Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 8

Kabanata 8

Sa huling pagkakataon ay tinulak ko si Giovanni. He just look at me in dismay. Pero hindi ako nagpatinag at pinahid ang mga namuong luha sa mga mata ko. Seeing me crying like this is already enough for this tiring day.

Kailangan ko pang balikan si Kennedy.

"Where are you going?" he asked in his small voice the moment I successfully pushed him away. Tumayo rin sya sa pagkakaluhod at pinagpagan ang nadumihang suot. His eyes weren't shining just like they used to.

Inilihis ko nalang ang tingin para iwasan ang mga malulungkot nyang mga mata. I can't focus because of my trembling hands.

"Kennedy needed me. Babalik na ako sa loob. Kung meron ka pang ibang pupuntahan, pwede ka nang umalis. Thank you... for being here." it is visible in my voice how much I cried.

Umiling lang sya saakin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko pero nagsimula na akong umalis. I'm still trying to dry my tears away. Ayaw ko na makita ako ng ibang tao na luhaan.

They might think that crying is unmanly. Baka ano na naman ang isipin nila kapag makikita nila akong luhaan ng ganito. Baka pagtawanan nila ako.

But then again, if everything is already falling into hopelessness, was it a crime to cry the pain away even if you're a man?

Kung sabagay, they expect us to be strong and resilient. Kasi lalaki ka. They expect you to be strong enough to bottle up your emotions and throw them away for the fear of its explosion. The scary blast of our emotions could possibly ruin our image as a man.

Mahina akong natawa dahil sa mga naisip. Nasa kritikal na kondisyon si Kennedy pero heto ako at nag re-reklamo sa kung anong paningin ng ibang tao saakin.

I am selfish. Walang silbi at mapagkunwari. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang sariling ulo. I am lost in the situation that I couldn't control. Para akong bata ba nangangapa sa dilim habang walang alam kung ano ang kahihinatnan.

Naglakad nalang ako papasok sa loob ng ospital habang mahinang natatawa. Sa exit ako dumaan. Pero matapos ang iilang paghakbang papasok ay tuluyan akong napahawak sa sementadong dingding.

Nagsi unahan na naman ang mainit kong mga luha. Pero kasabay ng pagluha ko ay ang pag-atake saakin ng pamilyar na pabango. A familiar scent made me look back.

At nakita ko nalang si Giovanni na patakbo akong ikunulong sa sariling yakap. And I cried. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak kahit na sinabi ko na sa sarili na tapos na akong lumuha.

"It's fine, West. I'm here. I'll protect you. 'Wag ka nang mag-alala, hm? Your sister is strong like you, she'll be fine." he said as I slowly snake my arms into his body, totally giving up with the thought of pushing him away.

"She'll be fine, you know that." dagdag nya pa habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko.

Tumango ako habang mahinang pinapakinggan ang pagbulong nya saakin. He's assuring me that everything will be fine even if it seems like the end is near.

After crying like a child, I let go. Ngumiti lang sya saakin at malungkot akong tinignan. He caressed my cheeks slowly and wiped my tears using his thumb.

"Do you feel more better now?" tumango ako sa tanong nya. Kaagad rin na nahulog ang mga mata ko sa kamay nyang nakakonekta saakin, "Do you want something? I'll buy you foods. Kanina ka pa ata hindi kumakain."

"Hindi ako nagugutom—"

He cut me off, "—no, you need to eat. Wait for me here. Bibili lang ako ng pagkain sa labas. I'll be back, okay? Don't be sad. Babalik ako, I promise."

His words sounded as if he's promising the eternity. Napangiti nalang ako at wala sa sariling napahawak sa sariling pisngi na hinawakan nya kanina. Kahit na kanina pa sya nakaalis ay hindi pa rin ako nakalakad papasok.

I am sad with the current situation, but I can't stop myself from feeling oblivious with the way he comforted me. He knows how to calm me down. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya.

Pero nang nawala sya ay ang sya namang panunumbalik ng sakit at pag-aalala sa dibdib ko. Dahil sa biglaang pagbalik ng kaba ay wala akong ibang nagawa kundi ang puntuhan ulit si Kennedy.

Malayo palang ako ay tanaw ko na sina Mama at Papa na kausap ang mga kaibigan na naiwan sa harapan ng emergency room. Patakbo naman akong lumapit sa kanila.

I remembered how my mother despise my friends. Baka ano na naman ang sabihin nya gayong nandito sila Carille at ang iba pa. Nakakunot ang noo nila ni Papa nang makita akong papalapit sa kanila.

"Bakit nandito 'tong mga kaibigan mo, Weasley?"

Gusto kong mapairap dahil sa unang itinapon nilang tanong saakin. Hindi tinanong ni Mama ang kalagayan ni Kennedy, bagkus nagtanong sya patungkol sa mga kaibigan ko na pumunta rito para samahan ako.

Our mother isn't interested with Kennedy's condition. Kung tutuosin, dapat ang kalagayan ni Kenny ang una nilang tinanong.

"Nasa emergency room si Kennedy, Ma." mariin kong saad nang makaharap ko na sila.

Nagbabasakali ako na sa pamamagitan ng sagot ko ay maalala nila na nasa kritikal na kondisyon ang anak nila. She should be their first priority the moment they know about what happened to their daughter.

But the reaction in her face told me that she doesn't care. Mas lalong tumalim ang mga mata nya. Pa balik-balik nya rin kaming tinignan ng mga kaibigan ko na nasa likod ko lang at nakaupo sa gilid.

"Wag mong ibahin ang usapan. Tinatanong kita. Anong ginawa nila rito?" mariin ring sagot ni Mama.

Napailing ako dahil doon. I was about to answer when Papa spoke.

"Tigilan nyo na nga 'yan, gumagawa kayo ng gulo rito. Nag e-eskandalo kayong mag-ina, wala ba kayong kahihiyan man lang?"

Kay Papa naman napako ang tingin ko dahil sa sinabi nya. Pero imbes na makinig ay iniwakli lang ni Mama ang hawak nya sakanya. Sya naman ang hinarap ni Mama. She was about to speak when a doctor cleared his throat.

Sabay kaming napalingon sa kakalabas lang na doctor. Mabilis akong lumapit sa kanya upang magtanong.

"How's Kennedy, Doc?"

Lumihis lang ang tingin saakin ng Doktor na syang kinainis ko. Kina Mama at Papa na nasa likod ko dumapo ang mga mata nito.

"Are you the patient's parents? Kailan ko kayong makausap kaagad."

Napabuntong hininga si Mama dahil sa sinabi nito, "Anong nangyari sakanya, Doc?"

"Apparently, your daughter's hyoid is severely fractured. We also detected an abnormal bleeding in her gums. The bruises in her body is in serious condition that formed a larger accumulation of blood under her skin." tumigil ang doktor sandali at mahinang huminga, "She's under hypovolemic shock. She needed blood as soon as possible."

I stepped in without thinking, "I can give my blood to her, Doc."

Nasa akin tuloy ang paningin nilang lahat. Hindi ko pa kayang i-proseso ang lahat ng sinabi ng Doktor na umasikaso sakanya pero handa akong tumulong hanggang sa makakaya ko. She's my sister after all.

"That's good to hear. Magka match ba kayong dalawa ng pasyente? She's AB negative."

Kaagad na napaurong ang dila ko dahil sa narinig. Malungkot akong napailing.

"Type A ako, Doc."

Nalunod lang sa hangin ang sinabi ko dahil sa pagsapaw ni Mama. Sakanya tuloy nabaling ang buong tingin ko.

"Si Kennedy lang ang AB negative saamin, Doc. Papaano 'yan?"

"Well, you needed to find a blood donor this quick. Kailan ng pasyente ang dugo ng mabilis."

The disappointment and anger is visible on my parents' faces. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong naiinis sila sa sitwasyon. Not because Kennedy is in critical condition, but because the incident will create a commotion among our parents' friends.

Magiging laman ng chismis ang nangyari. And our mother dislike being in the center of that kind of embarrassment.

"Ano ba kasing nakain ng batang 'yan at lumayas-layas pa? Tignan mo ang mangyari. Nakakahiya!" madiin na bulong ni Mama.

Tinikom ko ang bibig at hinayaan muna ang Doktor na makaalis. I don't want to be rude infront of my friends pero hindi ko kayang ipagkibit balikat ang sinabi ni Mama.

"Hindi ka ba naawa kay Kenny, Ma?" pagsabat ko sa kanila. Ang matalim at mapangliit na mga mata ni Mama ang sumalubong saakin, "She's in critical condition yet you're blaming her. Hindi ba pwedeng iisangtabi mo muna 'yang galit at inis mo sakanya?"

I watched my mother's eyes shines in annoyance, "Where's your respect, Weasley? Ina mo ako, hindi mo dapat ako tina-tratong ganyan!"

"My respect is long gone, Ma. Kung maka trato kayo kay Kenny, parang hindi nyo anak!"

Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ay may pumigil na saakin. A frail hand touched my arm causing for me to stop even if I am at the middle of releasing my anger.

Juanita's eyes were focused on me. She smiled apologizingly causing for me to crease my forehead.

"Uh, sorry to interrupt po. Pero I think I could help." she said in her small voice. Pero hindi ko sakanya inituon ang buong atensyon.

I tried continuing my words but my mother cut me off by using her usual ire tone. Kay Juanita dumapo ang galit na galit nyang mga mata.

"At sino ka naman, aber?"

Bumaba ang kamay ni Juanita sa kamay ko dahil na rin siguro sa kaba sa sinabi ni Mama. Hindi naman iyon nakawala sa paningin nya. She raised her eyebrow in annoyance. Binalik nya rin sa babae ang mapanukat na mga mata.

"I'm Juanita po. I'm with Weasley."

Mas lalong nangunot ang noo ni Mama, "Babae mo ba 'to, Weasley?"

Natahimik ako sa agaran nyang tanong. Pero si Juanita ang naunang sumagot kaysa saakin na syang ikinalaki ng mga mata ko.

"I'm..." Juanita glanced at me and winked, "...Weasley's girlfriend po."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Mabilis akong napalingon sa naging reaksyon ng mga magulang ko dahil sa sinabi ni Juanita. They're speechless like me.

"Juanita, what are you talking all about? You're not my—"

Juanita tried to touch me but I avoided her hand. Pero kahit na malinaw kong pinapakita na hindi ko nagustuhan ang sinabi nya, nagpatuloy pa rin ito.

"It's time to tell them, Weasley. Besides, I am willing to help your sister. I happened to be AB negative rin, eh. Baka makatulong ako sainyo."

Simpleng tango lang ang nakuha namin kay Mama. Mas lalo akong napanganga dahil sa sinabi ni Juanita. She said those words lightly as if it doesn't matter.

Malaking bagay saakin ang sinasabi nya. Claiming to be my girlfriend infront of my parents is a big deal.

Pero kahit na wala halos naging tugon sina Mama at Papa sa sinabi ng babae, hindi ko pa rin nagustuhan ang ginagawa nya.

She's feeding them lies. Wala akong balak na ligawan sya o di kaya'y gawin syang girlfriend. This is getting out of hand!

I was about to burst out when I saw my parents' faces. Hindi nila nagustuhan ang nalaman galing kay Juanita pero may bahid parin ng pagkamangha at ginhawa sakanila.

They're not mad with the news of Juanita being my girlfriend. Bagkus, ay mas nanaig sakanila ang balita na handang tumulong ang babae kay Kennedy.

I'm too caught up in the situation. I can't even handle my emotions properly. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, ang sinabi ba ni Juanita o ang mga ginagawa nila Mama at Papa.

Our mother is now shutting her mouth to show the person who willingly offered their kindness that she's not capable of hurting them. Pinapakita nya na naman ang maamo nyang mukha para mas lalo syang mabigyan ng simpatya ng iba.

Hindi ko na napigilan ang sarili na umatras hanggang sa mawala ako sa harapan nila. I was too occupied that I never realized how far I run off.

Namalayan ko nalang ang sarili na nakatayo sa may bukana ng ospital. Trying to spot someone in the middle of the small crowd.

I'm too stunned to digest the whole situation. Sinampal saakin lahat kung papaano naging kakatawa-tawa ang sitwasyon. Every ropes that could led into light is now tangled.

My parents are capable of turning the whole story upside down. Kayang-kayang sabihin ni Mama kung gaano katigas at ka walang modo si Kenny. I know somehow, she'll twist the story and put the blame on her.

Kasi alam na alam nyang sya ang maiipit sa istorya. She's the reason why Kennedy run away from home. O kung lumayas mas sya o hindi, responsibilidad nila na hanapin sya dahil anak nila ang nawawala!

But look what happened now. They thought that Kennedy willingly run off with her boyfriend well infact she was unknowingly beaten to death by a mere someone.

Pati si Juanita, mas lalo nyang pinapagulo ang sitwasyon. I can't come out with any possible way out.

I am trying to establish credence under my name so that my parents will trust my judgement more. But Juanita happened to ruin the years of making it possible. Sinira nya lahat ang mga plano ko na patunayan kina Mama na kaya ko ang sarili.

"West?"

As soon as I heard the familiar sweet tone, I stood up and followed the voice and hug the person I tried spotting in the midst of the busy crowd. His warm and sturdy body made me realize that someone is willing to take my side whatever happens.

A small sob escaped from my lips. I'm too vulnerable to think about the number of people that might saw us. Mas lalo kong binaon ang sarili sakanya lalo na nang nagsimula syang magtanong.

"What happened to you? Why are you crying? May masakit ba sayo? May nangyari ba?"

I shake my head, saying no. Naramdaman ko rin ang mahinang paghawak nya sa balikat ko. I felt him covering my upper part using his leather jacket. Tinago nya ako sa pamamagitan ng kulay itim nyang jacket na mas lalong kinahikbi ko.

He doesn't want others witnessing me cry. O siguro ayaw nyang makita na magkayakap kaming dalawa. But whatever the reason, I don't care anymore. Ang gusto ko nalang ay ang lumuha at lumuha.

"Ayaw mo ba dito? I'll drive you somewhere peaceful to calm your mind." his soothing voice is enough to calm me down. Pero hindi ako nagpahalata na iyon nga ang nangyayari.

Tipid akong tumango bilang tugon sa sinabi nya, para akong bata na nagsusumbong sakanya. Kulang nalang ay ang pumadyak ako habang umiiyak sa bisig nya.

"But I don't want to let you go, Gio. Dito lang ako."

"I didn't told you to let go. Kumapit ka lang saakin, okay? Just close your eyes and walk. Ako na ang bahala."

Ginawa ko ang lahat ng sinabi nya. I felt his arms wrapping around my body. Unti-onti rin syang naglakad habang tinatago ako sa gitna ng jacket nya. Sumabay ako sa maiingat nyang lakad habang naiiyak na dinadama ang mabilis na tibok ng puso nya.

I could hear his wild heartbeat racing fast. At kapag may kumakawalang ligaw na hikbi sa bibig ko ay bahagya syang napapatigil.

At nang tuluyang syang huminto ay tuluyan na nya akong pinakawalan. His face is the first thing I saw when I raised my head and opened my eyes.

His assuring eyes stared at me as if he was memorizing all of sides of my face. Sa huli ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Iniwan lang kita ng iilang oras, tapos pag balik ko ganito na. What did they do to you, West? Sinaktan ka ba nila? May nangyari ba kay Kennedy?"

Nahigit ko ang hininga nang mas lalo nya akong binaon sakanya. I just stayed silent and he respected that. Hindi na rin sya nagtanong pa at hinayaan ako na yakapin sya ng iilang minuto.

Hindi ko na napigilan ang sarili na ipikit ang mga mata lalo na nang tumama ang hininga nya sa leeg ko. His breathing isn't fair like mine. May kung ano na namang kumikiliti sa sistema ko na hindi ko halos maipaliwanag.

Imbes na makinig sa sarili ay ako ang naunang bumitaw saaming dalawa. I don't want to cause any heartbreak now.

Yumuko nalang ako dahilan para tuluyang mapansin ang pinamili nyang dala. Hindi ko halos namalayan ang nga pagkain na iyon. He have the full access to raise my head to face him successfully.

"Go inside. Aalis tayo para mas lalo kang kumalma. This place is suffocating. I hate it here." he said while glancing at the front seat of his car that he just opened.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango at idiposito ang sarili sa loob. I played with my hands while bitting my lower lip. To try calming myself down, I tried glancing in his direction.

Pero mas lalo akong kinabahan lalo na nang makita na ganoon rin ang ginawa nya. Kanina pa kami lulan ng sasakyan nya. We're going somewhere high.

At nang tuluyan na tumigil ang sasakyan nya sa gilid ng kalsada ay mabilis syang bumaling saakin.

"Mauna ka na sa labas. I'll take good care with our food. Kukunin ko rin ang extrang damit ko sa likod. Here, take this." he said in his simple yet calm voice, inabot nya rin saakin ang itim nyang jacket.

Ang tanging naiwan sakanya ay ang puti nyang damit na may nakalagay na japanese symbols sa may dibdib.

My forehead knotted, "P-Paano ka? Malamig sa labas."

This is one of the hundred times he handed me his jacket. Mas lalo akong nahiya dahil sa dumaan na mga memorya nya na nakatatak sa isipan ko.

"That's why I'm giving it to you. Malamig sa labas, West. You need something to be warm."

With my flustered face, I went out. Wala rin akong sinabi sakanya matapos nya akong bigyan ng ganoong sagot. Sinuot ko nalang iyon para ibaon ang kaba sa dibdib.

But the beaming city lights hurriedly grab my whole attention. Ang kalungkutan ko ay napalitan ng pagkamangha lalo na nang makita ko kung gaano na kami kalayo sa syudad. I could see the ocean down below.

Ang malaking buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na karagatan. The cold breeze is comforting me in my desperate moments, making me smile.

Ang mga ilaw sa ibaba ay nag mi-mistulang maliit na kandila na nakatirik sa paanan ko. Kahit na sobrang lungkot ng gabi, nakukuha ko pa rin na bigyang pansin ang maliit na detalye na nasa harapan ko.

"It's calming here, isn't it?"

Napalingon ako kay Giovanni nang magsalita sya. Tumambad saakin ang mukha niya na nasisinagawan ng ningning galing sa buwan.

I easily found his eyes. Nakaupo sya sa hood ng sasakyan habang ako naman ay nakatayo sa harapan ng guardrail na nagsisilbing bakod sa pagitan ng highway at ng bangin.

I nodded my head and went back to the view infront. I can't look straight into his eyes after him witnessing my breakdown.

Umihip ang malamig na hangin dahilan para liparin ang maikli kong buhok. Tuluyan ko ring binalikan si Giovanni para tignan kung may jacket na ba syang suot.

Pero tumambad saakin ang cellphone nyang nakaharap sa harapan. His face is visible because of his phone's brightness. Nakita ko rin kung papaano dumilim ng iilang segundo ang ilaw na tumatama sa mukha nya.

He smiled, maybe satisfied with the picture he took.

"What are you doing?" I asked while trying to face him completely. Umilaw na naman ang cellphone nya na indikasyon na kumuha na naman sya ng litrato.

I saw his small smile escaping from his lips.

"The view is beautiful. Hindi ko kayang hindi kuhanan ang nakikita ko. I want to keep the beauty I saw in photograph." he stopped and put his phone inside his pocket, not cutting his gaze from me, "So that when I feel alone, the picture will remind me of the peace and home I saw now."

"Home?" nagtataka kong nilibot ang paningin sa buong lugar.

Puro kadiliman lang naman ang nakikita ko. Maliban sa mga ilaw na nasa baba at ang malawak na karagatan ay wala na akong ibang nakita na pu-pwede nyang tawaging 'home'.

"This is your definition of home, Gio? Iyong malamig at tahimik?" I continued.

Tumawa lang sya ng mahina at kalaunan na tinapik ang katabi nyang lugar. Napansin ko rin na wala pa rin syang suot na jacket hanggang ngayon. Lumapit nalang ako sakanya at akmang huhubarin ang suot na bigay nya.

"Just wear that and come here, West." pang-anyaya nya saakin.

Aalis na sana ako ulit pero nahuli nya ang kamay ko dahilan para tuluyan nya akong mahila at mapaupo sa tabi nya.

He snaked his arms around my back, making me know that I could lean on his arms anytime. Tinikom ko ang bibig at mahinang napa buntonghininga dahil sa biglaan nyang ginawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro