Chapter 24
Dedicated to: Denden Vallejos Madueno
Chapter 24 Happy Ending
I thought that Kousuke and I would book another hotel for us to spend the night, but he decided to drive home, even though it would take almost six hours.
"Are you sure, Kousuke? Would it give you a hard time? We can book and drive tomorrow—" hinawakan na niya ang kamay ko.
"It's okay. I know that you'll be more comfortable inside your own hotel."
"But you will drive—"
"It's okay, Rhoe Anne. I love driving."
Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya pero wala naman akong mapagpilian dahil mukhang buo na ang desisyon niyang magdrive nang ganoon katagal. Saan pa kaya kukuha ng lakas si Kousuke? That extreme rides, endless walking and adventurous attraction would exhaust someone's energy.
Nakakunot na ang noo ko habang pinagmamasdan si Kousuke na tahimik na nagda-drive. Bahagya na nga akong nakasandal sa bintana habang pinapanuod siya.
"I hope everything about us does not fade, Kousuke. That everything about us will last not just this summer. . ."
Akala ko ay ngiti ang unang isasalubong sa akin ni Kousuke, pero nang saglit siyang lumingon agad kong napansin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"It's not summer already. It's already September."
Ngumuso ako sa sinabi niya. Sumandal na ako sa upuan ko at tinanaw ko ang kalangitan mula sa nakasaradong bintana ng sasakyan niya. The forecast said that this year's weather is quite unusual. Masyadong late ang pagpapalit ng season kaya kahit September ay mainit pa.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot ang pangamba. What will happen when the weather started to change? Mawawala na ba ang init na lagi kong nararamdaman kasama siya?
Why I suddenly felt like I have this invisible kind of deadline?
Bumuntonghininga na ako at muli akong humilig sa bintana at binigyan ng pansin ang nagda-drive na Kousuke Matsumoto. Dahil hapon na nang umalis kami ni Kousuke sa Fuji-Q Highlands, nagsisimula na rin dumilim sa daan, lalo na nang dumaan kahit sa isang makipot na daan na punung-puno ng nakakatakot na uri ng puno.
It was like those kinds of trees in horror films or fantasy films where the heroine is being chased by villains. Kusa ko na lang nayakap ang sarili ko habang hinahaplos ang magkabilang braso ko.
Nang mapansin iyon ni Kousuke ay agad niyang itinaas ang aircon ng sasakyan. "Is it cold?"
Tumango ako. "This place feels so heavy," nasabi ko na lang.
Buhay naman ang mga punong nadadaanan namin pero kung titingnan ay parang walang buhay iyon— napakalungkot.
"This is the suicide forest, Rhoe Anne."
Agad akong napalingon sa kanya. I am already aware of the high rate of suicide in this country, pero wala sa isip kong puntahan iyong lugar kung saan ginagawa iyon ng mga tao.
"So. . . those white ropes. . ."
Tumango sa akin si Kousuke. "Ropes of those people who chose to end their life, at first they are trying to tie ropes as a guide for them to come back, but if they really lose their will to continue living and return home, they would stop tying those ropes and let themselves be eaten by the forest."
Napatulala na lang ako sa malawak na kagubatan na dinadaanan namin ni Kousuke.
"There's also this long rope which will serve as a guide or a trail that will lead them to return, but they don't want to continue living, they just need to let go of the rope," paliwanag ni Kousuke.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Kousuke. Hindi ako maaaring magbigay ng kumento at sabihin na maaari naman maghanap ng ibang paraan kaysa kitilin ang sariling buhay, dahil wala ako sa sitwasyon ng mga taong piniling pumasok sa kagubatang iyon.
"We really have a very poor heart, Rhoe Anne. Most of us can't handle too much sadness, disappointment, problem. . . most of us have a very weak heart."
Iyon ang madalas kong nababasa tungkol sa mga hapon. Even though they have the family to rely with, mas pipiliin lang nilang sarilinin ang problema, sama ng loob at lungkot, na siyang ibang-iba sa mga Filipino.
For me, the essence of family is sharing life through thick or thin. Hindi ko man iyon naranasan sa pamilyang kumupkop sa akin, sa maiksing panahon ay ipinadama sa akin ni Mama na hindi ako nag-iisa, na isang pamilya kami. She saved enough money to support me until my right age. She left numbers of letters, na kahit matagal na siyang wala'y ipinadadama niya sa akin na patuloy siyang nakagabay sa akin.
Hindi ko na napansin na tumulo na ang luha ko. Agad kong pinahid iyon gamit ang likuran ng kamay ko.
"I felt so heavy, Kousuke. This place is so lonely. . ." iyon na lang ang nasabi ko.
Kahit ang paghinga ko ay ramdam ko ang pagbigat, tila mas dumilim pa habang patuloy sa pagtakbo ang sasakyan at maging ang kahimikan ay talagang nakabibingi.
Kahit gaano talaga kaganda ang isang bansa, may bagay pa rin itong mas mabuting itago na lang.
"Just sleep, Rhoe Anne. I know that you're tired," mahinang sabi ni Kousuke.
Tila hipnotismo ang sinabing mga salitang iyon ni Kousuke dahil unti-unti nang bumaba ang talukap ng aking mga mata matapos niyang sabihin iyon.
"Ang init. . ." bulong ko sa sarili habang mabagal na naglalakad sa tabi ng daan.
Ramdam ko ang tindi ng lagkit ng buong katawan ko dahil sa pawis, hindi man ako nakatingal ay ramdam ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Napatungo na lang ako, kasabay niyon ay ang pasunod ng magulo kong buhok.
"Where's my sandals? Bakit yapak ako?"
Bumuntonghininga na ako at nagdiretso ng sa unahan, nasa tabi man ako ng daan na may harang sa unahan ko ay panibagong daan, at sa pagtawid nito ay natatanaw ang malawak na karagatan.
The huge sea in the middle of summer glittered like liquefied diamonds. Kusang ngumiti ang mga labi ko habang mabagal ako naglalakad patungo sa dagat na tila abot kamay ko na.
Dahil sa tindi ng init tila nakikita ko ang pagkulo ng tubig kasabay nang pagningning nito sa harapan ko.
What's good about summer? Kahit sobrang init, napakagandang pagmasdan. Diretso na sana ako sa paglalakad nang bigla akong napahawak sa lalamunan ko at napalingon ako sa vending machine na nasa kabila ng kalsada.
I was hesitant at first. Hindi ko alam kung didiretso ba ako sa paglalakad para magtungo doon sa nagniningning na dagat o kaya ay uminom muna ng tubig. Pero mas namayani ang uhaw ko, kaya tumigil muna ako at handa nang lumiko nang maagaw ang atensyon ko ng maraming boses.
"Hayaku!"
May mabilis na batang inunahan ako at bigla na lang tumawid sa pedestrian lane.
"Stop speaking in our language. Our parents told us to practice our English!" sabi ng isa pang bata na sumunod sa pagtakbo sa unang bata. Tumigil ang unang bata at biglang inilabas ang kanyang dila.
"You are so strict," natatawang sabi ng pangatlong bata na may sakbat na bag.
Hindi na ako nakatawid dahil pinanuod ko lang iyong mga nakahelmet na bata at may iisang style ng bag. Ang ika-apat bata naman ay hindi nagsalita at tahimik na nakasunod lang sa tatlo.
Ngumuso ako. Ang kukulit naman ng mga batang iyon. But they are all cute. Tatawid na sana ako nang halos mapatalon ako sa panibagong batang lalaki sa tabi ko.
Kung hindi ako nagawang pansinin ng apat ng batang nauna, kaiba naman ang batang inosente na ilang beses na kumurap-kurap at nakatingala sa akin. Nakahelmet din siya habang sakbat ang malaking bag at hawak ang strap niyon.
"Don't cross the pedestrian lane. Look!"
Itinuro niya ang traffic light at nakapula iyon. "Oh, thank you!"
Hindi na niya ako sinagot dahil dumiretso na siya ng tingin sa traffic light, but the curious boy noticed my bare feet.
"Why are you barefooted?"
Yumuko ako sa paa ko. "I don't know."
He looked at me weirdly. "Are you homeless?"
Natawa ako sa sinabi niya. "No. I am a tourist."
Nang marinig niya iyon ay agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "My parents told me that I should avoid foreigners."
Natawa ulit ako sa sinabi niya. "You're good in English for a little Japanese boy."
"Kyohei is better, but I am better than Seiji, so it's already fine."
Hinintay ko pa siyang may sabihin nang nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko alam kung bakit natigilan na ako habang pinagmamasdan ang bata.
There's something wrong. . .
Napahakbang na ako paatras habang naiiling sa nakikita ko. What's happening? Bakit narito ako? This little boy. . .
Natigil sa gitna ng daan ang batang lalaki at nang mapansin niyang hindi niya ako kasabay tumawid ng daan ay bigla siyang lumingon sa akin pabalik. He was still holding the straps of his huge back.
"Is something wrong? Are you afraid?"
Pero ang tangi ko lang nagawa ay pagmasdan ang batang nasa harapan ko. Bumalik ang batang nakasuot ng malaking bag sa harapan ko at bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko.
"Let's go, Missing miss."
He pulled me happily and led me to the other side of the road. At sa bawat hakbang ko sa daang iyon ay ang mariin kong pagtitig sa batang may hawak ng kamay ko.
At nang sandaling nakatawid na kami, ramdam ko ang mas magbigat ng dibdib ko.
Is this part of my hallucinations again? Is this part of my creative imagination as writer? Why everything is so vivid na parang nangyari na ang mga nakikita ko?
Nakangiti siyang binitawan ang kamay ko.
"There!"
Akala ko ay aalis na sa harapan ko ang bata pero inosente siyang ilang beses kumukurap sa akin na parang may hinihintay siya sasabihin ko.
"T-Thank you," sabi ko.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. At natagpuan ko na lang ang sarili kong yumuyuko papalapit sa batang lalaki.
I gave him my gentle smile and a quick kiss on his forehead. "Thank you," ulit ko.
Nanlaki ang mga mata ng bata at ilang beses siyang humakbang paatras habang hawak ang kanyang noo.
Sa likuran ng batang lalaki ay nakita ko nang bumalik ang apat niyang kasamang mga bata para tingnan kung ano na ang nangyari sa kasama nila.
"Kousuke! What's going on? Let's go!"
Ngunit hindi ko na nasaksihan pa ang sunod na nangyari dahil nagmulat na ako ng aking mga mata. And this time, my eyes were welcomed by the different version of that little boy.
Mas isiniksik ko ang sarili ko sa bintana ng sasakyan ni Kousuke habang pinagmamasdan siya.
"You're awake," tipid siyang ngumiti sa akin habang ang mga mata ko ay hindi nawawala ang paninitig sa kanya.
I don't know what was the meaning of that dream, kung iyon ba ay parte ng maka-mundo kong imahinasyon, o dahil na rin sa dami ng gamot na naiinom ko, pagod at sa emosyong nagsama-sama.
It felt so real.
Gusto kong tanungin si Kousuke pero natatakot ako sa kasagutang puwede kong malaman. Tumanaw na lang ako sa labas ng bintana, wala na kami sa mabigat na daan na iyon, siguro iyon din ang siyang dahilan kung bakit ganoon na lang ang naging panaginip ko.
"Kousuke, do you have dreams in life? What is your ultimate goal?"
"Hmm. . .? I want to become rich without my family's pocket? How about you?"
Bigla kong naalala iyong litrato ni Papa at ang kamay ni Mama na nakahawak sa akin bago siya agawan ng buhay. I've been obsessed about my parents' failed love story, isa na rin dahilan kung bakit narito ako sa Japan.
"A happy ending," tipid kong sagot sa kanya.
"Then I'll give you one."
Huminga ako nang malalim. "As a writer and a reader, I've read tons of novels with different versions of happy endings. What do you think about us?"
Saglit lumingon sa akin si Kousuke. Tumigil na ang sasakyan namin dahil inabutan kami ng red light, at habang nakatigil ang sasakyan ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Ang mga taong tumatawid sa pedestrian lane ay mas binilisan ang paglalakad at ang iba ay tumakbo na habang tinatakpan ng kanilang kamay ang kanilang ulo.
The sound of Kousuke's car's wiper, the pouring rain, and the dim lights from different establishments along the street suddenly slowed down.
Unti-unti nang yumuko si Kousuke sa manibela habang bahagya siyang nakayakap doon, ngunit ang mga mata niya'y nanatiling nakatitig sa akin.
"How about you, Rhoe Anne? Do tell me your own happy ending, and I promise that I'll fulfill it for you. Everything."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro