kabanata 6
Kabanata 6
"What do you think you're doing, Gio?"
Naiinis na saad ko. Nasa parking lot na kami. Tanaw ko na rin ang kotse nya sa malapit. He drag me out with him. Alam ko na galit sya pero hindi ko lang halos maintindihan kung saan nangagaling ang pinaghuhugutan nya ng inis.
I am thankful that he helped me out in that risky situation. I appreciate how he defended my name. Pero hindi ako masaya dahil sa tiyak na kakalabasan nang nangyari. That quarrel will create a gap between us.
Alam ko na iyon ang mangyayari. Gio will never look back once a person disappoint him.
Binitawan nya sa wakas ang mahigpit na hawak saakin. Nilingon nya rin ako at blankong tinignan. I couldn't clearly see his eyes. The lights weren't favorable.
Ang nandidilim nyang mukha ay mas lalong nandilim dahil sa kawalan ng ilaw. He look mad and mysterious at the same time.
"I'm not going to argue with you, West. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. They're making fun of you. At hindi nila dapat ginawa 'yon."
Mas lalo akong naguluhan. Mag sa-salita ulit ako nang bigla syang tumalikod. His huge back is now facing me. Ang malapad nyang balikat at hulmang-hulma na pwetan ang sumalubong saakin. Ngayon ko lang rin napansin ang suot nyang puting damit na yumakap ng mabuti sa malaki nyang katawan.
His black pants is also hugging his huge butt. Suot nya rin ang kulay gray na baseball cap. Matapos syang tinignan mula ulo hanggang paa ay bigla nalang syang nawala sa paningin ko.
Wala pala itong sinayang na oras at mabilis na pumasok sa sariling sasakyan. Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang sundan sya sa loob.
I opened the car door. Hindi muna ako pumasok at inisalampak muna sa front seat ang backpack bago nagsalita. Nakatayo lang ako sa labas habang sya naman ay nakatanaw saakin sa loob.
"They're our friends. Maayos lang naman na gawin nila 'yon kasi kaibigan na 'tin sila..." I stopped in the middle of my words when I saw the hint of disapproval in his eyes. Hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.
"I respect your opinion pero mali pa rin ang ginawa nila. Mali sila sa ginawa nila sayo. Ginawa ka nilang biro." he stopped at looked at me seriously. Walang ngiti sa labi nya. A sign that he's upset. "Ginawa nilang biro ang pagiging bakla, West."
He sounded so mad and serious with his words. Na para bang malaking krimen ang ginawa nila Alex at ng mga kaibigan namin.
Para bang may malalim syang pinaglalaban dahilan para umabot kami sa puntong ganito. Alam ko naman na hindi dapat ginagawang biro ang pagiging bakla. Pero hindi ko ito matuunan ng pansin.
My mind is focused somewhere.
"They're my friends!" pagda-dahilan ko ulit. I don't have any idea what to reason out anymore. Pati ako ay naguguluhan na sa pinag-uusapan namin.
"Wag mong gawing rason ang pagkakaibigan at koneksyon mo sa kanila, West. They're our friends and they should know better. They went overboard. Sobra ang ginawa nila. Sila ang mali." mariin na saad nya.
Hindi ko maiwasan na matawa. He looked up to see my face. Nag sa-salubong na ang dalawa nyang kilay dahil sa inis at sobrang pagtitimpi. Pero kitang-kita ko rin kung papaano nagbago ang mukha nya dahil sa pagtawa ko.
It was like my laughter suck all of his anger. Mas gumaan ang mukha nya dahil sa maikli kong pagtawa. Pero hindi ko ito ginawang rason upang tumigil. I continued with my words.
"Bakit, Gio? Inisip mo rin ba 'yan nang gawin mo lahat ang biro mo sa kanila?"
Hindi sya nakasagot sa sinabi ko. He averted his gaze. Kita ko rin ang paggalaw ng panga nya. He is mad again. We are mad. Bumalik na naman ang dilim sa mukha nya. Mas lalo lang iinit ang usapan naming 'to kapag uungkatin namin ang lahat.
"My jokes are funny and light. Hindi kagaya sa kanila." he said in a matter of fact tone, "There's a fine line between them, West. Magkaiba ang biro ko sa kanila."
"You're invalidating them!" hindi ko napigilan na mag taas ng boses, "Nag bi-biro lang naman sila!"
He glanced at me once again, "Okay. Let say that they're only joking and fooling around. Pero nakakatawa ba ang ginawa nila saiyo? Are you satisfied with their remarks? Do you think it was a funny pun, West?"
Ako naman ang hindi nakasagot. Hindi ko gusto ang ginawa nila. It wasn't a funny joke. Sobrang dami ng dumaan na posibilidad sa isipan ko nang tanungin ako ni Alex patungkol doon. My mind was in chaos the very moment.
Pero hindi ko rin kayang sabihin kay Giovanni na tama nga sya ng opinyon patungkol sa nararamdaman ko sa nangyari.
Narinig ko ang pag bu-buntonghininga nya. Binalik ko sakanya ang mga tingin at kaagad na nagtama ang mga mata naming dalawa. A small smile is visible in his face.
"Pumasok ka na. I don't want to argue with you anymore. Kumain nalang tayo sa labas o di kaya 'wag nang pag-usapan ang nangyari." tumigil sya at para paandarin ang sasakyan. Nagpatuloy rin sya, "I don't want to start a fight with you, West. Tama na 'yon kanina kay Alex."
Matagal ko muna syang tinitigan. His assuring smile seduced me to do the exact word he said. Pumasok ako sa loob at sinara ang pintuan habang maliit na napanguso. Nasa harapan lang ang tingin ko pero kita ko ang paghubad nya sa suot na baseball cap.
He put his cap on my head and chuckled. Inayos nya rin ang pagkakalagay nito. Hindi ko napigilan ang sarili na lingunin sya.
His beam is visible again. Parang hindi dumaan sa matinding inis kanina ang mukha nya. He smiled at me. Hinawi nya rin bahagya ang buhok ko.
"Stop pouting and smile. Hindi na naman tayo mag-aaway, diba? We already resolve this issue between us. Kaya 'wag ka ng magalit."
"Hindi ako galit." I blankly responded. Iniwas ko rin ang tingin sakanya dahil sa lapit ng mga mukha naming dalawa.
"You weren't mad? Kulang na nga lang sakalin mo ako kanina sa inis."
"Hindi nga ako galit..." I stopped for a bit to breath. Bumaba rin ang tingin ko sa palad na nasa hita ko, "Nag-aalala lang ako sa mangyayari sainyo ni Alex pagkatapos nito."
He let out a deep chuckle. Umayos rin sya ng upo, pero bago nya gawin 'yun ay pabiro nya munang ibinaba ang cap na suot ko gamit ang malalaki nyang palad. Natabunan tuloy ang mukha ko dahil doon.
I glared at him. Tumawa lang sya at initukod ang siko sa manebela para masuportahan ang sarili. Hinilig nya ang katawan para bahagya akong malingon. Tinignan nya lang ako habang inaayos ko ang baseball cap nya na suot ko na.
"You shouldn't worry about me. Dapat lang ang ginawa ko sa kanila. They should know their mistake. Kung hindi nila matanggap na mali sila, then that's it. Hindi na natin kasalanan na makitid sila kung mag-isip."
Matapos ang usapan na iyon ay dinala nya ako sa isang kainan. We eat happily as if nothing really happened that day. Hinatid nya rin ako pauwi at wala ng ibang sinabi pa maliban sa sinabi nyang alagaan ko ang sarili.
Nahiga nalang ako sa kama at tinignan ang puting kisame. Napagpasyahan ko rin na i-text si Alex para manghingi ng dispensa para sa sinabi ni Giovanni kanina.
Naghihintay nalang ako sa reply nya. After a minute of waiting, my phone beeped. Inabot ko ang cellphone na nasa gilid lang para tignan ito. My forehead creased. Hindi mensahe galing kay Alex ang nakuha ko kundi galing sa isang numero na hindi naka register sa contacts ko.
Unknown number:
Hi Weasley! I'm happy na I finally got your number na. Save mine! -Juanita <3
My forehead knotted. Hindi ko naalala na binigay ko kay Juanita ang numero ko. Hindi ko nalang iyon pinagtuonan ng pansin at ini-save nalang ang number nya nang mabilisan.
Tinignan ko ulit ang huling sinabi ko kay Alex. Kanina pa iyon at hindi pa rin sya nag re-reply saakin.
Ako:
Lex, I'm sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Giovanni kanina. He was driven by his anger. Sorry talaga.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang mag beep ito ng isang beses. I saw Alex's name flashing in my notifications. Binasa ko kaagad ang reply nya saakin.
Alex:
Ako dapat ang manghingi ng tawad Ley. Sorry sa ginawa ko kanina. I thought it was a funny joke. Mag-usap nalang tayo mamamaya. Free ka naman diba?
Kaagad akong nagtipa ng reply. Hindi ako busy ngayon dahil wala naman ako halos gagawin. Sumang-ayon nalang ako kay Alex at napagpasyahan na makipag-usap sakanya sa loob ng isang coffee shop.
After half an hour, I arrive inside the coffee shop he said. Tiniklop ko muna ang payong na dala at saka bahagyang tinuyo ang braso na nabasa dahil sa mahinang ulan. Nilibot ko rin ang tingin sa loob at pilit na hinanap si Alex.
Nakita ko sya habang nag-iisa sa isang pang apat na lamesa. I fixed my smile and tried to look my very best.
"Lex..." I called out his name. Bahagya akong ngumisi at saka napiling maupo sa kabila na kaharap nya lang. I saw his apologetic smile for a moment. "Kanina ka pa dito?"
Umiling sya saakin. Kaya naman binaba ko muna ang kamay sa hita at nilibot ang paningin sa loob. I can't focus on Alex. I needed to divert my attention fast.
Binalik ko rin sa kausap ang tingin nang humugot sya ng malalim na hininga.
"I'll go straight to the point, Ley. Sorry sa nangyari kanina. We never thought that you'll be offended. Pasensya sa sinabi ko saiyo."
Pinanlakihan ako ng mga mata. I admit that I was halfway mad for that sudden question. Hindi ako handa pero napag isip-isip ko na rin na dapat ko palang ihanda ang sarili para sa unos na paparating. Time will come and they'll realize that I am really like that. Na isa akong baliko sa grupo.
A twisted stick that couldn't be straighten anymore. Isang lalaki na nag kakagusto rin sa kapwa lalaki. Gay. Bakla. Binabae.
"Hindi naman ako nasaktan..." mahinang bulong ko, "Nagulat lang siguro ako dahil sa sinabi mo kanina..."
Nakita ko ang pag-iwas nya ng tingin dahil sa sinabi ko. He's ashamed. It is written in his face how sorry he is. Ngumiti nalang ako kahit na patuloy pa rin ang kaba ko. I am still afraid with the possibility that this conversation might unveil my true identity.
Sinubukan kong ilihis ang usapan namin dahil mas lalo lang bumigat ang lahat. This conversation is getting awkward.
"Si Gio?" nagbago ang mukha nya dahil sa pangalan na binanggit ko, "Nagkausap na ba kayo?"
He averted his gaze. Pero nang ibalik nya saakin ang tingin ay bigla nalang gumaan ang mga emosyon na nasa mata nya.
"Oo nga pala, may nanghihingi ng numero mo. Binigay ko sakanya..." he smirked and nodded his head, "She said that you're familiar with her. Sabihin ko na lang daw ang pangalan nya at makikilala mo sya kaagad. Kilala mo naman si Juanita diba?"
"Si Juanita?" I repeated. Tumango lang naman sya saakin at malaki na ngumiti.
Hindi ko nalang pinansin ang pagbabago nya sa usapan. He's not ready to talk about Giovanni yet. At ni re-respeto ko iyon.
"Oo si Juanita. Magkakilala naman kayo diba? Sorry Ley, nagkasala na naman ako saiyo. I gave your number to end the discussion. She was getting into my nerves last time."
Ngumiti nalang ako para ipakita na maayos lang iyon saakin. Mas lalong gumaan ang ekspresyon sa mukha nya. His expression changed, hindi kagaya kaganina na sobrang layo. I saw his friendly smile once again.
There is no awkwardness anymore.
"Paano kayo nagkakilala? That woman is spoiled rotten..." tumawa sya saakin at inihilig ang katawan sa upuan, "Hindi naman sa pinapapangit ko unang impresyon mo sakanya, pero Ley, you shouldn't get yourself involved with that woman."
Nagkunot ako ng noo. "Bakit naman? She was nice while talking to me last time."
Tumaas ang dalawang kilay nya. Nahulog rin ang ngiti sa labi ni Alex dahil sa sinabi ko. He's not happy with the information he fished from me.
Pero kahit na nag-iba ang ekspresyon sa mukha nya ay nagpatuloy pa rin sya sa pagkumbinsi saakin na layuan si Juanita.
"I heard twisted stories about her. Hindi ko rin kasi mismo alam, Ley, pero sa lahat nang naririnig ko, puro pangit patungkol sakanya."
Mas lumalim ang gitla sa noo ko dahil sa nalaman. I remembered what that man said last time. Sinasabi nya rin na hindi ko alam ang pinasok ko dahil kay Juanita.
Because of that curiosity about her character, I found myself texting her back. Nahuli ko nalang ang sarili na kausap si Juanita nang harap-harapan pagkatapos ang iilang araw na magkausap kami through text.
"Ihahatid na kita sainyo. It's raining hard kasi tapos mas hassle lang if you insist sa pagsakay."
Napaangat ako ng tingin sa kalangitan dahil sa sinabi nya. Umuulan parin kagaya 'nung nakaraang linggo. Dala ko naman ang payong ko.
"It's fine, Juanita. Nakakahiya na magpahatid sayo pag-uwi."
She just shook her head. Bakas sa mukha nya ang saya habang kausap ako.
"No, ayos lang. Dala ko naman ang driver ko so maayos lang talaga."
Hindi na ako naka hindi dahil sa alok nya. Lulan na kami ng mamahalin nyang sasakyan. She's energetic and seem to be interested with everything I said. Sobra rin sya kung makinig saakin. Hindi rin sya boring kausap dahil sa dami ng kwentong baon nya.
"Did you enjoy our coffee date, Weasley?" bahagya akong nabigla dahil sa sinabi nya. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan at kakatigil pa lang sa harapan ng apartment ko.
"Of course. I enjoyed your company. Salamat sa araw na 'to."
I heard her chuckling like a kid. Napangiti nalang rin ako dahil sa kakaiba nyang tawa.
Bahagya ko munang binuksan ang pintuan ng backseat para mailabas nang una ang payong. Binuka ko ito at saka matayog na tumayo sa labas. Binalikan ko rin nang tingin si Juanita at bahagyang ibinaba ang pang-itaas na katawan para madungaw sya sa loob ng sasakyan.
"Thank you for the ride." I said. She dreamily smiled. Umusog rin sya ng kaonti para mas maayos akong makausap.
"You're not busy this coming Saturday, right?" I saw flashing hope in her eyes.
Pero ngumiti lang ako at umaktong nag-iisip. I have lot of things to do this week. Pati sabado at linggo ay kinain na ng schedule ko.
"I am not sure yet. Busy ako ngayong linggo. Baka sa susunod, maayos lang naman diba?"
Dumaan naman ang lungkot sa mukha nya. Pero hindi pa rin sya nawalan ng pag-asa at tumango nalang.
"Of course, it's fine lang! I'll see you around, Weasley! Basta promise me that we'll spend time together outside." parang bata na saad nya.
Hindi na naman ako maka hindi dahil sa inosente nyang mukha. I really like how she show her interest. Kahit papaano, nararamdaman ko na may nagkaka interes pa rin saakin kahit kaonti.
"Okay. Titignan ko kung may bakante akong araw. I'll text you. Salamat, Juanita."
Her victory smile was visible as she waved her hand good-bye. Kumaway lang ako pabalik habang hawak ang payong gamit ang isang kamay. I found myself smiling because of that.
Hindi ko inakala na tatawagin ni Juanita na isang date ang nangyari kanina. I thought we're only hanging out to chill. Pero kahit ganoon ay masaya na rin ako kahit papaano.
I wasn't alone with my thoughts because of her. She accompanied me. Hindi nya alam na malaking tulong ang ginawa nyang pag-aya saakin sa labas.
Because if she didn't ask me out, I'll be left with my own depressing thoughts. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. After that small quarrel with Giovanni, he started to avoid me.
Hindi ko alam kung saan nagsimula pero napansin ko nalang ang pag-iwas nya saakin. And eventually, his presence is no longer by my side. Hindi ko alam kung saan sya nag su-suot sa loob ng iilang araw na hindi ko sya kausap.
He never called. Kahit mensahe ay wala syang iniwan. He just left me hanging without saying anything. Kahit ang mga kaibigan namin ay nakapansin sa biglaang paglayo saakin ni Giovanni.
Kahit na si Alex ay dumistansya saamin. And I hated that fact that we really grow into something so far. My fear for the possible gap after that argument is actually making it's way to tear us down.
At hindi ko alam ang gagawin.
Maayos naman kaming nakauwi ni Giovanni matapos ang away. Pero hindi ko alam kung saan nga ako nagkamali. Or maybe he realized that I was wrong all along. Na kasalanan ko kung bakit unti-onting natitibag ang pagkakaibigan namin nina Alex.
If I dodge that rude question smoothly, none of this will happen. Hindi lalayo sina Alex at Giovanni saakin.
Napayuko ako ng wala sa oras dahil sa mga naisip. Napagpasyahan ko nalang na pumasok sa loob ng apartment ko kaysa tumayo na parang tanga sa labas habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Pero nang marating ako sa harapan ng apartment ko ay may ibang taong sumalubong saakin. An unexpected guest was waiting for me infront of my apartment's door.
"What are you doing here?"
"Sino 'yun?" mabilis nyang tanong.
"It's none of your business, Courtney. Ano bang ginagawa mo rito? It's late already." kinuha ko ang susi na nasa bulsa ng suot at saka binuksan ang pintuan.
Nakita ko ang pag ismid ng kapatid kong si Courtney. Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok sa loob. Matiyaga kong hinubad ang sapatos na suot habang hinihintay si Courtney na makapasok.
"You're dating that woman? Sino 'yun?"
Hindi nalang ako sumagot at inilagay ang sapatos sa shoe rack. Nauna naman sa loob si Courtney kaya naman sinundan ko ito. Nakita ko ang pagtingin nya sa kabuoan ng apartment ko.
Binaba ko nalang ang bag sa maliit na sofa at mariin na tinignan ang kapatid.
"Ano ba talagang ginagawa mo rito? Hindi ka naman dadalaw kung wala kang sasabihin."
Hinubad ko ang suot na pang itaas at saka nilagay iyon sa basket na nasa malapit. Nilingon ko naman si Courtney nang marinig ko syang maglakad papalapit sa sofa na pinaglapagan ko ng bag.
"Tinawagan ka ba ni Kennedy?"
Umiling lang ako sakanya at saka pumasok sa loob ng kwarto para makakuha ng damit. Nang matapos ako sa pagbibihis ay binalikan ko sya sa sala.
"What's happening? Bakit nyo hinahanap si Kenny saakin?" nilingon ko sya at mariin na tinignan. Hindi naman nag-iwas ng tingin saakin si Courtney. "May ginawa na naman ba kayo sakanya? Hindi naman 'yun aalis basta-basta kung wala kayong ginawa."
She rolled her eyeballs upward, "Wala saamin ang mali. She's the one who keep on resisting us. Ayaw nya ngang makinig kina Mama!"
"If this is all about the past, I don't know what to do anymore. Hindi nyo naman kasi pinapakinggan 'yung bata. Alam nyo naman si Kenny."
Hindi sya sumagot at inihilig lang ang katawan sa upuan na kinalalagyan. She keep on rolling her eyes upwards, telling that she's not interested with our conversation. Kahit kailan ay hindi nya gusto na pag-usapan ang giitan nila ni Kenny at ni Mama.
"Hindi sya tumawag saakin. Kung tatawag rin sya, hindi ko sasabihin sainyo."
Nagtaas lang sya ng kilay saakin, "Bakit? Kasi kayo lang ang magka-kampi? Ganyan naman talaga kayo. Ididiin nyo na sina Mama at Papa ang mahigpit, pero ang totoo, kayo naman talaga ang may matitigas ang ulo!"
Hindi ako sumagot at tinignan lang sya ng madilim. She's right but she keep on invalidating us. Hindi nya alam na hindi na kami komportable sa pilit na sistema na pinapalunok nila saamin.
Kada kuda, may mali. Kada galaw, may pinunapuna. At kapag isasa-boses namin ang opinyon, kami ang magiging mali.
"Kung 'yan lang rin naman ang sasabihin mo, umalis ka nalang."
She laughed sarcastically, "Nag effort ako sa pagpunta rito tapos 'yan lang ang sasabihin mo saakin?" tumayo na sya at mataray akong tinignan, "Makakarating 'to kay Mama. Ang pangit ng ugali ninyo. Ewan kung saan ninyo 'yan minana."
Gusto kong matawa dahil sa sinabi nya. Of course, we'll get this kind of attitude from our parents. Saan pa ba pu-pwedeng makuha ang ganitong ugali namin? They're the one who we look up when we were younger.
They're the one who cultivated us. Sila ang humulma saamin hanggang sa ang bilog ay naging hugis itlog. Hanggang sa tuluyan kaming mabulok.
Kung sasagot pa ako sakanya ay mas lalo lang iinit at lalaki ang usapag ito. I know that she'll tell our mother about this. Para sa kanila ay mali ang pagsagot sa mga nakakatanda. They'll label us as if we're the biggest disgrace in the family.
Mas pinili ko nalang na tumahimik kaysa patulan pa sya. She left my apartment leaving a threat. Saying that she'll keep me on check no matter what happens.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro