Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 : See You Again

24 : See You Again





Patuloy akong hinatak ni Richard hanggang sa makalabas kami sa pharmacy. I regained my senses nang makita kong marami nang humahabol na infected sa amin.

Mas binilisan ko ang takbo ko, dahilan para mas mabilis kaming makabalik sa gasoline station.

"Charles!" sigaw ko para maagaw ang atensyon ni Charles. Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan, halatang hinihintay ang pagbabalik namin. Nilingon niya ako at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung gaano karami ang humahabol sa amin.

Akala ko, isang infected lang ang nasa loob ng pharmacy. Masiyado kaming nakampante dahil tahimik ang lugar. Marami pa palang nakatagong infected, at mukhang natunugan nila ang pagdating namin.

"Dalian niyo! Bilis!" sigaw pabalik ni Charles bago niya binuksan ang pintuan sa backseat.

Agad na pumasok si Richard sa loob ng sasakyan. Umikot ako papunta sa upuang katabi ng driver. Sabay kaming sumakay ni Charles.

"I-start mo na!" histerikal kong sabi. Hingal na hingal ako habang tinitingnan ang likuran ng kotse kung nasaan ang maraming infected— lahat sila tumatakbo papunta sa kinalulugaran namin. "Charles dalian mo!"

"I'm trying!" natataranta niyang saad. Ilang beses pa niyang pinatay-sindi ang makina, bago ito tuluyang mabuhay. "Shit always happen," bulong niya sa sarili bago niya agad hinatak ang kambyo at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Bahagya namilipit sa sakit ang batok ko nang biglang umandar ang sasakyan. Hindi ko pala nagamit ang seatbelt kaya mabilis ko itong hinatak mula sa kanang braso ko, papunta sa kaliwang bewang ko.

Halos mapapikit na ako dahil sa tulin ng pagmamaneho ni Charles.

Sa sobrang tahimik ng lugar, ang simpleng pagdaan ng sasakyan ay nakalikha ng ingay. Ito marahin ang dahilan kaya mas lalong dumami ang mga naglabasang infected. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa sila. Kung tama ang pagkaka-alala ko sa impormasyon ni Richard, nagpapakamatay lamang ang mga infected kapag satisfied na sila sa mga napatay nila.

Kaya siguro sila buhay ay dahil hindi pa nila naaabot ang satisfaction na 'yon?

"Charles!" Napatili ako nang mabangga niya 'yung isang infected na tumatakbo mula sa harapan ng kotse. Huli na para iwasan ni Charles 'yon kaya tumalsik ito sa ere at mabilis naming nalampasan.

Napalingon ako sa likuran. Yakap-yakap ni Richard si Hershie dahil mabilis ang andar ng sasakyan. Ramdam na ramdam din ang tensyon at taranta sa bawat pagliko ni Charles para iwasan ang mga infected  na nagkalat sa daan.

"Kumapit kayong maigi," ani Charles bago niya muling hawakan ang kambyo ng sasakyan.

Mas bumilis ang takbo ng sasakyan kumpara kanina, kaya napahawak na lang ako sa pintuan at upuan. Dahil sa ginawa ni Charles, marami siyang nabanggang tao sa daan. Hindi ko siya masisisi kung 'yun na ang paraang naisip niya para makatawid kami sa lugar na 'yon.

Ang alam ko lang, in less than a couple of minutes, nakatawid na kami sa nakakatakot na dakong 'yon ng syudad.

- - -

"You're okay?" tanong ni Charles sa akin habang hindi tinatanggal ang tingin niya sa daan.

Tumango ako bilang tugon.

"Anong nangyari?" tanong niya. Mas mabagal na ang takbo ng sasakyan, kaya humupa na rin ang kaba at init na nararamdaman naming lahat.

"Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Basta ang alam ko, nakuha namin ni Eunice ang pakay namin sa botika na 'yon," sagot ni Richard bago niya ipakita sa amin ang hawak niyang plastic. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nakuha ko 'to ng libre, o manghinayang na hindi ko nakuha lahat ng gamot sa botika."

Iiling-iling niyang nilagay sa bag ang gamot.

"S-sorry ho," saad ko.

"Hindi mo naman kasalanang matakot sa mga nilalang na 'yon. Aaminin ko, kahit ako takot pa rin sa kanila," sabi ni Richard. "Ang importante, naka-alis tayo ng ligtas sa lugar na 'yon," dagdag pa niya.

Napalunok na lamang ako ng laway bago ko maramdaman ang hawak ko sa kanang kamay ko. "Nakakuha nga pala ako ng ilang gamot na p'wede nating kailanganin," sabi ko bago iabot kay Richard ang hawak kong plastic labo. May laman 'yon na gamot sa lagnat, sipon at iba pa.

Huminga siya ng malalim. "Mabuti naman," aniya na parang nabunutukan ng tinik.

"Malapit na tayo sa bukana ng syudad," ani Charles kaya napatingin ulit ako sa dinadaanan namin.

May mga nagkalat pa ring katawan ng tao sa kalsada, pero kumpara sa pinakasentro at dulo ng lalawigan, mas kakaunti ang mga ito.

Tahimik din ang lugar kaya mas lalo akong kinabahan. Tahimik din kanina sa lugar kung nasaan ang gasoline station at ang pharmacy, pero marami pa lang infected do'n. Kailangan na naming mag-expect ng mas malala kung nasa bukana na kami ng syudad.

Malamang, mas maraming nagtangkang lumabas sa lugar na 'to. Malaking tsansa rin na umabot hanggang dito ang mga infected.

Maya-maya pa, sa 'di kalayuan, may napansin kaming sasakyan. Hindi tulad ng mga kotseng nakakalat sa paligid, mukhang maayos pa ito at may pulang ilaw na nagmumula sa magkabilang gilid nito— buhay ang makina ng sasakyan.

"Sila na ba 'yon?" tanong ko kay Charles.

"I'm not sure. I'm going to take a look first. I ned to secure your safety," aniya bago ihinto ang sasakyan sa gilid.

Nasa malaking tulay kami. Ang tulay na 'to ang nagdudugtong sa syudad kung saan kami galing, at syudad sa kabilang probinsya. Kung tama nga ang nasa mapa papunta safe area, ang ilog na kinatatayuan ng tulay na 'to, ang maaring daan papunta ro'n.

Dala ang sword niya, maingat siyang bumaba sa sasakyan bago naglakad papunta sa isa pang sasakyang 'di kalayuan sa amin. Lumingon pa siya sa amin bago itutok sa harapan niya 'yung espada. Hinahanda niya ang sarili niya sa kung ano mang p'wedeng dumamba sa kaniya any moment from now.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. Pinagpapawisan ako habang pinapanood si Charles na maglakad papunta sa sasakyan.

Maya-maya pa, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may lumabas na tao sa kotseng pupuntahan ni Charles.

For a moment, I froze.

Pero matapos ang ilang segundo, agad kong binuksan ang pintuan ng kotseng sinasakyan ko. Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako papalapit sa sasakyan. Narinig kong tinawag pa ako ni Richard bago ako tuluyang makalayo sa kanila, pero hindi ko siya pinakinggan.

Ang alam ko lang, kailangan ko siyang mayakap.

- - -

Mandy's P.O.V.,

"Hindi p'wede," madiin kong saad. "Hindi ako sasama kung hindi natin kasama si Claude," pag-uulit ko.

"Pero Mandy, hindi na natin siya p'wedeng isama. Alam naman nating lahat ang kondisyon niya," ani Jiro. "Malalagay lang sa hukay ang isa sa mga paa natin kung isasama natin siya," dagdag pa niya.

"Ayoko," madiin ko muling sambit. "Iwan niyo na lang ako rito kung iiwan niyo si Claude. Alam kong katulad na siya ng mga infected sa labas, pero boyfriend ko pa rin siya."

Napabuntong-hininga si Randy. Nasa magkabilang bewang niya ang dalawang kamay niya, habang nakatitig silang tatlo sa akin.

"Mandy—"

Hindi natuloy ni Alex ang sasabihin niya dahil agad akong nagsalita.

"Kung naging infected ba si Jiro, huwag naman sana, kaya mo ba siyang iwan Alex?" sabi ko. Ramdam ko na ang init sa ilalim ng mga mata ko, pero pinipigilan ko ito. "Kaya mo bang iwan ang asawa mo? Hmm?" tanong ko sa kaniya.

Napatingin si Alex kay Jiro, bago niya ibalik ang tingin niya sa akin.

Marahan siyang umiling habang hinihimas ang tiyan niya.

Muling napabuntong-hininga si Randy.

Dalawa lang ang pagpipilian nila.

Iiwan nila kami ni Maldi kasama si Claude, o sasama kami sa kanila kasama siya.

Napabalik ako sa tamang pag-iisip nang magsalita si Jiro.

"Mandy hindi ka pa p'wedeng lumabas," suway niya sa akin.

Kasalukuyan na kaming nakahinto sa bungad ng syudad. May ilang minuto na rin kaming naghihintay dito para sa mga kasama naming pupunta sa safe area.

Hindi ako natiis ni Randy. Sinama nila ako at si Claude. Nasa compartment nga lang ng sasakyan si Claude dahil hindi namin siya p'wedeng isakay sa backseat. Pero siniguro naming nakakahinga pa siya. Naglagay kami ng kaunting puwang para makapasok ang hangin sa loob.

Ayoko man pero kailangan.

Nakatali ang kamay at paa niya. Nakatakip pa rin ng tela ng mukha niya para hindi niya kami atakihin kung sakali.

Nasasaktan pa rin ako na nakikita siyang ganito. Pero hangga't buhay siya, wala na akong hihilingin pa.

"Naiihi na 'ko," sagot ko kay Jiro. "Hindi naman ako p'wedeng umihi rito sa loob ng sasakyan 'di ba."

"Pero baka may mga baliw sa labas," aniya.

Huminga ako ng malalim. Ilang beses kong pinag-isipang mabuti ang gagawin ko, bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Ate Mandy!" tawag sa akin ni Maldi.

"Sandali lang ako," sabi ko bago muling isarado ang pintuan. Hindi na ako napigilan nila Randy dahil nakababa na ako. Nilinga-linga ko na ang paningin ko para makahanap ng p'westo kung saan ako p'wedeng umihi.

Ilang segundo na lang, feeling ko sasabog na ang pantog ko.

Nagulat ako nang bigla na lang may yumakap sa akin nang mahigpit mula sa likod. Akmang titili sana ako dahil akala ko no'ng una ay infected ang kumapit sa akin.

Pero nang marinig ko ang boses niya, napa-iyak na lang din ako.

"Mandy, nakita na rin kita sa wakas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro