Chapter 17
Thank you to the 100+ readers who are still reading this story. I know that this is the kind of story that I don't usually write, but I am still happy and grateful that you're reading this <3
Chapter 17 Coffee
August 30, 2022
Komeda's Coffee
Life away from Sarah made me feel the real happiness. Iyong mga panahon na wala nang laging nakamasid sa akin at babaeng nakaismid sa bawat tagumpay ko. Ang mabuhay nang malaya mula sa kanila ni Tita Kiana ang araw-araw kong pinagdarasal noon pa man, at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na na nararanasaan ko na iyon.
I was happy living alone inside my small apartment, humming everyday while watering the plants with a clingy fluffy cat curling around my legs. Ang gumising nang araw-araw na walang sisigaw sa 'yo o kaya'y mag-uutos ay isa nang malaking kaligayahan sa akin.
I spent my first week fixing my small apartment and looking for a job. Sa totoo lang ay may mga tumatawag na rin naman sa aking trabaho at ako na lang ang mamimili pero kapag tinitingnan ko kung saan ang lokasyon ay napakalayo. Ang ilan pa ay puro trabaho sa Maynila.
As much as possible I wanted to stay in our province, hindi man ganoon kalaki ang sahod pero masaya na akong manatili rito. I am not a city girl, hindi ko rin gusto ang ingay sa Maynila at dami ng tao, kaya tumagal din nang halos isang linggo ang paghahanap ko nang trabaho.
I had three calls and the interviews were fine, sila pa nga ang nagtanong sa akin kung kailan na ako pwedeng magsimula. Hindi na yata mapaglagyan ang tuwa ko simula nang umalis ako kina Tita Kiana at Sarah, dahil sunud-sunod na ang magagandang nangyayari sa buhay ko.
I can live with my own pace. I can decide everything that I wanted. At hindi ako nakakaramdam ng kaba at takot na may mga taong maaaring manakit sa akin.
I am at peace.
Hanggang sa magtrabaho na ako sa kumpanya ay mas naging maganda na ang buhay ko. I gained friends and I've been always happy and stress free.
I thought everything would be fine. At hindi na ako mahihirapan pa, pero nagkamali ko. Dahil nang sandaling may ipakilala sa amin ang team leader namin na siyang bagong hire ng kumpanya, unti-unti nang gumulo ang kasiyahan ko.
Because my living nightmare was, here again, giving me that poisonous smile of a villain— Sarah Anne.
***
Kousuke Matsumoto is a healthy country boy who has daily needs in his life.
And It's good to be wild and active, when you're young and in love. Iyon na lang ang sinasabi ko sa sarili ko kapag nagbabago ang ekspresyon sa akin ni Kousuke at gusto niyang magpalambing sa akin.
He might be that knight in shining armor prince during the day, giving me the warmest summer and brightest smile, but once that the sun sets, he was that evil villain who could turn fire from his touch and lovingly burning me every night.
They say that the peak of summer when you could feel the intense heat was always in the afternoon, but it was wrong all along, because summer nights were extremely hotter, making me drenched and breathless.
Nasanay na akong punasan ang pawis ni Kousuke gamit ang mga palad ko habang dama ko ang sabay naming paghinga nang mabigat. At iyon ang isa sa paborito kong ginagawa sa kanya. When he's almost buried on my chest, while his small eyes gazing at me, waiting for me to pet him.
I like it rough and hard, but sometimes I like him gentle and like a baby.
Malakas na busina ng sasakyan ang nagpatigil sa amin. "Shit!" Napasandal ako sa manibela! Agad kaming napatingin ni Kousuke sa paligid kung may nakarinig ba sa businang iyon.
Our car was parked near the river where were usually light some fireworks sticks. Sinabi niya na madalas daw sila ng mga pinsan niya roon kapag tumatakas sila sa family gathering. The river was far from the residence but still there were houses that could possibly hear the noise, lalo na't tahimik naman talaga sa Japan.
The car's seat was inclined and I didn't even bother to get up. My hands might be still cupping his face, but my eyes were already looking outside of the window. While Kousuke's arms were still wrapped around my waist, with his eyes also looking for a stranger to approach his red car.
Lumipas ang ilang minuto ay wala namang dumating kaya napuno ng tawa ang loob ng sasakyan.
Hindi rin nagtagal ay napalitan din ang tawa namin at ipinagpatuloy namin ni Kousuke ang naudlot naming ginagawa. Pero hindi rin nakalayo ang gapang ng mga kamay namin nang humiwalay na ulit ako sa kanya.
"I don't think we're still safe here," bulong ko sa kanya.
"Are you not comfortable?"
Umiling na ako sa kanya. Natatakot ako na may nagka-camera na pala sa amin ni Kousuke. Hindi ko yata gustong mabalita.
I changed how I seated on his legs, I turned my back and asked him to help me.
"Kousuke," he helped me get dressed.
Ilang beses kong sinabi sa kanya na kung marunong siyang maghubad ng babae ay dapat marunong din siyang magdamit. Kousuke, being the most obedient boyfriend nodded at me with his willing smile.
Marunong na rin siyang mag-hook ng bra, ang galing niyang magtanggal tapos hindi siya marunong magkabit? Siya na rin ang nagbutones ng dress ko kaya natatawa ako habang pinapanuod siya.
"Thank you," I kissed him on his cheeks.
Lumipat na ako sa shotgun seat. Saglit din naman siyang nag-ayos sa sarili niya. I even asked him if he wants me to help him, sinabi niyang kaya na niya.
"I don't think pulling my zipper up would give me better help, Rhoe Anne."
Natawa rin ako sa sinabi niya. "Of course. I like it better to pull it down."
Ngumisi siya sa akin. "Me too."
Nagmaneho na si Kousuke papunta sa pinakamalapit na coffee shop. While driving he never let go of my hand, he'd stare at me and when I tried to look back at him, he'd look at the road with a smile on his face.
The annoying thing about Kousuke Matsumoto was the way he looked at me. I could feel it, at sa tuwing magtatama ang mga mata namin, para akong natutunaw.
Ganoon pala talagang tumitig ang lalaki kapag gusto ka.
As if he have those thousands of words to say through his eyes. Kahit sa tuwing nagtutungo kami sa lugar na maraming tao, minsan ay nawawala bigla si Kousuke sa tabi ko pero bigla ko na lang siya makikita sa malayo palang habang nakatitig sa akin.
As if he knew my every step, my every movement. . .
"I can always find you." Ito ang mga salitang lagi niyang sinasabi sa akin.
We arrived at the Komeda's Coffee. Siguro ay nasanay na rin kami ni Kousuke sa ekspresyon ng mga hapon sa tuwing nakikita nilang magkasama kami.
Minsan ay napapaisip ako kung sobrang guwapo ba talaga ni Kousuke para sa akin at tinitingnan na nila nang masama si Kousuke na parang nababaliw na siya at pinatulan niya ang ako.
Do I look like a gold digger? Hindi ba ako mukhang babaeng may sariling trabaho at kayang kumita ng sariling pera?
Kousuke ordered a coffee and I asked for a frappe.
"Where are we going tomorrow?" tanong niya sa akin.
"I want to go to Takayama, Gifu. There's an old village there. My mom has another souvenir in that place."
"Sure. But do you have plans to visit other places aside from Gifu? Kyoto is a nice place, Osaka and even Tokyo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Kung sabagay narito na rin naman ako sa Japan at matatagalan pa naman ako, bakit nga hindi ko pa sulitin at pumunta pa sa ibang lugar? Isa pa, narito naman si Kousuke na guwapong driver, nahahalikan ko pa, at nayayakap sa gabi.
It's rare to find a Japanese who could talk in English, handsome, great body and even good in bed. Biyaya na yata talaga si Kousuke Matsumoto sa akin kaya bakit hindi ko pa samantalahin ang hapon na ito? Nagpapasamantala naman sadya.
"I'll think about it."
"Can I sleep to your place again—" umiling na ako. Ito na nga ang sinasabi ko. Handan a naman siyang magpasamantala sa akin.
Simula nang sinagot ko itong si Kousuke, napaka-clingy at hindi na gustong humiwalay sa akin. Kulang na lang ay tumira na rin siya sa hotel na tinitigilan ko. Minsan ay napapaisip ako kung hapon ba talaga siya o sadyang ibang lahi siya at mukha lang talagang hapon.
"I have a work to do, Kousuke. I want to write with my novel alone," sagot ko sa kanya. Simula rin ng naging opisyal na boyfriend ko si Kousuke ay wala na akong nasusulat.
How could I possibly to my writing job kung ibang job ang ginagawa ko sa gabi? Mariin akong napapikit sa iniisip ko. Of course, I am not into that job, sinabi ko rin iyon kay Kousuke.
Ngumuso lang siya. "Alright."
We spent our few hours inside the Komeda's Coffee. Kung anu-ano pa nga ang itinatanong sa akin ni Kousuke na kahit ako ay hindi ko pa napapag-isipan.
"So, what is your plan after going home to the Philippines?"
"I will continue to write? Novels. Travel blogs and I might study again," tipid kong sagot.
"Hmm. . ."
"How about you? You don't expect me to feed you?"
Ngumuso siya sa akin. "You've been feeding me everynight—" nanliit na ang mga mata ko sa kanya.
"I am just kidding. I might join Seiji's business. I told you, I'll die if I become a househusband."
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag sinasabi niyang sasama talaga siya sa akin. You couldn't just throw away an unlimited fortune for a woman. Pero kung makapagsalita itong si Kousuke ay parang seryoso na talaga siya sa kanyang mga desisyon.
Paasa kaya ang mga hapon? What if he's like this because I am just a good match in bed?
"Have you had a girlfriend, Kousuke?"
Bigla siyang natigilan sa tanong ko. Of course, it was out of nowhere.
"I had one."
"And the reason for your break-up?"
"She cheated," mabilis niyang sagot.
"Oh, why?"
Nagkibit-balikat si Kousuke. Napaisip na lang ako bigla. Why would she cheat? Kousuke almost has everything, handsome looks, body, and sweetness. He's also good in bed. Bakit kaya?
Siguro ay nababasa ni Kousuke ang nasa isip ko dahil mas nanliliit ang mga mata niya sa akin na parang hindi niya gusto ang mga iniisip ko.
"I had no time to be with her before. I was a workaholic," dagdag niya.
"Really?"
"How about you?"
"Are you sure that you don't know?" pinagtaasan ko siya ng kilay. He was the first and he's aware of it. He chuckled.
"I had suitors before. But I rejected them."
Ngumisi siya. "I am happy that you rejected them."
Kousuke and I were in the middle of a conversation when another customer in the middle of night entered the Komeda's Coffee. I was about to ignore it when I noticed a familiar person. When I first saw him unexpectedly last time in the park, I had this curious feeling about him, but now all I felt was annoyance.
Hindi ko na sana siya papansinin pero napansin na siya ni Kousuke, kahit ang matanda ay napansin na rin kami. He was alone and as he walked towards our table, I knew what was really coming.
Hindi na naging maganda ang usapan namin ng matanda sa parke. I hate the idea that he tried to convince me to stay away from Kousuke. Kung iyong sariling pamilya nga ni Kousuke ay walang ginagawa, sino siya para makialam sa amin?
Kousuke and I have our own pace with this relationship. I can't imagine what would happen to us once that his family started to meddle with our affair, pero bakit ba namin iyon kailangang isipin sa ngayon? Ang mahalaga ay masaya kaming magkasama ngayon ni Kousuke.
We would think about the problem if it's already in front of us.
Malawak na ang ngisi ni Kousuke sa kanya at agad niyang inalok ang matanda na pwede naman siyang sumalo sa aming lamesa.
Sino ba naman ako para tumanggi? Kousuke wasn't aware of my conversation with the old man.
"How are you?" tanong niya sa amin ni Kousuke.
"We're fine," masiglang sagot ni Kousuke. While I gave the old man a small smile.
Nagsimula nang magkuwentuhan sina Kousuke at ang matandang lalaki gamit ang lengguwahe nila. Dumating na rin ang order namin, agad kong nakita ang pagkairita sa mukha ni Kousuke nang itapat ng waitress ang order sa kanilang dalawa ng matanda at hindi sa akin.
Pero bago pa magsalita si Kousuke ay bigla nang nagsalita ang matanda ng kanyang lengguwahe sa waitress, he even gently placed my frappe in front of me. Kinuha niya ang menu at saka siya nag-order sa waitress na parang nagtataka pa.
"I am sorry about that," sabi ng matanda.
Hinawakan ni Kousuke ang kamay ko at agad niya iyong hinalikan. "I am sorry for that."
Ngumiti ako, "No, it's okay, Kousuke. I am used to it."
"And I don't like it."
Humalik ulit sa kamay ko si Kousuke kahit naroon ang matandang lalaki. But what I noticed at the old man was his eyes full of pity while looking at us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro