CHAPTER: 02
Kadalasan sa mga ito ay may edad na at halatang pamilyado.
"Rys, hindi ka pa ba uupo?" tanong ni tiya na siyang nakaupo na sa aking tabi. Nasa dining area na pala kami.
"Sigurado ka po ba na kakain lang tayo rito?" pabulong ko sa kaniya at umupo na. Kahit papaano ay ayaw ko magmukhang ignorante.
"Umayos ka, Crystal," saway niya sa akin. "Baka nakakalimutan mo na wala tayo sa atin. May mga bisita."
"Kumain na kayo," anyaya ni Joan sa amin.
Nakahain sa lamesa ang iba't ibang pagkain. May mga panghimagas din; prutas at mga inumin. At dahil nasa mayaman akong lugar, nagpakasimple ako at nagkunwaring hindi matakaw. Nakakahiya sa mga bisita.
Lumapit ang isang lalaki kay Joan. Umupo ito para siya'y tabihan. He's an old man with an elegant look; rich and educated.
"Anyway, I want you to meet my fiancé," Joan said. "This is George." She smiled and turned her face to him.
"And George," she added. "Meet my best friend; Idil and her niece."
"Thank you for accepting our invitation," he gladly said. "Nice meeting you."
"Thank you, sir," Idil responded. I just nodded my head, agreeing to what my tiya said. Para akong nakikipagplastikan nito.
Ang bilis ng bawat sandali. Ang antok ko ay napalitan ng tuwa nang masilayan ko ang fireworks sa labas ng bahay. Minsan lang ako makakita ng pailaw mula sa paputok. Minsan lang talaga sa buong buhay ko.
"Sana masaya kayo sa pag-iwan sa akin," bulong ko habang nakatingala sa itaas. Bigla kong naramdaman ang lungkot na minsan ng bumagabag sa akin. Wala kasi akong mga magulang.
"Ang ganda, hindi ba?" Ibinaba ko ang tingin sa aking katabi. Tanaw ko siyang nakatingala rin at nakangiti. Ang akala ko ay ako ang kanyang kausap. He's just talking to himself, either.
"Kasing ganda ko, hindi ba?" pagkasabi ko ay agad akong umalis. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking inasta.
Makalipas ang dalawang oras, nagdesisyon kaming umuwi na. Nabusog ako at pagod din. Agad akong nagpalit ng damit pagkauwi. Idil invited me to have a sip of tea, but I refuse it. Pagod ako at kailangan ko ang magpahinga. Sa sobrang pagod, para akong lantang bulaklak. Walang buhay.
*****
Magandang umaga ang bumungad sa magkaibigan. Tila hindi matapos tapos ang kanilang kwentuhan. Nakaupo at kaharap ang isa't isa habang humihigop ng mainit na kape.
"Masaya ako para sa'yo, Joan," sambit ni Idil.
"Ilang taon na tayong magkaibigan," sagot ni Joan. "At wala akong nakita ni isang pagbabago mula sa'yo. Palagi kang masaya sa mga achievements na meron ako. Tuloy ka pa rin sa suporta mo kahit ako ay mag-aasawa na."
"Wala akong dahilan para magbago sa'yo." Tila nakitaan ng lungkot ang mga mata ni Idil. Paano kasi at mag-aasawa na ang kanyang kaibigan. She rather thought that she could be forsaken after all.
"Don't worry," she continued. "I'm always here for you, Idil. Patuloy pa rin ang pagkakaibigan natin. Salamat sa lahat."
Binigyan ni Joan ng isang mahigpit na yakap ang kaibigan at ito ang eksenang bumungad sa dalagang si Crystal. Tila para bang nanood ito ng drama sa telebisyon. She wondered how it really feels like of having a best friend, but she's always alone.
Bumaba ng hagdan ang dalaga para batiin ang tiyahin at ang kaibigan nito.
"Kumain na kayo?" tanong pa niya pagkalapit sa dalawa.
"I'm fine, Rys," Joan answered. "Don't worry about me. Thanks."
"Mukhang mahaba haba ang kwentuhan ninyong dalawa," pabirong tugon ng dalaga.
"Sa sobrang haba ng napag-usapan namin, kailangan namin ang iyong pagsang-ayon."
"Okay, tungkol saan?"
Hindi pa nakasagot si Joan nang muling magsalita ang dalaga.
"Huwag tungkol sa lalaki. Maawa kayo sa akin."
Tumikhim si Idil. "Kalma na muna. Hayaan mong kami ang magkwento sa'yo."
Tumango ang dalaga at pinakinggan ang paliwanag ng dalawa sa kaniya. Namilog ang kanyang mata nang banggitin ng mga ito ang tungkol sa isang lalaki.
"Akala ko ba walang lalaki," sagot niya. "Bakit meron? At dito pa talaga siya pansamantalang manunuluyan sa bahay? Seryoso ba kayong dalawa?"
"May bayad naman ang kanyang panandaliang pagtuloy rito," saad ni Joan.
"Ilang araw ba siya rito?" tanong ng dalaga.
"Isang buwan," tugon ng kanyang tiya.
"Ano?" Gulat na gulat si Crystal sa kanyang narinig. Hindi makapaniwala.
"Isang buwan? Lalaki?" paulit ulit niyang binabanggit.
"Pwede ba iyan jowain o totropahin?" dagdag pa niya na halatang nang-iinis lamang sa dalawa.
"He's a man, Rys," Idil corrected. "Not a boy."
"Okay, it sounded good."
"Pumapayag ka na ba, Rys?" pagkompirma ni Joan sa huling desisyon ng dalaga.
"Kailangan mapaayos ang iilang sira sa likod ng bahay, makabayad sa kuryente, maging sa tubig at makabili ng mga bagong bagay rito sa loob."
Huminga ito ng malalim at muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pumapayag na ako. Isang lalaki sa isang buwan lamang." Tumayo na ito at sumenyas na bumalik sa itaas.
*****
Mag-isa ako sa aking silid; nakaupo habang tinatanaw ang sarili sa salamin. Napagtanto kong hindi na pala talaga ako bata. I'm nineteen years old already and single. Walang may naglakas ng loob para ligawan ako. Wala ni isa mula sa kapitbahay namin. Kahit si Jude na talagang hinahangaan ko ng lubusan ay hindi man lang ako magawang ligawan. Hindi rin naman ako gaano kapangit para hindi magustuhan.
Tatlong taon. It has been too long since me and my ex-boyfriend parted ways. We both felt out our love instantly. And aside of pouring my love to him completely, he just destroyed it even my trust for many times and has been too much. I'm done on it. Hindi pala talaga namin deserved ang isa't isa.
"Rys," tawag sa akin ni tiya. Hindi ko siya nagawang pagbuksan ng pinto.
"Aalis muna kami ni Joan," dagdag nito. "Huwag kang umalis at hintayin mo akong makauwi."
Ramdam ko ang pagkawala ng presensiya niya sa labas ng aking silid. Nakaalis na sila. Tuloy pa rin ako sa pagharap sa salamin. Hindi na namalayan ang pagpatak ng oras. Ang liwanag ay napalitan nang dilim.
Wala akong maaninag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro