kabanata 9
Kabanata 9
"She said that?"
Mahina akong tumango bilang tugon sa tanong saakin ni Giovanni. Annoyance is clearly visible in his question. It's already one in the morning yet we're still stuck beside each other.
Kanina pa kami nakaupo at tahimik na dinadama ang malamig na hampas ng pang madaling araw na hangin. All we could see is the pitch black background with small city lights that glitter in the breathtaking scenery. It is cold, but we're comforted with each other's warmth.
Matiyagang naghintay saakin si Giovanni na kulmalma. I was too confused to where to start with. It took hours before I came out with an explanation. At hindi ako pinwersa ng lalaki na magsalita. He patiently waited for my explanation.
"Did you clear that to them? Kina Tita at Tito?"
Umiling ako ulit. Napako lang ang tingin ko sa paanan ko na hindi umabot sa lupa. Dahil mas matangkad saakin si Gio ay may pagkakataon syang makaapak sa lupa kahit na pareho kaming nakaupo sa hood ng sasakyan nya.
Inilihis ko ang tingin at sumagot.
"I tried telling them that Juanita isn't my girlfriend. Pero hindi ko natapos ang dapat na sasabihin. I don't know what to do anymore. I'm too stunned, confused and lost."
Naramdaman ko ang pagkatigil ni Giovanni dahil sa sinabi ko. I tried looking at his eyes but he just avoided my gaze. Nasa malayong kawalan ang mga mata nya. Pero kahit na ganoon ay nagpatuloy pa rin sya sa sasabihin.
"You doesn't like her, right? You didn't show any affection towards her when you were together, diba?"
"Sino? Si Juanita?"
He look down to take a quick look at my face. Tumango rin sya.
"Tell me you didn't, West."
The hope in his eyes were visible. Hinihintay nya na kumpirmahin ko ang sinabi nyang iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili na bahagyang ilihis ang usapan para hindi nya makuha ang sagot ng deritso. Mabilis naman na gumunaw ang pag-asa sa mga mata nya nang marinig ang sagot ko.
"Maybe I like her..." I said in my confused and trembling voice.
Mas lalong natigilan si Giovanni. Hindi na nya halos iniwaksi ang mariin na tingin saakin. His piercing eyes is waiting for me to finish my sentence. He is telling me to finish my words just like how he wanted it to sound.
I pursed my lips. Hindi ko kayang tignan ang mukha nya lalo na dahil sa reaksyon nyang iyon. I played with my hands a little before answering.
"... I like her as a friend. Iyon lang naman ang tingin ko sakanya."
"Good." tipid at mabilis nyang tugon sa sinabi ko sabay sandal sa windshield ng sasakyan na para bang nawalan sya ng tinik sa lalamunan.
Since I was sitting beside him, he successfully grabbed me along with him. Pareho kaming napasandal sa sasakyan nya. Ang madilim naman na kalangitan ang sumalubong saakin.
"May iba pa ba syang ginawa sayo?" usal naman ni Giovanni nang mamayani ang katahimikan saamin.
"Nothing. I was just disappointed, Gio. Siguro nagbibiro lang sya nang sabihin nya iyon. I can talk to her again and ask her politely."
He was stunned.
"Don't. She's rotten and she's not kidding, West. She just claimed you as her boyfriend infront of your parents. That woman likes you. Hindi mo ba iyon napagtanto?"
Umiling ako. Napakuyom rin ako sa sariling kamao nang maalala ang sinabi ni Juanita kanina. Galit ako sa sinabi nya pero kahit papaano, nagawa nya pa rin na tulungan kami.
"I know what you're thinking, West. Kahit saan mo titignan, mali ang ginawa nya. She offered you her help, but she's also waiting for something in return."
I tried hard not to bite my lips. Binitawan ko nalang ang mahigpit na pag kuyom sa sariling kamao at nag buntonghininga.
"Ano naman ang gusto nyang makuha saakin kung ganoon? I only got nothing in my hands."
Kung titignan, parang ako pa ang may kailangan sakanya. She almost got everything she wanted in life. The fame, money and reputation. Habang ako ay wala lang. Isang simpleng estudyante na napadpad sa mga mayayamang kaibigan.
Isang simpleng bato sa gilid ng sapa. While on the other hand, Juanita is the flower that attract the crowd. Magkaparehong uri sila ni Giovanni at ng iba ko pang mga kaibigan.
I heard Giovanni heaving a sigh. Napukaw nya tuloy ang atensyon ko.
"She's slowly cornering you, West. Ano sa tingin mo ang dahilan para sabihin nya 'yun sa harapan nina Tito? She want them to pressure you to like her back."
Kahit na may punto naman ang sinabi nya, tinawanan ko lang iyon.
"You're judging her completely without knowing her reasons. Huwag nalang na 'tin syang pangunahan, please, Gio?"
He let out a single chuckle, "You're making this hard, West."
"Why? Wala naman akong ginagawang masama, ah?" I answered while trying my hardest to keep my eyes open. Iilang segundo pa bago ako nagpakawala ng isang hikab.
Pero kahit na gusto nang umidlip ng mga mata ko ay patuloy pa rin ako sa pakikinig kay Giovanni. I heard him heaving a sigh again.
"Palagi mong pinapairal ang kabutihan sa bawat sitwasyon. Only few believes with the quality of benevolence. There is still kindness, West, but don't be too generous and consider the possibility of cruelty."
Mas lalo akong natahimik dahil sa punto ng sinabi nya. Of course he's right. There is always something lying underneath the covers. Pero kahit na ganoon, hindi ko mapigilan ang sarili na alamin muna ang buong detalye bago manghusga.
Dahil hindi ako tumugon ay nagpatuloy sya.
"I'm not telling you that you're wrong. I'm just reminding you about the harsh reality, West. Baka umabot sa punto na sa sobrang pagbibigay mo ng tiwala sa iba, wala nang matitira sayo. Ayaw ko na mangyayari rin iyon sayo."
Hindi ko namalayan na nahulog pala ako sa malalim na paghimbing habang nakayapos kay Giovanni nang mga panahong iyon. Nagising nalang ako dahil sa mahina nyang pagtawag sa pangalan ko.
When I opened my eyes, it's already bright outside. Kinapa ko ang mukha at umayos ng upo at tinignan ang katabi. Inunat nya ang kamay sa ere at ngumiti saakin.
"Good morning, West." he greeted in his beams. Halata na hindi ito nakatulog dahil saakin.
"G-Good morning. Sorry, nakatulog ako. Masakit ba ang braso mo?" tukoy ako sa braso na hindi nya naigalaw buong magdamag dahil sa pagyapos saakin.
Nilingon nya naman ang sinasabi ko. Tinuro nya iyon at umiling lang.
"I should be the one who should be sorry. Ginising kita kahit na sobrang himbing ng tulog mo."
"Uh, thank you."
Maliit akong napangiti dahil sa sinabi nya. I can't believe that we stayed outside talking about my problems again. Binalik ko nalang sa harapan ang tingin. Ngayon ko lang rin napansin na papasikat na ang araw.
My eyes were shining while looking at the sunrise. The ocean seem small since we're at the top. Pero kahit na ganoon ay sobrang ganda pa ring tignan ng papasikat na araw.
The cloudless morning is slowly telling us that this day will be a sunny one. Pero kahit na ganoon ay hindi ko parin nakukuhang sumaya.
This day will be a sunny one, but it doesn't guarantee that I'll have a bright day. Ngayong araw ay kahaharapin ko na naman ang panibagong pighati na naghihintay saakin pagbalik.
"I know how much you like sunrise. Kaya kita ginising."
Tumayo si Giovanni galing sa pagkakaupo at matayog na humakbang sa harapan. His huge back is facing the whole view. I witnessed how he magically absorb all of the morning light I saw. My eyes were only focused on him.
"Next time, we'll witness the sunset together." I murmured underneath my breath.
He just glanced at me and nodded his head.
"Of course, we'll enjoy the sunset together soon. That's a promise."
Even after that day, I realized that Giovanni successfully made my day lighter. Hindi ko kayang akalain na kaya nyang gawin iyon sa loob ng iilang oras na magkasama kaming dalawa.
He just naturally comforted me using his own words. Giovanni knows how I break, but he also developed a unique way to cheer me up in my saddest days.
Pero kahit na ganoon, hindi pa rin pwedeng maiwasan ang lungkot lalo na ngayon sa mga nangyayari. But I tried looking my best even if I am slowly breaking inside.
"Where did you run off last night?" Carille asked after she finished collecting her pens.
Tumigil ako sa pagtitipa sa inaasikasong PowerPoint presentation at binalingan sya. Alex and Charlie is also waiting for my answers.
"Somewhere peaceful." I simply said while I made a thorough look on my textbook. Pero mabilis rin akong nag-angat ng tingin ulit nang magsalita na naman si Mariel.
"I don't like that woman. Kaagad syang umakto na parang girlfriend mo nang makaalis ka. She clearly lied infront of your parents."
I worriedly check Charlie when he started groaning like a wounded animal. Inunat nya ang kamay sa lamesa at nagpangulambaba akong tinignan.
"She's right, Ley. Pero teka nga, klaruhin mo muna kung ano kayong dalawa. Is she your girlfriend? o baka nililigawan mo 'yun?"
Alex chuckled and took a single bite on his food before tapping Charlie's arms, "He's quite not a fan of commitments, Charlie. Noong nakaraan nga, sinabi nyang wala syang mapapala kung magkakaroon sya ng girlfriend."
"That's a relief then. Ayaw ko sa babaeng 'yun." Carille interrupted in her upset voice.
Hindi naman ako halos makapagsalita dahil sa klarong pag-ayaw nila kay Juanita. Gusto kong sabihin na hindi nila dapat sabihin ang mga bagay na iyon patungkol sa babae pero tumahimik nalang ako at napiling sagutin ang tanong ni Charlie.
"She's not my girlfriend. Hindi ko rin sya nililigawan. I thought we're only hanging out to have fun."
Napayuko ako dahil sa sinabi. It's the truth. It was fun spending time with her. Akala ko pareho kami ng opinyon patungkol sa ginagawa naming dalawa. But then again, all of my actions were misunderstood.
Baka inakala ni Juanita na gusto ko ito dahil doon. And I want to clear that out. Gusto ko itong makausap para klaruhin na hindi ko iyon intesyon.
"Isn't that Vicky?"
Napukaw na naman ang buong atensyon ko nang bumulong si Mariel sa katabing si Alex. May tinitignan sila sa gilid ko kaya naman marahan akong lumingon para tignan kung sino ang pinag-uusapan nila.
But I failed to spot the woman they're talking. Wala akong kilalang Vicky kaya naman binalak ko nalang na hayaan sila at asikasuhin ang ginagawa. I need to finish my presentation now so I could visit my sister in the hospital later.
"She look like a god-damned Goddess. Hindi ko masisi si Giovanni na magustuhan sya. I mean-c'mon, look at her. She's a perfect example of screaming beauty and elegance." Charlie complemented in his dreamy voice.
I stopped typing and fully face my body to them. Nagkatinginan kami ni Mariel dahil sa mabilis na reaksyon na nakuha nila galing saakin.
Alex elbowed Charlie for mentioning Gio's name. Inaakala pa rin nila na hindi pa kami nagkaka ayos ng lalaki. But I wasn't focused to that.
Giovanni likes Vicky. May nagugustuhan syang tao at hindi ako. Isang babae.
"Ikaw kasi Charlie! Tignan mo tuloy ginawa mo." Carille said in her small voice.
When she noticed the sudden change in my atmosphere, she quickly tapped my back to comfort me. Inakala nila na hindi ko nagustuhang marinig ang pangalan ni Giovanni.
But that wasn't the case. I was upset with the news of him liking a woman. A total opposite. I expected this kind of situations but I couldn't act properly because of it.
I am deeply hurt.
Pero nilunok ko nalang ang nararamdamang iyon at nagpatuloy sa pagtitipa na para bang wala lang saakin ang narinig. Nagkatinginan naman silang apat dahil doon. I acted as if I never saw them sharing that look.
"He haven't contacted you yet? Si Giovanni?" Mariel asked. She immediately averted her gaze when she saw me slowly closing my laptop.
"Yeah. We haven't talked yet."
"Don't mind him, Ley. He's always been like that. Hayaan mo na." Alex cheerfully said while picking something in his pocket.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at umakto lang na walang pakialam. I acted as if it wasn't big of a deal even if I am tearing down inside. That's how life will go. Hindi aayon saakin ang panahon. If that's how it'll go, then so be it.
I don't care if I am bleeding. Wala na akong pakialam kung masaktan man ako ng todo. Gagawin ko nalang itong daan para kalimutan ang lahat.
Maybe if I broke down into tiny little pieces, my feelings will fade along the way. Gagawin ko 'tong daan para imulat ang sarili na hindi pu-pwede ang nararamdaman ko.
Nag buntonghininga nalang ako at ipinikit ang mga mata ng iilang segundo. Mabilis rin naman akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang boses na hindi ko inaasahan.
"Bakit mag-isa ka lang?" Ginny, my mother, asked in her authoritative voice.
Nasa loob na ako ng hospital room ni Kenny at iyon kaagad ang ibinungad nya nang makita akong nakaupo sa bakanteng upuan. Bumaba ang mga mata ko sa kamay nyang walang dala ni isang supot na prutas. Hindi ko nalang iyon pinansin at sumagot.
"Ma." sagot ko sabay tayo para mag mano, "Nasaan si Papa?"
"Sagutin mo ang tanong ko, Weasley. Bakit mag-isa ka lang? Bakit hindi mo dinala si Juanita?"
At one glance, I could tell that she's upset with the news of me visiting Kenny alone. Hindi ko nalang iyon ginawang masama at iniayos ang pagkakalagay ng mga prutas na dinala ko kanina. Natapos ko na iyong gawin pero inasikaso ko pa rin ito. I don't want to look at my mother at times like this.
Napailing nalang ako sa sarili dahil sa kagustuhang ipitin pa ang sarili sa sitwasyon. I can't just shrug off the idea that she's implying right now.
"Bakit kailang kasama ko si Juanita sa pagdalaw sa kapatid ko?" I asked while picking up the white flowers I bought. Nilingon ko rin ang kinalalagyan ni Mama. Nag sasalubong na ang dalawa nyang kilay.
"Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan! That woman helped your helpless sister. Dapat lang na dalhin mo sya rito!"
I chuckled in disbelief, "Bakit parang mas mahalaga pa sayo ang ibang tao, Ma? Shouldn't you think more about your daughter?"
Halos silaban na si Mama dahil sa sinabi ko sakanya. But she remained in her composed facade even if it is already visible in her face. She wanted to shut me off right now since I am making a point.
She'll later on label this as a huge disrespect towards her as my parent. At nang tuluyan nang napigti ang pasensya nya ay pabagsak itong lumapit sa kinalalagyan ko.
"That's what I am doing right now! Kaya nga ako nandito ngayon! Istupido!" she uttered angrily.
I stopped to breath properly. Kung hindi ko iyon gagawin, pakiramdam ko ay sasabog na ako dahil sa pinaghalong pighati at galit na nararamdaman.
"Kung hindi ka nagpupumilit patungkol kay Juanita, iisipin kong nandirito ka para kay Kenny." I added while staring back at my furious mother.
At hindi ako nagkamali nang lapitan nya ako para sampalin. Her hands fit perfectly in my right cheek. Tumatak ang kuryente galing sa kamay nya papunta sa buo kong katawan.
The numbness of the impact made me realize that I really hit her button. Mas lalo akong natawa. Hinawakan ko nalang ang pisngi na sinampal nya at tinignan ulit si Mama. I don't want to create another trouble between us, but I couldn't shake the thought of her prioritizing other people's feelings before her family.
Hindi ako makapaniwala na kaya nga iyong gawin ni Mama. It's always been like this. Palagi kaming nasa huli lalo na kapag si Mama ang pinag-uusapan. Pero hindi ko iyon matatanggap ngayon.
At least show a little compassion over what happened to Kenny. Pero ano ang ginagawa nya? Unang lumabas sa bibig nya ay ang pangalan ni Juanita.
Iniling ko nalang ang nasa isipan. Nag papa-salamat ako sa ginawa ni Juanita, pero pakiramdam ko ay may mali.
"Umalis ka dito!"
Nanlaki ang mga mata ko nang ihagis ni Mama ang gamit ko sa labas. I hurriedly run after my things and look at my distraught mother. Dinuro nya ako ng isang beses at mapangbantang tinignan.
"Huwag na 'wag kang babalik rito kung hindi mo dala si Juanita! Kung hindi dahil sakanya, baka nasa bingit pa rin ng kamatayan 'yang kapatid mo!"
"Ma! Ano na naman ba 'tong ginagawa mo?!" I tried calming her down but she successfully shut the door close.
Mabilis ko itong tinulak pero huli na ako dahil tapos na itong mai-lock sa loob. I wanted to shout in frustration but I halted my anger.
Ayaw kong gumawa ng mas malaking gulo. Baka hindi na ako makabalik rito sa ospital dahil lang sa pagsigaw at pang-iistorbo ko sa ibang pasyente.
Defeated, I flew back to my apartment. Gusto ko mang doon na magpalipas ng gabi sa ospital ay wala na akong magagawa pa.
Pakiramdam ko ay pinagkaitan ako ng karapatan sa kapatid ko. She's hopeless right now. Hindi pa rin sya nagigising na mas lalong kinaiinis ko. I already reported what happened to the authorities. Pero wala pa ring balita patungkol doon.
Ipipikit ko na sana ang mga mata nang biglang tumunog ang telepono ko na nasa side table ng kama. Nag buntonghininga nalang ako at mabilis itong kinuha para sagutin ang tawag.
My forehead knotted when Juanita's name flashed on my screen. Pikit mata ko itong sinagot. Gumilid rin ako at inilagay ang cellphone sa kabilang tenga.
"Juanita, napatawag ka?" bungad ko rito. I heard her breathing fairly over the line.
"Hi! Nadisturbo ba kita?"
"Hindi naman. Bakit ka pala napatawag?" pagsisinungaling ko rito.
Of course she disturb me. Nag-iisip ako ng panibagong gagawin para mapausad ang problema patungkol sa kapatid ko. Pero Hindi ko nalang iyon sinabi pa.
"I called just to ask about your sister's condition. Kamusta sya ngayon? Did you visit her already?"
Gusto kong mag buntonghininga pero pinigilan ko nalang ang sarili. It's not her fault when my mother kick me out of Kenny's room. Hindi kasalanan ni Juanita nang paburan sya nina Mama.
She helped us. At malaking bagay ang ginawa nyang pagtulong saamin. I don't want to cultivate hatred towards her especially now that the reason is trivial.
Umayos nalang ako sa pagkakahiga at inituon ang tingin sa puting kisame.
"I did. Pero umuwi rin ako kaagad. I needed to finish my report on time." I said, lying again about what really happened.
"That's good to hear. Anyway, hindi talaga iyon ang reason ko why I called you late at night." Juanita said, obviously indicating something.
Hindi ako sumagot at hinayaan ang babae na magsalita. Hinintay ko ito na sabihin ang gustong sabihin.
"My dad heard about what happened to your sister." she stopped for a while to breath, "He told me that he wanted to help."
Mas lalo akong namoblema dahil sa sinabi ni Juanita. Napahawak ako sa sariling ulo dahil sa pagsakit nito.
"No it's fine, Juanita. You already helped my sister, that was already enough. Hindi ko na kaya pang tumanggap ng panibagong tulong galing sayo." I seriously said.
Totoo naman ang sinabi ko. I am thankful with the help she could easily provide. Pero kahit na ganoon, hindi ko kayang iwaglit sa isipan na masyado ng bumibigat ang ginagawa nyang tulong.
It burden me and I don't want to think that she's doing this because she's expecting something in return. Ayaw ko na gawing rason ang sinabi ni Giovanni, pero pakiramdam ko ay tama ito patungkol kay Juanita.
"Really?" she deeply said, indicating that she's not satisfied with what she heard, "Are you sure about that? Kasi, Weasley, my dad already made a move. I can't just make him stop when he already exerted an effort."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Napasuklay rin ako sa sariling buhok dahil sa sinabi nito. What's the point of telling me about the help she's talking about when it's already on the process? Iniling ko ang ulo dahil rito.
"Weasley? Nandyan ka pa ba?" tanong nya nang kinain na kami ng katahimikan.
"Yes, I'm still here."
I nodded my head even if she couldn't see it. She then heaved a sigh of relief when I answered her question. Pero hindi ko na talaga alam ang gagawin pa. I don't want her to help us again. But she already decided what to do, making it hard for me to stop her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro