Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 : Injection

Warning : SPG. Hindi dahil may bed scene, kundi dahil sa tema. Kung hindi mo kaya magbasa ng psychotic story, leave now. Kung makulit ka, then continue. But you've been warned.

- - -

2 : Injection





"Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" Sigaw ni Mandy kay Claude kaya si Claude, dali-daling nilabas ang cellphone mula sa bulsa at mabilis na nagtipa ng numero.

Natataranta kaming nakatingin kay kuya Elmer na ngayon ay nangingisay sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya pero tumitirik ang mata niya at sobrang namumula ang balat. Hindi naman namin siya mahawakan dahil sobrang nakakatakot at hindi namin alam ang dapat naming gawin.

Oo may pinag-aralan kami sa medisina, pero sa mga gamot lang ang abot ng mga tulad namin. Lalo pa't sa sitwasyon ni Kuya Elmer, kung makikialam ang isa sa amin, baka lumala lang lalo ang lagay niya kaya mas mabuting ang mga eksperto na ang kumuha at sumuri sa kaniya mula rito.

"Padating na sila," ani Claude habang nakahawak ng mahigpit sa cellphone niya.

Wala kaming nagawa kundi ang maghintay na dumating ang ambulansya. At nang dumating ito, agad nilang isinakay si kuya Elmer, saka kami sumama papunta sa ospital. Naiwan si Claude para magbantay sa pharmacy at para ibalita kay Sir Arellano ang nangyari.

Namumula pa rin ng sobra ang balat ni kuya Elmer habang binibigyan siya ng mga paunang lunas. Para siyang pulang lobo na malapit ng pumutok.

"Ang init niya!" Gulat na saad ng isang nurse nang dumampi ang palad niya sa balat ni kuya Elmer.

Dahil sa sinabi niya, doon ko naisip na kaya pala mapula ang balat niya ay dahil mataas din ang temperatura niya.

"A-ayos lang ba siya?" Tanong ni Mandy sa dalawang nurse na nasa loob ng ambulansya at binibigyan ng first aids si Kuya Elmer. Chinecheck din nila ang mga hindi pamilyar na bagay tulad ng pulso ni kuya Elmer at kung humihinga pa ba ito. Ito ang unang beses ko na sumakay sa ambulansya, at sobrang nakakatakot pala. Hindi dahil mabilis ang takbo, pero dahil sa kaba na mararamdaman mo dulot ng vibes na dala nito.

"Hindi namin alam, sa ngayon, kailangan na madala natin agad siya sa ospital. Feeling ko kasi malala na ang lagay niya. Sobrang init niya. Lagpas na ito sa normal na init ng tao kapag nilalagnat," wika ng isa pang nurse kaya napahawak si Mandy sa kamay ko. Marahan pa niya itong hinigpitan kaya tumugon din ako ng higpit para iparamdam sa kaniya na parehas kami ng nararamdaman.

Dahil madaling araw, walang mas'yadong kotse sa kalsada kaya hindi kami nakaranas ng traffic.

Madaliang ibinaba ng ambulansya si kuya Elmer na ngayon ay tumigil na sa pangingisay. Bahagya ring bumalik sa normal ang kulay ng balat niya kaya sigurado akong bumaba na rin ang temperatura ng katawan niya, sana.

Isinakay siya sa de gulong na higaan at dinala kaagad sa emergency room. Wala kaming nagawa ni Mandy kundi ang umupo sa waiting area at hintayin kung anong mangyayari. Gusto sana naming bumalik sa pharmacy para matanong si Claude kung anong sinabi ni Sir Arellano. Kung pupunta ba siya rito o hindi. Siya lang kasi ang nakaka-alam kung sino ang mga kapamilya ni kuya Elmer dahil kaibigan ni Sir Arellano ang kapatid nito.

"Magiging okay lang kaya siya?" Tulalang tanong ni Mandy. Mukhang pati siya, hindi makalimutan ang itsura ni kuya Elmer kanina.

"Siguro. Hi-hindi ko alam," tangi ko na lamang tugon.

Walang nagsalita sa amin. Tanging tunog ng mga takong ng mga naglalakad na nurse at mga bumibisitang kamag-anak o kakilala ng mga pasyenteng naka-admit dito ang naririnig namin. Kinakabahan pa rin ako. May parte sa akin na sinasabing baka hindi na maging ayos pa si kuya Elmer dahil sa itsura niya kanina. Pero mas kinakabahan ako kung mangyayari 'yung hinala ko na 'yon.

Lumabas ang doktor mula sa emergency room kung saan pinasok si kuya Elmer kaya napatayo kami ni Mandy ng sabay.

"Kayo ba ang nagdala kay Elmer Madrigal?" Tanong nito. Nagtaka pa kami kung paano niya nalaman ang pangalan ni kuya Elmer pero agad niya rin itong sinagot. "Ako ang kapatid ni Elmer." Marahil siya ang tinutukoy ni sir Arellano na kaibigan niya.

"Ka-kamusta po si kuya Elmer?" Tanong ni Mandy.

"Ayos na siya. Sa totoo nga niyan eh sobra kaming naguluhan sa loob kanina. Noong dinala namin siya sa emergency room, sobrang lamig na niya. Para na nga siyang namatay na," halos maiyak-iyak na saad ng doktor. "Pero bigla na lang siyang nagising at tumayo mula sa higaan. Hindi niya maalala kung bakit siya narito sa ospital," ngayon, kumunot ang noo naming tatlo.

"Imposible," bulong ni Mandy.

"Nakita namin kung paano siya nahulog sa sahig at nangisay. Nakita namin kung paano tumirik ang mga mata niya. Isa pa, nang nasa ambulansya kami at papunta rito, sobra pa siyang mainit. Hindi nga siya mahawakan ng mga nurse kanina e," naguguluhan kong sabi.

"'Yan din ang ipinagtataka namin. Sa ngayon, magpasalamat na lang tayo na walang nangyaring masama kay Elmer," saad niya kaya nabuo ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.

Napalingon kami sa pintuan kung saan lumabas ang doktor na kapatid ni kuya Elmer--ang emergency room. Ang ingay nito kaya naman nakuha pati ang atensyon ng mga nurse na naglalakad sa corridor at mga pasyente at bisita. Para bang may mga takot sa loob at naririnig pa namin ang mga matitinis na tili.

"A-anong nangyayari sa loob?" Tanong ni Mandy na halatang kinakabahan. Maging ako kinakabahan, pero hindi ko alam kung bakit.

"Wala naman sigurong masamang nangyayari ngayon sa loob ng emergency room hindi ba?" Tanong ko na mukhang walang siguradong sagot.

"Titingnan ko kung anong--"

Hindi naituloy nang doktor ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pintuan ng emergency room kung saan tumambad sa amin ang madugong silid at ang nurse na nag-aagaw buhay na at pinipilit na tumayo kahit pa halos maligo na siya sa sarili niyang dugo.

"Takbo!" Malakas na tili ng ng nurse na may nakatusok na gunting sa dibdib. Pilit niya itong tinatanggal sa dibdib niya kaya patuloy ang pagdaloy ng masaganang dugo rito. Halos masuka na ako sa itsura niya at maluha sa nakikita. "Tu... tumakbo na ka... kayo!" Huli pa nitong sigaw sa amin bago namin namalayan na may tao mula sa likuran niya na tinusok siya sa bunbunan niya gamit ang injection.

Hindi ito nakuntento at ilang beses na sinaksak ang ulo ng nurse gamit ang injection. Sa punto na 'to, hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ako makatakbo tulad ng mga pasyente, nurse at mga bisita na tumatakbo na ngayon palayo sa emergency room at nagsisigawan; humihingi ng tulong. Napako kaming tatlo nila Mandy sa harapan mismo ng nurse na nababalot ng pulang likido ang kanina lamang sobrang puti na uniporme.

"Ta-takbo!" Utal na saad ng doktor kaya nagising kami ni Mandy at napatakbo palayo sa lalaking akala namin magbibigay ng seguridad sa amin. Si Kuya Elmer.

Hindi ko siya makilala sa itsura niya. Ang maamo niyang mukha kahit may katandaan na, tila naging halimaw. Labas ang ugat nito sa leeg at sintido na halos lumuwa na. Ang mga mata niya ay ubod ng pula, at lumuluha ng dugo. Nakakadiri ang ginawa niya sa nurse at hindi mo aakalaing kakayaning gawin ng isang tao na nasa normal na katinuan.

Takbo lang kami ng takbo. Maya't-maya kaming napapatingin sa likuran namin kung saan tumatakbo rin si kuya Elmer at nanghahatak ng mga taong makakasalubong niya. Nakasalubong pa siya ng isang batang babae at agad itong sinabunutan. Walang kalaban-laban ang batang babae kay kuya Elmer. Halos lumuwa ang kalamnan ko sa sunod niyang ginawa.

Gamit ang injection na hawak niya, tinusok niya iyon sa kanang mata ng batang babae kaya humiyaw ito sa sobrang sakit. Hindi pa siya nakuntento at dinukot niya ang mata ng bata gamit ang sarili niya mismong mga daliri. Walang nagawa ang batang babae kundi mamilipit sa sakit hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Sa sumunod na ginawa ni Kuya Elmer, tuluyan na akong nasuka.

Sinubo niya ang mata ng batang babae. Nginuya ito sa harapan namin na para bang ito na ang pinakamasarap na pagkaing natikman niya sa buong buhay niya. Nakita ko pa kung paano niya sipsipin ang ugat na nakadikit pa sa mata. Nakita pa ng lahat kung paano niya lunukin ang nginuya niyang mata at kung paano niya dilaan ang labi at kamay niya na puno ng dugo.

Ilang beses akong nasuka kaya napatigil kami sa pagtakbo. Lalo pa sa huling ginawa ni kuya Elmer.

Gamit ang buong lakas na meron siya, at ang injection na hawak niya at ginamit para patayin ang nurse at bata kanina, tumingala siya sa kisame. Doon, buong pwersa niyang binaon sa lalamunan niya hindi lamang ang karayom, pero ang buong injection mismo na nadulot ng kaniyang kamatayan.

Pagkatapos noon, sabay-sabay kaming nasuka at napaluhod sa kasuklam-suklam na nasaksihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro