Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

yeoldul (12)

................MUSIC IS LOVE #12....................

Kenneth's POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Cisum at talagang nakaka miss na talaga ang nerd na malakas ang dating na 'yon.

" Kenny, tulala ka na naman dyan, may balak ka bang manalo tayo sa show off? nagpa practice tayo lutang ka!" sermon sakin ni Kid,  kanina pa kami paulit ulit lagi kasi akong nag kakamali kasi gaya nga ng sinabi ni Kid lutang ako, kanina ko pa iniisip si Cisum, kung kailan ko sya ulit makikita, kung anong ginagawa nya. damn ano bang ginawa mo sakin Cisum?

"Sorry, sorry Bro. and Brayan, inaantok lang talaga ako" pag sisinungaling ko, halata sa kanilang dalwa na pagod na pagod na sila dahil mabigat na ang mga pag hinga nila, halata ring kaninang kanina pa inis sakin ang kapatid ko.

"Ge mag break nalang muna tayo. " sabi ulit ni Kid at naglakad na palabas,  andito kami ngayon sa isang studio na nakalaan samin, bawat group may nakalaan na studio. Medyo nabadtrip ata sakin ang kakambal ko, well hindi ko naman sya masisisi dahil gusto talaga nyang manalo at maka duet si Kelly babe nya. Siguro inisip nya na isinasabutahe ko sya which is wrong, dahil may iniisip lang talaga ako. Lumabas nalang din muna ako para mag palamig. pumunta ako sa tabing dagat, umupo ako at dinama ang sariwang hangin

"Hi?" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako, nabuhayan ako ng makita ko kung sino ang nagsalita, damn! presensya palang nya ang lakas na ng epekto sakin

" H..hi Cisum" ngiting ngiti kong sabi sakanya, umupo din  sya sa kalapit ko

"So what's up?  kamusta ka?" tanong nya sakin

" I'm fine, bakit ilang araw kitang hindi nakita?" tanong ko sakanya, nag ilag sya ng tingin at tumitig sa dagat, simple lang ang suot nya pero bakit ang ganda nya sa paningin ko?

"Ahmm busy lang sa practice, you know malapit na ang show off" kibit balikat nyang sabi habang nasa dagat parin ang tingin

"Ahm may partner ka ba?" tanong ko ulit

"Ano solo lang ako, bakit ikaw ba?" tanong nya tsaka napatingin sakin, damn! wag kang tumingin sakin kinakabahan ako, shit! nahahawa na yata ako sa kabadingan nina Kid at Brayan

"Ah y..yeah si Kid at Brayan" nauutal kong sagot

"Ken" seryoso nyang tawag sa pangalan ko, kinabahan naman ako ng bahagya sa tono ng boses nya

"Yes?" hinihintay ko ang sasabihin nya

"Ah nothing" sabi nya tsaka ulit nag iwas ng tingin, eh? ano yon?

" Wag kanang mahiya ano nga yon?" pangungulit ko

"Wala nga, nga pala tapos na ba kayong mag practice?" pag babago nya ng usapan

" Ah hindi pa, break namin kaya nagpapahangin muna ako, medyo nainis kasi sakin si kid kanina lutang kasi ako buong practice" sabi ko, tumango tango lang sya

"Hm mukang gustong gusto talagang manalo ng kapatid mo ah"

"Yeah gustong gusto, ah hindi mahal na mahal nya kasi talaga si Kelly babe daw nya" sabi ko, natawa lang sya

"Pft hahahaha Kelly babe huh?" tawa nya

"Hahaha oo patay na patay sya dun sa Kelly na yon, ewan ko ba don wala namang kagusto gusto dun sa Kelly na yon masyadong mayabang at matapobre boses lang nya ang maganda.." sabi ko , pero napatingin ako sakanya kasi natahimik lang sya at tumingin na naman sya  sa malayo, lately napapansin kong lagi syang malayo ang tingin

"Oh bakit ka natahimik dyan?" pansin ko sakanya

"Wala. Ken, bakit inis na inis ka kay Kelly?" seryoso nyang tanong sakin

" Limot mo naba? sinabi ko na sayo diba? inis ako sa babaeng yon kasi mayabang sya, mapang maliit basta naiinis ako sa presensya nya."  tumango tango sya, pero tahimik parin sya mukang malungkot

"Ah ganon ba?" nakangiti nyang sabi pero pansin kong malungkot ang mga mata nya.

"Sige Ken. Mag pa practice na ako" tumayo na sya at ngumiti ng malungkot at nagpag pag sya ng pantalon nya

"Bye Ken" sabi nya tsaka umalis, napakunot noo nalang ako, mukang may problema sya.
Nakatingin lang ako sa papalayong si Cisum ng maramdaman ko ang pag ba vibrate ng phone ko sa bulsa ko, damn! may practice pa nga pala kami. yare ako kay Kid

"Hello Ken? ANO NASAN KANA? saang lugar ka naman ngayon natutulala ha!?" bulyaw agad nya sakin, ah shit! sakit sa tenga

"Andyan na ako Kid, pabalik na ako sorry may kinausap lang." sabi ko

"Bilisan mo Ken, kanina pa kami nag hihintay ni Brayan dito mahiya ka naman!" sermon parin nya

"Oo na nga andyan na ok? kaya ibababa ko na to" sabi ko at pinatay na ang phone call at tumakbo na pabalik sa studio, dali dali ako dahil baka mas lalong magalit si Kid.

"Sorry I'm late" sabi ko, tinanguan lang nila akong dalwa

"Let's start" sabi ni Kid, pinatugtog na ni Kid ang minus 1 ng I NEED U ng BTS at nag simula na kaming kumanta at sumayaw, kailangan ko munang magseryoso at baka tuluyan ng maging dragon ang kapatid ko at sumabog. Mahirap ang mga steps at lyrics ng kanta dahil korean tsaka ang steps ay puro locking. Kaya pare pareho kaming mga naghahabol ng hininga sa twing matatapos ang tugtog, pinatay ni kid ang tugtog

"Acapella muna tayo ng kanta" sabi nya

"Mabuti pa nga kapagod ang sayaw, pero sure naman akong maganda ang kalalabasan nito" sabi naman ni brayan habang nainom sya ng tubig

"Game"tugon ko, at nagsimula na nga kami medyo hirap parin kami sa ibang lyrics dahil nakakapilipit ng dila, pero sulit to kapag na perfect namin.



After an hour

" Ok  tama na muna, pahinga na tayo " sabi ko at sumang ayon naman silang dalwa.

"Let's eat?" Brayan

"Ge I'm hungry and exhausted" pagod na sabi ni Kid habang nag pupunas ng pawis nya, hindi na kami nag bihis ng damit dahil pare parehas kaming gutom, kaya pare parehas na kaming dumeretso sa resto.

"Anong sainyo?" tanong samin ni Brayan dahil sya na daw ang oorder

"Hawaiian pizza akin tsaka isang sprite" sabi ni kid tsaka naghanap ng mauupuan

"Ako ahmm Vegetarian pizza tsaka sprite din isa" sabi ko tsaka ibinigay sakanya ang bayad namin ni kid at sumunod na sakanya sa upuan na nahanap nya. Si Brayan naman dumeretso na sa counter, umupo na ako sa katapat ni kid,  kaharap ko ang glass wall.
Tumingin ako sa labas at sakto nakita ko si Cisum kaya kinawayan ko sya at pinapunta dito sa pwesto namin kaso bakit nya kasama sina Shane Gray at Zoey Shoffe? lumapit sila sa pwesto namin

"Hi, tapos kanang mag practice?" tanong ko sakanya, nginitian nya ako

"Ah yeah, kayo ba?" tanong rin nya, tumango ako.

"Hi Kid" ngiti nya rin kay Kid, nginitian din sya ni Kid

"Oh Cisum long time no see" biro sakanya ni Kid

"Bakit nga pala kasama mo yan sila?" turo ko sa dalwang member ng Rockly 3, napatingin naman sya sa mga kasama nya

"Ah sila ba? ano pinapasabay kasi akong kumain ng pinsan kong si Zoey sa kanila " tugon nya, pinsan pala nya si Zoey Shoffe?

"Mag pinsan kayo? nasan si Kelly babe?" takang tanong ni Kid

"Oo magpinsan sila, tsaka tigilan mo nga ang pagtawag ng babe kay Kelly, malignong to, kapal ng muka!" pansin ko lang laging mainit ang dugo sa isat isa nitong kapatid ko at ni Shane Gray

" Wag ka ngang sumabat dyan tiyanak, hindi ikaw ang kinakausap ko!" inis ring sabi ni Kid

"Wala si Kelly natutulog sa kwarto nya" simpleng sabi ni Zoey Shoffe

" Whoah look who we have here, Hi sainyo people" bati sakanila ni Brayan habang may dalang tatlong ibat ibang flavor boxes of pizza and sprite, ibinaba nya ang mga dala nya sa table at umupo narin.

"Hi" balik na bati sakanya ng mga girls.

"Ah sige mauna na kami" paalam ni Cisum

"Huh? join us, mamaya na kayo umalis" pigil ko naman

" Thanks, but no thanks, may kaylangan pa kasi akong gawin sige bye" tanggi ni Cisum at umalis na sila.

"Whoah sya ba yung type mo ha Ken?" tukso sakin ni Brayan

"Iba rin ang tipo ng kapatid ko ano? nerd mga type nyan" sabi ni Kid habang sumusubo ng pizza

"Tss kumain ka na nga lang dyan" sita ko sakanya, at dahil gutom kaming lahat kumain nalang kami ng walang imikan. Better, haist what's with you these past few days? It seems like iniiwasan mo ako

......................................

hope you like it

love lots people💓

V_V

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro