Chapter 16 : The Process and the Origin
16 : The Process and the Origin
Iniharap ni Richard sa amin ang computer upang malaya naming makita ang nasa screen nito. He played the video as well.
Masiyadong madilim ang video, parang walang kailaw-ilaw sa kinaroroonan ng kung sino mang kumuha ng video na 'yon.
Ilang segundong tahimik ang video. Ang tanging maririnig lang ay ang malalim na paghinga ng kung sino mang may hawak ng gadget na ginamit para sa video. Akala ko nga hindi na magsasalita ang taong nasa video. Pero ilang segundo pa, may nagsalita na.
Malalim at halos pabulong ang boses na gamit ng taong nasa likod ng video. Dinig na dinig din ang bawat paghinga niya. Para bang hingal na hingal siya, o kaya'y kinakapos ng hininga.
"M-my n-name is Roger W-Waines... I-I am a neurologist th-that works for the Special Task F-force under United Na-nation's supervision. Th-three years ago, t-the retired President of WHO, established a-another secret organization th-that no one will know. H-he's the founder of S-special task force where I, and four other doctors w-with different speciality fields, mostly a-about the brain, human anatomy and behavior of humans, w-worked for almost a year. O-our ta-task is to make a medicine that will change the world and will transform the impossible into possible..."
"...w-we are composed of p-primarily neurologist, psychiatrist a-and pha-pharmacist."
Tumitigil-tigil ang salita sa video. Akala ko nga tapos na ang video, pero bigla ulit nagsalita si Roger, ang lalaking nagsasalita sa video. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Ang alam ko lang, matangos ang ilong niya at bilog ang hulma ng mukha. Nakita ko 'yon nang minsang may tumamang ilaw mula sa likuran niya. Parang hindi rin siya mapakali dahil maalog ang video.
"Ja-January 2018 when we conducted o-our first trial for vaccines and me-medicines for those who have autism and b-brain illnesses such as t-tumor. Th-the first t-tests were good. W-we thought that we could make those with abnormalities i-into n-normal. B-but we celebrated too early..."
"...Fe-February 2018, we conducted another set of trials to 134 people with different abnormalities and b-brain illnesses. The-they came from different countries.Th-the retired President of WHO firmly believed that w-we made the vaccines and medicines right. Bu-but he's w-wrong. We're a-all fools for thi-thinking that we ca-can make a cure f-for autism and tumor for such a sho-short period of time!"
Madiin pero halos pabulong na nagkuk'wento si Roger. Ang bawat paghinga niya, para bang puno ng bigat. Para bang matagal na niyang gustong sabihin ang lahat ng mga nalalaman niya, pero ngayon lang niya nagawa. Naririnig ko rin ang mahihina niyang paghikbi. At kahit hindi namin makita, alam kong umiiyak siya sa video.
"...3 we-weeks la-later, the 134 people w-we injected with subjected vaccines and medicines become wild. The-they are as if animals from the wild, cha-chasing us a-and freeing themselves from ch-chains. Lately do we realized th-that everything gone wrong. W-we failed to make a vaccine or medicine for those who have abnormalities and brain illnesses. And w-we made it more critical for the 134 people with different na-nationalities..."
"...it sound surreal... but the 134 people killed every person the-they see in the lab where w-we worked for a top secret mission. I-I'm the only doctor to become a survivor, a-and a witness."
Mas lalong naiyak si Roger.
Wala akong masabi.
Hindi mag-sink in sa utak ko lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng utak ko lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Naguguluhan pa rin ako kahit pa pinapa-intindi na sa amin ang lahat.
"...the retired P-president of WHO ordered to throw away the corpse of 134 people, as well as the 4 do-doctors a-and almost 20 staffs fr-from the Special Task Force. W-we followed his orders as we believe that it'll be best for us to keep silent. But this day came. I know, this is our fault. W-we chose to be silent, a-and now I'm d-dying in conscience..."
"...we thrown away the corpses in the ocean. Near the bo-borders of Taiwan."
'Yun ang huling salita na lumabas sa bibig ni Roger bago huminto ang buong video.
Napatingin ako kay Charles. Tulad ko, kunot din ang noo niya kaya sabay kaming napatingin kay Richard.
"Hi-hindi ko masiyadong maintindihan. Anong kinalaman nila sa mga nangyayari? Ano naman ngayon kung may top secret mission sila? Maganda naman ang hangarin nila ah. Gusto nilang gumawa ng gamot para sa mga may sakit sa utak. Gusto lang nilang gawing normal ang mga hindi," sabi ko na sinang-ayunan naman ni Charles.
"Eunice, hindi nga masama ang hangarin nila. Pero pumalpak sila kaya ang kapalit nito ay ang buhay ng nakararami," sagot ni Richard kaya mas lalong kumunot ang noo namin ni Charles.
"Eh ano ngang kinalaman nila sa mga nangyayari?" Tanong ni Charles.
"Dahil sa ginawa nilang mga gamot na pumalpak, gumawa sila ng panibagong sakit. Malaking tulong ang mga sinabi ni Roger," ani Richard. "'Yung mga bangkay na tinapon nila sa dagat ng Taiwan, ay naglalaman ng mga virus. Mga virus na mula sa components ng gamot na sana ay lulunas sa sakit na may kinalaman sa utak. 'Yung mga gamot na ininject nila sa 134 na katao. Ngayon, dahil sa dagat nila tinapon ang mga bangkay, nabulok ito sa tubig, at ang virus na dala ng mga katawan na ito ay humalo sa tubig," pagpapaliwanag ni Richard.
"Pero paano kumalat 'yung sakit sa mga tao? Eh 'di ba sa dagat naman napunta 'yung virus?" Tanong ni Charles.
Namayani ang katahimikan bago pumasok sa isip ko ang rason kung paano napunta sa lupa ang sakit.
"Dinala ng bagyo ang virus sa lupa," parang wala sa sarili kong saad. Tumango naman si Richard.
"The hydro cycle. Kumukuha ang ulap ng tubig mula sa dagat. At nang mapunta ang tubig sa ulap, dinala naman ng mga ulap ang tubig sa lupa. Kaya kumalat ang virus. Lahat ng mga nakapag-intake, o nabasa ng ulan na may lamang virus, ay nahawaan. 'Yung iba naman, dahil summer, pumunta sa dagat. The rest ng mga nahawahan, nakapunta na sa ibang bansa at nakapanghawa na ng hindi nila namamalayan," paliwanag ni Richard.
"Teka, nakakahawa 'yon? I-I mean, pa-paano?" Tanong ko. Gusto kong masagot na ang lahat ng mga tanong ko. Sa tagal na panahong humihingi ng kasagutan ang utak ko, tingin ko ito na ang tamang panahon para punan ng impormasiyon ang sarili ko.
"Mula mga bangkay na binigyan ng gamot ng special task force, napunta ang virus sa dagat. Mula sa tubig sa dagat, napunta sa ulap ang virus at nakuha ng mga tao sa lupa. Ngayon naman, ang mga taong nakakuha ng virus, ay nakakahawa sa isang natatanging paraan," ani Richard. "Sa pamamagitan ng dugo ng nahawahan ng sakit, kapag tumalsik ito o na-intake ng hindi pa infected, makakapanghawa na siya."
"Pa-paano?" Gulo ko pa ring tanong.
"Alam niyo ba ang limang sintomas ng Sych-020Di?" Tanong ni Richard.
"Si-sintomas?" Ani Charles.
"Ang WHO, katulong ang ilang mga bansa, ay nag-obserba sa kung paano umaatake ang virus," panimula ni Richard. "At natuklasan nga nila na may limang stages o sintomas ang Sych-020Di," aniya.
"May limang sintomas na ipapakita ang mga taong makakakuha ng ganitong uri ng virus. Ang limang sintomas na ito ay may iba't-ibang antas. Simula sa pinakamababa, hanggang sa pinakamataas kung saan wala ng kasiguraduhan ang buhay ng pasyente. Una, lalagnatin ito. Ang taas ng lagnat ay hindi makakalkula sa sobrang init. Parang bagong pakulo na tubig, ngunit mas mainit pa rito. Nakababasag ng thermometer ang init ng pasyente, at hindi na nanaisin pang hawakan o haplusin ng kahit sino. Ang unang stage ang magiging dahilan ng ikalawang sintomas..."
"... Ikalawa, pambihirang lamig. Dahil sa init na naramdaman, hindi ito kakayanin ng katawan ng pasyente. Mamamatay panandalian ang katawan niya, magiging tila bangkay sa kalamigan, maninigas ang buong katawan, titirik ang mata hanggang sa akalain na ng lahat na patay na ito. Ngunit dito magsisimula ang ikatlong sintomas. Ikatlo, kung saan ang pasyente ay mabubuhay muli. Mukhang normal at walang nangyari. Babalik sa normal na temperatura ang katawan nito, kikilos na parang walang kahit anong nangyari sa kaniya, at ipagpapatuloy ang kaniyang buhay sa loob ng isang minuto. Matapos ang isang minuto, ang ikaapat at pinakanakakatakot na stage ay mangyayari..."
Bigla ko tuloy naalala si Kuya Elmer. Kaparehong-kapareho nang nangyari sa kaniya.
"... Ang pasyente na lumagpas na sa isang minuto pagkatapos na muling mabuhay, ay makakaramdam ng matinding pagkabaliw. Hindi niya na maiisip ang kaniyang mga gagawin, at dagling ikikilos ang mga bagay na kaniyang nanaisin. Ito ay ang patayin ang unang biktima na kaniyang makikita. Maaaring kumitil ng ilang buhay ang mga pasyente na nasa ikaapat na antas na ng sintomas. At kapag kuntento na sila, dumadako na sila sa huling antas..."
"... Ikalima, ang huling sintomas. Kapag ang biktima ay nakapatay na, at nakuntento sa kaniyang ginawa, nanaisin niyang wakasan na rin ang sarili niyang buhay. Para sa kaniya, ito ang kasukdulan ng kaniyang kanaisan," paliwanag ni Richard.
"Teka, hindi pa rin nasasagot ang tanong namin. Paano nakakahawa ang sakit na 'to?" Tanong ni Charles. Mukhang parehas kami na gustong maliwanagan ng husto.
"Tungkol sa bagay na 'yon, 'yon ay dahil sa ikalimang antas ng sintomas. Pinapatay ng infected ang sarili niya sa panahong tingin niya'y sapat na ang mga napatay niya. Sa paraang 'yon, ang mga maliliit na butil ng dugo niya ay nadadala ng hangin, papunta sa iba't-ibang lugar. Tinatayang aabot sa isang daang metro ang layo ng kayang lakbayin ng dugo. Sapat para masalo ng mga taong nasa loob ng 100 meter range," sabi ni Richard.
Napatahimik kami bago ako muling magsalita.
"Ibig sabihin, 'yung dugo ng infected, ay may lamang virus?
Tumango si Richard.
"Pagkatapos kapag 'yung dugo na-intake mo, pumasok sa bibig, sa ilong o sa pores ng isang tao, ma-iinfect ka na rin?" Tanong naman ni Charles.
Muling tumango si Richard.
"Gano'n katindi ang kalaban natin," bulong ni Richard.
Muli akong napalingon sa buong k'warto. Maraming laptops at computer. May mga wires din na halos magkabuhol-buhol na sa sahig. Pero maaliwalas pa rin ang lugar. Sa lawak nga nga kama rito, kasya siguro ang limang katao.
Napakunot tuloy ang noo ko bago magtanong kay Richard.
"Ano nga palang trabaho mo? 'Wag mo sanang mamasamain pero napansin ko lang na parang ang yaman mo. Afford mo ang ganitong klaseng bahay at pamumuhay. Tapos ang dami mo pang alam tungkol sa virus at sa origin nito," I asked out of curiosity.
"Ahh, about that," Richard said before clearing his throat. "I'm Doctor Richard Salonte," aniya bago ngumiti.
To be continued...
- - -
An : I'm sorry for updating late. Nahirapan lang ako sa pagretrieve ng chapter na 'to. But I made it this long para makabawi.
Also, sorry for my grammars up there. Naku, hindi ako magaling sa english pero kailangan sa part ni Roger Waines. And, the whole process of how the virus passes and developed were just fiction. Masiyadong malawak ang imagination ko kaya napunta ang virus sa ulap xD. But I hope I got you there ;)
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro