Chapter 15
Chapter 15 Seal
August 29, 2022
Kamono Park
Today is my graduation day. It was supposed to be a special day of my life, since this would be another stepping stone for my life's journey. I even had numbers of award that should be celebrated. Pero ang tangi ko lang nagawa ay pilit na ngumiti sa gitna ng napakalakas na ingay ng lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.
Everyone's celebrating with their family. Habang ako ay kundi pa naawa ang adviser ay walang lalapit sa akin para isabit ang medalya ko.
Aunt Kiana was there, but she wouldn't even move an inch to make an effort for me. Isa pa, hindi siya papayagan ng anak niyang si Sarah dahil mas gusto lagi nitong nagmumuka akong kawawa.
"You should have told me! Edi sana si Mama ang nagsabit sa 'yo," nanlilisik na naman ang mga mata sa akin ni Nore.
"It's okay. Naroon naman si ma'am para sabitan ako."
"Kahit na!"
Nore invited me to celebrate with her family pero tumanggi na ako. Masyado na akong nahihiya sa pamilya niya. They've been kind and generous to me, lagi na lang akong sabit sa kahit anong okasyon nila. They should celebrate just within their family as well. Isa pa, hindi na rin maganda ang pakiramdam ko kaya mas gusto ko nang magpahinga sa bahay.
Pero nang sandaling umuwi na ako, napabuga na lang ako ng hangin.
Hindi man lang nagsabi sa akin sina Tita Kiana at Sarah na aalis sila. Ilang beses na nilang ginagawa iyon sa akin, kaya naghihintay na lang ako sa labas ng bahay habang makauwi sila.
Siguro ay lumipas na ang apat na oras ay hindi pa rin sila dumadating. Ilang lamok na yata ang nakakagat sa akin hanggang sa makarinig ako ng tunog ng motor. It could be my uncle's motorcycle.
Pero ibang naka-motorsiklo ang dumating. A delivery man!
"Ano po iyon?" agad akong kinabahan dahil wala naman akong pera. Kapag tinanggihan ko naman ito, siguradong magagalit sina Sarah at Tita Kiana sa akin at sisihin ako kung bakit hindi ko agad kinuha.
"Sino dito si Rhoe Anne—" hindi pa man nababasa ang buong pangalan ko ay agad ko nang itinuro ang sarili ko.
"Ako po iyon! Ano po iyan?"
"Ikaw?"
Tumango ako. Bumalik ang delivery man sa malaking kahapon na nakapatong sa likuran ng motor niya at binuksan niya iyon, nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
It's a huge bouquet of flower. Mas malaki pa sa mga natatanggap ko mula sa mga manliligaw ko.
"Kanino po galing iyan?"
"Walang nagalagay, hija."
"Wala pong bayad iyan? Sigurado?"
"Oo, basta pirmahan mo lang ito."
Ang tangi ko lang natandaan ay ang maliit na card na may note na 'happy graduation'
***
Hindi na nasundan ang lakad namin ni Kousuke matapos naming pumunta sa Diamond Beach, Fukui. He even asked me permission if he could be absent to our gala for three days. I told him that it's not mandatory for him to ask me, dahil buhay niya naman iyon at hindi ko naman siya pinapa-sweldo.
Isa pa, my initial plan was to travel alone and discover how Japan works, ang nangyari ay nagkaroon ako ng libre tour guide, minsan ay nakakahalik pa ako.
It's not common in someone's lifetime to find a free tour guide, free ride, and free kisses, right? Bakit ko naman ipagdadamot kay Kousuke ang dalawang araw niyang bakasyon? Hindi na ako lugi sa kanya simula nang dumating ako rito sa Japan.
Dahil hindi ko naman gustong sayangin ang oras ko sa loob ng hotel ko at manatili pa na walang ginagawa sa pangatlong araw, I tried to walk outside of my hotel. May malapit naman kasing park na walking distance lang.
How to say that you're a Filipino without saying that you're a Filipino? Well, I used an umbrella to protect myself from the sun. Iyong mga hapon kasi na kakasalubong ko na galing doon sa park na pupuntahan ko, ini-enjoy nila iyong sunlight.
I have my shades on, my umbrella, and my regular jogging pants. Maybe it took almost 10-15 minutes before I arrived at the park. The difference between this park with Maehira Koen was it has fewer trees around it. But its manmade lake was quite bigger than in Maehira Koen.
Mas marami nga ritong bibe kaysa roon at may mga pagong din na parang sanay nang makakita ng tao at naghihintay ng pagkain.
The park has a circular pathway with cluster of trees around it, sa gitna ng malaking bilog ng park ay iyong man-made lake. Ducks, carps, and even turtles were visible and harmoniously living together. There's a long bridge that would serve as an aisle toward a shed filled with flowery vines. May maliit din na parking space for cars, comfort room for both men and women and some tables made of stone.
Isa talaga sa napapansin ko sa mga parke rito sa Japan, hindi masyadong dumadami ang tao. And I just noticed that Japanese don't stay too long, pagkatapos lang din siguro ng ilang minuto ay umaalis na sila.
How could they enjoy the view kung nagmamadali sila?
Naroon ako sa bridge at nakasampa ang dalawang braso ko sa mataas na hamba niyon habang pinagmamasdan ang mga bibe, pagong at karpa. Napakarami nilang nakatingala sa akin na parang naghihintay sila ng pagkain na ibibigay ko sa kanya.
"I am sorry. I wasn't informed."
Hindi ako umalis sa posisyon ko hanggang sa bigla na lang may naghagis ng tinapay sa tubig. I looked at my side to see the familiar old man that Kousuke and I met three days ago.
Napatuwid ako ng pagkakatayo habang nakatitig sa matanda na ang atensyon ay naroon sa tinapay na inihahagis niya sa tubig.
Hindi ba't malayo ang Fukui rito? Ano ang ginagawa niya rito?
"H-Hi. . ." nag-aalangang bati ko.
It's going to be weird if I'd ask him if he's living nearby.
Lumingon sa akin ang matanda at malumanay na ngumiti sa akin. Nang makita namin siya ni Kousuke sa Fukui, may pakiramdam na ako sa kanya na hindi ko mapangalanan.
I even noticed him struggling if he would tell Kousuke something or not. Hinahanap niya ba si Kousuke?
"I saw you when I was passing by," itinuro niya iyong lumang van sa parking lot na siyang gamit niya nang nasa Fukui siya.
Tumango ako. "How are you? How was the Fukui?" I awkwardly asked him.
"The Fukui is still great with lots of visitors every day."
Ngumiti ako at pinagmasdan na lang ang mga bibe na pinapakain niya. "I am glad."
"Where is the young man with you?"
"He's busy right now."
Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin. I suddenly had an urge to bid my goodbye, because I am starting to feel the awkwardness, but the old man mentioned something that caught my interest.
"How long have you been looking for your father?"
"I've been here for two weeks."
"And you haven't found him?"
Umiling ako. "To be honest, this journey is not all about how I would find my father, but about feeling those experiences that he had with my mother. And luckily, I found someone that would make this experience more memorable."
Mas lumawak ang ngiti ko sa matandang lalaki.
"Are you going to Fukui right now? It seems like you live nearby?" tanong ko. Wala na akong maisip na sasabihin sa kanya.
Tumango siya.
Nang matapos na ang matanda sa paghahagis ng tinapay sa tubig ay nagsimula na siyang tumalikod sa akin. Nakasalikop ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran.
"Take—" I was about to tell him that he should be careful, but I stopped myself.
Lakas loob akong humakbang at hinabol ang matanda. Nilampasan ko siya at hinarangan sa gitna ng maiksing tulay.
"What was it? You have something to tell us, to Kousuke when we were still in Fukui." I could still see it in his eyes. May mga bagay siyang gustong sabihin sa akin.
Nagsasabi ba siya ng totoo na hindi na niya nakita si Papa? May bagay pa ba akong dapat malaman sa lalaking matandang ito?
He's looking at me as if something was wrong with me, at sa tuwing parang magsasalita na siya ay bigla niyang pipigilan ang kanyang sarili.
Bumuntonghininga na siya. "You should stay away from him."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng matanda. Sino siya para magsabi sa akin ng dapat kong gawin?
"W-Why?"
"I may be a man who always stays near the sea, but I am aware of the influential people in this country. That young man is no ordinary. You are trying to get involved with the wrong person. Stay away from him if you want to stay in this country peacefully."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nagsimula na ulit maglakad ang matanda at nilampasan ko.
So, that was it? Hindi talaga siya napadaan lang? Dahil sadyang nagpakita siya sa akin para sabihin iyon? Muli kong hinabol ang matanda.
"Did my father come back? You told me that they were in love when you met them."
"They've been in that beach a lot of times. . ." napasinghap ako sa sinabi ng matanda. He was lying! Kilala niya ang mga magulang ko.
"Tell me what happened. . ." mas lumapit ako sa kanya at halos magpakaawa na ang mga mata ko sa kanya.
"I witnessed how in love your parents were and I witnessed how they got separated. Your parents were separated from your father's family. I was there. And you're doing the same mistake, young lady. Leave him alone."
Nang maglakad na ulit ang matanda ay mas humabol ako sa kanya. Ang dami nang tanong ang pumasok sa isip ko habang hinaharangan siya.
"Where is my father?"
Ngayon ay mas nakikita ko na ang awa sa mga mata ng matanda sa akin. Hinawakan na niya ang mga balikat ko at sinalubong niya ang mga mata ko.
"You've been aware of his situation from the very beginning, young lady. You should accept your fate, his fate. . . you're just trying to make it hard for you and for the young man. Let him go before he drowned himself to you."
Wala akong maintindihan sa sinabi ng matanda at tumitig lang ako habang pilit na pinuproseso ang mga salita niya.
Ano ang dapat kong tanggapin? Why would I let go of Kousuke? Si Kousuke mismo ang nagsabi sa akin na hindi ako papakailaman ng kanyang pamilya. Everything about us was just a casual friendship this summer. . . walang komplikasyon.
Hindi pa rin ako tumigil sa pagsunod sa matanda hanggang sa makarating kami sa parking lot. I went near his driver's seat window.
"Please tell me where my father is," ulit ko.
Tinitinigan lang ako ng matanda. "You are as stubborn as your mother. Always take care, young lady."
Hindi na niya ako sinagot hanggang sa makalayo na ang kanyang sasakyan. Akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag matapos kong maglakad-lakad pero mas bumigat ang pagkiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ng matandang iyon.
Mas mabagal ang paglalakad ko pabalik sa White Kamono Hotel, madilim-dilim na nga nang makarating ako. Nasa huling baitang na ako ng hagdan at liliko na ako sa hallway patungo sa room ko nang mapansin ko ang pamilyar na pigura ni Kousuke.
Nag-aalangan pa siya kung magdo-doorbell siya sa akin. "Kousuke!"
Lumawak ang ngiti niya nang marinig niya ang boses ko. I didn't know why I kept on walking until it turned into hurried steps. Hindi ko na lang namalayan na tumatakbo na ako para salubungin siya.
He was running as well with his open arms, at nang abot kamay na niya ako nagawa niya pa akong buhatin at iikot sa ere.
"How's my summer girlfriend?"
Hinayaan ko lang siyang buhatin ako habang nakatingala siya sa akin at nakayuko naman ako sa kanya. "I had a fun walk today."
"Alone?"
"Should I ask someone else? You weren't around."
"Ah, don't cheat."
Tumawa kami sa isa't isa. Ibinaba niya na ako pero ang kamay niya ay nasa baywang ko pa rin.
"How about we make it real, Kousuke?"
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Should we seal it with a kiss?"
"I can give you a better seal, Mr. Matsumoto. You tell me," I pulled the collar of his polo shirt.
Kousuke's hand from my waist moved quickly to my door. When he noticed that it was locked, I playfully raised my key. He chuckled and grabbed it from me.
"This is the best summer ever," he whispered as he carried me inside my room.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro