Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 10

Kabanata 10

Matapos ang pagtawag ni Juanita ay nagpangalumbaba ako sa isang tabi. Ayaw ko na tulungan nya kami ng paulit-ulit. It's making me feel bad. Alam ko naman na ginagawa nya lang ang lahat para makatulong, pero hindi ko talaga kayang lunukin ang kakaibang nararamdaman.

I'm slowly polluting Juanita's good efforts just because somebody told me something bad about her. At ayaw ko sa ginagawang iyon. I needed to clear my mind so that I'll stop thinking badly about her support.

She's actually making things much easier for us. Sinabi nya na ang Daddy na nya ang bahala patungkol sa lalaking nambugbog kay Kenny. Her father is currently working about that matter.

It's probably her own way of returning the favor. I helped her once, and now she's helping me in return.

Winaglit ko nalang sa isipan ang mga iyon at tumayo na galing sa pagkakahiga. Dinampot ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan at nagtungo sa banyo.

Naligo ako at pinilit ang sarili na kalimutan muna ang lahat. I want to regain my calm senses so I stayed inside my bathroom for long. At nang lumabas ako galing doon ay ang tumutunog naman na telepono ang bumungad saakin.

Thinking that it might be Juanita, I hurriedly pick up the phone and answer it without looking at the ID caller.

"May kailangan ka pa ba, Juanita?" I said in my monotone voice.

Pero hindi sumagot ang babae kaya naman nilapag ko nalang ang cellphone sa lamesa at mas pinili na mag bihis muna bago ito kausapin ulit. I was at the middle of drying my hair when a familiar voice answered my question earlier.

I froze in horror when I realized that it wasn't Juanita who called. Mabilis kong binitawan ang hawak na tuwalya at kinuha ulit ang cellphone na nasa lamesa. Pinanlakihan ako ng mga mata nang makita na hindi nga si Juanita ang tumatawag.

"So that's the reason why I can't contact you." his dangerous voice suddenly made me stop.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at problemado na napahaplos sa basang buhok. Nagpakawala nalang ako ng isang mahinang buntonghininga dahil sa pagkabigla at kaba.

But I tasted the bitter taste in my mouth when I remembered the thing that I discovered earlier. Right. Hindi dapat ako kabahan dahil wala naman akong ginagawang masama.

I was talking to Juanita. At hindi ko dapat i-explain pa iyon sakanya. Ayaw ko nang ipagpilitan ang sarili sa klarong bagay kagaya nito. Things aren't meant to be like this.

Ayaw ko rin na magtampo sakanya dahil sa nalaman kanina. He's crushing someone. At natural na bagay iyon. He doesn't need to explain anything to me. At ganoon rin ako sakanya.

"Tumawag ka pala kanina?" I asked even if he already said it the moment I answered his call.

"I was wondering why I can't get through your phone. Kausap mo pala si Juanita." he stated in his low voice.

"Kakagaling ko lang sa banyo, hindi ko namalayan ang tawag mo."

"Is that so, West?" 

"Ano palang kailangan mo?" saad ko para maiba ang usapan. Narinig ko naman ang pagkatigil nya dahil sa pag-iwas ko sa sinabi nito saakin.

"I visited Kenny earlier, expecting to see you there. Pero wala ka. Si Courtney lang ang nakita kong nandodoon."

Napasimangot ako nang maalala ang ginawa ni Mama kanina. Ngayon, si Courtney nalang ang mag-isa na nandodoon. I'm glad that she got the spirit to visit our poor sister.

Pero ang balita na umalis kaagad si Mama nang makarating si Courtney ang nagpapainis saakin. Tinikom ko ang bibig at pinilit na huwag magsabi patungkol sa nangyari kanina. But the silence between us made me spit the truth.

"Pinaalis ako ni Mama doon." I explained with my soft voice. Para akong isang bata na nagsusumbong para lang makakuha ng kakampi.

But what could I do? I feel so defeated in this situation. At pakiramdam ko ay si Giovanni lang ang kayang makinig saakin. Narinig ko ang pag bubuntonghininga nya sa kabilang linya.

"What made her do that? Why did she kick you out of that place? Did she happened to hurt you in the process?" Giovanni abruptly asked, hastily asking for every details.

"Hindi naman. Pinaalis lang nya ako doon."

Hindi ko na sinabi pa ang bagay patungkol kay Juanita. Now, I understand that the man doesn't want to hear Juanita's name coming out my mouth. Kaya hanggang sa makakaya ay iniiwasan ko itong mangyari.

"I don't want to corner you but I know that you're hiding something, West. I know you." he stated, voice dangerously deep.

Hindi ako sumagot at tumawa lang. Inilihis ko ulit ang usapan naming dalawa para hindi nya malaman ang totoong nangyari kanina.

"I'm telling you the truth. Hindi naman ako sinaktan ni Mama kaya maayos lang ako."

"Is that the reason why that woman called you tonight?" he asked again, getting more intense.

He's very eager to know the truth. Pero ganoon rin ako. Ayaw ko nang palakihin pa 'to.

"Sort of. Nagtanong lang naman sya kung maayos lang ba ako. Iyon lang naman ang itinawag nya." I almost gasped with that, my voice almost sound a little bit high pitched.

"Tell me more about it, then."

Hindi na naman ako sumagot sa sinabi nya. Pinaglaruan ko ang sariling labi at nag-isip ng paraan para maiwasan ang sinabi nya saakin.

"I don't feel like telling you right now. Gusto ko ng magpahinga, Gio." I responded, trying to sound sleepy.

I earned a chuckle from him. Kaagad na nabuhay ang dugo ko dahil sa pagtawa nya. Pero pinigilan ko ang sarili at inidiin ang pagkagat sa pang-ibabang labi.

"Fine, I won't push you hard about this. I just wanted to check if you're fine. Nakakainis lang isipin na nauna saaking tumawag ang babaeng iyon." he simply complained. I could imagine him pouting a little because of his tone.

"Where are you now, Gio?"

"Pagsasabihin ko ba kung nasaan ako, pupunta ka?" subok nya saakin na ikinatawa ko rin. He's challenging me right now.

"It'll depend. Nasaan ka ba?"

Tumawa rin sya dahil sa pagsakay ko sa sinabi nito. I heard him smirking. Pero huli na nang mapagtanto ko na may dinampot ito na sa palagay ko ay susi ng sasakyan nya.

"I'll be there. Ano bang gusto mong bilhin ko? Pizza? Fries? Ice cream?"

"Ice cream sounds tempting." I whispered.

"Ice cream, then. You hang up first. You're in your apartment, right? I'll be there after an hour."

"Okay, see you." I giggled softly, trying to push my thoughts away.

Binaba ko ang tawag kagaya ng sinabi nya. Our conversation is now livelier compare earlier. Maliit na bagay iyon pero para saakin ay sobrang bigat na nito.

Napa buntonghininga nalang ako dahil sa mga naiisip na mga bagay. It feels wrong to found contentment while Kenny is still lying in the hospital bed. Pakiramdam ko ay mali na maging masaya ako ngayon gayong nasa ganoon syang kondisyon.

Kinuha ko nalang ang unan na nasa pinaka malapit at doon inisubsob ang ulo. I don't know what's wrong with me. Palagi ko nalang iniisip ang mga bagay na hindi naman dapat pagtuonan ng pansin.

Iniling ko nalang ang lahat ng mga iyon at hinintay ang bisita na paparating. After almost an hour, I heard a small knock. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Hi." I said, arguing to myself either to pull him into a hug. Pinili ko nalang na lakihan ang pagbukas ng pinto para tuluyan itong makapasok.

He roamed his eyes inside my apartment as if it's his first time being here. Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha ang extrang tsenelas na nakahanda para sakanya.

Sinuot nya ito habang nilalagay ang pinamili sa may lamesa. He smiled at me when our eyes met. Naupo nalang ako sa maliit na sofa at doon niyakap ang sariling hita.

"Do you want to watch a movie?" he asked. Nilabas nya sa cellophane ang mga pinamili.

Sinundan ko lang sya ng tingin habang komportable na pumasok sa loob ng maliit kong kusina. May dala na itong dalawang kutsara at isang bowl pagbalik. I wanted to giggle because of the small yet adorable expression on his face.

Para itong nabigla dahil sa tahimik kong pagtitig sa lahat ng ginagawa nya. Sa huli ay lumapit ito saakin at inilahad ang kamay saakin.

"What?" I asked in my small voice.

"Do you want to ask something?"

I stared at his hand and back to his face a few times. Umiling ako sa huli at maliit na ngumiti. I don't want to open my mouth about what I discovered earlier. Ayaw ko na gawing topic iyon ngayon.

I'm too afraid to know the truth especially now that he's here. Ayaw ko na marinig mismo ang katotohanan sa bibig nya.

Umakto ako na para bang walang mali noong gabing iyon. After that night, I still remain in my composure and manage to smile even if everything is already falling apart.

"Where are you spending your semestral break, Ley?"

"Probably in the hospital, Charlie." sagot ko sakanya habang inaayos ang mga libro na nasa harapan naming lahat.

We're in the library while trying to study for the bloody exam for the next two days. Susunod na rin ang semestral break na hinihintay ko. Our friends already planned what to do in our semestral break. Summer pa lang, pinag planuhan na namin ang dapat gagawin.

But because of Kennedy's state, I needed to decline their invitation. Kailangan kong unahin ang kapatid. That's what I needed to do. I didn't think twice and chose her over even if it means being left behind.

"Hindi pa rin ba nagigising ang kapatid mo?" Carille asked that instantly made me serious. Binaba ko nalang ang hawak na libro at ngumiti ng kaonti.

"Yes, but she's getting better."

"Dadalaw ka ba mamaya?" she asked again eagerly. Tumango ako sa tanong nya at nagpatuloy sa ginawang pagtingin sa kada pahina ng libro.

"Sasama ka?" tanong ko nang mapagtanto na iyon nalang ang hinihintay nya galing saakin. I saw how her smile lit up when she heard me asking her back.

"I thought you'll never ask. Gusto ko lang malaman if she's getting better. Mag i-isang linggo na rin sya doon, right?"

I nodded my head, "We're working about her ex. Iyon ang pagkaka abalahan ko sa semestral break na paparating."

"Do you need any help?" she asked in her small voice that cause me to pause.

Hindi ko na kakayanin na tulungan pa ng iba. Juanita's help is enough. Kahit 'yun nga ay hindi ko na halos kayang tanggapin. I don't want to be a burden to anyone anymore.

"It's fine, Carille. I could handle everything."

"Are you sure?" 

Tumango lang ako sakanya para sabihin na maayos lang ang lahat. Just like how we talked earlier, Carille accompanied me. Pero hindi ko kaagad nagustuhan ibinungad saamin ni Mama nang makarating kami sa kwarto ni Kenny.

"Sino naman 'yang babaeng 'yan?" tanong nya saakin habang may matalim na tingin sa kasama ko.

Hindi nya man lang initago ang pagkadismaya at galit sa tono habang nagtatanong saakin. Carille is still standing beside me, too stunned to answer my unwelcoming mother.

"Kaibigan ko po, Ma. Si Carille. Sya 'yung kasama ko noong nakaraan." sagot ko sakanya.

Halos wala na akong mukha na maihaharap kay Carille. I'm too ashamed with the way she welcomed my guest. Hindi ko alam na mas may maipapangit pa pala ang sitwasyon na 'to.

"Alam ba 'to ni Juanita?" she glared at Carille again then back at me, "Hindi ba dapat girlfriend mo ang dalhin mo rito? Bakit iba na naman 'tong kasama mo, Weasley?"

Ipinikit ko ang mga mata at mariin na umiling. Sa huli ay pinilit kong ngumiti para ipakita kay Mama na sobra na ang sinasabi nya. I don't want her to embarrass herself infront of my friend. Pero hindi ata iyon nakuha ni Mama. She keep on asking rude things towards me, pertaining to Carille's presence.

"At ikaw naman, alam mong may girlfriend na 'yung tao, aaligid ka pa rin? Wala ka bang respeto sa sarili mo?" she sounded so annoyed. Kulang nalang ay itulak nya si Carille na nasa tabi ko at gulat na gulat.

I hushed her, shaking my head to warn her a little. Pero hindi na naman ito nakinig at mas lalong ipinagdiinan ang pinanghahawakang bagay patungkol saamin ni Juanita. Wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan ito.

"Ma, tama na po. You're making her uncomfortable." I stopped just to glance at Carille.

A small and understanding smile was seen on her lips. Tumango lang sya saakin na para bang sinasabi nito na maayos lang sakanya ang lahat. Hindi ko na sana papansinin pa si Mama nang marinig ko na naman itong magsalita.

"She should feel uncomfortable. Ka babaeng tao, papatol sa boyfriend ng ibang babae? Alam mo, hija, sayang ka." her voice almost cracked because of the noticable annoyance on her tone. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Courtney.

"Ma, tama na nga 'yan. Hayaan mo na 'yang batang 'yan. Mahuhuli na tayo sa simbahan! Ano ba!"

Kinuyom ko ang sariling kamao. Pagod na pagod na akong makipag patintero sakanila. I'm too tired trying to avoid their unending schemes. Alam ko naman na gusto lang nilang mag simula ng gulo.

At hindi ko na alam kung saan kukuha ng pasensya para hayaan sila. They're being too much.

Halos wala nang natirang pag-asa sa katawan ko. Puro nalang kahihiyan ang meron saakin. Nahihiya ako sa lahat ng mga ginagawa nila. And I doesn't have the power to tell them how much they're overstepping their lines.

Para nalang akong isang papel na ilang ulit na tinupi hanggang sa magka lasog-lasog. I'm too tired trying to understand them. Puro nalang sila. Puro nalang ganito. Puro ganyan. Wala na halos natira saakin.

At hindi ko na naman alam ang gagawin. Kanina pa natapos ang araw pero hindi pa rin natatapos ang kalungkutan na kanina pa umaatake saakin.

Mahigpit ang hawak ko sa sariling cellphone. I'm still hesitant either to call Giovanni or not. Kagaya ng sinabi nya noon, sya ang unang lalapitan ko kapag may problema. And this isn't something that I could control.

I just want someone who'll listen. Hindi ko nalang pinansin ang pag-aalinlangan at saka ini-dial ang numero ni Gio. Inibaon ko ang sariling mukha sa unan at saka doon huminga ng malalim. I could feel the tears forming in the sides of my eyes.

Inidikit ko nalang ang cellphone sa tainga at pinakinggan ang kabilang linya. After three rings, he picked up the call.

"Gio?" I asked while head is still buried on my pillow, "Pasensya kung nadisturbo kita—"

"Hello?"

Natigilan ako dahil sa pang babaeng boses na narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa bumungad saakin na boses. I wasn't able to move. Mabilis naman akong umayos ng upo at saka tinignan kung tamang numero ba ang natawagan ko. To my dismay, it was Giovanni's number.

Pinakiramdaman ko ang sarili. I wasn't able to hold it all together. My knees were weak. Kung nakatayo man ako ay tiyak na napaluhod na ako dahil sa pagkabigla.

"Sino ka? Bakit mo hawak ang cellphone ni Giovanni?" I asked, wondering why she got Gio's phone this late at night.

Maybe he left his phone on the lobby. O baka naman naiwala nya ang sariling cellphone at ang babaeng sumagot ang nakapulot. Maybe that's the reason behind it. Ayaw ko isipin na baka may iba pang rason na pu-pwedeng mairason sa katanungan ko.

Sobrang bilis ng tibok ng sarili kong dibdib. I don't want to get hurt anymore.

"This is Vicky. Why are you calling him? May sasabihin ka ba sakanya?"

Umiling ako at saka mahinang natawa. Pinahiran ko nalang ang mga nagsibagsakan na mga luha galing sa mga mata ko. This is frustrating. I can't understand why I am hurting with the thought of them together this late at night. Magkasama silang dalawa. At hindi ako makahinga ng maayos.

Kinolekta ko ang sarili at pinilit na huminga ng maayos. Humigpit ang hawak ko sa sariling telepono. Inangat ko nalang ang tingin sa kisame para pigilan ang pagtulo ng sariling mga luha. I blinked many times just to halt my stupid tears.

"Napatawag lang ako para magtanong k-kung sasabay pa ba sya kina Carille sa resort. Sa paparating na break." I said, lying about my real intentions.

I was busy controlling the tone of my voice and forgot to properly handle my unending tears. Sumikip ang dibdib ko dahil sa pag-iyak. Everything is so suffocating. Hindi ko alam kung saan babaling. Vicky is the name of the woman that Gio likes. At magkasama sila ngayon.

Maybe there's a progress going on between them. Hindi naman mahirap na magustuhan si Giovanni. At hindi rin imposible na magkaroon sila ng koneksyon na dalawa.

"He's in the shower. I'll tell him once he'll come out. 'Yun lang ba ang itatanong mo sakanya, uh, Weasley?" she answered in her sweet voice.

My world stopped for a minute. Giovanni is in the shower. At nag hihintay si Vicky sa paglabas nya. She's the one who answered my call, so there's a big possibility that they're inside a private room. O baka naman nasa kwarto sya ng taong nagugustuhan ko.

Vicky is probably on his bed, waiting for him to come out. Wala akong ibang nakuhang ingay sa kabilang linya maliban sa ingay ng aircon at ang paghinga ng babae.

And I could feel my system breaking down because of that simple discovery. Wala akong ibang narinig. Napalitan ng matulis na ingay ang buong paligid. At hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Tumikhim ako para mas lalong patatagin ang sarili. I can't handle any more of this.

"No. 'Wag na. I'll just ask Carille. Baka nadisturbo ko pa kayo." I answered despite the rapid falling of my tears.

Tumawa ang babae sa kabilang linya na syang ikinaiyak ko ng todo. Mahigpit akong napahawak sa dibdib kong sumisikip sa kada paghinga ko ng malalim. Nag taas baba naman ang mga balikat ko. I could imagine myself shattering little by little.

But I didn't let any sob escape my mouth. Halos takpan ko na ang bibig para lang maitago ang mahihinang paghikbi ko. I couldn't see clearly. My head is slowly spinning.

"I'll hang up now. Thank you, Vicky." I ended the call, grabbing the end of my shirt just to cry my heart out.

Maraming beses ko na itong inisip. Pero hindi ko inakala na mangyayari ito ngayon. It's too strange. Para akong isang sisiw na hindi alam kung saang direksyon pupunta. I'm too lost.

Para akong pinagkaitan. It's his right to have anyone he likes. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang si Giovanni pa ang sinisisi ko dahil na pasakit na 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro