Chapter 28 : Last Option
28 : Last Option
May mga bagay kaya talagang sinasadya? o nagkataon lang na may koneksyon ang bawat pangyayari sa buhay natin?
Laos na laos na 'yung ‘lahat ng nangyayari may dahilan’ pero totoo ba talaga 'yon? If it's really true, then do you call it destiny? Fate? Something like a foreshadowing in our story? Sa lahat ng taong kailangan naming makasalubong at masagasaan sa daan, is it possible that fate chose Hershie's father to be in that role?
In addition, matagal ko na pa lang nakilala ang papa ni Hershie. If it wasn't for him, baka wala akong naiuwing groceries no'ng araw na nagkagulo sa grocery kung saan kami pumunta ni Mandy no'n. And worse, baka hindi na ako naka-uwi no'ng araw na 'yon.
Ilang beses kong narinig ang malalalim na buntong-hininga ng papa ni Hershie. Maya't-maya rin akong napapalingon sa kanila sa passenger's seat.
Hindi na sila mapaghiwalay. Simula nang pumasok 'yung lalaki, hindi na niya binitawan si Hershie. Yakap na yakap ito sa bata na para bang hindi na niya ulit hahayaang makawala ito sa mga kamay niya— at tingin ko 'yun talaga ang nasa isip niya sa mga oras na 'to.
Napalingon siya sa akin kaya malamlam akong ngumiti.
"A-Aries nga pala. Aries ang pangalan ko," aniya bago tumingin kay Charles at Richard.
Nakita kong ngumiti lang ng tipid si Richard bago mapatingin sa kamay ni Aries. Napatingin din tuloy ako do'n, at naalala ko 'yung nangyaring pagkakabangga namin sa kaniya. Nakita ko ring natamaan namin siya, pero hindi naman imposible na nahinto agad ni Charles 'yung sasakyan bago namin siya tuluyang matamaan 'di ba?
If it's not the case, then how did he do that?
Napansin ni Aries na nakatingin kami sa kamay niya, kaya itinago niya ito sa likod ni Hershie.
"Galing din ako sa arko ng probinsya. Akala ko maliligtas ko na ang sarili ko, pero..." pero mas nilagay ko lang ang sarili ko sa peligro— alam kong 'yan din ang naiisip niya. No'ng una pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa pagpunta sa arko, pero hinayaan ko, at nagpadala ako dahil desperado na kaming maging ligtas.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Richard sa kaniya. "Richard nga pala," pagpapakilala pa nito.
Napatingin si Aries kay Richard. "Tatlo kami," sagot niya.
Nagkatinginan kami ni Richard at sa tingin ko, alam na naming pareho ang nangyari sa dalawa pang kasama ni Aries.
Binalot kami saglit ng katahimikan. Tanging tunog lamang ng sasakyan ang maririnig sa lugar na dinadaanan namin. Parang kami na lang ang taong nabubuhay sa parte na 'to ng mundo. Sa sobrang tahimik, nagtatayuan ulit ang mga balahibo ko. Naaalala ko na naman 'yung katahimikang bumalot sa amin no'ng pumasok kami sa pharmacy.
Even the most silent place in Earth, is now the deadliest.
"Ang mama mo? Nasaan ang mama mo?"
Muli akong napalingon sa likuran. Humiwalay ng saglit si Aries kay Hershie para maiharap niya ang sarili niya rito.
Napatingin ako kay Charles. Saglit din siyang sumulyap sa akin bago sinabing, "she turned into a monster."
Napatingin si Aries kay Charles pero agad niyang binalik ang tingin niya sa anak niya at niyakap ito. Muli itong napahinga ng malalim.
"Nagkita na tayo dati?" biglang sabi ni Aries habang nakatingin sa akin. "Pamilyar ang mukha mo sa'kin," dagdag pa niya kaya tumango ako.
"Sa grocery. Tinulungan mo akong dalhin ang mga bitbit ko," tugon ko.
"Tama! Ikaw nga 'yon," aniya habang nawawala ang kunot sa noo niya. "Hindi ko man alam kung paano napunta sa inyo ang anak ko, pero maraming salamat dahil walang nangyaring masama sa kaniya. Utang ko ang buhay ng anak ko sa inyo," sabi niya bago tumulo ang luha sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa mga oras na 'to.
Bigla ko rin tuloy naalala ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila? Alam kong malabo, pero hindi naman siguro imposibleng buhay pa sila hindi ba? Ilang beses ko silang tinawagan pero dahil wala talagang signal, hindi ko sila naaabot. Ang masama pa no'n, nasa labas sila ng probinsya.
Ang tanging daan lang palabas ng probinsya ay ang arko, at ang dulong bahagi sa syudad kung saan kami galing— kung saan mas maraming infected maski sa daan.
Nanatili kaming tahimik.
Madilim na ang daan at tanging front light na lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa kalsada.
Hininto ni Charles ang sasakyan nang makita naming nakahinto ang kotse nila Mandy sa gilid, malapit sa may gubat. Sa likod ng gubat na 'to, tanaw 'yung ilog ng probinsya. Pero dahil gabi na, hindi ko na 'to makita.
Agad akong bumaba nang maalala ko kung anong nangyari kanina sa may arko.
Tumakbo ako papunta sa kotse nila. Nakita ko si Mandy sa labas ng kotse. Naka-upo at nakasandal sa gulong. Yakap niya ang magkabilang tuhod niya. Hindi siya umiiyak, at mas nakaka-alarma 'yon dahil hindi niya nailalabas ang nararamdaman niya.
Wala akong sinabi na kahit ano. Basta niyakap ko siya. Sa aming dalawa, ako pa ang mas naiyak.
Ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon, hanggang sa tawagin ako ni Charles. Gusto ko pa sanang kausapin si Mandy, pero mukhang hindi pa rin naman siya magsasalita sa ngayon. I know it will take some time bago siya mag-open ng nararamdaman niya.
Tumayo ako at sumunod kay Charles.
Magkakasama si Jiro, Richard, at Randy. Parang may pinag-uusapan sila at base sa mga ekspresyon nila sa mukha, halatang hindi sila payag sa sinasabi ng isa't-isa.
"Mas ligtas tayo kung mananatili na lang tayo sa kung nasaan tayo," sabi ni Randy.
"Pero mauubos at mauubos ang supply natin ng pagkain. Lalo na ngayon, mas marami na tayo," mahinahong sabi ni Richard.
"Kung ako ang papipiliin, kahit saan basta ligtas ang asawa't magiging anak namin," saad naman ni Jiro sa gitna ng diskusyon.
Napatingin silang tatlo sa gawi namin ni Charles nang parating na kami sa kanila.
"Anong plano natin ngayon?" tanong ni Richard.
Napatingin si Charles sa akin.
Bago ako magsalita, narinig namin na may papalapit sa p'westo namin.
"Alam kong hindi dapat ako nakikisali sa usapan niyo dahil sumabit lang ako rito, at alam kong hindi niyo rin agad ako pagkakatiwalaan," sabi ni Aries habang karga-karga ang natutulog na si Hershie. "Pero may alam akong ligtas na lugar."
Nang sabihin niya 'yon, nagkatinginan kaming lahat bago namin muling ibalik ang tingin sa kaniya.
"Sa ilog," aniya.
"'Yung tinutukoy mo ba ay 'yung safe area sa ilog?" tanong ko sa kaniya kaya siya tumango.
"Alam na rin namin ang tungkol do'n. Pero walang kasiguraduhan do'n," ani Randy.
"Doon dapat kami papunta ng dalawa ko pang kasama, kung hindi lang namin narinig 'yung anunsyo sa radyo ng tinutuluyan namin," pagpapaliwanag ni Aries. "Alam kong kakaunti pero may nakaka-alam sa safe area na 'yon."
"Kung gano'n, 'yun na lang ang huli nating pagpipilian," sabi ni Richard.
"Pero hindi ba delikado? Isusugal na naman natin ang mga paa natin sa hukay," singit ni Jiro sa usapan.
Natahimik kami sandali.
Tanging pagdaloy na lang ng malamig na ihip ng hangin, at pagtatama ng mga sanga ng halaman dulot nito ang namagitan sa amin. Pati na rin ang ingay ng kuliglig.
"Pinag-aralan naming mabuti ng mga kasama ko ang daan sa ilog," biglang sabi ni Aries. "Isa sa aming tatlo ang nakarating ng mas malapit sa sinasabi nilang safe area, pero hindi siya nakapasok ng tuluyan dahil malakas ang agos ng ilog no'n at hindi siya makakatawid sa kilalaguran ng safe area," dugtong pa niya.
"Ibig sabihin totoo 'yung lugar na 'yon? Totoong may gano'ng lugar?" tanong ni Charles.
"Kung ang nakita nga ng kaibigan ko na matataas na pader sa kabilang parte ng ilog ay safe area, tingin ko 'yun na nga lang ang pag-asa natin," sabi ni Aries bago kami magkatinginang lahat. "Naipaliwanag sa akin ng kaibigan ko ang lahat ng dinaanan niya sa ilog bago siya mamatay. Tingin ko sapat na 'yon para makapunta tayo sa lugar na 'yon."
Muli kaming pinagitnaan ng katahimikan.
Ito na ang last chance namin.
Wala ng try and error dito. Kailangan na naming manalo sa pagkakataong 'to.
- - -
"Natutulog na sila," sabi ni Alex sa akin nang tumabi siya sa inuupuan ko. "Si Maldi lang pala ang katapat ng ate niya," dagdag pa niya.
"Salamat naman," saad ko bago ngumiti ng tipid.
Kanina pa ako nag-aalala na baka may gawing hindi tama si Mandy. Mabuti naman at natutulog na siya.
"Mukhang malapit na lumabas 'yan ah," bati ko sa tiyan ni Alex na hinihimas-himas niya.
Nandito kami ngayon sa labas. Hindi kami gumawa ng apoy dahil baka makita ito ng mga infected at masundan kami. Isa pa, pumasok kami sa loob ng gubat para siguradong walang makaka-abot na infected sa amin kung sakali man.
"Oo nga e. Sana, bago ako manganak nakarating na tayo sa ligtas na lugar," sabi ni Alex. Ngumiti siya habang nakatingin sa tiyan niya, kasabay sa marahan niyang paghimas dito. "Kapit ka pa diyan ng onti 'nak ha. 'Wag mo muna ako bigyan ng sakit ng ulo," bulong niya rito.
Napatingin ako sa langit. Hindi man kita ang kabuuan nito dahil sa mga nagtataasang puno, kita ko naman ang mga bituing sumisilip sa bawat maliit na espasyo.
Napa-isip tuloy ako.
Ano kayang mundong aabutan ng mga bata ngayon? Makakapaglaro pa kaya ulit sila sa labas? Pa'no 'yung mga tulad ni Alex na manganganak pa lang. Paano 'yung mga baby nila. Ano kayang mangyayari sa susunod na henerasyon kung sakaling hindi mapigilan ang virus na kumakalat.
Iniisip ko pa lang, alam ko na agad na hindi maganda ang kalalabasan.
Pero sana. Sana malapit ng matapos ang kalbaryo namin na 'to.
Gusto ko ng bumalik ulit sa normal ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro