yeol hana (11)
...............MUSIC IS LOVE #11....................
Kelly's POV
"Kelly, alam mo na ba?" tanong ni Zoey
habang nandito kami sa room ko, aish anong alam ko?
" Hindi pa, hindi mo pa sinasabi di ba?" ngisi ko sakanya
"Naman Kelly I'm serious" seryoso nyang sabi
"Wow naman Zoey kelan kapa natutong magseryoso?" biro ko sakanya, sinamaan naman nya ako ng tingin, hahaha asar talo talaga ang isang to
"Tss whatever bahala ka nga dyan" aalis na sana sya
"Wait Zoey ,ito naman hindi mabiro oh, what is it?" tanong ko sakanya
"Yan!. What I want to say is according to what I've heard isa daw sa magiging judge yung ano.. yung...." nag aalangan nyang sabi
"Yung ano Zoey? ano ka ng ano dyan ano ba yun?" inis kong sabi sakanya
" Yung ano..kasi ano..yung" fuck! wala ba syang alam ibang sabihin kundi ano? shit! nakakairita na
"Ano nga? isa pang ano mo Zoey susunugin ko lahat ng collection mo ng Twice's merchandise" banta ko sakanya, at mukang epektibo naman dahil tumigil sya sa kaka ano nya
"Yung ex mo Kelly, sya si Rafael ang isa sa judge sa show off ng mga campers" mabilis nyang sabi, the fuck!, ako ba'y pinag titripan ni Tito? alam naman nyang, aish Tito naman oh. Nakakainis dahil kahit gusto kong magalit sakanya at mainis, nananaig parin yung konting pag asa na baka pwede pang kami? But I know wala ng pag asa , may mahal na nga syang iba diba? ginamit lang ako diba? shit naman, akala ko ba move on kana Kelly? ano to? akala ko ba pinag yelo mo na yang puso mo? oh anyare na? narinig mo lang ang pangalan nya lumalambot kana ulit? damn hindi pwede to, kaylangan mong ipakita na wala na syang epekto sayo.
"Hoy Kelly? hello earth? earth? earth to Kelly?" winawagay way ni Zoey ang kamay nya sa may muka ko
" Huh? may sinasabi ka ba?" alanganin kong tanong sakanya
"Ano ba yan Kelly tulala ka na naman? akala ko ba move on kana?, sabi mo pa nga parang lumalambot na ulit yang puso mo dun kay, ano nga ulit ang pangalan non?" dire diretso nyang sabi, bibig talaga nito walang preno
"Hinaan mo nga yang boses mo Zoey, napaka ingay mo dyan. Oo nga moved on na ako, kaya lang may epekto parin talaga, ganon naman diba? kahit alam nating wala na talagang pag asa umaasa parin, kahit masakit na iniinda nalang. Damn this freaking heart nasasaktan parin" malungkot kong sabi sakanya, akala ko moved on na ako kasi may feelings na akong nararamdaman kay Ken, pero ng narinig ko ang pangalan nya. Masakit parin pala
"Kelly wag ka nang umasa sakanya, mang gagamit ang lalaking yon, ginamit kalang nya para sumikat at mapalapit sa taong tunay nyang mahal" ouch truth hurts nga naman, yan ang mahirap dyan kay Zoey ipapamuka talaga nya sayo ang mga bagay na pinipilit mong ibalewala.
" Oo alam ko Zoey, alam ko naman na ginagamit nya ako simula palang, kaya lang ganon naman talaga tayo diba? we endure the pain just to feel a bit of happiness, niloloko natin ang sarili natin para maging masaya. Mas pinipili nating masaktan kesa mawalan ng taong minamahal, tama naman talaga eh, na sa pag ibig walang bulag, pipi at bingi, pero tanga marami. I'm one of those who chose to be hurt and be stupid ." sabi ko sakanya, malungkot nya akong tiningnan
"No you're not stupid, you just want to be happy, But in a wrong way, kasi dapat alam natin kung kelan dapat tumigil, dapat noon tumigil kana nung nalaman mong niloloko ka lang pala, But hindi kita masisisi dahil ganon talaga ang love mahirap maintindihan" sabi nya
"Pero alam mo? may feelings na talaga ako kay Ken ramdam ko" pag amin ko sakanya
"I know , you're so transparent, kitang kita kung pano ka tumingin kay Ken, Kelly" nagulat ako sa sinabi nya, ganon ba kahalata?
"Pero parang mahal ko parin si Rafael, posible bang magmahal ang tao ng dalwa at the same time? aish Zoey naguguluhan na talaga ako" naguguluhan kong tanong sakanya
"Alam mo Kelly, isa lang ang mahal mo, yeah I'm sure may nararamdaman ka sa kanilang dalwa pero pakiramdaman mo ang sarili mong feelings, I know may isa dyan na mas mangingibabaw. Baka naman iniisip mo lang na mahal mo pa si Rafael, pero ang puso mo si Ken na ang isinisigaw. You're inlove with the idea of you and Rafael being together pero try mong wag mag isip , try to listen to your heart and you'll find out kung sini talaga ang mahal mo" magulo rin talaga sya minsan
"Sige ipagpalagay nalang natin na, na gets ko" sabi ko habang kumakamot sa ulo
"Pakinggan mo ang puso mo kelly, Para malaman mo kung ano at sino talaga ang mahal mo, wag kang bobo hahaha chos" akala ko seryoso na , siraulo talaga tong hinayupak na to. Magaling talaga syang mag payo, pero may pag ka praning talaga ang isang yan, promise
"HOY kayong dalwa dyan anong drama nyo? mag ra round tayo mga te, baka mamaya may nag sasapakan ng campers tapos kayo andito lang? wow nahiya naman ako sainyong dalwa" bungad samin ni Shane , aish hindi ba uso sa isang to ang salitang katok?
"Fine fine , lets go Zoey nakakahiya kasi sa isang tao dyan" pagpaparinig ko sakanya
"Wait kain muna tayo please? I'm hungry" daing ni Zoey
"Sige tara muna sa resto." sabi ni Shane, at nagpunta na kami sa resto para kumain. Nakakagutom mag drama promise, papalapit na kami sa resto ng mamataan ko ang kambal kasama si ano nga ulit ang pangalan nun? Ben? Brylle? Brent? ah tama Brayan.
"Hi Kelly and company" masiglang kaway sa amin ni Kid kumindat din sya, si Brayan naman kumaway rin at ngumiti, si Ken naman walang reaction, tss as usual kay Cisum lang naman sya mabait.
"Wow feeling close naman yung isa dyan maka "hi" wagas" pagpaparinig ni Shane kay Kid
" May naririnig ka ba Brayan? Alam mo Bro. masamang sumabat kapag hindi naman ikaw ang kausap" inis na sabi ni Kid, kaya napairap nalang si Shane
" Tss whatever" nginisian lang sya ni Kid
"Tara na nga Kelly, baka maka sapak lang ako ng isang maligno dyan" sabi ni Shane at hinila na kami ni Zoey papasok sa resto.
"Hoy sinong maligno? gwapo ako hindi maligno palibhasa muka kang tiyanak" sigaw ni Kid. Pero hindi nalang sya sinagot ni Shane.
"Shane anong ganap nyo nung si Kid? bakit tuwing magkikita kayo puro kayo bangayan?" inosenteng tanong sakanya ni Zoey
" Nothing wag mo ng alamin " masungit na sabi naman ni Shane
"K fine, makakain na nga lang" sabi nya at umorder na, hayyy buhay parang life. Sana maging maayos lang ang lahat
...................................................
haist sorry I don't know how to describe the feelings of someone who's inlove. Hindi pa kasi ako naiinlove😅
Hope you understand.
So yun love lots people😉
happy reading
V_V
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro