Chapter 19
Chapter 19 Yukata
September 6, 2022
Old Town, Takayama Gifu
After that night, nahirapan na akong tingnan si Sarah. Hindi lang dahil sa lahat ng pinagdaanan ko nang naroon pa lang ako sa kanila, kundi pati na rin sa nasaksihan ko nang gabing iyon.
I couldn't help but feel nauseous and pity for her.
Bakit may mga taong kayang gawin iyon sa sarili nila? Why can't she just accept the things that she can do for the time being? Gusto niya ba ay biglang angat na siya sa lahat? There's always a process for everything.
Ngayon ay hindi na ako nagtaka kung bakit tila hindi man lang siya nahirapan makapasok dito at hindi na naging usapan pa ang pagiging magkamag-anak namin.
Her hands were around my manager's throat— or let's simply say that her hands were professionally gripping our manager's second head.
At nagsisimula na akong matakot sa galit na itinanim niya sa akin simula pa lang ng mga bata pa kami. I've seen it, and witnessed how capable Sarah to make my life a living hell.
***
Simula nang dumating si Sarah sa aming kumpanya ay laging pabor sa kanya ang desisyon ng aming manager. Madalas pa nga ay naibibigay sa akin o sa mga kasamahan ko ang kanyang trabaho,
Even some of my friends noticed how our workload started to pile up. Minsan ay naririnig ko na silang nag-uusap tungkol doon, pero hindi ko na pinipiling sumali pa.
In just few months, Sarah has her promotion. At naging usapan na iyon sa opisina. I might have the idea how she climbed that quick, but I never utter a word to anyone else. Hindi ko rin alam kung mayroon na rin silang ideya, but it's always good not to be the source of the company's latest topic.
Lagi kong sinasabi na hangga't ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko, hindi ko na kailangan pang intindihin ang ibang tao.
I don't care if people can get promotions, they can even get higher income, take a lot of overtime to earn more money, or even take a lot of leave for their mental health, because it is their life, their pace, and it is their way to claim what makes them happy. Kaya wala na akong pakialam doon, as long as, they mind their own business as well.
For me, to have that peaceful mind, all you have to do is look at your own garden, your own path— na siyang hindi ginagawa ng karamihan sa mga tao ngayon. I've experienced working for years, and I noticed how some people failed to live in their world. Karamihan sa kanila ay laging nakatanaw sa buhay ng ibang tao kaya nakakalimutan na nilang mabuhay sa sarili nilang mundo.
Looking at someone else's track would not give you quicker steps towards your own goal. At sa tingin ko hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ni Sarah kung ano iyong pagkukulang niya sa kanyang sarili.
Inggit— isang malubhang sakit na mahirap lunasan. Maaari itong makakitil, hindi lang sa taong kinaiingitan kundi maging sa taong nilamon na ng sariling inggit.
Ibinaba ko na ang tasang hawak ko nang makita kong pumasok si Sarah sa coffee shop na madalas tambayan ko.
"Rhoe Anne!"
***
"Let's say that I was the one who wasn't chosen. You're a novelist, right? You might say that I am that character called the second lead."
Nang marinig ko ang sinabi niya mas lalo ko siyang hindi naintindihan. I couldn't image my expressions right now in front of him.
Ilang beses akong napaatras habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko ang pangangatal ng buong katawan ko at unti-unting pagsikip ng dibdib ko.
"And then how dare you! How dare you meddle with my affairs?! Anong karapatan mo?! Are you even my father?" hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa harapan niya.
My escape from this world was to Japan with Kousuke, in this warm season of summer. Kousuke Matsumoto made me forget those miserable days in my life. He's giving me a different version of escape in this place— an escape that my father failed to give my mother.
Na siguro kapag tinahak ko ang daang pinili ni Mama, sa pagkakataong ito ay maipapanalo ko. That Kousuke would choose me rather than walking away from me.
Nasapo ko na ang mukha ko at humagulhol na ako ng pag-iyak sa harap ng lalaking hindi ko kilala.
I might have tons of opportunities to find my father, and make things less complicated in this search, but I chose this way— travelling with Kousuke. Dahil alam ko sa sarili kong natatakot ako sa posible kong malaman, hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga oras na kasama si Kousuke sa magandang lugar na ito.
I am so scared to accept and confirm that my father chose to turn back at us, hindi niya pinili si Mama, hindi niya ako pinili at hindi niya kami minahal katulad nang pagmamahal ni Mama sa kanya. That he chose a different escape— an escape away from us.
And now that I've met an amazing man, maybe in this lifetime I'll be chosen.
"H-How dare you!" muling sigaw ko.
Hindi na ako nagtagal pa sa harapan ng matandang lalaking iyon dahil nagmadali na akong tumakbo papalayo sa kanya.
I didn't know how I ended up locked inside my hotel room that night. At ang tangi ko lang natandaan ay ang paghawi ko ng kurtina at pagtanaw sa bahay ni Kousuke— wishing that he'd be there waving at me with those warm smiles.
***
Ilang araw na ang lumipas ay wala na akong balita kay Kousuke, hindi ko rin nakita pa ang pula niyang sasakyan. Wala rin nagpupunta sa bahay niya para tingnan iyon.
Dapat ay inaabala ko na ang sarili ko sa pagpunta sa iba pang lugar dito sa Japan, dahil iyon naman ang dahilan kung bakit ako naroon. My initial plan was to travel alone in this beautiful country, pero ngayong sanay na ako sa presensiya ni Kousuke, hindi ko alam kung magagawa ko pang lumabas na wala siya.
As if my journey's not complete without him.
Tatlong araw na akong hindi lumalabas ng hotel room at ang tangi ko lang ginawa roon ay magbasa ng libro at magpatuloy sa mga isinusulat ko. I even checked the lists of the places that I should visit.
Hindi ko na napapansin na nakakatulog na ako habang nagsusulat sa aking notebook sa ibabaw ng lamesa at magigising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
That was my usual journey inside my room, brewing coffee, baking, writing, reading, and thinking of Kousuke Matsumoto.
Hanggang sa limang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako makatanggap ng balita mula kay Kousuke. Lagi ko na lang napapansin ang sarili kong nakatanaw doon sa bintana at nakabantay sa loob ng kanyang bahay.
What will happen to me if his family forbids him to see me? Paano kung hindi na siya bumalik sa bahay na iyan?
When I checked my phone, I suddenly had regret that I didn't ask his phone number. Bakit hindi man lang namin naisip iyon? Palibhasa ay lagi na kaming magkasama at hindi na namin kailangan pang mag-usap sa telepono.
Nang sumunod na araw ay pinilit ko na ang sarili kong umalis ng hotel at abalahin ang sarili ko mag-isa. I even had several glances at Kousuke's house, hoping that suddenly he'd appear and smile at me.
Lipad ang isip ko habang patungo ako sa Takayama, Gifu. I didn't even realize how I successfully arrived at the place.
I've been looking forward to visit this place, but now that I was here, I couldn't find that joy and excitement. Because I knew that the place would look beautiful and memorable if Kousuke's there, holding my hand as we walked together in the aisle of this old village.
I should have appreciated the aesthetic beauty of Tayama's Old Town with its cluster of well-maintained traditional structures, the smell of different Japanese street foods, the cleanliness, and even the mixtures of conversation from the Japanese people around me, but I just found myself trailing that straight path— between the small aisle of that small old town.
The people around me were starting to become blurry colors from their different yokatta, as if they were colored wind passing by from different directions. Tila lahat sila ay umiiwas sa akin habang nagdadaanan silang lahat at may sari-sariling mundo kasama ang mga mahal nila sa buhay.
Tinawid ko ang mahabang daang iyon na mag-isa na hindi man lang nakikita ang mga taong aking nadadaanan na parang may sarili rin akong mundo. Hindi ko alam kung bakit tila higit na humaba ang daan at halos hindi ko na marating ang hangganan ng daang iyon, ang tangi ko lang ginawa ay magpatuloy sa paglakakad na lipad ang isipan.
Hanggang sa unti-unti'y naglinaw ang aking mga mata. I was doubtful to see him in front of me, waiting for me with his hand. Alam ko sa sarili ko na ilang araw ko na siyang iniisip na umaasa na bigla na lang siya magpapakita sa akin.
I don't want to disappoint myself. At sa sandaling abutin ko ang kamay ko sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala.
Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Iniwas ko na ang mga mata ko kay Kousuke na naroon pa rin sa unahan ko habang nakalahad ang kanyang isang kamay.
I've been experiencing different kinds of hallucinations, maybe I could tolerate those scary hallucinations, but something painful like this? That would make me feel so miserable.
Kaya hindi ko pinaniwalaan ang sarili kong nakikita at sinabi ko sa sarili kong mas makabubuti na lampasan na siya, kaya nang sandaling ihahakbang ko na ang aking mga paa palayo sa kanya bigla na lang akong natigilan nang may totoong mainit na kamay ang humawak sa aking kamay.
"Rhoe Anne. . ."
Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang hawak niya ang isa kong kamay. I was hesitant to look at him, I was scared that he might disappear when I started to embrace him. Madalas na akong hindi naniniwala sa mga nakikita ko at natatakot ako na baka parte lang si Kousuke ng mga bagay na gusto kong mangyari sa akin.
That he was my ideal Japanese man whom my mother failed to have.
"Rhoe Anne, I am sorry."
Nang sabihin niya iyon, hindi na niya ako hinintay pang lumingon sa kanya dahil agad niya akong niyakap mula sa likuran ko.
"I am sorry about that night. I failed to come back quickly. . . but I promise that I will always find you. I will always look for you."
"K-Kousuke. . ."
Bago ko pa siya yakapin pabalik ay agad ko nang kinalas ang mga braso niyang nakayakap sa akin. I don't want to make a scene, lalo na't nasa bukana kaming dalawa.
Nakayuko na ako habang naglalakad at hawak siya sa likuran ko. I couldn't help but cry. I am so happy that he's here with me again. Ilang beses niyang tinatawag ang pangalan ko habang magkahawak ang aming kamay pero hindi ako lumilingon sa kanya.
I just want to walk with him with his hand intertwined with mind. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng mga paa ko, pero iyong maramdaman kong tunay siya at nandito ako sa totoong mundo ay masayang-masaya na ako.
Nang makalayo na kami ni Kousuke sa maraming tao at madala ko siya sa parking lot ay agad kong itinapon ang sarili ko sa kanya.
He's also wearing a yukata— a gray-colored yukata that suits him too well.
Si Kousuke ang siyang naghiwalay sa aming yakap sa isa't isa at nakangiti siyang pinagmasdan ako.
"The color of white suits you very well, Rhoe Anne," marahan niyang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ko.
"W-What happened? Did they hurt you?"
Umiling siya sa akin. "We talked. . ."
Iyon lang ba? Bakit kailangan ay ilang araw siyang nawala dahil sa pag-uusap na iyon? He was the one who told me how cruel his family. At handa silang pahirapan ang sarili nilang kamag-anak para lang masunod ang kanilang tradisyon.
I don't think I am powerful enough and capable of fighting for Kousuke. Hindi ako kasing yaman at impluwensiya gaya ng artistang pinakasalan ng pinsan ni Kousuke, natatakot ako na baka si Kousuke lang ang mahirapan kung mas ipilit namin ang relasyong ito.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Kousuke, I even tried to roll up his yukata to check his arms and looked at his neck to find any marks of harassment.
"A-Are you sure? Were you hurt? Where? Let me check, Kousuke," I almost begged him.
I finally heard Kousuke's laughter. "I can book a room for us, Rhoe Anne. You can check it without this yukata."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro