Chapter 22
Dedicated to: Sophia Danielle
Chapter 22 Horror Hospital
September 8, 2022
Fuji-Q Highlands
She started it again.
I don't know how she could find happiness by trying to make me feel uncomfortable. I don't know how she could find joy and enjoyment with her attention that kept on revolving around me. I don't know how she could find satisfaction on living as someone else's nightmare.
Hindi ko akalain na may taong katulad talaga ni Sarah, na gagawin niya ang lahat para lang sirain ang buhay mo.
To have my own peace of mind, I never accepted any of her friendship requests, it was my choice and I don't think it was still necessary to have a connection with her outside of our company that's why I kept on declining her requests.
Isa pa, kung tungkol lang naman sa trabaho ang gusto niyang sabihin ay may email naman kami at doon niya ako puwedeng kausapin. Another thing, I tried myself to be civil with her. Pinakikisamahan ko pa rin naman siya at kinakausap sa opisina dahil sa trabaho. Bakit kailangan niya pa ng lubos na koneksyon sa akin?
"Rhoe Anne, you haven't accepted my friend requests. Is something wrong?" Sarah innocently asked me while we were having our break after the meeting. Sobrang lakas ng boses niya na halos marinig ng lahat.
Of course, people around us would give their attention. Kaya hindi na ako nagulat nang puro nasa akin na ang mga mata ng kasamahan ko.
Maybe some of them might already have inkling about my relationship with Sarah, but those who do not would definitely think that I was being rude.
Tinitigan ko lang si Sarah nang halos isang minuto habang matamis siyang nakangiti sa akin. And what's the worst? Naroon din ang lalaking hawak niya ang leeg, as someone who has the power he could casually butt in with our conversation.
"Oh, why naman?" he tried to sound humorously.
"I will try to check it later," pagsisinungaling ko na lang. Ramdam ko iyong paghigpit na hawak ko sa candy na nasa kamay ko.
"Ngayon na, Rhoe Anne. I have to send you some pictures of this certain jewelry store, you'll love it. Kahit itanong mo pa kina Jane and Mitch," I tried myself not to raise my eyebrow.
Sa ilang buwan ni Sarah sa kumpanyang ito, hindi na nakapagtataka na nagkaroon na siya ng mga kaibigan. Little did they know Sarah's just trying to use them as her pawn, or maybe they don't have any choice but to be her follower dahil may nalalaman na rin sila sa relasyon ni Sarah at ng boss namin.
"My phone is on my table. I'll try to check it later," mas madiing sabi ko.
At bago pa man may sabihin pa si Sarah na siguradong susundan ng aming boss ay lumabas na ako ng meeting room.
***
Sinabi ko kay Kousuke na bago kami magpunta sa Kyoto ay mas gusto ko munang dumaan sa Fuji-Q Highlands.
Hindi pa man kami nakakapasok ni Kousuke sa entrance ay kapwa na kami nakatingala sa nagtataasang rides at sa tindi ng bilis niyon. Kung kanina ay proud pa na nakapamaywang si Kousuke nang bumaba kami ng kanyang sasakyan, ngayon ay laglag na ang kanyang mga balikat.
I wouldn't be surprised if he'd suddenly puke, dahil namumutla na talaga siya.
"A-Are you sure with this, Rhoe Anne?" nangangatal na tanong niya sa akin.
We could hear the screams and scary sounds of the rides circulating its track. Manuod pa lang talaga ay parang mawawalan ka na ng hininga.
Tumango ako sa kanya.
"A-Aren't you scared or not feeling well? Are you sure?" ulit niya.
"Yes," sagot ko.
"Enough with this, Kousuke. We should go."
Hinawakan ko na ang kamay niya at ako na mismo ang humila sa kanya nang parang bumigat na ang mga hakbang niya.
Dahil medyo maaga pa, hindi pa ganoon kahaba ang pila, isa pa kumpara sa ibang theme park mas kakaunti ang napunta sa Fuji-Q ayon sa mga nababasa kong travel blog, dahil karamihan talaga sa mga nagpupunta sa Japan ay dinadayo ang Disney Land, Disney Sea at Universal Studio.
Kousuke didn't lead the way this time. Dahil ako na mismo ang humihila sa kanya hanggang sa pagbili ng ticket. Hindi ko alam kung paano pa siya nakabili ng ticket dahil parang wala na siya sa sarili niya.
I even noticed his shaking hands when he gave me the ticket. "What's wrong with you, Kousuke? If you don't want, I can ride alone. Don't worry."
Ilang beses siyang napakurap na parang nagising na siya doon sa sinabi ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Who says that I will let you ride alone? I am not scared. Let's go."
Natawa ako sa sinabi niya at hinayaan ko na siyang hilahin ako papasok ng Fuji-Q Highland.
What's good about theme parks in Japan? Usually they offered map in the entrance, so the tourists would have a guide to their destinations. Lalo na't sobrang lawak talaga ng mga theme park dito.
I've read different travel blogs that usually tourists failed to maximize their time to enjoy the whole place. Sa sobrang laki kasi talaga ng mga theme park dito halos hindi na kayang galaan ang bawat sulok.
"Have you been here, Kousuke?"
"Yes. I went here when I was still young."
"Alone?"
"I am with my cousins."
May itinuro si Kousuke na rides sa akin at mas lalong namutla ang mukha niya nang mas marinig namin ang sigaw ng mga nakasakay roon.
"My cousins and I tried that ride before. Seiji cried a lot and he didn't even dare to try other rides again."
Tumingala na rin ako sa sinabi ni Kousuke. It's a roller coaster called as Eejanaika. Bukod naman kasi sa biglang taas at baba ay ibinabali-baliktad talaga ang mga nakasakay roon.
Hindi na talaga nakapagtataka na bigla na lang maiiyak ang bata kapag isinakay roon.
"And do you know what's the worst? Among these rides, this was the first ride that we tried. I think Seiji got a trauma after that ride."
"How young were you that time?"
"Maybe we were eighteen?"
Natawa na ako sa sinabi ni Kousuke, buong akala ko ay totoong bata pa sila nang huli siyang pumunta rito. "Gosh," naiiling na sabi ko.
Hindi ko naman pinilit si Kousuke na sumakay kasama ko sa bawat rides na gusto ko, pero sa bawat pila ko ay naroon siya sa likuran ko at nakasunod.
"I told you, it's okay."
Nakanguso lang siya at umiiling sa akin. "I told you, I will enjoy every ride with you."
"Totoo ba?"
"What?"
Umiling na ako sa kanya. Dahil adventurous ako, hindi ako pumayag na hindi ako sumakay sa napakaraming roller coaster sa Fuji-Q. Iyong mga hindi na lang namin nasakyan ni Kousuke ay ang mga rides na under maintenance.
Pinili ko lang muna talaga na sumakay sa mga roller coasters bago kami kumain. Wala akong ibang ginawa kundi tumawa nang tumawa kay Kousuke na hindi na yata talaga kakayanin pa kapag sumakay pa kami ng isa pang extreme rides.
Bumili na kami ng fries, burger and drinks. Wala pa masyadong gana si Kousuke kaya pinapanuod niya lang ako kumain. I kept on smiling at him.
"You look so handsome po," ngising sabi ko.
Because Kousuke Matsumoto's wearing a couple headband with the frog design. Sa Japan marami talagang lalaki ang game na magsuot ng mga headband dahil hindi rin naman ako nahirapan nang sabihin ko iyon kay Kousuke. And mostly of the couples here were wearing couple outfits.
"We should have prepared better, Kousuke. You didn't inform me that most of the couples here are wearing couple items."
"I forgot," sagot niya.
Sinundan niya na rin ng tanaw iyong mga couple na nakikita naming dumadaan.
"Where are we going next?"
"Horror hospital!"
"That's better," maiksi niyang sagot.
"Kousuke, are you tired?" ngumuso na ako sa kanya. Tumayo na ako at hinila ko iyong upuan para mas tumabi ako sa kanya. Agad kong inangkla ang isa kong braso sa kanya at mas inihilig ko ang sarili sa kanya.
"Are you annoyed? Do you want to go home?"
Hindi siya sumagot sa akin, pinagmasdan niya lang ako nang ilang segundo bago niya ako hinalikan sa aking noo.
"Let's just rest a little bit," sagot niya.
Hindi na ako umalis sa tabi ni Kousuke. Nagsimula na rin siyang kumain habang nakahilig ako sa kanya at hindi nagtatanggal ng braso. Ilang beses pa akong sinubuan ni Kousuke ng ice cream habang nanunuod kami sa maraming taong dumadaan.
"I am so happy today, Kousuke."
"Me too."
"You sure?"
"Of course. Why would I not be happy if you're with me?"
Dahil hindi ko gustong umalis sa pagkakahilig sa braso niya, iginalaw ko na lang ang mukha ko at humalik doon kaysa sa pisngi niya.
"What are you doing?" natungong tanong niya sa akin.
"I was just trying to kiss you."
"Aren't you just trying to use it to wipe the cream on your lips?"
I laughed. "Silly."
Halos lampas kalahating oras yata kami ni Kousuke na nakaupo roon sa maliit na lamesa na may payong bago kami naglakad na patungo sa horror hospital.
Dahil hindi kasama ang bayad ng unang ticket para makapasok sa horror hospital ay nagbayad ulit kami ni Kousuke. This time we were not assisted by staffs, dahil sa machine and self-service naman ang pagkuha ng ticket.
Kumpara sa rides na pinuntahan namin kanina, mas mahaba talaga ang pila ng horror hospital kaya naroon muna kami sa labas ni Kousuke habang naghihintay pa sa mahabang pila.
Ang maganda sa ticket na hawak namin ay may sadya talaga oras kung kailan kami dapat papasok, kaya pwede pa kaming pumunta sa ibang lugar kung gusto namin. But Kousuke and I decided to sit on one of the waiting chairs near the horror hospital because it will take us more time if we would find another rides. Isa pa, baka bigla kaming malampasan.
"This is really a huge horror attraction. It's like a real hospital, Kousuke."
"Yes."
Dahil bago kami makapasok sa horror hospital ay may mataas na bakod na parang lumang-luma na o kaya'y naka-survive sa sunog. May wheelchair na nakalabas na may nakaupong mannequin na pasyente na parang tunay, may nakasabit din na mannequin ng ulo ng bata, isang bakal na gate lang ang nakabukas at mayroon din na ambulansya.
Halata talagang ginastusan ng Japan ang attraction na iyon. Dahil kahit nasa labas pa lang ay ramdam na ang takot.
Nang sandaling malapit na kami sa oras ni Kousuke ay pumasok na kami, may nag-a-assist na staff doon na naka lab gown. Habang nasa pila kami ay may mga maliliit na monitor na nakasabit kung saan naroon ang video ng mga mukha ng mga turista na nasa loob na nagsisigawan at natatakot na.
Nakahawak lang sa kamay ko si Kousuke habang hila niya ako, siya na rin ang may hawak ng ticket naming dalawa.
I was too busy looking around that I didn't even try to understand what Kousuke and the other Japanese talked about. Ang mahalaga ay nakapasok na kami ni Kousuke.
Humilera na kaming ikalawang batch na papasok at ang bawat mag partner ay binigyan ng flashlight at si Kousuke ang may hawak ng sa amin dalawa.
"You okay?" tanong sa akin ni Kousuke.
Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagsisi na ito ang sinabi ko sa kanyang gusto kong pasukin.
I forgot that I am still having those episodes, and entering this place might give me worsts attacks and hallucinations.
Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa braso ni Kousuke habang tahimik akong nagmamasid sa paligid. Mabagal na kaming naglalakad lahat sa madilim at makipot na daan at napapalibutan kami ng plastic curtains.
Gusto kong hawiin ang mga kurtinang iyon habang naglalakad kami pero pinigilan ko na ang sarili ko.
Nang tumigil kami sa paglalakad para paunahin ang unang batch, bigla naming nakatapat ang dalawang hapon na mukhang magboyfriend at girlfriend rin, nang lumingon sa kanila si Kousuke na saka lang sila napansin ay sabay yumuko ang dalawa.
"Sumimasen," naglakad paatras ang dalawa dahil tumapat na sila sa amin ni Kousuke sa pila.
But before they walked backward, I saw how the girl creased his brows when our eyes met. Sa huli bigla na lang may sinabi nang paulit-ulit ang babae at nang sandaling lumingon kami sa likuran ni Kousuke ay nagyaya nang bumalik ang babae sa entrance.
"W-What's wrong with her?"
Nagkibit balikat si Kousuke bago niya ako mas hinila papalapit sa kanya at mas pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.
He leaned to my ears and whispered. "They are just weaklings."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro