Chapter 2: Love Potion!?
"U--Ursula!"
Isang binata ang bigla nalamang pabalang na binuksan ang pintuan ng kwarto ng dalagang si Ursula, habang abala ito sa pag-mi-mix ng mga green at blue potions, ngunit dahil sa sobrang pagka-gulat ay bigla niya nalamang iyong nai-tapon.
"Asdfghjkl! Ano ba naman yan!" Reklamo ng dalaga, sabay agad na humarap doon sa binata, the young boy was wearing a nervous kind of face.
"Rain! Diba sinabihan na kita tungkol sa pag-katok ng pinto!?"
"I--I know. S--Sorry... pero... Urs, a--anong klaseng potion ba talaga itong ibinigay mo sa'kin?" Agarang tanong ni Rain.
Kaka-uwi lang ng binata mula sa kanilang unibersidad.
At pagka-uwi'y agad niyang tinungo ang kwarto ng kanyang pinsan na sa kanila lamang din nakatira.
Ursula rolled her eyes in annoyance.
"Badluck potion, gaya ng hiningi mo. Bakit ba? Did it work or what?" Takang tanong ng dalaga.
Matapos iyo'y agad na may kinuhang maliit na bote si Rain mula sa kanyang bulsa at iniharap iyon sa kanyang pinsan.
"Sigurado ka ba talagang... B--Badluck potion ito?" He asks.
Dahil dito'y muli namang napa-kunot ng kanyang noo ang dalaga habang tinititigan iyong maliit na bote, kinuha niya iyon mula sa kamay ni Rain at mas lalong sinuri.
At doon niya lamang napag-tantong ibang potion pala iyon.
"N--Nagamit mo na ba toh?" Tanong niya.
Rain took a deep breath, trying to calm himself down.
"Clairvoyant ka diba? Ba't di mo hulaan?" Sarkastiko nitong ani.
"So... Tama ako? That's not 'the' badluck potion na hinihingi ko sa'yo?" He said.
"Rain, tinatanong kita. Nagamit mo na ba toh?" Ursula asks once more, wearing an intimidating facial expressions, dahilan upang maging seryoso ang binata.
"O--Oo. Nagamit ko siya kay Jax. B--Bakit? Anong klaseng potion ba yan? I--Is it bad? Poisonous ba? M--Mamamatay ba siya?" Sunod-sunod na pag-aalalang tanong ni Rain kay Ursula.
Muli lamang napa-irap dahil dito ang dalaga.
"Relax. It's not poisonous! Siguro nagkamali ako sa pag-bigay sa'yo kanina," aniya. "This, my dear cuz is a love potion," muli nitong wika.
"Love potion? Haay... Salamat naman," sabi ni Rain. Naka-hinga ito ng maluwag nang malamang hindi pala isang uri ng lason ang nagamit niya kay Jax.
Ngunit makalipas lamang ang tatlong segundo'y, bigla nalamang nanlaki ang mga mata ng binata nang may ma-realize itong bagay...
"Te--Te--Teka... LOVE POTION!?" Bulyaw ng binata.
"A--Anong ibig mong sabihing... L--Love potion?" Tanong niyang muli.
Ursula sighs and explains everything.
"It means, na kung sino man ang ginamitan mo nito ay magkaka-gusto sa'yo," kalmado at may pagka-bored na sabi nito sa pinsan.
"No worries. It's not lethal," aniya pa.
"Not lethal? NOT LETHAL!?" Says Rain.
"Oh it's very lethal! Bakit ba parang kalmado ka lang kung magsalita? If what your saying is true then... THEN-- Does that mean, Jax is gonna fall in love with me? S--Si Jax!?"
"No doubt," muling wika ni Ursula.
"I think he already is, actually."
Dahil dito'y, kaagad namang nag-make sense ang mga actions na nagawa kani-kanina lang ni Jax sa kanya.
Rain thought that Jax was just trying to bully and tease him again, specially about his sexuality.
He was trying to kiss him. Pero kaya pala nangyari iyon dahil imbis na bad luck potion ay isang love potion ang nai-timpla niya doon sa tubig na siyang ininom ni Jax.
"Coz... A--Alam mo naman siguro ang mga nagagawa ng taong inlove diba? They do crazy things! --All I ever wanted was to keep Jax away from me! And now, because of this stupid love potion... S--Siguradong mas gagambalain niya lang ako!" Monologong pagpapanik na wika ni Rain.
His face then suddenly turned red nang muli niya nanamang maalala ang nangyari kanina...
Ang pag-attempt na pag-halik sa kanya no'ng lalakeng kina-aayawan niya...
"That wasn't s--supposed to happen! Please Urs, tulungan mo 'ko. M--May ibang potions ka pa ba diyang pwedeng magawa para mawalan ng effect iyon?"
Ursula rolled her eyes for the sixth times in a row, at pagkatapos ay inakbayan ang pinsan.
"Rain, chill! That potion will only last for a week lang naman eh. Experimental ko palang iyon. So I'm in shock na gumana talaga siya," aniya.
"Gulat ka na talaga sa sitwasyon mong yan ah?" Wika ni Rain, pointing out Ursula's serious expression.
"A--At tsaka, it doesn't matter if it only lasts for a week! Ni-isang araw nga na nakikita ko siya, di ko na kaya eh. Isang linggo pa kaya?" Muling pag-pupunto ng binata.
"You wanted revenge, tama?" Ursula asks.
"Y--Yeah?"
Bahagyang napa-ngisi naman ang dalaga dahil sa naging sagot ni Rain.
"Then I have 'the' perfect plan for that," aniya, dahilan upang mapa-kunot naman nh kanyang noo ang si Rain dahil sa pagtataka.
Bigla nalang kasing may kung anong klaseng ideya ang pumasok sa isipan ni Ursula. And she's willing to help him for it.
"A--Anong klaseng plano ba?"
"This is just a simple kind of plan. But if you think about it, it's actually pretty evil," she says and then took a deep breath before continuing...
"Why don't you make him to actually fall in love with you? Like, for real this time! And then, kung talagang mahulog na nga siya sa'yo... Break his heart," naka-ngising pag-e'explain ni Ursula...
"A--Ano?" Rain couldn't even comprehend what she just said right now.
"You heard me right! Yan nalamang ang planong maitutulong ko sa'yo, dahil kung hindi ka makapag-hintay ng isang linggo para ma-worn out iyong effect no'ng potion, then hindi kita matutulungan," she said further.
"Wala pa kasi akong nagagawang anti-love potion eh. Para sana iyon sa isa ko pang customer, kaso nagka-palit yata kayo. Goodluck nalang sa kanya," ani Ursula na bahagyang natatawa pa.
"Anyway! May isang linggo ka para magawa iyon. Make the devil fall in love with you, and then crush him.
Pero, bibigyan lang din kita ng isang warning ah? You must not return the love. Or in other words, dapat hindi ka'rin mahulog sa kanya..."
Huling iniwika ni Ursula.
"Pe--Pero... Papaano kung--"
May sasabihin pa sana si Rain, ngunit hindi na nakinig pa sa kanyang ang dalaga't kaagad siyang itinulak palabas ng pinto.
"Goodluck, coz!" Naka-nanyang sabi pa ni Ursula, at pagkatapos ay isinara na ang pinto.
Naiwan naman ang binata roong walang ibang magawa kundi ang mas mamromblema lamang sa mga pangyayari...
"Mas mabigat pa toh kesa sa badluck potion eh!" Aniya.
~ ××× ~
{ The next day... }
Tahimik na naglalakad papuntang kanilang paaralan ang binatang si Rain.
Halatado sa mukha nitong, hindi maganda ang templa ng kanyang araw.
Simula pa ito no'ng kahapon, matapos niyang malamang isa palang love potion ang nagamit niya kay Jax imbis na isang bad luck potion.
At halos hindi na'rin mabilang kung maka-ilang beses na siyang bumuntong hininga dahil sa kanyang nararamdaman...
But come to think of it, naka-inom 'rin pala siya ng mumunting mga patak no'ng love potion.
Does he have to worry about himself too?
"Shut up, Bob! Mas pinapalala mo lang ang sitwasyon ko eh!"
Wait... Are you?
"Yes. I'm talking to you, MISTER NARRATOR! Kanina ka pa dadat nang dadat diyan! You're just making things worse!"
Oh~
Breaking the fourth wall, are we?
And... Did you just called me Bob?
"Hmm? Bagay naman sa'yo ang Bob ah? At tsaka, atleast I'm calling you with a name! So anyway, instead of making me feel uncomfortable because of your unending monologue, okay lang ba kung hayaan mo na muna akong makapunta sa school ko? Just narrate peacefully, without even mention his name. Will that be okay?"
I sighed...
Okay. Your story, your call! 🙄
"Great! Thanks Bob."
Matapos iyo'y muli na ngang tahimik na nilakad ni Rain ang kalsada ng Shinzuku streets.
Slowly, but carefully. 🙄
~ ××× ~
Moments later he came across one of his friends house.
At saktong pag-daan niya mula rito'y siya naman ang biglaang pag-labas ng isang binata.
It was Joshua. One of his only friends.
Malayo palang ay mapapansin na ni Rain na may kakaiba mula sa binata...
Lalo na dahil may black-eye ito...
"Oh, Juswa. Anong nangyari diyan sa mata mo?" Tanong ni Rain.
"Binully ka nanaman ba no'ng mga alipores ni Jax? O si Jax mismo?" He asks.
"Ah, ito ba? Wala toh! Natisod kasi ako kanina sa may mesa na'min no'ng nagwawalis ako eh. Pano ba naman, tatanga-tanga kasi yo'ng mesa," ani Joshua.
Isang bagay na bahagyang ikina-tawa ni Rain.
"At talagang sinisi mo pa ang mesa ah?" Aniya.
"Eh alangan namang yo'ng walis ang sisisihin ko! Pareho kaming sabay na natumba! Walangyang mesa yo'n! Sasabihan ko talaga si mama na palitan yo'n mamaya! Lintik lang ang walang ganti," muling sabi ni Joshua, dahilan upang mas lumakas lamang ang pag-tawa ni Rain.
"Eh ikaw? Pansin ko kanina, parang pinag-sakluban ka ng langit at lupa. May problema ba?" Tanong ni Joshua sa kaibigan, dahilan upang kaagad namang mawala ang ngiting naka-kurba mula sa mga labi ni Rain.
Muli nanaman nitong naalala ang kanyang problema.
He sighs, and then shook his head in response.
"W--Wala. Pagod lang talaga ako," tanging isinagot lamang nito.
"Sigurado ka ah?" Muling tanong ni Josh.
Tumango-tango naman ni Rain bilang sagot, at pagkatapos ay ngumiti.
"Yep! Alam mo naman ang parati kong kasabihan diba? Even if the sun shines everyday, the Rain will always keeps on smiling! And thay rain, is me!" Says Rain, trying to be positive, even when he's actually not.
Dahil dito'y napa-taas baba nalamang si Joshua sa kanyang mga balikat.
"Okay! If you say so!" Aniya.
But the truth is, Rain wasn't having the best day of his life. Well I mean, it has always been like that. Only, during those moments, he thinks it's the worst.
But little does he know, everything's about to change in just a few minutes later...
~ ××× ~
Nasa may malapit na bahagi na sila papuntang kanilang eskwelahan, at isang kalye nalamang ay makakarating na'rin sila.
Ngunit hindi pa man sila tuluyang nakaka-liko, ay may isang lalake ang bigla nalang sumulpot sa may kabilang kanto...
A very familiar-looking guy.
"Uh... Rain? I--isnt that---"
"Jax!"
Sabat ni Rain sa sana'y sasabihin ni Joshua, dahil maging siya'y agad niya 'rin itong nakilala.
The boy with dyed-red hair was walking towards them.
Naka-pamulsa ito, and as usual, bukas ang mga butones ng suot-suot nitong uniporme.
And the way he walks, para talaga siyang siga.
And his stares were intimidating...
Hindi 'rin nito ini-aalis ang kanyang mga tingin doon sa dalawa, most specifically, at Rain's.
"U--Uhh... J--Joshua? S--Sa tingin ko, maling daan itong nadaanan na'tin," wika ni Rain.
Isang bagay na nagpa-taka naman kay Joshua.
"Huh? --Dude, anong ibig mong sabihin? Hindi ba ito naman parati ang dinaraanan nati--"
"Balik nalang tayo! Andyan si Jax oh! We're dead if magpatuloy pa tayo!" Wika ng binata, at pagkatapos ay nagsimula nang maglakad mabalik sa kanilang dinaanan.
Dahil dito'y wala namang ibang nagawa si Joshua kundi ang sundin nalamang si Rain.
"Tigil..." Seryoso at mala-otoridad na sabi sa kanila ni Jax.
Ngunit dahil sa patuloy lamang sa kanyang paglalakad si Rain ay hindi na'rin nag-abala pa sa pag-hinto si Joshua.
Dahil dito'y napa-hinga nalamang ng malalim si Jax, na wari bang nag-iipon ng lakas.
At pagkatapos ay hindi pa man parehong nakaka-layo sina Rain ay bigla nalamang bumilis ng pag-takbo papalapit sa kanila si Jax, and suddenly jumped pass through them. And then, landed infront of their faces.
Dahil dito'y doon lamang napa-tigil sa kanilang pag-lalakad si Rain.
"Te--Teka... Papaano mo---"
"Diba ang sabi ko, tigil?" Pag-puputol ni Jax sa mga sinasabi ni Rain...
Sa puntong iyon ay doon lamang mas bumilis ang pag-tibok ng puso ni Rain.
At dahil iyon sa umaapaw na kabang kanyang nararamdaman sa kasalukuyang presesnya ni Jax.
Or was it really?
"Rain Seo Jeong..."
Jax said his complete name.
"You're coming with me," huling iniwika pa nito, na siyang halos kumitil na sa buhay ng binata...
~ ××× ~
T o B e C o n t i n u e d . . . . .
++
Dedicated ang story part na toh sa dalawa kong kapwa BL Sunrise Series authors na sina Ursula (Windchill_iris) at Joshua (BiembehWrites) na ginawa ko pang characters sa sarili kong Sunrise book entry na ito.😆
Sa ngayon silang dalawa palang muna ang makiki-gulo sa adventures nina Rain at Jax. Pero abangan niyo nalang din po yo'ng iba pa sa mga susunod na chapters. Mag-a'appear din sila. Iyong iba as cameo appearances lang, iyong iba naman, as regular cast, similar kina Joshua at Ursula. Lahat sila nag-e'exist sa story na toh. Basta pakatutukan niyo nalang!
Anyway, if you love this chapter, don't forget to hit that star button and comment down your thoughts below. It is highly appreciated, thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro