Chapter 26
Chapter 26
September 11, 2022
Bamboo Forest
It was that morning when I heard conversations about Sarah. Kumalat na pala sa opisina na siya pala ang dating sikat na si Rowing Anne. That teenager writer who got the fame for writing teenage stories na kinabaliwan ng lahat.
Ipinagkalat niya pa na kaya lang siya tumigil sa pagsusulat sa kanyang website ay dahil naging abala na siya sa buhay niya at mas binigyan niya ng pansin ang trabaho. She spread news as if it was her own name and Rowing Anne's accomplishments were hers.
Tuwing umaga na lang ay lagi kong naririnig ang mga kuwento tungkol sa kanya at mukhang gustong-gusto niya talagang siya ang pinag-uusapan ng lahat.
She's a famewhore. Even during our high school days ay ganoon na siya.
Minsan ay naiisip ko na lang mag-resign para wala na akong marinig pa tungkol kay Sarah, pero para talaga siyang sumpa sa akin at linta na pilit gustong dumikit sa akin.
Kapag naririnig ko ang pangalan niya sa pantry gusto ko na lang magdabog. Buong akala ko ay nakawala na ako sa kanya pero ito na naman.
"Rhoe Anne, sasama ka ba sa inuman mamaya?" tanong ng katabi ko.
"No."
"I don't think you can say no to it. Gusto ng boss naroon tayong lahat at libre niya naman."
"What? Kailan pa naging required ang pagsama sa inuman?"
"Ikaw lang ang hindi makakasama kung ganoon."
"What?"
"The boss announced that yesterday. Sabi niya sasama daw ang loob niya kapag may hindi sumama, minsan lang naman daw." I rolled my eyes.
Dati naman ay pumapayag ang boss namin na may mga hindi sasama sa mga ganyang inuman. Ano na naman ang ibinulong ni Sarah sa lalaking iyon?!
"I was on leave," mas madiing sabi ko.
Wala akong pakialam kung biglang sumama ang loob sa akin ng boss na iyon dahil lang sa hindi ko pagsama sa pag-inom. My decision is firm and clear, hindi ako sasama. Kaya bago pa man mag-uwian ay sinigurado ko nang natapos ko na ang trabaho ko, agad ko na rin inayos ang mga gamit ko para makaalis na agad ako pero hindi pa man ako nakakatayo sa swivel chair ko ay naroon na sa harapan ng cubicle ko ang boss.
"Rhoe Anne, you have to join us. We don't have work tomorrow."
"I am sorry, sir. But I can't, I am not feeling well."
"Ang kj naman! Sumama ka na, Rhoe Anne," biglang sabi ni Sarah na nasa likuran na pala ng boss. Sumabay pa sa pagsasalita iyong dalawa niyang alagad at ginatungan pa ang sinabi niya.
"Come on, wala namang pasok bukas."
"It's free!"
Kaya narinig na rin ng iba naming katrabaho ang pamimilit nila sa akin. These bastards!
"Alright. But I might not stay long."
I picked the farthest position from Sarah and our boss. Umiinom naman ako at kumakain habang hinahayaan ko silang mag-usap usap. And as expected, bidang-bida na naman si Sarah.
Some of our officemates were starting to make face or even trying to look interested, but I knew that they've been trying to stop themselves to roll their eyes.
"So how are you related with Rhoe Anne? Sobrang malayong magpinsan ba kayo?" tanong ng isa sa mg aka-opisina namin. Kaya ang lahat ng atensyon ay nasa akin at kay Sarah.
Dahil na rin siguro sa kalasingan ay nagawa niyang itanong iyon sa akin, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat at nasisiguro kong napapansin nila na ilag ako kay Sarah.
Nang tumitig lang ako sa nagtanong ay si Sarah ang siyang agad na bumasag ng katahimikan. "We're first cousins. Magkapatid ang mga mom namin."
"Oh. . ."
Dahil hindi ko gustong sundan ang usapan ay yumuko na ako at nagkunwari na lang abala sa pagkain kahit kanina pa akong busog.
"But you don't seem close."
Gusto ko nang batuhin ng chopsticks ang lalaking iyon dahil sa walang tigil na pagtatanong. Bakit hindi na lang siya magtanong ng tungkol kay Sarah na hindi ako kasama?
"I don't think Rhoe Anne likes me," natatawang sabi ni Sarah.
Sa sinabi niyang iyon ay ako pa ang lumabas na masama ang ugali sa amin. Sarah's too friendly with anyone, at natitiyak ako nab aka marami na rin siyang nakwento sa kanila na malayo naman talaga sa katotohanan.
Huminga ako nang malalim at binitawan ko ang chopsticks na hawak ko. Mariin akong tumitig kay Sarah na kunwari ay nakangiti pa sa akin.
"Why will I like you? You and your mom abused me for so many years." Mas lalong nabalot ng katahimikan ang lahat dahil sa mga salitang sinabi ko. Lalo na si Sarah na nanlalaki ang mga mata, of course, I never fought back before. Wala akong lakas ng loob sumagot sa kanya, because she always have her ways to bend my words.
Tumayo na ako at hindi na ako muling nagsalita hanggang sa makalabas na ako ng beer house na iyon.
Gusto ko na lang ng katahimikan at kalayaan mula sa kanya.
***
They say that it's good to visit Japan during autumn, spring and winter. In autumn, you'd see the iconic maple leaves, the cherry blossoms during spring, and the snow during winter. For many, summer is just a normal season and most countries have it. But for me, I'd never regret that I came to this country during this season— a time when everything is so bright and warm.
I continued writing my journey on my small notebook, under the dim light of my lamp on my bedside table. I wore my eyeglasses as I scribbled every words of adventure that I'd made in this country. The name of the places, the dates, my favorite food, observation to the people, the souvenirs, and even those unexpected encounters I never thought I'd have in this journey.
Kung sabagay, kasama ba si Kousuke sa mga plano ko nang makarating ako sa Japan? He was never a plan or even a vision. I didn't even imagine myself with a Japanese boyfriend, lalo na sa maiksing panahong iyon.
People might say that I am one of those they called marupok, pero magiging pihikan pa ba ako? Kousuke Matsumoto is a rare type of Japanese guy— in different versions. And I'd definitely contradict that infamous rumors about their. . . hmm? Isa pa, guwapo talaga si Kousuke at napaka-kinis. Minsan ay naiingit na rin ako sa kanya kapag pinagmamasdan siya.
Ilang beses akong umiling sa sarili ko habang nakayuko sa notebook. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko habang nilalaro sa labi ko ang dulo ng ballpen ko.
I didn't expect that the beautiful sceneries in Japan are not just the places, but some neighbors as well. Binuklat ko sa dulong pahina ang maliit kong notebook para kuhanin ang nakasipit na litrato ni Papa.
Ang tagal kong tinitigan ang litrato ni Papa bago ko iyon muling ibinaba at hinayaa ang sarili kong sumandal sa aking upuan. I slightly inclined my body and allowed myself to stare at the dark ceiling.
Tomorrow's going to be another journey with Kousuke. Every day I wished that the time would slow down, na sana higit pang tumagal iyon sa tuwing kasama ko si Kousuke. Sumulyap ako sa may bintana kahit madilim pa rin sa labas.
The summer is about to end and it's going to be autumn. Why do I suddenly feel gloomy?
Huminga na ako nang malalim at umayos na ako sa aking pagkakaupo. I closed my small notebook and placed my father's photograph on the last page. I turned off the lamp before I dived on my bed. Ibinalot ko na lang ang sarili ko nang makapal na kumot at yumakap sa unan.
I hope Kousuke had a good sleep.
***
Just like our every morning, Kousuke's already waiting at the parking lot, with his usual smile and very handsome face.
"Ohayo," bati ko sa kanya nang makasakay ako sa kotse niya. I gave him a peck on his cheeks. Ngumisi siya sa ginawa kong iyon.
"Fuji-Q's quite far," kumento ko nang nagsimula nang magmaneho si Kousuke.
"Yes. But don't worry, Kyoto's nearer. Where do you want to go first?"
Unang pumasok sa isip ko iyong napakaraming torii gate na siyang nagpakita sa panaginip ko, pero nakaramdam ako ng takot kaya pumili ako ng ibang lugar na alam kong sikat din sa Kyoto.
"The Bamboo Forest," sagot ko.
"Alright."
"Did you have a good sleep, Kousuke?"
"Of course. You?"
Tumango ako. Bago niya ibinaling muli ang atensyon sa unahan ay napansin ko ang pagtitig niya sa suot ko. "You don't like it?"
"Of course not. I like you in your every white dress," nagawa niya pa na kumindat sa akin.
Our conversations went on our last travels and our most favorite part of it. Tawa lang kami nang tawa ni Kousuke sa mga pinag-uusapan namin. I tried not to think of those dreams and hallucinations. I told myself that I should enjoy the every moment with Kousuke.
"My cousin Seiji will visit Japan next week."
"Oh, really?"
"He called. He wants to visit me," seryosong sabi niya.
Inaasahan ko na mas magiging masigla siya sa balitang iyon dahil siya na rin ang nagsabi sa akin na matagal na niyang hindi nakikita nang personal ang pinsan niyang iyon pero nakapagtataka na parang hindi pa yata siya masaya.
"Something's wrong?"
"Nothing," umiling lang siya sa akin.
"Are you sure?" mas sinilip ko ang mukha niya.
"It's just that very unusual for Seiji to visit so suddenly. Aside from that, I heard that his wife's too busy filming a series right now. I didn't expect that he'd decide to fly back here."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Ano nga ba ang posibleng maging dahilan? Si Kousuke na rin ang nagsabi na wala nang pakialam sa pinsan niyang iyon ang kanilang pamilya.
"Maybe he misses you and your other cousins?"
Napasinghap si Kousuke at natatawa siyang lumingon sa akin na parang sinabihan ko siya nang pinaka nakakatawang bagay. "Everleigh is everything for him. I don't think he has a time to miss his cousins. After he was trapped in an island with her, his mind is always filled with her. He never recovered."
Lumingon akong muli kay Kousuke dahil sa narinig sa kanya. "W-What? I don't get it. What do you mean? He was trapped in an island with his wife?"
"Oh, that's a long story."
Ang natatandaan ko lang na kuwento sa akin ni Kousuke tungkol sa pinsan niyang iyon ay nakapag-asawa ng sikat na Filipina na artista, hindi tanggap ng kanilang pamilya pero mas pinili ng pinsan niya ang babae.
"I think it's quite interesting," sagot ko.
"Yes. It was like a movie," natatawang sabi ni Kousuke.
"X rated?"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Kousuke. "Maybe? I don't know. Seiji's the type of a guy that you will not—" nakakunot na ang noo ni Kousuke, naiiling na rin siya na parang nahihirapan na siyang ilarawan ang sarili niyang pinsan.
"What? This story might be my next book."
"Right! They had this published—" pero itinigil rin ni Kousuke ang kanyang sasabihin at umiling na lang siya. "I mean they were trapped in an island when the cruise ship sank."
"Huh?"
Bakit wala akong nabalitaan? Nang mapansin ni Kousuke na parang nalilito na ako sa kuwento niya ay mas binilisan niya ang bawat detalye.
"It was in Japan, there were only a few casualties, but let's just focus on their story, yes, they survived because the waves brought them to that island."
Ngayon ko lang napapansin na parang ang dami ko nang hindi nalalaman sa nangyayari sa paligid ko. Hindi ko kilala ang sikat na artistang sinasabi ni Kousuke at kung sikat nga siya dapat ay nabalitaan ko man lang na nagkaroon siya ng ganoong aksidente.
"They spent I think three weeks on that island and well, they fell in love."
"He might be so handsome and well-built just like you, Kousuke, and maybe sweet too," kumento ko. Dahil hindi rin naman basta na lang mai-inlove ang isang sikat na artista sa Pilipinas sa isang hapon ng ganoong kadali.
Mas lalong lumakas ang pagtawa ni Kousuke sa sinabi ko.
"Why are you laughing?"
"He's completely the opposite," sagot niya.
"What?"
"I'll just introduce you to him, Rhoe Anne."
"I hope he can bring his wife too. I want to meet this famous actress."
Ngumiti lang sa akin si Kousuke. Nang matapos na ang usapan namin tungkol sa pinsan niya ay saka ko lang naalala ang siyang inalok sa akin ni Kousuke bago pa man kami magsimulang gumala nang magkasama.
"Kousuke, remember when you offer me this kind of help before?"
He blinked twice. Sa dami na nang sinabi niya sa akin ay hindi na siguro niya matandaan. "That you will easily find my father with your connections, is it still valid?"
Ang kaninang ngiti ni Kousuke ay unti-unting nawala kasabay nang paglingon niya sa akin. Hindi agad siya nakasagot sa akin at ibinalik niya na muna ang kanyang paningin sa kalsada.
"Yes. It is still valid," he said in a whisper as if he regretted his own offer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro