Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

00

“What's your plan for this year's summer vacation, Zai?”

Napangalumbaba ako sa naging tanong ng aking kaibigan. Malapit ng matapos ang pasukan, ilang linggo nalang, mags-summer vacation nanaman.

“Honestly, I haven't thought about that yet,” nakapangalumbabang sagot ko sa kanya. “Kayo ba? Ano’ng plano niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa.

Jazmin and Mea. My bestfriends. Kasama ko silang dalawa ngayon rito sa canteen, tumatambay lang dahil wala din naman kaming magawa roon sa room namin. Wala naman ng klase kasi, busy na ang mga staff ng school sa paparating closing. Next week.

“Well.. my family's planning to stay in New York for the whole vacation,” sagot ni Jazmin sa tanong ko at nagkibit-balikat.

“Uhm, nagf-fifty-fifty pa ang isip nina Mommy at Daddy. Hindi sila makapili kung saan kami mag-stay this vacation,” Mea answered.

Napabuntong hininga nalang ako at nag-isip-isip kung ba ang gagawin ko ngayong bakasyon. My parents are not here. Nandoon sila sa ibang bansa, business, obviously. Pero ayaw ko namang magpunta ng ibang bansa, ano. Nakakatamad kayang bumyahe ng matagal. At isa pa, I want to spend my vacation here on Philippines. Lalong lalo na sa Tagaytay..

Tagaytay.. that's right!

“Ah! Alam ko na kung ano ang plano ko this vacation,” I said while grinning.

Napatingin naman sa akin ang dalawa kong kaibigan at hinintay akong magsalita pa. So, I cleared my throat and told them my plan.

“Oh. That's great,” nakangiting sabi ni Mea nang matapos kong sabihin sa kanila ang plano ko.

“At least, may gagawin ka na this year's vacation. Last year kasi, namalagi ka lang sa mansion niyo,” natatawang sabi ni Jazmin.

“Sup.”

Napatingin kami sa kararating lang na si Kevin. Naupo siya sa upuang katabi ni Mea at pasimpleng pumuslit ng fries sa platong nasa harap ni Mea.

“Pasimple ka pang gago ka,” puna ni Mea sa ginawa ni Kevin. “Wala ka talagang manners, Kevin.”

Binelatan lang siya ni Kevin. “Ang laki naman talaga ng problema mo sa manners ko, Meanne.” Reklamo niya.

“Eh paano ba naman kasi, nawawala palagi ang manners mo–– saan mo ba nilalagay?”

Nag-kunwari namang nag-iisip si Kevin. Pinapanood lang namin silang dalawa. Ganito naman palagi, mag-babangayan–– kung bangayan nga ba ang tawag sa ginagawa nila –– sila at manonood lang kami ni Jasmine.

“Crush mo ba manners ko, Mea?” seryosong tanong ni Kevin kay Mea.

“Crush ka ba ni Hazel, Kevin?” matamis na ngumiti si Mea kay Kevin habang nagtatanong.

Natahimik naman si Kevin at sumimangot. Kinuha niya ang plato ng french fries na nasa harapan ni Mea at iyon ang pinag-diskitahan. Napailing nalang kaming dalawa ni Jasmine.

Si Kevin. Kasali sa circle of friends ko. Originally, kaming tatlo lang sana ang magka-kaibigan talaga. Nasali lang itong si Kevin dahil sa akin. Close kasi kaming dalawa. We're kind of.. mag-best friend. Kaya ayon, naging close narin siya sa dalawa.

“Nga pala, plano niyo sa bakasyon?” tanong niya habang kumakain ng fries, hindi na nakasimangot.

“Mag-stay sa New York,” sabi ni Jaz.

“Hindi ko pa sure,” sagot naman ni Mea.

Tumingin naman siya sa akin. “Eh ikaw? Plano mo namang manatili sa loob ng mansiyon mo? Buong bakasyon?” tanong sa akin ni Kev at tinaas ang kabilang kilay.

I rolled my eyes, “Of course, not. Doon ako sa Tagaytay magb-bakasyon. Sa bahay nina tita.”

“Naks, may pa-Tagaytay si ateng,” nanunuksong sabi nito. Inirapan ko lang siya.

“Ulol,” irap ko sa kaniya. “Ikaw ba? Ano plano mo?” tanong ko sa kaniya.

“Ano pa bang magbabago? Edi wala. Walang magbabago, tambay lang sa computer shop. Ganon lang,” sabi niya at nagkibit balikat. “Pwede rin, bisitahin kita sa Tagaytay kapag may oras ako,” dagdag pa niya.

“Wow. Paano naman kami?” sabay na tanong ng dalawa.

“Ingat nalang kayo do’n,” sabi sa kanila ni Kevin at nag-thumbs up pa sa kanila.

Sumimangot ang dalawa sa kaniya at inirapan siya. Natawa lang ako sa kanila.

–––––––

“Aww, see you soon, Zai!” nakangusong sabi ni Jazmin habang nagv-video call kami.

Si Jazmin ay nandoon na sa New York. After mismo ng graduation namin, agad silang lumipad papunta sa New York. Si Mea naman, nandoon narin sa may Japan. Yes. Sa Japan napag-isipan ng kaniyang mga magulang na mag-spend ng vacation. While me, heto, bumabyahe papunta sa Tagaytay. Mabuti nalang at nandito si kuya Homer. Ang driver ko.

“Ang OA nito, two months lang naman,” sabat ni Kevin na nasa tabi ko.

Oo. Kasama siya. Sumama lang daw siya para ihatid ako. At para narin daw masigurong safe ako. Ang daming satsat, gusto lang naman talagang makagala.

“Gago, hayaan mo ako,” irap sa kaniya ni Jaz.

Kevin just sticks his tongue out playfully.

“Basta, ingat kayo diyan, ah?” sabi ko sa kanilang dalawa bago i-end ang video call.

“Oo naman! Ikaw rin, ingat ka diyan!” sabay na sabi ng dalawa.

We bid our goodbyes. Matapos ang tawag ay agad kong sinilid ang phone ko sa loob ng sling bag na dala ko.

“Tagal naman ng biyahe..” komento ni Kevin.

I rolled my eyes and said, “Bakit kasi sumama ka pa sa paghatid?”

“Hmm, wala lang? Mabuburyo lang naman ako do’n sa bahay namin kaya sumama nalang ako,” ani Kevin. “But I kinda regret it. Ang tagal tagal ng biyahe! Mag-a-alas sais na,” pagrereklamo nito.

Napairap ako at binatukan siya. Napaigik naman siya at sumimangot. Tinignan ko ang oras sa relong pambisig ko at talagang mag-a-alas sais na nga. Hindi ko naman expect na matagal pala ang biyahe galing sa amin papunta sa Tagaytay. Napabuga nalang ako ng hangin at sinandal ang likod sa upuan.

To pass the time, I opened my cellphone and went to youtube. When the youtube application opened, I immediately typed Phineas and Ferb on the search list. My favorite cartoon series.

“Oy, nanonood ka?” tanong ni Kevin, narinig siguro niya ang kanta ng opening ng Phineas and Ferb. “Panood nga.”

Umusog siya sa papalapit sa akin at kinuha ang phone ko. I rolled my eyes because of what he did. Ipinwesto niya ang phone sa center na nasa harapan namin, para parehas kaming makapanood ng matiwasay.

“Ito ba iyong episode na na-bust ni Candice ang dalawa?” tanong ni Kevin.

I nodded my head and dismissed him. Hindi naman na siya nagsalita pa at parehas kaming nanood nalang.

Since we were just kids, we've been watching phineas and ferb. At hanggang sa ngayon, nanonood parin kaming dalawa. Pero minsan na lang dahil busy na kaming dalawa sa mga gawain naming dalawa. Just like.. school stuffs.

We’re enjoying watching when the car stopped. We stopped watching and looked out the window.

“Oy.. dito na tayo,” sabi ni Kevin.

I closed my phone and put it inside my sling bag. “Alam ko. Obvious naman, Kevin.” pambabara ko sa kaniya.

“Nyenyenyenye.”

Umirap nalang ako sa kaniya at binuksan ang pintuan. Bumaba ako at tumingin sa bahay na nasa harapan ko. I smiled as I feel the familiarity of the house. The design is still the same noong pumunta kami rito para puntahan si Tita sa Christmas Day.

“Naks, laki naman ng bahay.” rinig kong komento ni Kevin na nasa tabi ko.

Nilingon ko siya at tinanguan, ngumiti narin.

“True enough,” nakangiting sabi ko. “Tho.. medyo boring lang kasi wala namang mga kapitbahay.” I said then pout.

“Ayos lang ‘yan, Zairene Arzuela. Kung meron naman yata, hindi ka rin naman nila kakausapin. Mukha ka kayang hindi friendly at nakakatakot ang mukh---”

“Oh, shut up, Keizan Vincent,” I said, cutting Kevin’s blubbering.

Kevin made a gagging sound which caused me to laugh and shook my head.

“Oh, pasok ka na doon sa bahay mo for two months.” Kevin said then pushed me lightly. “Bibisita nalang ako dito mga.. after weeks,” sabi niya.

“Ha? Akala ko next week na agad!”

He rolled his eyes. “Ikaw na nga itong bibisitahin, choosy pa.”

“Whatever!”

Natawa lang siya at ginulo gulo ang buhok ko. I scowled at him.

“Alis na ako. Maggagabi narin,” sabi niya.

Tinignan ko ang relong pambisig ko at tinignan siya. “Gabi na. Sige, uwi ka na. Thank you sa paghatid, Keizan. Ingat kayo, ha?”

He nod and smiled. “Sure will, Arzuela. Ikaw rin, mag-ingat ka dito. Baka multuhin ka bigla.”

Napasimangot ako at nasa akmang huhubarin na ang sandals na suot ko para ihagis sa kaniya nang mabilis siyang kumaripas ng takbo papasok sa kotse. Umayos ako ng tayo at tinignan ang kotseng papalayo na sa mata ko.

I held my maleta and glanced at the mansion in front of me. Iisang maleta lang ang dala ko dahil may mga damit naman na yata ako sa bahay. When I told my tita Jean that I will be spending my vacation in their house in here, she immediately told me that she will shop the things I will be needing for my two months vacation in their house. And that includes my clothes, essentials, even my like of shoes, and food.

Hila hila ang maleta, naglakad ako papunta sa gate. The gate is not locked so I immediately went inside. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napangiti. The whole place is not dark, in fact, there are lightings around the place! Ang liwanag!

I stopped admiring the place when I felt my phone rang inside my sling bag. Agad ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

Zach is calling...

Napakunot noo ako nang makita kung sino ang tumatawag. What made him call me? I shrugged and answer the call.

“Hey! Why called? Aren’t you busy?”

I heard him grunt on the other line and said, “It’s been month since I called Zai, and that’s how you greet?

“So? Pake ko, Zach?”

Nasaan ang ‘kuya’, Zairene?

I grinned sheepishly as if he can see me right now. “Nandiyan sa Canada.”

If you think that’s funny then shut up, Zairene.” masungit na sabi nito. “Anyways, I called to tell you something.

“What? You’re going home?” I excitedly asked.

My excitement died down when he answered. “No. I’m not going home.

Napasimangot ako at nakaramdam ng panghihinayang. Kuya Zach, my brother, has been out of the country for almost a year now. Since he graduated from his course photography, he instantly went to Canada. Doon kasi niya napiling mag-trabaho. Sa kompanya nina Tito.

“Okay, then.. ano ang sasabihin mo?”

Well.. you know Hairo, right?” He asked.

“Yeah.. what’s the deal with him?”

Hairo, kuya’s bestfriend. I knew him because, well, palagi siya sa bahay namin noong nag-aaral palang sila kuya. Kasama ang ibang mga kaibigan nila. I’m not really close with him, unlike kina James and Khris, he’s not really talkative. Eh sina James at Kino, maiingay. Kaya naging ka-close ko. Siya lang hindi. Even so.. I still had a crush on him. Okay lang namang magka-crush sa kaniya, I mean, he’s just two years older than me. Okay na ‘yon!

Just giving you a heads-up, little sis!” He said, and I bet, he’s already grinning.

“What the hell, Zach?” tanong ko. “Tell me, you moron! Huwag mo akong i heads-up heads-up diyan,” sukmat ko sa kaniya.

I just heard him laugh then ended up the call. I groaned in annoyance.

“Ano nanaman kaya ang trip ng kuya kong iyon?” mahinang tanong ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga nalang ako at napailing-iling. Hinila ko nalang ang maleta ko papunta sa main door ng mansion.

I frowned when I heard some noises coming from inside. May mga tao? To answer my question, I twisted the door knob and opened the door.

I went inside the house and the noises, that I supposed was coming from the sala, increased. Kunot na kunot ang noo ko at hila hila ang maletang pumasok ako ng sala.

“Holy mother Frigga.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro