Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 : Corpses in the road

9 : Corpses in the road

"Sure ka ba sasama ka?" Paninigurado ni Charles habang naglalakad kami papunta sa garahe kung nasaan ang kotse niya. "It's dangerous outside, kaya ko naman kung ako lang mag-isa," pamimilit pa niya.

"Charles, gusto kong sumama. Isa pa, wala akong magawa sa bahay. Gusto ko ring malaman kung ano nang nangyayari sa labas. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin... well, kung meron pa," saad ko. Muling gumapang ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na kasi alam kung anong aabutan namin sa labas. Kung anong makikita namin. Alam namin na hindi maganda ang makikita namin, pero hindi nawawala ang parte sa akin na iniisip na may tulad din naming nananatili sa bahay.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Wala siyang nagawa dahil alam niyang mapilit ako. Agad kaming sumakay sa kotse niya nang mapunta kami sa garahe. Nakasarado ang harang ng garahe pero dahil sa parang remote na hawak ni Charles, kusang bumukas 'yon.

"Ang pinakamalapit na grocery dito ay sa kabilang bayan pa. Aabutin ng isang oras ang byahe natin kaya mas mabuti kung matulog ka muna," sabi niya bago hawakan ang kambyo ng kotse at buksan ang makina ng sasakyan.

"Isang oras lang 'yon Charles. Hindi ko kailangang matulog. Dilat na dilat ako oh," giit ko. Totoo namang dilat na dilat ako. Malay ko ba kung anong p'wedeng mangyari. Gusto ko ring makita kung anong nangyayari sa labas ng bahay. Isang linggo rin kasing nakasara ang mga bintana ng bahay dahil natatakot kaming makapasok 'yung mga psycho. "Siguro mas maganda kung magmadali tayo," ani ko habang nakatingin sa labas ng kotse.

Nagsimula na si Charles na paandarin ang sasakyan. Sa oras na lumabas kami ng garahe, kusa nang nagsarado ang harang no'n.

Madilim na. Pasado alas-otso na kasi ng gabi. Mas'yadong kalmado ang kalangitan. Maraming bituin at may umaalon-alon na ulap. Parang walang problema. Para lamang itong isang normal na gabi tulad nang mga gabing naranasan ko na noon. Kaso nang dumapo ang tingin ko sa dinadaanan namin, nakumbinsi kong hindi ito basta normal na gabi lang.

Maraming sasakyan na kung saan-saan nakaparada. 'Yung iba maayos pa, pero halos lahat sira-sira na. Para bang nasunog na ang mga 'yon. Napansin ko rin ang ilang mga sasakyan na nakataob, patunay na may mga kotseng nagkabanggaan. Dahil sa mga 'to, mabagal at maingat ang pagpapatakbo ni Charles sa sasakyan.

Simula nang lumabas kami, wala pa kaming nakikita kahit isang tao sa kalsada. Kung hindi sila katulad namin, panigurado nasa ibang lugar sila o kaya nama'y... ayokong isipin na marami nang namatay dahil sa nangyayari ngayon, pero mas malaki ang tsansa na gano'n nga ang nangyari.

"Gusto mo bang buksan ko ang rad'yo?" Tanong sa akin ni Charles. Tanging boses lang niya ang nagbigay ingay sa tahimik na lugar. Maliban sa mga yero na maya't-mayang tinatangay ng hangin mula sa bubong ng nadaanan naming bahay, at mga ilaw na nagpapatay sindi na, halatang ilang araw na itong naiwan na nakabukas.

"May signal na ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi kami naging updated sa mga nangyayari at sa balita dahil nga nawalan ng kuryente. Hindi namin magamit ang TV. Naisip namin ang mga radyo at isa na rito ang radyo ng kotse ni Charles. Pero tulad ng sa mga cellphone namin, wala ring signal ang mga iyon kahit pa nalibot na namin ang buong bahay ni Charles kakahanap ng signal.

"Susubukan ko," aniya bago binuksan ang radyo. Maingat pa rin siyang nagmamaneho at iniiwasan ang mga sasakyang nakaharang sa kalsada. Nakatingin siya sa kalsada habang ang isa niyang kamay ay iniikot ang radyo para makahanap ng channel na may malinaw na signal. "Mukhang hanggang ngayon wala pa rin," sabi niya bago kami sabay na mapatingin sa radyo.

Dagli kaming napatingin sa kalsada nang may magulungan ang sasakyan ni Charles. Para 'yong humps pero narinig namin ang paglagutok ng isang bagay. Parang kahoy na nagulungan, pero mas malutong ang tunog nito.

Tsaka lang namin napansin, kung gaano kagulo ang binabagtas namin ngayon. Maraming nagkalat na bangkay sa kung saan-saan. Wala naman kaninang ganito sa mga dinaanan namin. Parang naipon sa parteng ito ang lahat ng mga tao.

"This is way hell from what I imagine," wika ni Charles. "Hindi ko maipapangako na hindi ko sila magugulungan. Nasa kalsada sila," sabi niya bago tumingin sa akin.

Wala kaming nagawa kung 'di daanan ang bawat bangkay na haharang sa daan. Pinipilit iwasan ni Charles ang mga ito, pero sadiyang hindi kaya. Sa dami ng mga bangkay na nakakalat sa paligid, doon ko naisip na hindi na talaga maayos ang lahat. Alam kong sa simula pa lang hindi na maganda ang mga nangyayari, pero sa lagay ng lugar na 'to, mas hindi na maganda 'to. Naninindig ang mga balahibo ko habang dumadaan sa kalsadang ito.

"May open space sa parteng ito ng syudad. May mini-forest din kaya siguro ganito karami ang mga tao rito," sabi ni Charles na sumagot sa katanungan ko kung bakit maraming bangkay dito. "Tingin ko mas matatagalan pa tayo sa pupuntahan natin kung marami pang ganito ang madadanan natin," dagdag pa niya bago seryosong tumingin sa akin.

Napatango lamang ako at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.

- - -

"Eunice."

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Pagmulat ko ng mga mata ko, nakasandal ang ulo ko sa bintana, at tinatapik ni Charles ang balikat ko. "Nandito na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya bago siya tumango. Tinanggal niya ang seatbelt ko. Napansin kong nakatanggal na ang sa kaniya. Pagtingin ko sa labas, mas lalo akong nalula sa dami ng bangkay sa lugar.

"Eunice, look at me," sinunod ko ang sinabi ni Charles. Tumingin ako sa kaniya. "Mas mabuti siguro na ako na lang ang pumasok sa loob. Delikado," aniya kaya napatingin ulit ako sa labas.

Bukas ang ilaw ng malaking gusali. Marami ring nagkalat na kotse at hindi naka-ayos ang mga 'yon sa kalsada. Maraming tilamsik ng dugo sa bawat sulok na titingnan ko. Sa kotse, sa sahig, at maging sa glass door at pader ng malaking supermarket. Binalik ko ang tingin ko kay Charles.

"Sasama ako sa'yo sa loob," saad ko.

"No. Dito ka na lang sa loob Eunice. Hindi natin alam kung anong nasa loob. Dito nga sa labas hindi tayo sigurado kung safe, paano pa kaya sa loob? Kaya please, dito ka na lang," sabi niya bago hawakan ang magkabila kong kamay.

"Sasama nga ako," madiin kong sabi. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Paano ako babalik sa bahay. Hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan," giit ko sa kaniya. Pero sa totoo, gusto ko talagang malaman kung anong meron sa loob ng supermarket. Baka kasi may buhay pa at may kaya pa kaming matulungan.

Huminga siya ng malalim. "Sasama ka talaga?"

Tumango ako.

"Then hold this," aniya bago kuhain mula sa maliit na cabinet ang isang... baril.

"P-paano ka nagkaro'n niyan!?" Kabado kong tanong sa kaniya.

"Mag-isa lang ako sa bahay. This is for my safety purposes. Hindi ko naman alam na magagamit ko ang baril na 'to sa ganitong mga pagkakataon. Don't worry, may lisensiya ako nito," sabi niya bago ilahad sa akin ang baril.

"H-hindi ko kayang humawak niyan," sabi ko bago umiling sa kaniya.

"Good. Now stay here," nakangiti niyang saad. Akma na sana siyang bababa sa sasakyan pero hinawakan ko agad ang braso niya. "Hmm?" Tanong niya.

"A-akin na," I reluctantly said.

"Sure ka na?"

"A-akin na!"

"Easy," natatawang sabi ni Charles bago iabot sa akin ang baril. Nanginginig kong inabot 'yon. Pinipindot lang naman ang trigger nito 'di ba?

Bumaba na kami sa sasakyan. "T-teka. Paano ka. Nasa akin ang baril. Teka nga! Ikaw may lisensiya nito bakit ba hindi na lang ikaw ang gumamit nito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi natin sigurado ang lahat Eunice. Mas mabuting sa'yo 'yan. Para kung sakaling may mangyaring masama sa'yo, may weapon ka," sabi niya. "Tsaka I'll bring this," aniya bago kuhain mula sa backseat ang isang espada. Agad akong napaiwas sa talim no'n.

"Paano ka nagkaro'n niyan!?"

"I love fencing, 'di ba? Now let's go. Ang dami na nating nasayang na oras," saad niya bago bumaba sa sasakyan. Gano'n din ang ginawa ko.

"Ahhhh!" Napatili ako nang pagbaba ko, may malambot akong naapakan. Lumagutok pa ang naapakan ko kaya nagtatalon ako hanggang sa maka-alis ako sa kinatatayuan ko. Doon ko lang nakita na may naapakan pala akong bangkay. At hindi tinanggap ng sistema ko na ang mismong mukha nito ang naapakan ko.

"Ssshh! Baka may makarinig sa atin!" Bulong ni Charles bago maingat na naglakad papunta sa akin. "Don't leave my side," pagpapa-alala niya bago ako tumango at maingat na sumunod sa kaniya sa paglalakad.

Dahil sa kaba, wala akong ibang nagawa kung 'di hawakan maigi ang baril. Namamawis din ako at maya't-mayang napapatingin sa paligid. Sobrang baho at malansa ang amoy, dahil iyon sa mga nakakalat na dugo sa kung saan-saan.

Tanging yabag lang namin ni Charles ang maririnig sa buong lugar. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Akala ko sa mga stories lang ang ganitong scene na parang apocalypse. Hindi ko naimagine na sobra palang nakakakaba kapag ikaw na mismo ang nakatayo sa ganitong lugar. Nakapanlulumo at nakapanghihina ng tuhod, pero kailangan mong tumayong mabuti para sa buhay mo.

Napatakip ako sa bibig ko para maiwasang tumiling muli at lumikha nang ingay. Napa-iyak ako nang makita ang isang buntis na babae na durog ang mukha, at butas ang tiyan. Sa kaniyang kamay, hawak-hawak niya ang isang fetus na balot na balot ng dugo. Ang ambilical cord nito ay nakadugsong pa sa loob ng tiyan ng babae.

"Huwag mo na tingnan. Malapit na tayo sa entrance," sabi ni Charles sa akin bago ako hatakin papunta sa glass door. Hindi mawala ang tingin ko sa kawawang ina.

Nang nasa tapat na kami ng entrance, doon ko lang nabawi ang sarili ko.

"Mas mabuti kung maghihiwalay tayo. Para mabilis nating makuha ang mga kailangan natin," saad ko pero agad na nagsalubong ang kilay niya.

"No. Delikado. Paano kung may baliw sa loob?" Aniya.

"Pero Charles---"

"Eunice, listen to me just this time. I want you to be safe. Kaya hindi tayo maghihiwalay. 'Di mo pa nga ako sinasagot, gusto mo na agad na maghiwalay tayo?" Pagbibiro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti naman siya bago hawakan ang braso ko. Sa kabilang kamay niya, dala niya ang manipis na espada niya.

Huminga kaming pareho nang malalim bago itulak ni Charles ang glass door na punung-puno ng dugo.

Here we go.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro