pool. Malakas ang loob nilang magyaya dahil ang mga loka, naghanda ng damit nila.
Nauna naman na ang mga matatanda na umuwi dahil may gagawin pa raw sila. Susunduin na lang sana sila ang kaso, ang sabi nila papa ay si manong na ang maghahatid.
Nagsasaya na silang naliligo sa swimming pool pero nandito pa ako sa sa lounge dahil wala pa sa mood para magswimming.
Nakisama naman sila kuya sa amin dahil medyo mainit raw sa bahay kaya tuwang tuwang si Keila dahil ang totoo, pinagnanasaan niya si Kuya. Iyon ang pinakasinisikreto namin. Si kuya talaga ang pinakacrush niya kaya hindi pa siya nagkakaboyfriend. Pero dahil may ibang gusto si Kuya at mas gusto niya pa na mas matured sa kanya, hindi niya napapansin si Keila. Syempre ang babata pa namin, no!
Nakatopless si Kuya at pinapanuod ko ang reaksyon ni Keila. Kagat labi ako para hindi matawa dahil para siyang timang sa isang gilid. Alam mo 'yong sinalubong nila Joy sila ate at kuya pero itong si Keila nasa dulo, pinapanuod lang sila. Gusto ko sana siyang asarin pero baka mabuking kasi siya at hindi niya ako pansinin.
Alam din ni Jonathan na crush ni Keila si Kuya at ngayon, nasa tabi siya ni Keila at inaasar na siguro. Paano ba naman kasi, masama na ang tingin ni Keila kay Jonathan. Ang totoo mas gusto ko si Jonathan para kay Keila. Kaso iba rin yata ang gusto ni Jonathan. Ewan ko lang kung sino!
"Why aren't you joining them?" Sulpot ng isang yabang na 'to. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa niya kanina.
"Wala pa ako sa mood. Maya maya siguro."
"Baka naman 'pag ikaw na ang gustong lumangoy sila naman ang mapagod. Though it's fine on me, I can join you and so we can be alone," he said and winked at me.
Ano naman kaya ang nakain nito? Simula pa talaga kahapon ay kahit anong kabaduyan na ang sinasabi niya. It's weird too that he's making a move. Or... I am too delusional to think of it. Bakit ba kasi siya ganiyan? Kung hinahamon niya ako o nangtritrip lang siya, aba maghanap naman na siya ng iba. Feeling ko, marupok ako!
"Come to earth, Blayrie. You are thinking too much again."
"Huh?"
"Tsk!" Masungit niyang sabi.
"Sungit ah! Hindi ko nga narinig. May iniisip kasi akong iba."
"What are you thinking? Or who else are you thinking? Don't tell me the loser name again and I will surely punch his face and kick his ass."
"Ikaw... ikaw naman talaga ang nag ooverthink sa ating dalawa. Hindi ko nga siya naisip, pero ikaw bukambibig mo. May gusto ka ba sa kanya? Bakla ka ba?" Tanong ko. Medyo nahihiwagaan kay Greg.
Sinimangutan niya muna ako saka lumipat siya sa inuupuan ko.
"Do you want to know? I will show you if you want so you can tell me too if I'm a gay," sabi niya at nilalapit na naman ang mukha niya. Ako talaga ang natatakot sa ginagawa niya. Meron si Kuya at paano kung makita kaming ganito? Ang mga kaibigan ko? Ano'ng iisipin nila?
His lip is almost touching mine and I couldn't think but to close my eyes. The anticipation that building in my system is making me hard to breathe. I've waited too long but I just heard his chuckle and instead of kissing me on my lips, he kissed me on the tips of my nose.
Naramdaman ko ring hinawakan niya ako sa beywang ko at alam kong malapit pa ang mukha niya sa akin. I hear his breathing and I can smell still his mint breath. I don't want to open my eyes and will see him mocking me for waiting for his kiss. I also don't know how to react and how I can look fine to him without blushing or anything?
"Open your eyes, Blayrie... do you want your brother see you like this? He will think that I'm kissing you... I want to kiss you but it's not the right time. I'll wait till you are eighteen," he whispered huskily.
Automatic naman na binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko talagang natatawa siya. Siguro sa itsura kong nagblablush na o nahihiya.
Unting unti na rin na nabubuwag ang prinsipyo ko. Na sinabi ko sa sarili ko na walang hahawak sa aking ibang tao. Na boyfriend ko lang o tanging asawa ko lang ang makakahawak sa akin pero bakit pinapayagan ko si Greg na hawakan ako? Samantalang iyong mga kaklase ko dati na hinahawakan lang ako sa kamay ang arte ko na, samantalang siya sa beywang ko na pero wala akong ginagawa para pigilan siya!
"You're blushing, Blayrie. You are so cute. I like... it."
Umalis agad ako roon at iniwan siya para magswimming at maalis ang init sa mukha ko. Bago ako tumalon sa pool, tumingin pa muna ako sa kanya at nakangiti niya lang akong tinitignan. Bwisit na ngiti 'yan!
At tama nga si Greg. Hindi pa ako nagtatagal sa pool ay paalis naman na sila. Napagod na raw silang magswimming at magmemeryenda lang raw sila sa desserts na inihanda nila manang.
Ilang minuto lang din ay naghubad na si Greg at tumalon na sa pool. Lumangoy siya palapit sa akin pero lumalayo ako sa direksyon na pinaglalanguyan niya, pero noong huli nahuli niya rin naman ako. Umahon siya sa harap ko at hayan na naman ang ngisi niya.
"I like your shirt. It doesn't show too much skin. Never copy your friends' outfit, it won't make you sexy. You're sexy just your t-shirt and shorts."
I rolled my eyes. "Hindi talaga ako magsusuot ng ganoon. Hindi ako sexy talaga at nakakahiya naman sa makakakita ng payatot kong katawan."
"You're not that petite, sakto lang. Don't put makeup anymore, it's attracting many boys. I don't like it," sabi niya at iniiwas ang tingin niya sa akin.
"Hindi naman ako makikipagkaibigan sa kanila. Saka masama bang magmake up? Nag aayos lang naman ako dahil senior high na ako. Meaning, pre-college 'yon. Kailangan ko mag ayos para naman masanay na rin ako."
Nairita naman siya sa sinabi ko at parang pinipigilan niya lang na mainis, hindi sa akin pero hindi ko alam kung kanino. Nadidistract din ako sa katawan niya na nakabalandra sa harap ko. Hindi niya ba nahahalata na hindi ako komportable rito o sanay lang kasi siyang pinapakita ang abs niya sa mga babae niya.
"Even so, just put it if it's necessary. Don't put every time because it will damage your skin," sabi niya pero naisip ko na depende iyon kung sensitive ang skin mo, sa akin wala pa naman. "Huwag mo ring pansinin ang talunan na lalaking iyon. He is a bad influence."
"No. I will do what I want to do. 'Tsaka may gagawin kami bukas, sasama ako sa kanya."
"Where are you two going?" Tanong niya at sinasamaan niya ako ng tingin.
"Secret para masaya," asar ko sa kanya.
"I will kiss you if you won't tell me," banta niya pero hindi ako natinag.
"Oh, saan na ang 'I'll wait till you're eighteen'? Wala ka pala e."
Umiigting na ang panga niya at pinipigilan niyang mainis. Ang yabang na 'to, ano naman kung malaman niya? Don't tell me sasama siya?
"Don't provoke me, Blayrie. I can kiss you here and I won't fucking care about that eighteen age."
Sinimangutan ko siya dahil wala pala siyang isang salita and at the same time, gusto kong magpahalik sa kanya. I am curious about how the feeling of kissing someone. Sabi sa mga nababasa ko, masarap daw iyon. Gaano kasarap? Paanong nasabi na masarap? Ang sabi rin sa libro, parang nasa langit ka raw kapag hinahalikan mo ang isang taong mahal mo. Paano kung hindi mo mahal? Ano'ng pakiramdam kapag gano'n?
"So, you want me to kiss you huh?" Ngisi ni Greg at walang pasubaling hinalikan niya ako.
Nakamulat pa ang mga mata ko noong hinalikan niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at napapikit na lang ako sa lambot ng labi niya. Shet! Anong nangyayari sa akin?
Gusto ko sanang huminga dahil nawawalan ako ng hininga pero pinasok niya roon ang dila niya. Napahawak pa ako sa braso niya dahil napapasabay ako sa ritmo na ginagawa niya. Bakit ganito ako? Ano ba talagang nangyayari sa akin? Pero hindi ako magsisinungaling na masarap siyang humalik! At first kiss ko pa ito!
Bumitaw din naman siya sa halikan namin at paisa isa kong minulat ang mga mata ko. Dumapo agad ang paningin ko sa bibig niya at nakahalf open ito. Shet! Nababaliw na ako! Nakatingin din siya sa bibig ko kaya tinikom ko agad ito. Hindi dahil ayaw ko ulit pero nahihiya na ako. Wala naman akong ginawa roon at baka ano na lang din ang iniisip niya sa akin.
"So where are you two going?" he said menacingly.
"Uhh... D-doon lang... doon sa bahay-ampunan na pinatayo nila," nanghihina kong sinabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro