Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 : Special Task Force

8 : Special Task Force


Isang linggo matapos kaming lumipat pansamantala sa bahay ni Charles, mas lalong lumala ang sitwas'yon. Hindi na lalo kami nakalabas sa takot na may mangyaring masama sa amin.

Mas'yadong maghipit ang pagbabantay sa lahat ng kalsada sa unang araw ng lockdown. Sinusuri ang bawat dadaan. Tinitingnan ang temperatura, tinitingnan kung may senyales na katulad sa mga nagpapakamatay, at inaalam kung sila ba ay namatay na. Bagay na hindi gaanong malinaw sa akin. Mas'yado itong nakakapanindig balahibo. Isang weird na tanong ng mga sundalo sa bawat checkpoint pero alam kong ginagawa lang nila ang sa tingin nila ay kailangan.

Sa ikalawang araw, walang bago bukod sa mas lalong pagdami ng mga taong nagpapakamatay sa buong mundo. Umabot na kasi ito sa kalahating milyon at patuloy pa rin sa pagdoble. Ayon sa WHO, kung hindi malalaman kung bakit dumarami ang bilang ng mga nagpapakamatay, maaaring umabot sa isang daang milyon ang kaso sa loob lamang ng isang linggo.

Sa ika-apat na araw namin sa bahay ni Charles, nawalan ng kuryente. Hindi namin alam kung bakit, pero namatay na lang bigla ang ilaw at mga electric fan. Sinubukan naming tawagan ang mga magkukumpuni, pero walang sumasagot sa kabilang linya. Wala kaming alam sa nangyayari ngayon at nang tinangka naming malaman kung ano na ang nangyayari sa labas, muntik na kaming mamatay lahat.

Muntik na kasing makapasok sa bahay ang isang infected---kung ito man ang tawag sa kanila. Mabuti na lamang at mabilis na naisara ni Claude ang pintuan ng bahay. Simula noon, nagtiis kami sa kandila na nanganganib ng maubos. Hindi na kami lumabas pa. Sinubukan naming lahat na tumawag sa mga kaanak namin, pero walang sumasagot. Nalaman naming lahat na walang signal ang kahit anong SIM at network.

Mukhang pati 'yun, ay hindi na napagtuunan ng pansin.

Heto kami ngayon, wala ng alam sa nangyayari sa labas. Hindi na nga namin alam kung gaano na karami ang taong nagpapakamatay. Hindi pa rin malinaw sa amin kung ano ba talagang nangyayari. Kung ito ba ay isang sakit na nakakahawa, o ito ay isang krisis na may malalim na dahilan kaya maraming tao ang nagpapakamatay at pumapatay.

Third Person's P.O.V.,

Indonesia.

Ang kaso ay lumobo na sa 889,000.

Isa ang bansang Indonesia sa mga bansang tinutuklas kung anong nasa likod ng krisis na ito. Pero dahil ang mismong mga politiko at m'yembro ng gob'yerno ang namamatay, nauubusan na ng trabahador ang bansa. Bukod pa rito, ang bansa ay nagkaroon na ng total lockdown at wala nang p'wedeng makapasok at makalabas sa bansa.

China.

Ang may pinakamalaking populas'yon sa buong mundo. Umakyat na sa 783,567 ang kaso ng pagpapatiwakal sa bansang ito. At dumarami pa sa bawat oras na nagdadaan.

Nagbukas ang China nang massive investigation upang matuklasan kung bakit nagpapakamatay ang mga tao at kung bakit tila nakakahawa ang gawaing ito. Sinusuri rin ng kanilang pinakamagagaling na mga doktor at sayantipiko ang blood samples mula sa mga taong nagpakamatay.

Japan.

Halos wala nang tao ang makikita pa sa kanilang Capital. Ang kaso kasi ng suicide sa bansa nila, ay naging triple sa loob lamang ng tatlong araw. Umabot na ito sa 475,900 at patuloy na tumataas sa bawat minutong lumilipas.

Italy.

Kabilang sa 998,008 na kaso ng bansang Italy ang Santo Papa. Tulad ng maraming bansa, nakataas na sa red alert ang buong bansa at sumasailalim na sa total lockdown.

Philippines.

Napapagitnaan ang bansa ng mga bansang may mararaming kaso ng suicide. Ang bansang Taiwan, na may pinakamataas na kaso ng pagpapatiwakal na mayroong 1,070,980 cases, ay malapit lamang sa Pilipinas. Gayunpaman, ang kaso ng suicide sa Pilipinas ay naglalaro sa 400,069 cases at patuloy na lumalago.

Sa datos ng WHO, ang kaso ng pagpapatiwakal sa buong mundo ay nasa 50 milyon na. Lahat ng ito ay namatay, at patuloy pang nadaragdagan. Dumodoble ito lalo na sa mga bansang katabi ng karagatan, at mga bansang itinuturing na landlock countries dahil magkakatabi. Tinatayang 198 na bansa na ang apektado ng krisis na ito na nananatili pa ring palaisipan sa buong mundo.


Sa isang tagong lugar sa Scotland, naninirahan ang isang lalaki na isang buwan nang balisa at hindi mapakali sa kaniyang kinatitirikan. Lumayo siya matapos ang itinuturing niyang pinakamalaking kasalanan na kinasangkutan niya. Isa siya sa limang doktor ng Special Task Force ng United Nations na hindi saklaw ng ibang organisasyon na nasa ilalim ng UN, tulad ng WHO.

Siya ang nakasaksi sa nangyari sa araw na 'yon kung saan nagsimulang magkagulo ang buong mundo. Hindi niya maisip kung anong gagawin sa mga oras na ito, kung saan nanganganib na maubos ang sangkatauhan dahil sa kapalpakan na nagawa ng Special Task Force na layon sanang gumawa ng gamot para sa mga taong may sakit sa pag-iisip.

Hindi kinakayanan ng kaniyang konsensiya.

Hawak ang isang baril, papalit-palit mula sa kaniyang laptop at hawak na baril ang kaniyang tingin. Itim na itim na ang ibabang bahagi ng kaniyang mata, patunay na hindi siya pinapatulog ng kaniyang konsensiya. Ang tibok ng puso niya ay tila hinahabol ng patalim sa sobrang bilis.

Alam niyang siya ang magiging susi para malaman ng buong mundo ang kamaliang matagal na dapat niyang itinama. Alam niyang makakatulong siya sa huling pagkakataon. Kaya't hinarap niya sa kaniya ang camera ng laptop, at nagsimulang magsalita.

"M-my n-name is Roger W-Waines..."

Laman ng kaniyang video ang lahat ng dapat na malaman ng publiko. Matapos niyang kuhaan ang sarili, isinend niya ito sa bawat ahensiya ng United Nations at special organizations. Kaniya rin itong pinost sa kaniyang social medias, Facebook, Twitter, Instagram at maging sa Youtube. Sinigurado niya na malalaman ng buong mundo ang nalalaman niya, at ang nilalaman ng video na ginawa niya.

Matapos makasigurado na kumalat na sa buong mundo ang impormas'yon na pinagkalat niya, agad niyang pinasok sa bunganga ang bibig ng baril na hawak niya. Alam niyang dahil sa pagkakalat ng impormasiyon na dapat ay para lamang sa Special Task Force ng UN, tutugisin siya ng mga ito at papatayin din. Kaya't mas mainam na unahan na niya ang mga ito.

Isa pa, kahit nakapagbigay na siya ng kaalaman sa publiko, hindi pa rin maalis sa isipan niya na gumawa siya ng kasalanan, na kumitil sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Hindi na niya kaya pang mabuhay bitbit ang konsensiyang nagpapagulo sa kaniyang isipan.

Pumikit siya, at tumulo ang huling luha sa kaniyang mga mata.

Bago umalingawngaw sa buong gusali ang putok ng baril.

- - -

Eunice's P.O.V.,

"Guys, kailangan na nating lumabas dito. Ubos na ang stock ng pagkain natin. Baka mamatay tayo sa gutom. Isa pa, ito na ang huling kandila. After nito, didilim na ulit ang buong bahay," sabi ni Mandy habang paikot-ikot sa harapan namin at hindi alam ang gagawin.

Actually, lahat kami hindi alam ang dapat gawin. Kinakabahan kami sa bawat salitang sasabihin namin dahil hindi na tiyak ang buhay namin ngayon. Hindi nga namin alam kung may buhay pang iba mula sa mga kalapit na bahay dahil matagal na kaming hindi nakakalabas.

"Akala ko pa naman kasi, kumpleto ang stocks ko. Shit!" Inis na sabi ni Charles bago napayuko at napahilamos sa mukha gamit ang sariling mga palad. "I'm sorry guys, this is all my fucking fault," saad pa niya.

"Hey. Don't blame yourself dude," ani Claude.

"Tama si Claude. Wala namang may kasalanan sa atin. Pare-pareho tayong naiipit sa sitwasyon," sabi ko. "Pero kailangan na nga nating makakuha ng bagong supplies ng mga pagkain at iba pang kailangan natin dito. Kung 'di, baka hindi rin tayo tumagal," giit ko.

Namayani ang katahimikan sa sala. Tanging kandila ang nagbibigay sa amin ng kakarampot na liwanag.

"Ate Mandy..."

"Gising na si Maldi. Sandali," sabi ni Mandy bago niya kapain ang madilim na daan papunta sa k'warto kung saan natutulog si Maldi. Kumportable kasi roon dahil sa malinis at malambot na higaan. Isa pa, maliwanag doon dahil may emergency light. Nakakapagtaka na doon lang sa k'warto na 'yon merong emergency light.

Eh flashlight nga wala si Charles.

Maya-maya pa, tumayo si Charles at matapang na tumingin sa amin.

"Kung gano'n, kailangan kong lumabas para makahanap ng supply ng pagkain at iba pa," aniya bago kuhain sa lamesa ang susi ng kotse niya.

"Te-teka! Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko.

"Ako ang may kasalanan kung bakit wala ng supply ng pagkain. Isa pa, bahay ko 'to at bisita ko kayo---"

"Stop with that bullshit!" Inis kong saad. "Walang bisita rito!" Sigaw ko pa bago tumayo. "I'll go with you," sabi ko bago maglakad papalapit sa kaniya.

"Wait. No!" Tutol niya. "Delikado sa labas."

"Kaya nga sasamahan kita e."

Napangiti naman siya. "Dahil ba concern ka sa akin?"

Ngumiti ako ng mas malaki kaysa sa kaniya, bago umiling.

"Hindi."

To be continued. . .

--

An : I know, it's a cliffhanger. Pero gusto kong malaman niyo na minsan, hindi lang nakila Eunice ang Point of View. Magpapasahan sila lalo na kapag nasa bandang gitna na ng istorya. Isa pa, marami pang p'wedeng mangyari sa istorya na baka magpagulo sa inyo, kaya mahalagang may Point of View ang lahat ng characters. Salamat sa pagbabasa! Stay safe!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro