Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 : The Yes

32 : The Yes



"Huminga ka nang malalim Alex, hinga," sabi ni Richard nang tuluyang makahiga si Alex sa isang parte ng bahay kung saan kami napadpad. Hindi ko alam kung sala ito, o kung anong parte ng bahay dahil madilim.

Ilang beses impit na sumigaw si Alex dahil sa sakit na nararamdaman niya sa tiyan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinayaang pisil-pisilin niya ito para mailabas niya kahit papano ang kirot na nararamdaman niya.

Napatingin si Richard kay Jiro na nasa tabi rin ni Alex. Hawak naman ni Jiro ang kabilang kamay niya. Kahit madilim, ramdam ko ang pag-aalala ni Jiro sa asawa niya.

"Eunice, kailangan ko ng maligamgam na tubig at bimpo o tuwalya, dali!" utos ni Richard kaya agad akong tumayo.

Tinanggal ko sa pagkakasukbit sa likuran ko ang bag na bitbit ko. Nilabas ko lahat ang laman no'n dahil natataranta ako. Pinagpapawisan ako kahit na malamig sa lugar na 'to.

Agad kong kinuha ang isang malaking bottled water, at manipis na tuwalya sa mga gamit na nasa bag ko. Lumapit ulit ako kay Richard at sinabing, "hindi ko alam kung ayos na 'tong tubig na 'to—"

"Ayos na 'yan," aniya bago kuhain sa akin ang bote ng tubig. "Alex, huminga ka ng malalim, sundin mo ang mga sasabihin ko," sabi ni Richard habang pilit na pinapakalma si Alex. Pina-inhale exhale niya ito ng ilang beses.

Sa aming lahat, si Richard ang pinaka-capable na makapagpa-anak kay Alex. Kaya wala na kaming ibang pagpipilian pa.

Agad akong napatayo nang marinig namin ang ingay na nanggagaling sa pintuan ng bahay. Nando'n si Aries, Charles at Randy, pero pinuntahan ko pa rin sila.

Pagdating ko sa may pintuan, nakita ko silang tatlo na pilit dinadaganan ang pinto para hindi makapasok 'yung kung sino mang nasa labas. Hindi ko alam kung paano, pero mukhang nasundan kami ng mga infected.

"Eunice! Hanapan mo ng ibang lugar sila Richard. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang namin mapipigilan sa pagpasok 'tong mga 'to. Dali!" sigaw ni Charles sa akin.

Tumango lang ako at mabilis na bumalik sa pwesto kung nasaan sila Richard. Natisod pa ako dahil madilim ang lugar, pero hindi ko pinansin 'yon.

"Kailangan niyong lumipat ng lugar," saad ko. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Sa bawat kalabog na nanggagaling sa pintuan, at sa bawat impit na sigaw ni Alex, natutuliro ako at hindi ko alam kung anong dapat kong unahin.

Tumayo ako at pilit na kinapa ang mga bagay sa madilim na lugar. Nakapa ko ang bag ko kaya kinuha ko ro'n ang flaslight, at inilawan ang kabuuan ng bahay na pinasukan namin. Halatang luma na ito dahil sa mga sapot ng gagamba sa bawat sulok. Gawa sa kahoy ang interior ng bahay, at hindi na katiwa-tiwala ang kisame at sahig dahil maaari ng masira sa isang maling hakbang.

Maingat ako naglakad patungo sa pinakamalapit na pintuan. Nang makalapit, dahan-dahan kong binuksan 'yon. Nakita kong maluwag na espasyo lamang 'yon, at may mga gamit na nakatakip ng puting tela.

Kung sino man ang may-ari ng bahay na 'to, malamang matagal ng umalis dito.

"Richard! Dito!" sigaw ko.

Maingat na binuhat ni Jiro si Alex papunta sa loob ng k'warto. Sinarado ko ang pintuan at siniguradong naka-lock muna ang doorknob bago ko gawin 'yon. Hingal na hingal ako, pawis na pawis at natataranta. Nang makita ko si Mandy at Maldi, dagli ko silang nilapitan.

"K-kaya mo pa bang maglakad?" tanong ko kay Mandy. Naka-upo siya sa sahig at yakap-yakap si Maldi.

Sinubukan niyang tumayo pero kahit inalalayan ko na siya ay hindi pa rin niya nagawa.

Napatingin kami sa bandang pintuan nang tuluyang mabuwag ito. Napa-usog sila Aries palayo sa pintuan nang masira ito.

Gamit ang mga bagay na nakita nila sa paligid, sinalag nila ang mga infected. Ilang beses nilang iniwasan ang dalawang lalaking nakapasok sa bahay, at ilang beses nila ito sinubukang atakihin.

Mukhang galing sa loob ng safe area ang mga infected na 'to, dahil nakaputi sila, para silang mga nurse. Nasusundan ko ang laban nila dahil sa flashlight na hawak ko. Naiilawan ko sila ang nakikita ko ang bawat galaw nila.

Agad na bumaling ang tingin ko kay Randy nang tumumba siya kasabay ng isang infected. Sinubukang kumawala ni Randy pero dinaganan siya nito. Pinilit niyang iiwas ang bibig ng infected sa mukha niya, kaya nakasakal si Randy rito at pinipilit na iangat palayo ang mukha ng infected sa kaniya.

Mabilis na lumapit si Aries.

Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko—namin, inaasahan.

Hinatak niya 'yung infected at hinagis sa pader ng bahay. Gawa man sa kahoy, nabutas pa rin nito ang pader. Para bang bola lang 'yung hinagis ni Aries. Parang binuhat niya 'yung lalaki na akala mo walang kahirap-hirap, at walang bigat.

Inatake rin niya 'yung isa pang infected. Sinipa niya ito papunta sa butas sa pader kung saan tumalsik kanina 'yung isa pang infected. Tumalsik din ito palabas ng bahay nang walang kahirap-hirap.

Lahat kami napatingin kay Aries.

Hingal na hingal siya.

Lahat kami pinagpapawisan.

Walang nagsalita sa amin hanggang sa narinig namin ang malakas na hiyaw ni Alex mula sa k'warto. Mas lalong tumahimik ang buong lugar. Sa pakiwari ko, kami na lang ang natitirang buhay sa parteng ito. Kung meron man, maririnig agad namin ang bawat kilos o ingay na gagawin nila dahil sa sobrang tahimik ng buong paligid.

Naka-ilang sigaw pa si Alex.

Hanggang sa muling tumahimik ang buong lugar.

Hindi namin alam kung ano nang nangyayari sa loob ng k'warto.

Tila nakalimutan namin ang sitwasyon kung nasaan kami, nang marinig namin ang iyak ng sanggol. Umalingawngaw sa buong paligid ang iyak nito. Hindi namin alam kung hanggang saan ito umabot. Ang alam lang namin, wala na kaming paki-alam kung marinig man ito ng mga infected o hindi.

Dahil sa iyak ng bata, para bang nawala lahat ng pagod namin. Naiyak na lang kaming lahat nang bumukas ang pintuan ng k'warto kung nasaan sila Richard kanina.

Buhat-buhat ni Jiro ang isang sanggol na nakabalot sa isang tuwalya. Kahit madilim, naaninagan ko ang mukha ni Jiro habang nakatingin sa anak niya.

May ngiti sa labi niya.

Sa puntong 'yon, napahagulgol na lang kaming lahat. Nilapit sa amin ni Jiro ang anak niya. Para kaming mga tanga na nag-iiyakan habang nakatingin sa sanggol.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman namin. Takot, dahil sa hindi pa rin namin tiyak ang mga buhay namin, pero saya dahil mayroon na naman kaming panibagong dahilan para manatiling buhay. Dahil sa anak ni Jiro at Alex, nagkaro'n kami ng bagong pag-asa.

Pag-asang hindi namin tiyak kung hanggang kailan namin panghahawakan, pero siguradong pananatilihin kami nitong lumalaban.

- - -

"Hindi ka na naman makatulog?" tanong ni Charles sa akin.

Magkatabi kami ngayon. Nakahiga kami sa sahig at tanging sapin lamang na nabaon namin ang nagsisilbi naming higaan. Ginawa naming unan ang mga braso namin habang nakatitig sa kisame ng bahay.

Hindi na kami lumisan dito. Tinakpan na lamang nila Randy at Aries ang butas sa pader gamit ang malaking aparador na nakita nila sa loob ng bahay.

Halos lahat ng gamit dito ay antigo na, o kung hindi man, luma na at hindi na halos mapapakinabangan. Gayunpaman, mas pinili naming mag-stay dito kahit hanggang ngayon lang para magpalipas ng gabi.

"Paano ka makakatulog kung masiyadong maraming tumatakbo sa isip mo?" tanong ko pabalik kay Charles.

Mahina siyang natawa. "Can you just sleep, and put aside everything running in your head just for tonight?" aniya bago niya ayusin ang pwesto niya sa pagkakahiga. Ngayon nakalingon siya sa akin, habang gamit ang kaliwa niyang kamay bilang unan.

Umayos din ako ng higa at humarap din sa kaniya.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" muli kong pabalik na tanong. Pilit kong iniiwasang sagutin ang mga tanong niya dahil alam kong alam na niya ang sagot sa mga 'yon. Gusto lang talaga niyang tanungin ako.

"How can you sleep when you can see a star this close," aniya sa mahinang tono.

Saglit akong natahimik. Nakita kong nakakatitig siyang maigi sa mukha ko.

Napalunok ako ng laway bago sabihin, "mukha bang lima ang sulok ng mukha ko?"

Humarap ako sa kabila kaya nakatalikod na ako sa kaniya ngayon. Narinig kong muli ang mahina niyang tawa bago ko naramdamang niyakap niya ako mula sa likuran. I was about to remove his arms when he talked.

"Can we just stay like this for a while? Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo magkasama. Kung ang isa sa'tin magiging infected, o magkasama pa ba tayo hanggang matapos 'tong gulo na 'to," he gently whispered into my ears. "Please let me hug you, because this might be the last time—"

"Oo," bigla kong saad.

Napatigil si Charles. "Oo? Oo alin?" gulo niyang tanong.

Humarap ako sa kaniya. Do'n niya lang nakita ang mga luha sa mga mata ko.

"Hey. Are you crying? Why are you crying?" natataranta niyang saad. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang sarili niyang mga daliri. "Shh. Stop crying. Naiiyak din ako," natatawa niyang saad, but deep inside, I know he's being honest.

"Charles..." I said as I gained my voice back. No'ng una hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, pero ngayon alam ko na. "I don't want to lose you. I don't want this to be the last time you'll hug me. I don't want this to be the last time I'll hear your voice. Ayokong ito ang maging huling beses na makikita kita, at makakatabi sa pagtulog ko."

This time, ako ang yumakap sa kaniya.

Nang sobrang higpit.

Na para bang siya ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko— which is true.

Dinagan ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Charles, oo. Sinasagot na kita," I whispered as I deepened my face on his chest.

That night.

That night is the happiest night I've ever been since the start of this outbreak. And I want to live on that time, until I die.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro