Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 : It wasn't a Dream

26 : It wasn't a Dream

"Eunice. Eunice!"

Agad akong napatayo pero agad din akong napahawak sa ulo ko nang mauntog ako. Napalingon ako sa gilid ko kung nasaan si Charles. Nagmamaneho siya.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nando'n si Richard, at nasa tabi niya si Hershie na natutulog.

Binalik ko ang tingin ko kay Charles. 'Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela, habang 'yung isa ay nakahawak naman sa balikat ko. Siya 'yung gumising sa akin.

Nakatulog ba 'ko? Nanaginip ba 'ko? Panaginip ba 'yon? Bangungot?

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Charles habang hinihimas-himas ang ulo ko. Saglit akong napapikit dahil napalakas 'yung pagka-untog ko sa bubong ng sasakyan. "Pasensiya na, hindi ko na nalagay 'yung seatbelt mo," aniya.

Nang sabihin niya 'yon, ako na ang nagkabit ng seatbelt sa sarili ko. Pagkatapos tumingin ako sa labas, sa dinadaanan namin. "Anong nangyari?" tanong ko habang hindi tumitingin sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?" saad niya kaya napatingin ako sa kaniya. I gave him a what-look. "Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina. Anong nangyari sa'yo? Dahil siguro sa puyat 'no? Hindi ka kasi natulog kagabi."

Huminga siya ng malalim habang maingat na binabagtas ang daan. Napatingin ako sa sasakyang nasa harapan namin. Malamang 'yun ang kotseng sinasakyan nila Mandy.

Muli akong napatingin sa labas ng bintana.

"Ubusin niyo sila! Ubusin niyo silang lahat!"

"Nanaginip ako," bigla kong sabi. Alam kong napatingin sa akin si Charles pero hindi ako tumingin sa kaniya.

"Anong napanaginipan mo?" tanong niya.

"Ingay," maikli kong tugon.

Hindi na niya ako tinanong. Siguro alam niyang panaginip lang 'yon at hindi na niya dapat pang alamin kung anong nangyari. Pero kahit tanungin niya kung anong ibig kong sabihin sa sagot ko, hindi ko rin naman alam kung paano ko ipapaliwanag.

Parang totoo.

'Yung sikip sa espasyo kung saan ako galing, 'yung dilim at liwanag na sumalubong sa akin pag-alis ko sa espasyo na 'yon. 'Yung pagdagan sa akin ng mga taong tumatakbo, at 'yung pagtama ng kung anong bagay sa noo ko— pakiramdam ko nangyari talaga lahat sa akin 'yon.

"Saan pala tayo papunta?" bigla kong tanong para mawala na sa isip ko 'yung panaginip na 'yon.

"Sa ligtas na lugar," sagot ni Charles.

"Safe area?"

"Sa mas sigurado at ligtas na lugar," aniya.

Napatingin ako sa radyo at nakuha ko agad ang sinasabi niya. Kung gano'n, lilihis kami ng plano at imbis na sundan ang mapa, mas magpapaka-praktikal kami? Kung iisipin, mas maganda nga siguro kung susundin namin ang sinabi ng boses sa radyo.

Pero hindi ko alam kung dahil ba sa napanaginipan ko, o sadyang hindi lang maganda ang kutob ko tungkol sa pupuntahan namin?

"Malayo-layo pa tayo sa bukana ng probinsya. Kung ganito karami ang bangkay sa daan, mas matatagalan tayo at baka abutin pa tayo ng gabi," ani Richard sa likuran namin. Napalingon ako sa kaniya. "Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at tumango bago tumingin kay Hershie.

Payapa siyang natutulog habang nakalapat sa balikat ni Richard ang ulo niya.

Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Napatingin ako sa ulap. Makulimlim. Parang nagbabadya ang ulan.

Habang bumabyahe, nakatingin lang ako sa dinadaanan namin. Isang beses, nakita ko ang ilog. Hindi ko alam pero parang tinatawag ako no'n. Ang weird ko ba kung sasabihin kong, mas gusto kong subukan ang safe area sa ilog na 'yon, kahit wala namang kasiguraduhan na mayroon ngang gano'n do'n?

"Stop it," biglang sabi ni Charles kaya napalingon ako sa kaniya.

"Stop ang alin?"

"Stop overthinking."

"Hindi naman ako nag-ooverthink ah," I said as I put my gaze on the road.

"Lie," aniya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi naman siguro kasalanang mag-overthink sa mga oras na 'to 'di ba? 'Yun na lang ang magagawa natin sa mg oras na 'to," sabi ko.

Naramdaman kong pinatong ni Charles ang kanang kamay niya sa kamay ko. Tumingin siya sa akin saglit bago ngumiti. "Hindi naman kasalanang mag-overthink. Kasalanan kapag hinahadlangan ka na nitong isipin ang mas importante."

Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. "Bakit ako?" bigla kong tanong. Alam kong nagulat din siya sa tanong ko.

"Anong bakit ikaw?"

"Ilang taon ka na ulit nanliligaw?"

"Why asking a random question so sudden?" sabi niya.

"Ilang taon na nga?"

"Magdadalawang taon na po next week," saad niya bago ngumiti. "If you're planning to reject me, can you consider some other time?" dagdag pa niya kaya agad kong hinatak ang kamay ko at pinalo ang kamay niya.

"If I'm planning to reject you, matagal ko nang ginawa."

"So you're planning to say yes?"

"Hindi rin," agad kong sagot.

Napatawa na lang ng mahina si Charles. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya 'ko nilulubayan. I mean, if mapagod siya at iwan ako dahil sa tagal ko mag-decide, dapat ba akong masaktan o makahinga ng maluwag dahil hindi na siya mapapagod dahil sa'kin.

He's been taking care of me since day one. Halos dalawang taon ko na siyang nakaka-usap araw-araw. 'Pag nawala siya sa sistema ng buhay ko, pakiramdam ko malaking bahagi rin sa akin ang mawawala.

Really, Eunice.

Tinanggal ko lahat ng nasa isip ko. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga ganitong bahay.

Pero paano kung maubusan na kami ng oras?

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko at pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ang dami ko na masiyadong iniisip. Iidlip na lang muna ulit ako, baka sakaling maging maayos na ulit ang utak ko paggising ko.

- - -

Nagising ako sa kabi-kabilang ingay sa paligid.

Napakusot pa ako ng mata ko bago tuluyang nagising ang diwa ko. Pagmulat na pagmulat ng mga mata ko, aksyon na agad ang tumambad sa akin.

Nakita ko ang taranta sa mga mata ni Charles nang lingunin niya ako. "Hurry. We need to hurry," aniya habang tinatanggal ang seatbelt ko. Napalingon din siya kay Richard at Hershie kaya napatingin din ako sa kanila. Inaayos na nila ang mga dala at sarili nila.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan.

Umuulan, at madilim na. Tingin ko gabi na at tuluyan ng bumuhos ang nagbabadyang ulan kanina.

"Na-nasaan sila Mandy?" tanong ko kay Charles.

"Sa likod," nagmamadali niyang sagot bago niya buksan ang pintuan at bumaba ng sasakyan. "Bilis, kailangan na nating bilisan," sabi niya kaya agad na rin akong bumaba.

Wala na kaming paki-alam kung mabasa man kami ng ulan. P'wera kay Hershie na nilagyan ni Richard ng damit sa ulo para hindi ito gaanong mabasa.

Nang makababa kami, tiningnan ko 'yung kotse na nasa likuran ng sasakyan namin. Nakita kong bumaba na rin sa sasakyan sila Randy.

Sabay-sabay kaming tumakbo.

Ngayon ko lang napansin na hindi lang pala kami ang mga taong narito. Kaya pala ang ingay ng lugar. Marami kaming kasabay na nagtatakbuhan, at patuloy pa rin sa pagdagsa ang mga taong dumarating. Kung gano'n, hindi lang pala kami ang survivor sa lugar na 'to. Marami-rami pa rin pala ang nakaligtas.

Muntik na akong madapa dahil madulas na ang lugar dahil nga umuulan. Mabuti na lang at agad akong nahawakan ni Charles at inalalayan habang tumatakbo kami.

Lahat ng tao nagtatakbuhan papunta sa arko ng probinsya. Gaya ng sinabi sa radyo, maraming sundalo na nando'n at naghihintay sa amin.

Pero parang may mali.

Bakit nananatiling nakatayo 'yung mga sundalo sa arko? Bakit may harang 'yung mismong arko, at nasa kabilang panig sila no'n? Hindi kumikilos ang mga sundalo kahit alam nilang marami na ang tumatakbo papunta sa kanila.

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Napansin 'yon ni Charles kaya sinabayan niya ako.

"What's wrong? We need to hurry Eunice," sabi niya pero umiling ako. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"May hindi tama Charles," sabi ko bago muling tumingin sa mga sundalo. "Kailangan nating bumalik sa sasakyan, kailangan nating bumalik," ani ko.

"Eunice hey. Eunice." Hinarap niya ako sa kaniya. "This is our last chance to be safe. We need to secure a place where we can live safely. Dito 'yon Eunice," sabi niya sa akin pero muli akong tumingin sa arko at sa mga sundalo.

Unti-unti kong inangat ang daliri ko at tinuro 'yon.

Nakita ko ang dahan-dahang pagtaas ng armas ng mga sundalo— tinutok nila ang mga baril nila sa amin.

"Maling pumunta tayo rito," halos pabulong kong saad kasabay ng malakas na kulog at kidlat. Panandaliang lumiwanag ang buong lugar, at nakita ng lahat ang mga bangkay na malapit sa arko— tila ba pinatay ang mga ito bago pa sila maka-abot sa kabilang side ng arc.

Napahinto lahat ng taong nagtatakbuhan.

Imbis na paharap, pabalik ang mga hakbang nila.

Sa isang iglap, lahat ng taong nauuna sa takbuhan papunta sa arko, naunang bumagsak sa lupa nang magsimula ng magpaputok ang mga sundalo. Wala silang tigil. Hangga't may nakikita silang tao, binabaril nila. Hindi malinaw sa akin kung bakit nila 'to ginagawa. Ang alam ko lang, kailangan na naming umalis dito.

Ang akala naming mas ligtas na lugar, ang siya palang kikitil sa buhay naming mga survivor.

"Ubusin niyo sila! Ubusin niyo silang lahat!" sigaw ng isang sundalo, na sa tingin ko ay ang pinakamataas na ranggo sa kanilang lahat.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil naaalala ko ang linyang 'yon. Ang boses na 'yon.

Tama.

Hindi nga 'yon panaginip.

Lahat 'yon, nakita ko na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro