Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 1

Kabanata 1

Nagkunot ako ng noo nang madinig ang pag tunog ng sariling cellphone na nasa lamesa. Nag text na naman ang mga kaibigan ko saakin. They are asking me if I am not busy today. Mabilis kong ini-off ang gripo sa lababo at pinahid ang kamay sa suot na damit. Tinignan ko rin kaagad ang text nila saakin.

Alex:
Hindi ka ba pupunta??? Ikaw nalang ata kulang, on the way na si Mariel.

Pinaglaruan ko ang sariling dila. Saka lang ako napabuntong hininga noong dumaan si Papa sa likuran ko. Galing sya sa likod ng bahay, dala nya ang mga nilabhan kong damit.

"Sino 'yang ka text mo?" agarang tanong nya nang mapansin ang mahigpit na hawak ko sa cellphone.

"Sila Alex po Pa, nagtatanong kung sasama ba ako mamaya."

A hint of disapproval is written on his face. Nagkunot sya ng noo. Hindi ko na nasundan ang naging reaksyon ni papa dahil pumasok na sya sa kwarto at inilagay ang nilabhan sa loob.

"Aalis ka na naman?" si Mama habang pababa ng hagdanan.

Nadinig nya ata ang pagtunog ng cellphone ko kanina. Katulad ni Papa, ayaw nyang sumasama ako kay Alex at sa iba kong mga kaibigan.

"Bakit ka ba dikit ng dikit dyan kay Alex? Tignan mo nga 'yang suot ng batang 'yan, palaging may nakasabit na mga hikaw sa tenga."

Tinikom ko nalang ang bibig at hindi na nagsalita pa. Kapag papatulan ko sila, mas lalo lang lalaki ang usapan. They dislike my friends, end of discussion. Kahit na anong gawin kong pagtatanggol at pagpapaintindi, ako iyong magiging mali.

They'll decide what's wrong and right inside our home. Dahil bahay nila 'to. Sila ang batas sa loob. Ano mang gawin namin, may masasabi sila.

"Diba sabi ko sayo na 'wag na 'wag ka ng sasama dyan sa mga barkada mo? Tignan mo 'yang sarili mo, napapabayaan mo na ang tungkulin sa simbahan. Puro ka kasi gala. Puro ka barkada. Puro ka nalang alis." si Mama ulit habang binubuksan ang ref.

Umusog ako ng kaonti para maiwasan si Mama. Gusto ko mang umalis at hindi na makinig, mas lalo lang mag-iinit ang inis saakin nina Papa. They want me to listen to them everytime they'll speak. At kapag hindi ko iyon nagagawa, tatawagin nila akong walang galang.

"Nag si-simba ba 'yang mga barkada mo, ha, Weasley? Baka puro lang 'yan inom at babae ang mga 'yan. Mga pabigat sa bahay."

Hindi ako nagsalita at nagkunwaring walang nadinig. Hindi naman perpekto ang mga kaibigan ko. But my parents sounds like they dislike my friends from head down to toe. Lahat ng gagawin nila, pinupuna.

Nakita ko ang pagbaba ni Courtney. Hawak nya ang cellphone at mabilis na nilapitan si Mama, hindi nya pa nga natatanggal ang tuwalya na nakasabit sa ulo. I just watched my family talking about someone else's business.

"Ma, nakita mo 'yung post ni Chris?" mabilis na tanong nya.

Nagtaas ng tingin si mama at nagkunot ng noo. Lumapit sya sa nakakatanda kong kapatid at dinungaw ang screen ng cellphone. Sobrang seryoso nilang dalawa habang tinitignan ang profile ng anak ng kaibigan ni mama sa Facebook.

"Diba duda tayo na nabuntis sya ng kung sino? Tignan mo Ma, naglagay sa day nya ng mga mangga at isang picture ng PT."

Nagkatinginan pa silang dalawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. Gusto kong matawa dahil sa pinag-uusapan nila. They act as if they're holy. How can I try to hide my sarcasm when they are like this?

Araw-araw, ganitong tagpo ang nakikita ko. Every sunday, they'll put their fake faces on and enter the most sacred place to pray. They'll dedicate their hearts, making their faith stronger and act as if they're saints.

Pero kapag tapos na ang pag si-simba, huhubarin nila ang napaka linis nilang maskara at hindi magsasawang punahin ang iba. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.

Hindi nalang ako nakinig at hinayaan sila mama at Courtney. Nang mag tanghali na ay doon lang ako nagka lugar na umalis para sumama sa mga kaibigan. Busy ang lahat dahil sa Sinulog.

This is my chance to runaway from their skeptic and unfair beliefs. Alam ko na parte na sa buhay ng Pilipino ang pagiging kristyano, pero minsan sobrang layo na ng narating nila.

Masaya ako na iisang beses sa isang linggo ko lang sila nakikita. Kapag araw-araw ko silang makakasalumuha, baka mabaliw na ako.

Nang makalugar ay tuluyan na akong nakaalis. Sinabihan ko nalang ang mga kaibigan na pupunta ako sa kinalalagyan nila ngayon.

Ngumiti ako sa sarili nang makita ang sariling repleksyon. Ang maputla kong balat ang kadalasang napapansin ng karamihan, sunod ang maitim kong buhok at makapal na kilay.

Sinuklay ko nalang ang buhok patalikod at inilihis ang tingin sa maraming tao. I could see lot of faces screaming and jumping in joy.

Lihim akong napangiti. They were dragging me inside their lively shouts. Sobrang halaga saakin ng katahimikan, pero minsan ay nasisiyahan ako sa ingay ng karamihan.

Pansamantala kong nakakalimutan ang maitim na bahagi ng buhay. It's nice to know that I could still see even the smallest light of hope. Kung darating ang araw na hindi ko na ito makikita, baka malugmok ako sa kadiliman.

Imbes na isipin ang mga problema, nakabalik ako sa realidad dahil sa mga babaeng nakatayo sa harapan ko. Nginisihan ko sila at bahagyang yumuko para matignan sila ng maayos.

Pero kaagad ding nagsalubong ang kilay ko nang makita ang mukha ng babae na nasa gitna. Binalingan ko rin ang dalawang babae na kasama nya.

"Hi! You caught our attention kaya nilapitan ka namin. You look exactly like me!" sabi ng babae saakin. She's too bright in my perspective.

Siguro dahil rin sa malaki nyang ngisi at mala inosenteng kasiyahan na pinapakita. She attracts light. Tipikal na humihila sa mga taong nakapalibot sakanya.

"What's your name, kuya? Baka same tayo ng tatay." biro nya pa sabay tawa.

Pati ako na hindi interesante ay naalarma. She's right. We look almost look the same. Kung itatabi kaming dalawa, mapag kakamalan kaagad kaming magkapatid.

Hindi imposible ang sinasabi nya.

Ngumisi lang ako at sinagot sya, "I'm Weasley Ramirez. Ikaw, anong pangalan mo?"

Inabot nya saakin ang isang kamay. Malugod ko itong tinanggap at nakipag kamay sakanya. She's so friendly, I could tell.

"I'm Lesley Villacarta, from Davao. Baka talaga magkapatid tayo! What a coincidence. Pwede bang magpa picture saiyo? I'll show them sa mga kaibigan ko, for sure ma su-surprise sila!"

Tumango ako kay Lesley at binalingan ang mga kasama nya. Sya kaagad ang una kong napansin, sunod ang babae na nasa kaliwa nya, at huli ang babaeng may matapang na mga mata.

Nang makita nyang tumingin ako sa mga kaibigan nya ay mabilis nya silang ipinakilala saakin.

"These are my cousins, si Havana at Lucky. Nagpunta lang talaga kami rito to witness the Sinulog! Hindi ko ini expect na I'll met someone like you. I'm so happy,"

Kahit na gusto ko nang umalis, naghintay nalang ako ng iilang minuto at nakipag-usap sa kanila. Kinuhanan din nila kami ng litrato. Ganoon din ang ginawa ko. Using my phone, nagpakuha rin ako ng litrato.

Matapos 'yun ay nagpaalam na silang tatlo saakin. I bid my goodbye. Pagod akong naglakad ulit. Muntik ko pang ini-ignore ang mensahe saakin ni Alex.

May limang text saakin ang kaibigan. At nang mapagtanto nyang hindi ako sasagot sa text ay tinawagan na nya ako mismo.

Pinahid ko muna ang mga pawis na nasa noo bago tinanggap ang tawag. I could hear him screaming my name.

"Saan ka na ba, Ley?"

Tinaas ko ang tingin at hinanap ang mga signs na nasa malapit, "Nasa multi purpose gym ako, kayo?"

Nadinig ko na ang reklamo ni Chandler sa kabilang linya. Napapalibutan sila ng madaming tao base na rin sa ingay na galing sakanila.

"Awit ka, bakit na nandyan? Gago ka ba? Sabi ko sayo sa simbahan tayo magkita, bakit ang layo mo? Pakuha ka nalang kay Giovanni, nagdala sya ng sasakyan."

Natahimik ako ng iilang segundo. The sound of his name could easily affect my senses. Bigla nalang akong nawawala sa wisyo, napapa bilis ang puso bigla dahil sa hindi malaman na dahilan.

At natatakot ako sa kung ano mang dahilan ang nasa likod nitong kabaliwan na 'to.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at umiling sa ere, "Wag na. Sasakay nalang ako. Saan ba na simbahan, sa St. Augustine?"

"Anong 'wag na? He already left. Nakasakay na ng sasakyan. Just text him your location. Kasama nya si Carille."

Mas lalo akong nagproblema dahil sa nalaman. Carille and Giovanni in closed space? Baka ano pang gawin ni Carille kay Giovanni. They hated each other. Noong nakaraan ay halos magwala na si Carille para lang makaganti kay Gio.

She was fuming mad. Hindi rin sila nag-uusap ng iilang linggo. Kahit na mag pinsan silang dalawa, palagi silang nag-aaway.

Nilagay ko ang kamay sa baywang at napayuko, "Sila lang dalawa? Baka di na sila umabot dito,"

"Basta maghintay ka nalang,"

Wala akong ibang nagawa kundi ang ibaba ang tawag at i-text si Giovanni sa saktong lugar na kinatatayuan ko.

Naisip ko na naman ang nangyayari saakin. Pinikit ko nalang ang mga mata. I'm still uncertain. Ayaw ko tanggapin ang sariling opinyon patungkol sa sariling emosyon.

My mind is telling me that I am straight. Bata pa lang ako, alam ko na iyon. Pero nang tumagal ng tumagal, nagdududa na ako. I couldn't think straight.

I am declining my own emotions, shattering them into pieces so I could bury them inside my fragile heart. Sa ganoong paraan, hindi ko maisusugal ang sarili. I don't want to get hurt. Kaya hanggang sa makakaya, hindi ko tinatanggap ang sariling damdamin.

Binuka ko nalang ang mga mata at kinuha ulit ang cellphone. Ini open ko ang gallery at hinanap ang mga pictures ko kasama ang mga barkada.

Napangiti ako nang makita ang nakangising mukha ni Giovanni. He was beside me. Nakaakbay saakin habang may malaking ngiti sa labi. He wasn't flaunting his body. Nakasuot sya ng t-shirt habang kami nina Chadler ay naka huba't-baro.

Nasa dagat kami nang makuhanan ang litrato. I was so happy. Nilabag ko man ang bilin saakin ng mga magulang, sumaya naman ako kasama ang mga taong pinagbabawal nila saakin.

He was with me too. We were happy and content. At sa susunod na buwan, plano na naman nila na umakyat ng bundok para mag hiking.

Ini swipe ko nalang ang screen. Bumungad saakin ang litrato ni Giovanni kasama ang kapatid nyang si Jayden.

Sobrang liit pa ng kapatid nya. Bago pa lang nanganak si tita.

Isa-swipe ko na sana ulit ang screen nang may bumusina sa harapan ko. Bahagya akong napaigtad dahil sa gulat. Matalim kong binalingan ang itim na sasakyan na nasa harapan.

Nawala rin kaagad ang inis ko nang mapagtanto na sasakyan pala ni Giovanni ang bumusina. Lumapit nalang ako sa front seat nung bumaba na ang bintana.

Ang nakangiting si Charlie ang bumungad saakin. He smirked and showed his middle finger.

"Fuck you ka! Sabing sa simbahan pumunta, bakit dito ka napadpad?!" saad nya pa.

"Watch your mouth, Charlie."

Binuksan ko nalang ang back seat. Si Carille naman na nakangiti ang bumati saakin. She waved her hands and pat the seat next to her. Tumango ako at tuluyan ng sumakay sa loob.

Pa simple kong binalingan ang driver seat. I saw Giovanni's eyes looking at me intently using the rear-view mirror. His happy eyes are now looking seriously at me, as if seducing me to touch him.

"Hindi nyo na sana ako pinuntahan. Pwede naman akong mag commute," saad ko nang makabawi. Lumingon saakin si Charlie.

Nakahawak ang kamay nya sa headrest ng inuupuan nya. Halos mabali na sya para lang malingon ako. Si Carille naman ay may hinalungkat sa bag nya. She handed me her paper fan.

Nagpa salamat ako sakanya. She just smiled and nodded her head. Para syang bata na nabigyan ng kendi dahil sa binibigay nyang reaksyon.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong saakin ng kaibigang babae.

Umiling ako at inilagay sa gilid ang sariling bag. Busy sya sa pag a-apply ng lipstick sa sariling labi.

"Hindi naman gaano. Pero nag effort pa talaga kayo na sundiin ako,"

"Si Giovanni sisihin mo, Ley. He's very eager to pick you up. Saka isa pa, it's so hot. Hindi ka dapat binibilad sa init,"

Hinawakan ni Carille ang braso ko at bahagya iyong pinisil. Naalala ko na naman na paborito nya itong gawin. She's too touchy. Kaya rin nag-aaway silang dalawa ng pinsan nyang si Gio.

"Na remember mo 'yung nag beach tayo? You were so red that time. Sarap mong ilagay sa bulsa! Palagi ka kasing namumula kapag nai-expose sa araw!"

Naalala ko na naman ang outing namin na 'yun. She's right. Sobrang pula ko dahil sa araw. Kaya halos hindi umalis si Giovanni sa gilid ko. Palagi rin syang nagdadala ng chargable na mini fan para hindi ako mainitan.

Marami rin syang nabili na buko juice para saaming dalawa. I told him that I was fine, pero sya ang hindi nakinig at ginawa ang gustong gawin.

Sinagot ko nalang si Carille habang may maliit na ngiti.

"It's in our blood, I guess."

Pinanliitan nya ako ng mga mata, kinagat nya rin ang pang-ibabang labi.

"Hm, palahi nalang ako."

I was taken aback with her respond. Si Charlie naman ay malakas na ang tawa. Nilingon nya kaming dalawa sa likod at pabirong aabutin sana si Carille para hampasin.

"Wala ka talagang originality! Banat ko 'yun kay Janessa, bakit mo ginaya?!"

"Wala akong pakialam kung nanggaling 'yun sayo! Basta, I am serious. Magpa palahi ata ako kay Weasley, I mean, look at him!" sabay kaming napadako ni Giovanni sa kamay ni Carille na dumapo sa hita ko.

Nagkunwari akong hindi iyon napansin. Nagpatuloy pa sya sa pagsasalita habang pa simple na inilapit ang katawan saakin. She's already leaning on my body.

"He's a total package kaya. Mysterious, gwapo, maputi tapos ang tangkad pa!"

Charlie adjusted on his seat. Tuluyan na nya kaming dinungaw ni Carille.

"Pretty boy 'yan eh. If babae rin ako, baka nabaliw na rin ako sakanya. Ang gwapo mo naman papi, pwede palahi?"

Dahil sa sinabi ni Charlie ay rumahas ang hawak saakin ng babae. Wala na sa hita ko ang kamay nya. Tuluyan na syang nakayapos sa braso ko. I could feel her breast pressing my arm.

"Buti nalang di ka babae, baka nagsabunutan na tayo! He's mine alone, Charlie. Kaya back off!"

Napaigtad kaming lahat nang marahas na nag preno si Giovanni. Naiinis na naman si Carille, si Charlie rin ay mabilis na napaharap sa harapan para tignan ang naiinis na kaibigan.

"Slow down nga, Giovanni! 'Yan na nga lang ginagawa mo, di mo pa magawa ng tama!"

Dahil sa gulat nakabalik ang isang kamay ni Carille sa hita ko. Naka yapos pa rin ang isang kamay nya sa braso ko. Hindi ako gumalaw at kinakabahan na tinignan si Giovanni sa rear-view mirror.

He's not smiling at all. Nakasimangot sya at may iritasyon na dumaan sa mga mata.

"May dumaan na pusa, anong gusto mo, sagasaan ko?" nayayamot na binuksan ni Gio ang pintuan ng kotse, matalim nya munang tinignan ang hawak saakin ng pinsan nya, "Isa pa, nakarating na tayo."

Umirap sa hangin si Carille at tuluyan na akong binitawan. Binuksan nya rin ang pinto kaya sabay kaming lahat na lumabas sa kotse. Nanlaki ang mga mata ko. Nahinto ako sa pagsasara sa pinto.

Mabilis akong inakbayan ni Giovanni nang makaapak sa labas. His long hand is now stopping the car's door. Sya mismo ang tumulak sa pinto at nayayamot na yumuko para tignan ako.

"She's making you uncomfortable again," iritadong saad nya. Hinarap nya si Carille na nakatayo malapit kay Charlie. "Did you saw his reaction? He was uncomfortable with you."

Nagtaas lang ng kilay ang pinsan nya, "He wasn't uncomfortable with me kaya! You were the one na nagsasabi nyan! Kung galit ka, edi pumikit!"

Parang bata na tumalikod si Carille para madaluhan ang iba pang kaibigan na nasa labas ng simbahan. Pero patuloy pa rin sya sa pagsa salita.

"Si Weasley na nga nag-iisang gusto ko, nakikialam ka pa sa diskarte ko! Di ka sana magka girlfriend!!"

He tightened his grip. Napatingin tuloy ako sa kamay nyang nasa kabila kong braso.

"I'm not even planning to have one..." bulong nya na ikina tigil ko ulit.

So he's not interested. Kung ako rin naman, mas mabuti na hindi itali ang sarili sa isang relasyon. He's attractive. Sayang kung may girlfriend na sya.

Nagsimula na akong naglakad kaya sumabay na saakin si Gio. Hindi ko halos napansin na hinihintay pala kami ni Charlie. Pabiro nya ring sinapak ang braso ng lalaking nakaakbay saakin.

"You're too protective, bro. Alam ko naman na pinsan mo si Carille, pero diba dapat sya ang protektahan mo? Sya kadugo mo at hindi si Weasley,"

"I don't care, Charlie. Weasley is too kind for her. Humanap nalang sya ng ibang interesado sakanya,"

Nagkatinginan kami ni Charlie dahil sa sinabi nya. He sounded as if he's jealous. Nilunok ko nalang ang kabihangan na 'yun. Of course, he isn't jealous. He's concern. I am his friend.

---
Lesley Villacarta and her cousins are from my other story, Stray Feels. Read it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro