kabanata 3
Kabanata 3
I tried to hide my smile but a manly chuckle escaped from my lips. Tuluyan na akong nahulog sa malalim na pagtawa dahil sa mukha ng mga kaibigan. They're also busy laughing their heart out.
Pinahiran ko nalang ang butil ng luha na lumabas sa sarili kong mga mata at tinapik ang balikat ni Chadler. Nakasimangot sya habang tinitignan ang bawat isa na kasama.
Mapang-akusa nyang tinuro si Giovanni na malakas rin ang tawa. Nakahawak na sya sa sariling tiyan at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig.
"Putangina ka talaga, Giovanni! Ikaw na naman nagpako nitong bag ko!"
Giovanni stopped laughing and pointed Charlie, "Bakit ako? I admit that I was the one who gave the idea, pero hindi ako ang nagpako!"
"Oh, bakit ako tinuturo mo? Ako ba ang nagpako? Hindi naman, ah! It was Mariel," nguso ni Charlie. Sinapak rin sya ni Mariel at pabalang na tinuro si Carille.
"It wasn't me kaya! Si Carille ang nakaisip!"
Nag-iwas lang ng tingin si Carille. Nagbuntong hininga nalang si Chadler at mahinang hinihila ang strap ng bag na nakapako. His poor Jansport wasn't tied, it was nailed. Bakas pa sa kabilang strap ang butas na iniwan nang ipinako ni Giovanni ang bag nya noong nakaraan.
Ngayon, magkabilaan na ang butas. I don't know where they got the nail. Basta nalang nilang ipinako ang bag ni Chadler habang wala sya. At nagkataon pa talaga na kahoy ang upuan na pinag-iwanan nya sa bag.
"Sobrang pangit nyo ka bonding, mga punyeta. Kahit saan kayo ilagay! Bumagsak sana kayo ngayong sem!" nagkunwari pa si Chadler na umiiyak habang maingat na hinihila ang bag.
Tawa lang kami ng tawa habang tinitignan si Chadler na ginagawan ng paraan ang pagkaka pako sa sariling bag. He wasn't mad, he's enjoying this too.
Naging sanay nalang ako sa ginagawa nilang kalokohan sa bawat isa. They either throw their bags on the roof or hide their phones. Kahit saan sila ilagay, puro ingay ang ginagawa.
That's the reason why our group always end up being scolded by the professors. Marami rin ang nag re-reklamo dahil sa ingay naming lahat. Pero kahit na ganoon, may iba pa rin na gustong makisali saamin. From afar, my friends look so interesting.
Puro kalokohan at tawa. They magically suck all the burdens away. Kapag kaharap mo sila ay wala kang magagawa kundi ang iwan ang sariling mga problema at hayaan silang hilahin ka sa saya at kakatawanan.
That's the reason why I like to hang out with them. Kahit na galing sila sa mayayamang angkan ay hindi sila nag i-inarte.
I smiled again. Nakuha na naman nila ang atensyon ko. They keep on talking, not minding other people. Binulsa ko nalang ang ballpen at binalik sakanila ang tingin.
We're running out of reason, but we found home in our small group. Like a lost souls holding hand by hand, creating a bright light.
Magsa salita sana ako nang akbayan ako ni Giovanni. Hindi ko man lang napansin ang paglapit nya saakin. He automatically stick his arm on my shoulder. Iyon na ang nakasanayan nyang gawin.
Ngumiti sya saakin at saka ipinakita saakin ang mamahalin nyang cellphone. Nagkunot ako ng noo at tinignan sya ulit.
"Anong gagawin ko dyan?" bulong ko. Baka maabala ko pa ang iba kung lalakasan ko ang boses.
He just smirked and handed me his phone. Bumitaw rin sya saakin at walang paalam na umalis sa maliit na lamesa na kinalalagyan namin magka kaibigan. Nalilito ko lang na tinignan ang bulto nyang papalayo.
He never glanced at our direction. He just handed his phone without saying anything. Pa simple ko ring tinignan ang mga kasama kung napansin ba nila ang pag-alis ni Giovanni. Pero kagaya ng dati, hindi na naman nila naramdaman ang pagkawala ng presensya nya.
He swiftly left without making any sound. Ini-on ko nalang ang phone nya at inilagay ang password. Bumungad saakin ang messages ng phone nya.
May mensahe na nakalagay sa pangalan ko pero hindi pa iyon na s-send. He just typed whatever he wanted to say.
Napapikit ako ng mga mata. Sana sinabi nya nalang saakin na gusto nyang kumain ng hindi kasama ang iba. He just wanted to eat with me in private. Biglaan na naman akong napangisi na parang ewan. Tinago ko nalang iyon sa pamamagitan ng paglalaro sa sarili kong labi.
Nang makakuha ako ng tyempo ay tumayo na ako. Sinukbit ko rin ang bag at nginitian ang mga kasama. Carille was the one who saw me. Nagkunot sya ng noo at tinuro ako. Napatigil tuloy sila sa masaya nilang usapan.
"Where are you going? Hindi ka sasabay saamin?" tinanguan ko sya. Sinilid ko rin ang phone ni Giovanni sa bulsa ng suot kong pantalon.
"I need to buy something. Baka hindi na ako makasabay sainyo,"
Gumihit ang lungkot sa mukha ni Carille dahil sa sinabi ko. She even stopped typing on her laptop just to answer me.
"Hindi ba pwede na mamaya nalang 'yan? I'll go with you mamaya basta sabay lang tayo ngayong mag lunch," tinignan nya ang oras sa cellphone at mabilis na akong hinarap ulit.
Pero buo na ang pasya ko. I can't stay even if I still want to listen to their lively conversation. My heart is telling me to follow Giovanni. Kahit sinasabihan ako ng isipan na delikado ang gagawin ko ay wala na akong naging pakialam pa.
I knowingly smiled at her to let her know that I already made up my mind.
"Maybe next time, Carille. I just need to buy this fast. Baka mamaya na rin ako makabalik,"
I glanced at Charlie, telling him to help me with Carille. Alam ko na hindi nya ako basta nalang papaalisin. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay mabilis na gumalaw si Charlie at hinawakan sa balikat si Carille.
He already know what I meant by that look. Tumawa nalang si Chadler saakin at tinaas ang kamay nya para sabihing sila na ang bahala sa babae. I smiled again. Kinuha ko rin ng bigay na frappe saakin ni Giovanni.
"Mauna na ako. Mamaya nalang ulit,"
Para akong tanga na nag lalakad takbo sa gitna ng field. I need to cross the soccer field para lang makapunta sa parking lot ng University. Kinuha ko nalang ang phone ni Giovanni at binasa ulit ang tinipa nya.
Tell them you need to buy something important. I'll see you in the parking lot. We'll eat outside.
Napailing ako dahil sa sinulat nya. He really know that I can't say no to him. Sinulat nya na kakain kami sa labas na para bang alam nyang sasama ako sakanya ng walang pag-aalinlangan.
He even made sure that I'll go with him. Binigay nya saakin ang mamahaling cellphone at walang paalam na umalis roon.
Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko kaagad ang kotse nya na naka park. I saw him standing beside his car, looking at me with a small smile. Para bang inaantay nya talaga akong makarating.
I waved my hand and walked towards his direction. Pinatunog nya ang sasakyan at hinintay ako sa kabilang gilid. Nakatayo sya sa gilid ng driver seat habang ako naman sa gilid rin ng front seat.
"Kailan ba talagang iwan na'tin sila roon na mag-isa?" I asked when I successfully opened the car's door.
I heard him smirk. Nilingon ko sya at nakitang busy sya sa pagsusuot sa puti nyang baseball cap. Pumasok rin sya kalaunan at malaki akong nginisihan.
"Don't worry about them, West. We'll eat outside without those loud idiots,"
Tumawa ako habang kinakabit ang seatbelt, "Aren't you loud too? Hindi ka nga mapakali sa isang tabi,"
He dramatically groaned. Ayaw nya na nasasabihang maingay kahit na halata na ang bagay na iyon sakanya. He's too energetic.
"I'm well behaved when you're around. End of discussion. 'Wag na natin pag-usapan ang pagiging maingay ko. I'm not even complaining about you."
Kunot noo ko syang nilingon, "What about me?"
"You're too mysterious. Too silent. Too pale. Too lovable. Babaero rin kahit papaano," tuluyan na nya akong hinarap nang sabihin ang salitang babaero. Mas lalo tuloy akong naguluhan.
"Wala nga akong babae, bakit ako magiging babaero?" I flashed my boyish smile to hide the sudden chest pain.
Naalala ko na naman ang mga ma su-swerteng babae na dumaan sa buhay nya. Mali man ay naiinggit pa rin ako. They can express their feelings without any problem. They can hold him freely without minding the opinion of the critics.
The society will adore and support something like girlfriend and boyfriend relationships. Pero kapag kapwa lalaki ang magtatapat sa pag mamahal na nabuo sa loob ng maraming taon, marami ang pipigil.
Marami ang magtataas ng kilay. Maraming tutol. Kaya nga napapaisip ako. If I was born as a girl, will he look at me with adoration? Would he treat me like how he supposed to?
In the society where everything is a big deal, it's hard to reveal what your true identity is. Lumaki akong nasa puder ng mga relihiyosong mga magulang at alam na alam ko kung gaano ka sakit ang mga salitang kaya nilang bitawan. They could pierce your confidence despite of earning it over the years.
That's why I know how difficult it is.
Marami silang masasabi sa isang maling galaw. Bawal sa bibliya, mali sa mga mata ng Diyos at mali para sa mga taong nakapalibot.
Pero mali nga bang mag mahal? Mali nga bang maging masaya kung gayong kapwa lalaki ang makapag bibigay nito?
Nilunok ko nalang ang mga biglaang dumaan sa isipan. Tumahimik si Giovanni kaya ganoon rin ako. I glanced at him again. Nasa manibela lang ang tingin nya. Nang lumipas ang iilang segundo ay doon lang sya nagsalita.
"I saw a picture on your gallery. May kasama kang babae. Sino 'yun?" he blankly asked. I can't read what's going on inside his head.
Hindi ko naman talaga nababasa ang isipan nya. He's unpredictable. The one who keep on talking and saying whatever he want. The joker of the pack. The one I am crazy for.
"Saan doon? Marami 'yun, Gio." biro ko nalang sakanya. Pero hindi nya ata nakuha ang birong iyon. He wasn't pleased with my response.
Giovanni stared at me, waiting for my answer. Hindi ko pinansin ang naging reaksyon nya. Baka kung bibigyan ko ng kahulugan iyon, baka mas lalo akong mahulog sa malalim na bangin.
Tumango nalang ako nang maalala na iilan lang pala ang bagong litrato sa gallery ko. He's maybe talking about that picture with Lesley.
I wasn't even mad that he went through my phone without my consent. Kahit paaano, nasisiyahan ako. I want to see this kind of reaction from him. As if he's jealous.
"Nakita mo pala 'yun. She's a totally stranger, nakita nya lang ako sa isang tabi. Akalain mo 'yun, magka mukha kaming dalawa." I cheerfully said despite his foul expression.
Nagkunot sya ng noo, bakas na hindi nya nasisiyahan sa pinag-uusapan naming dalawa. Ang masayahin nyang mga mata ay napalitan ng kasupladuhan. He wasn't happy.
"Hindi naman kayo hawig." he bitterly uttered. Inihilig nya rin ang likod sa driver seat at sa harapan lang ibinaling ang tingin.
"Tinignan mo ba ng maayos? Kung sabagay, sa picture lang naman 'yun. Sa personal, magka hawig kami."
Tumigil sya saglit at saka nag seryoso, "Basta, hindi kayo hawig. You're prettier than her, West. Wala syang panama sayo,"
I hurriedly bit my lower lip. He's making my head dizzy. Nahihilo na ako dahil sa mabilis na pagtibok ng puso. He even look so sincere while saying those words without cutting our eye contact.
Nagkibit nalang ako ng balikat para maitago ang pagkabigla, "You mean handsome, Gio?"
Paano naman ako magiging maganda kung gayong ipinanganak akong lalaki? I once wished to be born as a girl, pero wala na akong magagawa roon.
I'm slowly accepting my faith, that I am born as a man and die with a heartache for loving another man like Giovanni. Isang kaibigan lang naman ang tingin nya saakin. I don't have any chance with him. 'Us' will never happen.
Tinanaw ko sya ulit. Sya naman ngayon ang may naiinis na tingin. He fully faced me with his displeased eyes.
"You're prettier than any other woman, West. You're a man, yes, but it doesn't mean you'll appeal less. You're prettier in my eyes." he whispered the last words while reaching for my cheek. He's smiling charmingly, slowly convincing me to believe him.
And I did. I believed him that I am undoubtedly pretty. Prettier in his perspective.
Kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi, pinipilit na iwaglit ang malaking ngisi roon. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang kunin ang unan at isubsob roon ang ulo.
It happened yesterday. Pero heto ako ngayon at hindi maka get over sa sinabi nya. Binato ko nalang ang unan na nahawakan at nanggigil na kinuyom ang palad.
I wanted to scream loudly. I could feel the butterflies on my stomach. Para akong isang high schooler na napansin ng long time crush sa unang pagkakataon. And I admit, it's nice having this kind of electricity running through my veins.
Hindi ako mapakali dahil roon. Kahit noong kumakain kaming dalawa ay tawa lang ako ng tawa at napapailing. I didn't expected him to say that.
Nilunok ko nalang ang mga hindi mapakaling emosyon. Kung sisigaw ako at gagawa ng ingay, baka mapalayas ako ng Landlord ng apartment na inuupahan ko.
Inilihis ko nalang ang atensyon at kinuha ang cellphone na nasa study table. Naupo ako sa upuan at tinignan ang mensahe. Kanina pa tumunog ang ringtone ko pero ngayon ko lang nakuhang i check kung sino ang nag text.
Pinasadahan ko muna ang buhok at saka pinindot ang pangalan ni Giovanni. It's a text from him. Tinukod ko ang siko sa lamesa at mabilis na pinisil ang labi dahil sa bigla.
Gio:
Be my date. Friday, 8 pm sharp. I already got you covered, I'll pick you up.
Tinignan ko ang kalendaryo na nasa gilid ng orasan. Wednesday ngayong araw. Inisip ko nalang na wrong send lang iyon. I typed my reply.
Ako:
Wrong send ka ata.
Binaba ko nalang ang cellphone sa gilid. Ini-on ko nalang ang study lights at binuklat ang libro na hindi pa nababalikan sa pagbabasa. Akmang kukunin ko na ang mga highlighter sa lalagyan nang mag vibrate ang buong lamesa dahil sa pagtunog ng cellphone ko.
I glanced at it and saw Giovanni's name on the ID caller. Mabilis ko iyong sinagot at binalikan ang highlighter na kukunin sana.
"Napatawag ka?" tinanggal ko ang takip ng ballpen at nagsimula na sa pag solve sa problem na nasa textbook.
I could hear him breathing slowly on the background. Tiyak akong nasa loob sya ng kwarto habang nakahiga sa malambot nyang kama.
"Para 'yun sayo," tumigil sya sa pagsasalita. Narinig ko pa ang pag gulong nya sa kama.
I chuckled. "Nababaliw ka na ata. Date 'yun, Giovanni. Wrong send ka lang,"
"Bakit bawal ka bang i-date?"
Matagal ako bago nakabawi sa sinabi nya. Is he out of his mind? Date ang sinasabi nya. At hindi ako babae. Ngumisi nalang ako at saka napabaling sa salamin na nasa gilid ng mga libro.
I saw my eyes shining in happiness. Talking to him like this is already enough for me. Kahit na mahalin ko nalang sya ng patago ay maayos na. I couldn't bring myself to confess my feelings.
Paano kung ayaw nya? Paano kung mandiri sya saakin? We're friends since highschool. I know how his mind works.
He'll never look back once you'll disappoint him. Kaya rin siguro ako takot na ipaalam sakanya. I'm content. Tama na 'to.
"Ano ba 'yan? Party?" sabi ko para maiwasan ang tanong nya. Tumigil na rin ako sa pag s-solve at pinulot ang cellphone para makahiga sa kama.
Gumilid ako sa pagkakahiga. Sumalubong saakin ang picture frame na nasa side table. I smiled again. Lot of things inside my room reminds me of Giovanni.
I was smiling a little in the picture. Sya naman ay nakahilig sa balikat ko at seryoso ang mukha. He wasn't smiling. Nakaupo lang sya sa gilid ko habang nakatitig sa camera na kumuha ng litrato saamin. The picture was taken five years ago. 'Nung nasa high school pa kaming dalawa, grade nine.
Kinuha ko iyon at tinignan ng mas malinaw. He's the one who gave this picture frame. Basta nya nalang itong nilagay sa apartment ko nang makita nya ang orihinal na kopya sa photo album ng mommy nya.
"Welcoming party. I don't know. Sinabihan lang ako ni dad na dumalo at magdala ng date," he said. His bedroom voice is visible. I swallowed the insides of my mouth.
"Okay, I'll go with you."
Tumawa sya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagka hulog ng cellphone nya dahil doon. Tahimik lang kaming dalawa at pinapakinggan ang pagtawa nya.
"Nagkausap kayo ni Carille?" he asked. Naalala ko na naman ang sinabi saakin ng pinsan nya.
I smiled to myself. Matagal ng may gusto saakin ang pinsan nyang iyon. Pero hindi ko maibigay ang hinihingi nya saakin. Kaibigan lang ang tangi kong ma po-provide sakanya. I know she know it. Kahit na hindi ko sabihin, alam nya na hindi ako interesante.
Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit hindi nya ma-alis ang pagkagusto saakin. She finds me mysterious. Like a deep cliff she's willing to discover out of curiosity.
"She asked me once again." sagot ko nang makabawi. Inilagay ko rin sa pabalik sa kinalalagyan ang picture frame.
I heard him groaning. Na i-imagine ko na syang nagtaas ng tingin at naiinis na nakatitig sa ceiling ng condo nya.
"Sinabihan ko na syang hindi ka abalahin. She's stubborn." Giovanni said in his calm voice. "Ngayon lang ba sya nagtanong kung ready ka ng mag commit ulit?"
Tumango ako kahit na hindi nya iyon kita, "Yup. She asked me that question again. I told her na iba ang gusto kong pag commit-an."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Natatawa na naman ako dahil sa mga sinabi ko kay Carille noong nakaraan. Imbes na umalis syang naiiyak ay iniwan nya akong natatawa. She was satisfied with my humourous response.
"Hm, may gusto ka ng pag commit-an? Sino naman? Kilala ko ba yan?" I heard his angry voice. Hindi na sya nasisiyahan sa pinag-uusapan namin. Kahit na ang pangalan ng pinsan nya ay ayaw nya.
"Oo. Kilala mo,"
"Tell me Weasley. Sino." hindi iyon patanong. He's commanding me to tell him without fail.
"Suicide." a weird smile formed from my lips. Sa huli ay natawa ako dahil sa pinagsasabi sakanya.
Hindi ko narinig ang sagot nya kaya tuluyan akong natahimik. Ako naman ang napakunot ng noo. He's silent. Hindi naman sya ganito kapag magkatawagan kaming dalawa.
"Gio? Hello?" naupo ako sa kama at nag focus sa pakikinig sa kabilang linya. I heard him cussing under his breath.
"That's it, Weasley. I'll visit you tonight. Hindi ko gusto 'yang pinagsasabi mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro