Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Kabanata 10

"You are so beautiful tonight, Blayr," puri ni Greg.

Hindi ako agad nakapagsalita sa binigkas niya. I don't know what to say. I don't know how to react with that. Pero hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Para itong kabayo na gusto nang makawala sa kulungan at makikipagkarera sa iba. What the heck is happening on me?

Tumalikod na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Muntik pa akong matapilok sa mabilisan kong paglakad papuntang pintuan.

I looked at the gate if he's still there and he still standing and looking at... me. Kumaripas ako ng takbo nang hindi ko na talaga makayanan ang emosyon ko. Tuluyan na rin akong nadapa pagkapasok ko sa pintuan ng mansyon.

Madilim sa bahay, at napakaepic ng pangyayari dahil bigla na lang itong umilaw at may nagpaputok ng confetti.

Sumigaw pa silang lahat ng 'HAPPY BIRTHDAY, BLAYRIE!'

All eyes are on me and they are shocked by my position. Nakikita kong gustong tumawa ni kuya at ate. Naaawa naman ang mukha ni mama kaya lumapit sa akin para tulungan ako.

"What happened to you? May humahabol ba sa'yo?... O baka naman sinabi mo, Chevin, na may surprise tayo kaya siya nagmamadali?" naiinis na bigkas ni mama saka matalim na tinignan si kuya.

"Of course not. Why would I tell her if it is a surprise?" tawang sabi ni kuya.

"Is something wrong, Blayrie? Why are you blushing?" tanong ni mama kaya iniiwas ko ang mukha ko.

Hindi ko sinasadya na mapatingin kay Kuya at wala itong emosyon na nakatingin sa akin. Hindi naman siya galit pero hindi rin masaya.

Pero teka? Ba't ako kakabahan sa reaksyon niya? Wala naman akong ginagawang masama!

Iniiwas ko na lang din ang tingin ko at tumayo ng maayos.

"What happened to you?" Si ate naman ngayon ang nagtatanong.

"Wala. Excited lang po akong pumasok, tapos bigla po akong natapilok." Napapakamot kong sabi.

"Hays! Birthday na birthday mo, mamalasin ka?" Pang aasar ni ate.

Inirapan ko na lang siya at lumapit sa kanila. Ngumiti rin ako sa mga kasambahay na kasama namin. I couldn't hold my emotions. I am so happy to be surrounded by them. Their positivity always transmitted on me.

Hindi ko na napigilan, at tuluyan na nga akong umiyak sa harapan nila. Tumawa pa sila at tumawa rin ako. Niloloko pa ako nila kuya pero masyado akong masaya para patulan sila.

"What a crybaby! What do you want? A vacay to Siargao or a vacay to Korea to see EXO?" tanong ni Kuya na nagpalaki ng mata ko.

Tumalon talon pa ako sa tuwa. Pareho ko silang gustong puntahan. I want to go to a beach and of course, to see EXO!

"Pwede both Kuya?" pabebeng kong sabi. Nagpuppy eyes pa ako sa harap niya. Ginawa ko na ang lahat ng pacute para lang mapapayag siya.

Sa huli, pumayag ito! Sa bakasyon kami pupunta para hindi na maabala pa sa pag aaral ko. Sila kuya na lang daw ang mag aadjust para masamahan nila ako kapag pupunta kami.

Nagsalo salo kami sa pinahanda ni mama na pagkain. Iba pa rin daw ang ipapahanda niya bukas. Tinanong niya na rin ako kung naimbitahan ko na ba ang mga kaklase ko at nagsabi lamang ako ng oo.

Nagbigay muli sila ng regalo, at lahat iyon ay nagustuhan ko. Basta galing sa kanila, ay taos puso ko itong tatanggapin.

Humiga na ako sa kama matapos kong magpalit at mag ayos para maghanda na sa pagtulog.

I am so happy right now that I do not want to end this day. Gusto kong manatili na ganito. Gusto kong manatili sa araw na ito. What did I do to my past life that the Lord gave me all of these? I am contented right now.

Chineck ko ang phone ko bago ako natulog. May isang message doon na galing kay Greg.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako.

Kanina pa iyon nakasend. Ito 'yong oras na paalis na siya ng bahay. Hindi ko naman naharap ang cellphone ko kanina dahil busy ako sa pagcecelebrate sa kaarawan ko.

Binuksan ko ito at parang kinikiliti ang puso ko. Alam mo iyong sinasabi nila na parang may paru-parong lumilipad sa tiyan mo? Gano'n kasi ang nararamdaman ko.

Greg:

Happy birthday, Blayr. I wanted to greet you personally, but you run immediately. I have a gift but I think I can just give it to you tomorrow?

Shet! Bakit ba kasi ako tumakbo kanina? Nakakahiya tuloy. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko. Nakakaintimidate ang tinginan niya. Na kapag tumingin ka sa mga mata niya, matatalo ka.

Nag isip ako ng irereply sa kanya pero dinidelete ko rin kung hindi ko nagugustuhan ang reply ko. Kaya sa huli, hinayaan ko na lang iyon at natulog.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Naririnig ko ang mga plato, takip ng kaldero, at palayok. Akala ko pa may nag aaway, iyon naman pala nag iingay sila para gisingin ako at excited rin sila para sa gagawing selebrasyon para sa akin.

I am excited so I called my friends and I told them to be on time later. I even called my Aunt and they just laughed at me for being agitated to my birthday.

Bumaba ako sa sala para tignan ang paghahanda sa gaganapin na selebrasyon. Sa garden mangyayari ito at madaming tauhan ang nagtutulungan para maayos ang lahat ng kailangan ayusin.

Pumasok na ako sa bahay nang makitang maayos naman na ang ibang dekorasyon. Umupo ako sa sofa namin dahil kinakabahan ako para mamaya.

Pumasok naman si kuya sa bahay kasama si Greg. Lumingon na lang ako sa cellphone na hawak ko dahil naaalala ang kahiya hiyang pangyayari kagabi. Ano kaya ang naiisip niya sa ginawa ko? If he is a genius man, then he probably knows what I did yesterday. He probably knows my feelings--- my feelings? I don't have any feelings towards him. Bakit ba kasi ako nahihiya sa kanya? I shouldn't be embarrassed to him. I didn't do anything!

Hindi nila ako pinansin at dumiretso na lang sila sa taas sa kwarto ni Kuya. Nainis naman ako! Gusto niya akong batiin personally, pero hindi man lang ako pinansin o binati man lang. Nakakainis!

Umakyat na lang ako at manunuod na lang muna ako. Kaysa naman pag initan ang ibang tao, sa kwarto na lang ako.

Buong hapon akong nagkulong sa kwarto. Nanuod lang ng Kdrama. Lumabas lang saglit bandang alas tres, para icheck kung naorganized na ba lahat para sa party. Sinabi rin sa akin ni Manang na umalis saglit sila Kuya para kunin ang ibang kakailanganin kahit hindi naman ako nagtatanong. Umakyat din ako sa kwarto para magpahinga. Natulog din naman ng ilang oras para sa beauty rest at hindi sabog sa party mamaya.

Dumating muli si Mama Pokz para make upan ako. He's offered me again his model agency. I am not into it and I rather stay at home. I'm not even pretty and don't have a good body. If he insists that we can do anything about it by exercising, then no. I am lazy. I don't do a diet.

Hindi naman na siya nakipagtalo basta ba sabihan ko lang siya agad kung gusto ko at nagbago ang isip ko. Sinuggest ko naman si Keila at sinabi niyang free siya parati para imeet si Keila kung gusto nito.

Naging perpekto ang naging ayos. Hindi ko na naman mapigilang mamangha sa ginawa ni Mama Pokz. May magic ba ang mga kamay niya?

"Thank you very much, Mama Pokz. I look amazing. I feel like a princess today. It's simple yet... gorgeous. I love it!" Tuwang tuwa na sabi ko.

My gown is color maroon. I honestly define it simple but the design is elegantly embroidered of flowers by the designer of my Mom. Mama Pokz braided my hair around my head. He just put light make up to make it simple. He's also put a choker with a heart pendant, it's like a collar in my neck. But all in all, it is perfect!

"Magnificent!" Sabi ni Mama na kapapasok lamang sa kwarto ko.

Nginitian ko naman siya.

"You never change, Pokz. You are always great." Ani ni mama at nakipagbeso kay Mamang Pokz.

"Thank you, Bet. And ofc, I am still me, skillfully make you pretty," sabi niya sabay tawa namin nila mama.

"Ok ma'am, all set na po. We'll begin in a few minutes." Isa sa organizer.

Umayos naman na sila mama at bumaba na sila. Tinawagan ko saglit si Keila at nandoon na sila at excited na raw sila na makita ako.

Nagfinal touch pa si Mamang para mas maayos ang lahat lahat at maging confident lang ako sa pagbaba.

Kinakabahan naman ako kahit hindi ako magdedebut. Casual party lamang ito. Bababa ako mamaya at hihintayin nila mama at papa ang pagdating ko sa may garden. Inimbitahan din nila ang mga kabusiness partners at mga kaibigan nila sa party.

"Ok, settle na, ma'am! Please stay put here, and if I say ready, walk to the staircase so they can get a video of you. Then, at the end of the staircase, there is someone who will guide you to walk in the garden," ani ng organizer na tinanguan ko naman.

Naging aligaga na sila at hinihintay na lang din ang cue ng MC na magpapakilala sa akin.

"So let us welcome the birthday girl, Victoria Blayr Alcantara! Maestro, please!" Pagpapakilala ng MC.

It's a cue that I have to walk downstairs. I am nervous that I might trip down so I walked slowly. Kaunti na lang ang lalakarin ko ay tumingala ako para tignan kung sinong organizer ang tutulong sa akin. Nandoon si Greg sa baba at tila naghihintay sa akin. Nakaayos siya. He's good in his tuxedo and he got a clean hair cut that perfectly suits on him. Inakala ko pa na organizer talaga ang tutulong sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inabot ang braso niya na nakahanda na para ilagay ko roon ang mga kamay ko. Hindi ko pa alam ang gagawin ko dahil hindi naman ako nainform na siya ang maghahatid sa akin papunta sa stage.

"Why are you hesitating, Blayr? I am your escort tonight." He smirked and winked at me.

I couldn't react immediately so he put my hand on his left arm. I shivered on his move. My heart is beating loudly and I didn't know if he can hear it.

Sumabay lang ako sa paglalakad niya. Dahan dahan naman siyang naglalakad kaya hindi ako nahihirapan sa heels kong 5 inches. Bago kami nakalabas sa pintuan papuntang garden, ay tumigil siya kaya tumigil din ako. Bigla siyang humarap sa akin na ikinabigla ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang naibigay ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung namumula na ba ang pisngi ko dahil nakakaramdam ako ng init sa katawan ko. Maaari na ba akong kainin ng lupa?

"Happy birthday, Blayrie!" He greeted smilingly. He put his hand on his nape like he is shy about admitting his feelings on me. Though I know he doesn't have any feelings on me.

I just nodded on him and looked in front. Pinagpatuloy niya na rin naman ang paglalakad.

Nang nakalabas na kami sa garden ay nagsitayuan ang mga bisita at nagpalakpakan sila. Iniwan naman ako ni Greg sa stage kasama sila mama.

Ginawa na rin ng MC ang mga tradisyon na ginagawa bago magsimula ang kasiyahan. Pagkatapos, binigay na nila kanila mama at papa ang mikropono.

"Good evening, everyone!" Ani ni mama saka ngumiti sa mga bisita. "I am so thankful to all of you for coming today as we celebrate another year of Blayr's gorgeousness and wiseness... You may think that my daughter doesn't deserve all of this, but you are all wrong, she deserves this and she is loved not by only me, but our family. She may not come from me but she is my legitimate daughter," Mama said smilingly.

Hindi pa ito pagbibigay ng greetings or wishes pero naiiyak na ako. Nagsisimula pa lang pero masisira na yata ang make up ko.

"You're making her cry, hon. Reserve that later," Papa said and he kissed Mama.

"I am just happy for her. Two years later she would be a pretty and mature woman." Patuloy na sabi ni mama kahit naiiyak na siya. "I... I am sorry for being emotional. I am just happy for our daughter," emosyonal niyang sabi saka tumatawa habang pinupunasan niya ang kanyang luha. Tumawa rin ang mga matatanda.

"Let's stop the emotional message for a while before Blayr's and your's make up would be ruined," Papa jokingly said. "Let the party begin."

The music started to fill the party. Some teens dance along with slow music. But mostly, the adults are the ones who love it. The organizer prepared a chair for me to sit but my brother offered me his hand for us to join others.

Some of the business partners of my Papa smiled at me and they offered too to dance with me. But Kuya refused and told them that he wants more time with me. Tuwang tuwa naman ako sa kuya ko dahil sa pag irap irap niya sa mga nagbabalak sa aking sumayaw. Ang cute niya lang!

After, I went to my friends to entertain them so they won't feel out of place.

"Ang ganda mo talaga, Blayr," puri ni Joy, ang pinsan ni Jaye.

"Ang plastik mo naman Joy, nalaman mo lang na mayaman sila Blayrie, puring puri mo na," irap na sabi ni Keila pero alam naming biro iyon.

"Hoy! Kahit naman hindi ko pa alam na mayaman si Blayr, sinasabihan ko na siya ng maganda noh!"

"Ahh, you don't know the word JOKE?" pang aasar ni Keila, na lalong nagpapainit sa dalawa.

"I don't, so stop fussing around," seryoso niyang sabi pero pagkaraan ng ilang minuto tumawa ito. Biglang tumawa si Keila kaya tumawa na kami isa isa.

"But frankly speaking, you are so truly beautiful, Blayr. That's a total transformation that happens to you." Iyong lider namin sa dance craze.

"Masarap din mga pagkain dito. Baka naman sa moving up maaari mo kaming imbitahin, dito na kami maghanda. Salu salo tayo, mas maganda 'yon." Si Jonathan.

"Napakaburaot mo talaga. Saka sabi ni tita pupunta raw kayo sa Ilocos kapag bakasyon. Baka naman pwedeng pasabit, Jonathan," biro ni Keila.

"Hindi ka na kasya. And, family only, you're not my family."

"Bwisit ka talaga. Kung may puntahan lang kami, hindi ka namin isasama. You're not my family pala ha."

"Ok, whatever."

"Bakla!"

"Ikiss kita dyan eh!" Sabi ni Jonathan saka ngumisi ito kay Keila.

"Sige, ikiss mo pwet ko."

"Mabaho 'yan. Gusto ko lips mo."

"By the virtue that vested on me by law. I do hereby permit you to kiss Keila... on her buttocks." I giggled when I said it.

"By the virtue that vested on me by law. Putang ina mo, Victoria," inis na sabi ni Keila. "Porke birthday mo, ganyan ka na."

"Hindi naman, ganito naman ako matagal na."

"Ahh, baka naman dahil sa kanya," sabi niya sabay ngumunguso.

Kumunot ang noo ko sa sinasabi at ginagawa niya. Ngumuso muli siya kaya tumingin ako sa nginunguso niya.

It's Greg. He's walking towards our way. They teasing me but I ignore them.

"Hi guys!" Greg greeted my friends.

They kept teasing me even when Greg is hearing about their gossips.

"Hello, I am Joy."
"Hello po, I am Jhoanne."
"Hello, I am Chellsie."
"Hello, ako po si Stephanie."

Greg just smiled at them and he snaked his arm around my waist. Kinilabutan naman ako sa galaw niya. Tumingin naman ang mga kaibigan ko sa braso ni Greg na may malisya. Inirapan ko sila pero hindi ko makalma ang sarili ko dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko.

"Tita wants you there. She wants you to introduce yourself to their partner's son," he whispered but you can hear the frustration in every word he says.

"Alright." Ang tangi ko lang na sagot.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nagpaalam sa kanila, "I shall return."

They nodded and I excused myself. Hindi ko na rin naman pinansin ang mga kamay ni Greg nang dumausdos ito paalis sa bewang ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglapit kanila mama. Nararamdaman ko namang sumusunod siya pero hindi ko na nilingon.

Binati ko sa maligalig na tono ang mga bisita nila mama. Masaya rin naman nila akong binati.

"Kamukhang kamukha ni Romualdo. She's pretty."

"Maganda talaga si Blayr. Maganda rin naman kasi ang lahi ng ina niya," nakangiting sabi ni mama.

Tumingin ako sa kanya. She's genuine about it. She's not bitter or anything that she would say bad things about my mother.

"Hi, Blayr! This is my son, Rovick."

"Hello po. Hello, Rovick!" I said friendly and we shook hands.

"Hello, Blayr. Saan ka mag aaral? Mag grade 11 ka na, 'di ba?"

"Ahh oo, sa La Salle ako mag aaral."

"Great! I'm studying there. You can join with my friends every lunch break. They are nice, you can be a good friend too."

"Thank you, Rovick. I'll look forward to that."

"Tsk!"

Napatingin ako sa side ko kung sino ang nagsalita. It's Greg, again. Akala ko umalis na ito at nakipaghalubilo sa iba, iyon pala ay nakikinig sa pinag uusapan namin dito. Hindi ko naman siya namalayan kaya akala ko talaga wala na siya.

"It's nice to meet you, Rovick. See you soon at school. I'll just go with my friends." I smiled and bid goodbye.

Umalis na ako roon at bumalik na sa mga kaibigan ko.

Greg is following me again and I can't resist getting pissed on him. Why is he following me? Can he just go, partying with my brother and his friends? I looked at him and he looked also piss. What is his problem?

"Ang gwapo naman nun, Blayr. Sino 'yon? Pakilala mo naman ako." Malanding sabi ni Joy.

"Mahiya ka naman. Saka nakakahiya ng lumapit doon. Pero Rovick daw ang pangalan. Nag aaral sa La salle," sagot ko sa kanya.

"So, you're that attentive huh!" Angil ni Greg na ikinatingin ng mga kaibigan ko.

"So, ok lang ba kayo rito?" Pag iiba ko sa usapan.

"Ok lang kami. Huwag kang mag alala sa amin," akward na sabi ni Keila habang nakatingin sa katabi ko. Si Greg.

"What are you doing here?" Hindi ko na napigilang tanong sa katabi ko.

"Friending your friends?"

"And why would you like to befriend to them?"

"Your friend is my friend. We are friends remember?"

"At kailan tayo naging magkaibigan?!"

"The first time I laid my eyes on you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro