Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 : Ring

7 : Ring

Pinagpapawisan ako ng malamig. Alam kong kahit hindi sabihin ni Claude ay kimakabahan din siya. Lalo pa't nanlilisik ang mga mata ng lalaking may hawak ng shotgun. Maya-maya pa, tumakbo ako sa loob para tumawag ng pulis. Kinuha ko ang lahat ng tapang na meron ako kahit pa nangingig ako habang nagdidial ng numero.

"He-hello! Kailangan n-namin ng tulong! M-may kapit-bahay k-kami na may dalang sh-shotgun! B-bilisan niyo!" Utal kong saad bago binigay sa kanila ang address namin.

Saktong pagkatapos ng tawag, umalingawngaw sa buong lugar ang isa pang malakas na putok ng baril. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at napatakbo ako sa labas ng k'warto namin. Paglabas ko, nakita ko na lang na nakabulagta na sa sahig 'yung lalaki na may hawak ng baril. Nagkalat sa lugar ang dugo at nakita kong may tilamsik din ng dugo sa mukha at damit ni Claude at Charles. Nakapasok ang bibig ng shotgun sa bibig ng lalaki na mukhang binaril niya mismo sa bunganga niya.

Nakapanlulumo.

"Eunice!" Tumakbo papunta sa akin si Charles at agad akong niyakap. Nawalan ako ng balanse dahil sa nanghihina kong mga tuhod na hindi na kinayanan pa ang nakikita. "A-are you okay?" Tanong niya sa akin habang pilit niya akong pinapakalma. Hindi maalis ang tingin ko sa kalagayan ng lalaking kamamatay lang kahit pa diring-diri na ang sistema ko.

Napansin ko kasi ang makakapal na ugat sa sintido ng lalaki, meron din siya nito sa leeg. Sa sobrang dark ng pagkagreen ito, aakalain mong kulay itim ito sa malayo. Nakadilat na namatay, at nakatingin sa gawi ni Claude kaya napatingin ako sa kaniya. Doon ko napansin na tulala siya at hindi makapagsalita.

"C-claude?" Pagtawag ko sa kaniya. Marahan siyang lumingon sa akin. "A-ayos ka lang?" Tanong ko. Marahan naman siyang tumango bago kami inayang pumasok sa loob.

Hindi pa tuluyang naisasara ang pintuan nang marinig namin ang mga yabag ng paa kaya lumabas kaagad kami. Tumambad sa amin ang limang pulis na kapwa nakatingin sa bangkay sa sahig. Kasama rin nila si Ate Bhabi na hindi makapaniwala sa nakita. Gulu-gulo pa ang buhok nito na sa tingin ko bagong gising. Nagawi ang tingin niya sa amin at kahit hindi lumalabas sa bibig niya, tinatanong ng mga tingin niya kung anong nangyari.

- - -

"Tatawagan namin kayo kung may kakailanganin pa kaming impormas'yon tungkol sa inyo," pinal na saad ng pulis na siyang may pinakamataas na ranggo sa kanilang lima. "Sa ngayon, mas maigi siguro na huwag muna kayong lumabas ng k'warto ninyo hangga't hindi pa namin natatapos ang pag-iimbestiga," aniya pa bago tuluyang umalis sa harapan ng pintuan namin.

Pumasok kami sa loob ni Charles at Claude. Sila kasi ang nakakita sa buong pangyayari kaya sila ang hiningan ng statement. Si ate Bhabi sinamahan ang mga pulis pababa sa ground floor para ihatid palabas ng apartment. Si Maldi naman pinatulog ni Mandy para malaya naming mapag-usapan ang nangyari. Gayumpaman, walang gustong magbukas ng diskus'yon tungkol dito dahil nanatili kaming tahimik at hindi nagkikibuan.

"I think it's better if you'll go with me," sa wakas, binasag ni Charles ang katahimikam at nakatingin sa akin. Kumunot ang noo namin maliban kay Claude na mukhang malalim pa rin ang iniisip.

"Saan?" Tanong ni Mandy habang sinusuklayan ang kapatid niya gamit ang sarili niyang mga daliri. Malalim na ang tulog nito at mas mainam na wala siyang marinig sa kahit anong pag-uusapan namin.

"Sa bahay ko. Mas ligtas tayo do'n," ani Charles kaya nagkatinginan kami ni Mandy.

"Pero delikado na ngayon sa labas," sabi ko.

"I know, pero kaya niyo bang tiising manirahan dito even if there's a crime happened here? Kahit pa may namatay na rito?" Tanong niya kaya napatingin ako kay Mandy, hinihingi ang suhestiyon niya.

"I think Charles is right," sabi ni Claude. Akala ko'y hindi na siya magsasalita dahil sobrang lalim ng iniisip niya simula kanina. Ikaw ba naman makakita ng taong binaril ang sariling bibig, hindi ka matatahimik. Kung ako 'yon, baka hanggang ngayon wala akong kibo at malay. "We need a safer place."

Muli, napatingin ako kay Mandy na siyang may hawak ng pinal na desis'yon.

"If that's the case, mag-impake na tayo," no choice niyang saad.

- - -

Magkakahiwalay kami ng mga sasakyan.

Si Charles at ako, magkasama sa sasakyan niya. Si Claude, Mandy at Maldi naman nasa sasakyan ni Mandy. Nakasunod sa amin ang sasakyan ni Mandy habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay ni Charles.

Maingay sa labas. Maya't-mayang may dumadaang ambulansiya. Mahaba rin ang pila ng mga sasakyan dahil sa nga nagkakagulong mga tao sa labas. Kung hindi maingat si Charles magmaneho, baka nakasagasa na siya kanina pa.

May mga pulis na rumoronda at sinasaway ang mga nagkakagulong mga tao. Pero hindi nila masaway ang mga 'yon. Hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan nilang magkagulo ng ganito. Mas dumoble pa ang dami ng mga tao nang dumaan kami sa Mall at palengke. "Everyone is really bothered about the last news," sabi ni Charles kaya nakakunot-noo akong tumingin sa kaniya.

"Anong last news?"

"Hindi mo pala napanood sa balita kanina. Magsasara ang lahat ng groceries, supermarkets at malls mamayang madaling araw. Dahil daw 'yun sa pagtaas ng suicide rate. Plus, hindi simpleng suicide ang nangyayari," pagpapaliwanag ni Charles bago kami lumiko sa isang street na mas kaunti ang tao at dumadaan.

"Ba-bakit pati supply ng pagkain isasara? Tsaka bakit hindi lang simpleng suicide?" Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa pamamalakad ng gobyerno o dapat akong matuwa dahil sa pagprotekta nila sa mga tao.

"I don't know kung bakit pati supply ng mga pagkain isasara. But about the suicide thing, bago raw kasi magpakamatay 'yung magpapakamatay, pumapatay daw muna siya ng ibang tao. Lahat ng kaso gano'n daw ang ginagawa. I mean, most of them," aniya kaya nanindig ang mga balahibo ko. "'Yung kanina sa apartment niyo, sure ako na 'yung suicide na nangyayari sa mundo ngayon ang dahilan. Naalala mo 'yung sinabi ng pulis sa atin kanina?"

Tumango ako bago alalahanin ang sinabi ng pulis.

"Bukod sa suspek, may dalawang batang babae sa loob ng k'warto nila. Probably anak niya ang dalawang 'yon. At ang asawa ng suspek. Lahat sila pawang mga walang buhay at may tama ng bala ng baril sa ulo."

Muling nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Mas lalo lang akong natatakot sa mga nangyayari ngayon. Para bang palapit nang palapit sa amin ang kapahamakan. Gusto kong manuod ngayon ng balita para malaman kung ano nang nangyayari sa mundo at sa bansa. Naguguluhan pa rin kasi ako hanggang ngayon kung bakit at paano nagsimula ang crisis na 'to.

"We're here," sabi ni Charles bago niya tanggalin ang seat belt niya. Pagkatapos ay bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

Pagbaba ko, sakto namang dumating na rin sila Mandy. Nauna akong pumasok sa bahay ni Charles dahil ipapasok pa nila ang kotse sa garahe. Pina-una niya akong pumasok para raw buksan ang lahat ng ilaw sa bahay nila. Bwisit na lalaking 'yon! Inutusan pa ako.

"Kung isasara lahat ng mabibilhan ng supplies ng pagkain, baka maubusan tayo ng pagkain. Hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang krisis na 'to," sabi ni Mandy nang nasa sala na kaming lahat. Naunahan niya ako na sabihin 'yun kaya napatingin kaming lahat kay Charles.

"Don't worry. I have more than enough stocks," nakangiti niyang sabi bago kumindat sa akin. He made me blush and irritate in the same time. "Tsaka nga pala, may tatlong k'warto sa bahay ko. Kayo nang bahala kung saan niyo gusto. Basta magkasama kami ni Eunice sa isang k'warto," aniya bago tumingin sa akin.

"No way!" Angal ko agad. "Magkasama kami ni Mandy. Right Man...dy?" Paglingon ko sa likod ko, wala na si Mandy. Kami na lang ni Charles ang nandito sa sala. Ngumisi siya bago lumapit sa akin. Sobrang lapit na nakalimutan na niya ang salitang space.

"Looks like... you're left with no other choice," mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya.

Tinalikuran ko siya but it was a wrong move. Hindi ko alam kung dahil ba sa biglaang pagtalikod ko, o ewan, pero biglang umikot ang paligid ko. Nakakahilo. Nakakasuka. Sobrang bilis nito, hindi ko alam kung anong nangyayari. Namalayan ko na lang na nagmamaneho ako ng kotse kaya nangunot ang noo ko dahil hindi naman ako marunong magmaneho.

Napatingin ako sa mga kamay ko na nasa manibela ng kotse. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Hindi ko ito kamay.

Napatingin ako sa rear view mirror para tingnan ang itsura ko. Pero hindi pa man umaabot ang tingin ko sa salamin, agad na may bumaong kung ano sa tiyan ko. Naramdaman ko 'yun na nagdulot ng kaba sa buong sistema ko. Galing sa likuran ng kotse ang mahabang bagay na 'yun. Dumaan sa likuran ko, at dumaan sa tiyan ko papunta sa labas ng kotse. Pero wala akong nararamdamang sakit. Ang alam ko lang, ang daming dugo.

Bumulwak ang masaganang dugo mula sa bibig ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela bago ko nakita ang singsing na nakasuot sa isa sa mga daliri ko. Wala akong singsing kaya mas nakumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako ito. Pumikit ako at huminga ng malalim habang patuloy ang sakit na nararamdaman ko.

"Eunice! Hey!" Pagmulat kong muli, nakita ko ang alalang-alalang mukha ni Charles habang hawak ang magkabila kong pisngi. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya bago ako tumakbo papunta sa nakatayong salamin sa gilid ko. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin, at hindi ko alam kung okay lang ba ako.

Pagdating ko sa salamin, nakita ko ang sarili ko. Napatingin ako sa likod ng palad ko, walang singsing. Pagtingin ko kay Charles, nakita ko ang nagtatanong niyang mga mata.

Pero hindi ko kayang sagutin ang mga tanong nito.

Dahil maging ako, naguguluhan sa nangyari sa'kin.

--

An : I bet you know what happened to her? Comment it down and leave a vote! Thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro