Chapter 11
Chapter 11: Picture Frame
Ohira Friendly Park
Kani-Shi Gifu
August 22, 2022
Malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tita Kiana.
"Anong klase pinsan ka naman, Rhoe Anne! Ano itong pinagsasabi mo kay Sarah!"
Hindi agad ako makapagsalita habang hawak ang pisngi ko. Pinipilit kong hindi umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko. Dapat pala ay nakinig na lang ako kay Nore. I shouldn't have concern myself with Sarah anymore.
Dapat ay nagbulag-bulagan na lang ako, siguro ay hindi na naman ako mahaharap sa ganitong sitwasyon. Ang nais ko lang naman ay tumulong kay Sarah para hindi na lumala ang sitwasyon niya at hindi na iyon maging problema ng kanyang mga magulang, pero mukhang ito na naman ang sasapitin ko.
"Sinasabi niyang nakikipaglandian ako sa bagong teacher, Mama! At I am sure siya iyong nagkakalat ng balitang iyon sa lahat! Magpinsan tayo, Rhoe Anne! Kinupkop ka nila Mama at Papa pero bakit ganito ang igaganti mo sa amin? Sinisiraan mo ako sa school! Ang taas pa naman ng tingin nilang lahat sa akin! Napaka-inggetera mo talaga kahit kailan!" galit na galit na sigaw sa akin ni Sarah.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong mangatwiran ngunit alam ko sa sarili kong hindi iyon tatanggapin ng dalawang nasa harapan ko. Simula pa lang ay sarado na ang isipan nila sa akin at ang lahat ng gawin ko ay mali sa kanilang mga mata.
Ang tangi ko lang nagawa ay yumuko at umiyak habang pinauulanan nila ako ng mga masasakit na salita.
My teenage years was like a hell, at hindi lang iilang beses akong nagdarasal na sana ay higit na bumilis ang oras at dumating na ako sa hustong gulang para makalaya na sa kanila.
***
"You will never forget it. I mean. . . we will never forget it."
I arched one of my brows as I playfully pushed his hand away from me. I gazed at him mockingly as I raised my head up high and tip-toed a little to come closer to him.
"Hmm. . ." I dramtically swayed my hair before I walked pass him. Sinadya ko pang bahagyang sumayad ang braso ko sa kanya bago ako tuluyang mauna sa kanya sa paglalakad.
He huffed in disbelief as I giggled when I walked away from him.
"Wow," he said.
"Come on. Walk quickly, Kousuke!" tawag ko sa kanya nang lumingon ako sa kanya pabalik na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya at nakasunod lang ng tanaw sa akin.
Malayo ang mas malalim na ilog doon sa pinaglagyan namin ng gamit nahirapan pa kami ni Kousuke sa paglalakad, dahil na rin sa matalas at naglalakihang bato.
We're a little bit careful. Dahil sa sandaling madulas kami, siguradong masasaktan talaga kami.
"Careful, Rhoe Anne! We're getting there, you know. . ."
Dahil nasa unahan niya ako naririnig ko ang iba't ibang ekspresyon niya sa tuwing muntik na akong madulas.
Hahakbang na sana ulit ako nang bigla akong napatili nang dumulas ang paa ko.
"S-Shit! Rhoe Anne!"
Pero agad ko rin nabalanse ang sarili ko at napigilan ko ang tuluyan kong pagbagsak. Ilang beses na yata akong nakarinig ng mura mula kay Kousuke kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.
"Kousuke! What's wrong with you? I am okay. In Philippines I do hiking as well."
Para siyang walang narinig sa sinabi ko dahil nakakunot na ang noo niya at malalaki na ang hakbang niya para makalapit sa akin.
In Kousuke's swift movement, I was in his arms as I looped my arms around his neck. Hindi na siya nakipagtitigan sa kanya at hinayaan ko siyang magpakahirap sa gusto niyang mangyari.
"You don't carry a random girl, Kousuke."
"Who says you're a random girl? You're my summer girlfriend."
"Or maybe a neighbor?"
"Whatever, Rhoe Anne."
Dahil sa laki ng mga hakbang ni Kousuke, nakarating na nga kami sa malalim na parte ng ilog. Akala ko ay ibaba pa ako ni Kousuke pero agad na siyang tumalon sa ilog habang buhat ako.
He didn't even warn me! That idiot!
Nang sandaling lumubog na ang katawan ko sa malamig na tubig ng ilog, sa halip na agad maglangoy sa itaas ay hinayaan kong higit na lumubog ang katawan ko.
The river was so clean that I could even see the lights above from the sun, and the figures of tall trees as they watched me drift deeper down the water, and when I tried to close my eyes I suddenly felt like an innocent child being lulled into a lullaby.
Ang kaninang lamig ng tubig ay biglang nag-init. It was like that comfort in the middle of winter and you have that heavy and thick blanket on your bed covering your whole body.
Hahayaan ko pa sana ang sarili kong higit na lumubog sa ilalim ng tubig nang maramdaman kong may humawak na sa kamay ko. When I opened my eyes, it was Kousuke Matsumoto pulling me on the surface.
Kahit sa ilalim ng tubig, I could see his concern face. Kaya marahan kong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin para iparating sa kanya na nasa maayos ako.
We were both gasping for air when we reached the surface. At mas nanliliit ang kanyang mga mata sa akin habang kapwa namin habol ang aming paghinga.
"Why do I have this feeling that—" hindi ko na pinatapos pa ang kung anumang sasabihin niya na nasisigurado kong pagkairita lang sa akin.
I crossed the distance between us, and with the small current of the flowing river, I allowed it to push me towards him, my arms looping around his nape as I pressed my lips against him. I didn't even wait for him to close his eyes as I gave him a gentle and slow kiss.
Tulala siya nang humiwalay ako sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at makabawi sa bigla kong ginawa dahil naglangoy na ako palayo sa kanya. Nawala lang siya sa pagkakatulala nang sabuhayan ko siya ng tubig sa mukha niya.
"Again. . . let's do it again."
Umiling na ako sa kanya. "Abusado ka nang hapon ka."
"What?"
Nagbasaan lang kami ni Kousuke sa ilog at ilang beses din kaming nag-unahan sa paglalangoy bago kami napagod at nagutom.
"I think it is better if we place our things here, Kousuke. Our first spot has no shade, here we have shadows from the trees around us. "
The position of the deepest part of the river was between huge trees. Dikit-dikit pa ang mga ito kaya wala masyadong sinag ng araw na nakakapasok.
"Alright."
Aahon na sana ako sa ilog para tulungan si Kousuke sa paglipat ng gamit namin nang umiling siya sa akin.
"It's slippery, Rhoe Anne. I'll just come back here. I can manage to bring our things. Don't worry."
Hindi na rin naman ako nagpumilit kay Kousuke dahil gusto ko pa rin maglangoy at tinatamad pa akong maglakad.
"Sure. Come back quickly."
Tumango si Kousuke. Hinabol ko muna siya nang tanaw bago ako nagpatuloy sa paglalangoy. I was doing a floating style with the peacefulness of the whole place when I caught something at the side of my eye.
Lumingon ako sa kanang bahagi ko at muntik na akong lumubog sa tubig nang magulat ako sa batang babae na nakatayo sa gilid ng ilog.
"Hi! Konnichiwa."
Nagmadali akong naglangoy papalapit sa kanya. Ilang beses pa akong napalingon sa paligid ko. Saan dumaan ang batang ito? May iba pa bang daan bukod sa dinaanan namin ni Kousuke? May mga tao na rin bang dumating? Kung sabagay masyado pa kaming maaga ni Kousuke nang dumating kami dito.
"Are you alone?"
Nag-aalangan pa ako sa pagkausap sa bata na nakatitig lang sa akin at walang emosyon. Ganoon naman kasi ang mga hapon kahit ay bata ay hindi na rin masyadong nagbibigay ng emosyon.
Maiintindihan kaya ako ng batang ito?
Lumingon ako sa dinaan ni Kousuke. He should return quickly. Hindi ako maiintindihan ng batang nasa harapan ko.
Noong una ay naglangoy lang ako sa malapit sa bata at tumingala lang ako sa kanya. I tried to talk to her but she was just looking at me.
"Where are your Mama and Papa?"
The little girl was wearing a white swimsuit. She's so cute with her fluffy cheeks and small eyes. Basang-basa rin siya katulad ko, maging ang basa niyang buhok ay tumutulo pa.
"Hello, let's just wait for my Japanese friend. He will help you."
Wala pa rin ekspresyon ang batang babae. Huminga ako nang malalim at humawak na ako sa lupa. Hindi ko naman gusto na umikot pa at maghanap ng mababaw, baka biglang makatalon ang bata.
"Wait. Let's talk."
Nang makahawak na ako sa lupa ay pilit kong inilagay ang puwersa ko sa mga braso ko para maangat ko ang sarili ko pero hindi ko magawang umahon. I tried to thrice but I couldn't make it.
I awkwardly smiled at the little girl watching me.
"Wait lang. Okay? Don't jump, okay?"
Itinuro ko ang ilog sa kanya at pinagkrus ko ang dalawa kong braso habang umiiling. I didn't get a response from the little girl. I sighed in dismay.
Talaga bang ganito ang mga hapon? Mabuti na lang at kakaiba si Kousuke dahil nagsasalita naman siya at talagang madaldal.
Hindi man ako nakatanggap ng sagot sa bata, nagmadali na akong maglangoy sa mababaw para tumabi sa bata. Ilang beses pa akong nagpapabalik-balik ng lingon sa kanya sa takot na baka bigla na lang siyang tumalon.
Nang makaahon na ako ay napahinga na ako nang maluwag dahil naroon pa rin ang bata. Isa pa rin sa bigla kong naisip ay baka parte na naman ang batang nakikita ko sa mga hallucination ko.
I just want to prove it that she's real. Nagmadali na akong maglakad papalapit sa bata, at naupo na ako sa tabi niya habang nakalubog ang dalawa kong paa.
"Are you with your Mama and Papa? Why are you alone?" tanong ko sa kanya.
Nakangiti ako sa batang diretso lang ang titig sa ilog. Hahawakan ko na sana siya para agawin ang atensyon niya nang mabagal na siyang lumingon sa akin habang ang kanyang mga mata ay nakatuon doon sa kamay ko na dapat ay hahawak sa kanya.
Mukhang hindi niya gusto na hinahawakan siya. Kaya ngumiti lang ako sa kanya at ibinaba ang kamay ko.
"Mukhang hindi nga tayo magkakaintindihan. Let's just wait for my friend. He's a Japanese. Maybe you're comfortable to speak with your fellow Japanese. Siguro pa nga, pinagsabihan ka na ng parents mo na huwag lumapit sa foreigner na katulad ko."
Lumingon ako pabalik sa pinagdaanan ni Kousuke. Bakit kaya ang tagal niya?
"Saan ka dumaan? I didn't notice you there." Itinuro ko sa kanya ang daan na ginamit namin ni Kousuke.
Umiling sa akin ang bata at may itinuro siya sa harapan namin. Sa kabilang parte ng ilog.
"You came there?"
Hindi na ulit siya sumagot sa akin. Siguro ay mas naiintindihan niya ako kapag gumagamit ako ng kamay sa pagkausap sa kanya.
I was about to give her an action if she already had her lunch, but this time the little girl chose to meet me in the eyes. Unti-unti kong ibinaba ang dalawa kong kamay na parang kakain nang hintayin ko siyang magsalita.
"Are you lost too? You should go home."
Ilang beses akong napakurap sa kanya nang marinig siya magsalita. She could understand me!
"I am not lost. I am having a vacation. I am with my boyfriend, he's just getting something to eat. You should eat with us," mas nagtampisaw ang dalawa kong paa sa ilog.
Tumitig lang sa akin ang bata. "I hope you find what you're looking for. . ."
Ngumiti ako sa kanya. I was about to say thanks to her when her attention got diverted again. "Mama!"
Kumaway siya doon sa kaninang itinuro niya at bigla na lang siya tumakbo. "W-Wait!"
Tumayo na ako at dapat hahabulin ang bata pero masyado siyang mabilis sa pagtakbo kaya hindi ko na siya nahabol maging sa aking tanaw.
"Rhoe Anne?"
Nawala ang atensyon ko sa bata nang marinig ko ang boses ni Kousuke.
"Are we still alone, Kousuke? Or people are starting to come?"
"Yes. It's getting crowded there."
Napahinga ako nang maluwag sa narinig sa kanya. Akala ko talaga ay parte pa rin ang batang iyon ng hallucination ko.
Mas nagtagal pa kami ni Kousuke roon matapos naming kumain. Naglangoy pa kami ng mga isang oras bago ako nagyaya sa kanya na umuwi na.
We were loading our things behind his car when I noticed a new car parked near us. May bumabang batang mag-asawa, I was expecting a child in the backseat, but it was a dog.
Pero ang nakapagpagulat sa akin ay ang hawak nilang maliit na picture frame ng isang bata, napahawak na lang ako sa sasakyan ni Kousuke para alalayan ang sarili ko.
Because the girl in the picture frame was the same little girl a while ago.
Halos mapatalon ako sa gulat habang may nanlalaking mga mata nang hawakan ni Kousuke ang balikat ko. "What's wrong?"
Huminga ako nang malalim at yumakap na lang ako kay Kousuke. I buried myself on his chest and familiar scent.
"I'm seeing things that I shouldn't, Kousuke. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro