Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 : Richard

14 : Richard

Hindi ko alam kung saan na kami napadpad pagkatapos naming kuhain ni Charles lahat ng mga gamit na sa tingin namin ay kakailanganin namin. Nagdala si Charles ng portable bed, mga unan at kumot para kung sakaling may mapuntahan kaming safe zone, hindi kami mahihirapan.

Nakahinto ngayon ang kotse dahil madaling araw na. Wala rin kaming alam na pupuntahan ngayon. Sa bawat dinadaanan namin, kalat ang mga patay na tao. Ang daming bangkay. Kahit pa sarado ang bintana ng sasakyan, naaamoy pa rin namin ang mga nabubulok na karne, at masangsang na amoy ng naaagnas na mga bangkay. Pati ang mga dugo nilang nanuyo na sa kalsada at sa mga pader na tinalamsikan nito.

Sinubukan naming buksan kanina ang radyo, pero mukhang wala na ang mga taong nagbabalita, at maging ang mga taong nag-aasikaso para sa mga network. Gano'n din kasi sa mga cellphone namin. Hindi ito gumagana at palaging walang nasasagap na signal. Wala tuloy kaming magawa kung hindi ang maghintay kung kailan namin malalaman ang talagang nangyayari.

Napatingin akong muli sa batang nasa backseat. Simula nang sumakay siya sa kotse, hindi na siya nagsalita pa. Hindi na rin siya umiyak. Kanina tinanong namin kung hindi ba siya nagugutom o nauuhaw. Pero tiningnan lamang kami nito. Inabutan namin siya ng biscuit mula sa store na pinuntahan namin kanina, at isang bote ng tubig. Mabuti nalang at tinanggap niya 'yon. Halata naman sa kaniya na gutom na siya at mukhang pagod na pagod.

Nakakaawa nga lang dahil maaga siyang naulila sa ina. Tinanong ko siya kanina kung may kapatid ba siya, kung nasaan ang tatay niya o ang mga kamag-anak niya. Pero tulad ng mga nauna, tiningnan lang ako nito at hindi manlang nagabalang sagutin ako. Sinabi ni Charles na hayaan muna naming makapagpahinga si Hershie. Malamang may trauma ang bata dahil sa nangyari sa mama niya. Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi niya.

Kaya heto kami ngayon at nakatigil sa mataas na bahagi ng syudad. Kaunti ang mga taong naninirahan dito, kaya mas kaunting atensyon ang maibibigay dito ng mga psycho. Isa pa, mukhang wala na ring taong nakatira rito dahil nang dumating kami sa parteng ito ng syudad, sobrang tahimik na. Kaya walang makakagawa ng ingay para masundan ng mga psycho.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Charles kaya napalingon ako sa kaniya. Bahagyang nakababa ang upuan namin para makahiga kami ng maayos. Solo naman ni Hershie ang backseat kaya nakahiga siya ng maayos.

"Hindi ako makatulog," tangi kong tugon bago muling tumingin sa labas ng katabi kong bintana. Sinubukan kong matulog. Pero hindi ko talaga kaya. Palaging pumapasok sa isip ko kung nasaan na sila Mandy ngayon. Kung bakit kinailangan nilang umalis sa bahay ni Charles. Kung ayos lang ba sila at kung makikita pa ba namin sila.

"Stop thinking too much, Eunice," sabi ni Charles kaya napalingon muli ako sa kaniya. Nakapikit siya pero alam niya pa rin kung anong pumapasok sa isip ko. Siguro parehas kami ng iniisip ngayon.

"Hindi mo ako masisisi Charles. Hindi naman natin alam kung anong nangyari kila Mandy habang wala tayo. Paano kung may napuruhan sa kanila? May bata silang kasama. Saan naman sila pupunta? Safe ba do'n? At paano nga kung may napuruhan sa kanila? Walang doktor ngayon. Halata namang walang nasa serbisyo ngayon," tuluy-tuloy kong saad. Hindi ko mapigilang ma-frustrate at magisip ng kung anu-ano.

"Eunice, stop being nega. Pharmacist si Mandy. Kung may napuruhan man sa kanila, I'm sure she can, at least put first aid. At hindi sila papabayaan ni Claude," sabi ni Charles. He held my hand gently, as if trying to calm me. "Stop thinking about the things we don't have control. Ikaw lang ang mababaliw kakaisip," he said before closing his eyes again.

Napahinga nalang ako ng malalim. "Makikita pa naman natin sila 'di ba?" Tanong ko sa kaniya. I don't know, pero gusto ko ng assurance na makikita pa namin sila. Mandy's like a sister to me at para ko na ring kapatid si Maldi. Kaya importante na sila sa akin.

Charles nodded. "We will. Now get some sleep. Hahanap tayo ng matitirhan bukas ng umaga," he said.

We decided to leave Charles' house since mukhang hindi na safe kung mananatili pa kami ro'n. Isa pa, masiyadong malayo sa capital ang bahay ni Charles kaya kung may tutulong sa amin, baka matagalan o kaya'y hindi na umabot pa sa amin.

Pinikit ko na ang mga mata ko at sinubukang alisin ang lahat ng pumapasok sa isip ko.

- - -

Nagising ako na umaandar na ang kotse. Nakababa pa rin ang sandalan ng upuan ko kaya malaya pa rin akong nakahiga. Inangat ko 'yon nang makita kong sikat na ang araw at marahang dumadaplis sa balat ko ang liwanag no'n. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil para itong isang normal na umaga. Magaan sa pakiramdam.

"Good morning," nakangiting sabi ni Charles.

"G-good morning," tugon ko bago lumingon sa likuran. Nando'n pa rin si Hershie at nakatanaw muli sa labas ng bintana.

Aakalain ko talagang normal na umaga lang ito dahil sobrang sarap sa pakiramdam sa tuwing lumalapat ang katamtamang init ng araw sa balat ko. Napaka-nostalgic para sa akin ng ganitong umaga. It reminds me of my childhood, na para bang walang kahit anong problema. Pero sa tuwing iniisip ko na normal ang umaga na ito, tsaka naman umaangat-baba ang sasakyan ni Charles.

"Hindi mo ba kayang iwasan 'yung mga bangkay sa daan? Give them respect!" Saad ko. I refrain myself from looking at the road. Kahit hindi ako tumingin do'n, alam ko namang maraming nakakalat na katawan ng tao ro'n. Para tuloy kaming dumadaan sa mabatong daan.

"I'm trying. Kaso hindi talaga kaya. Tabi-tabi sila sa daan. Kung iiwasan ko sila, hindi na tayo makakausad," sagot ni Charles bago kami may madaanang isang malambot na bagay. Para bang napisa iyon nang madaanan namin. Napangiwi si Charles bago tumingin sa akin.

"Is that---a h-head!?"

"I'm sorry," nagpeace sign pa siya sa akin kaya napahilamos nalang ako sa mukha ko. Hindi ko maimagine na may nadaanan kaming ulo at napisa... oh no. Really, this is making me crazy. Mababaliw na yata ako sa tuwing may madadaanan kaming katawan.

"Hershie, do you want some biscuits? Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Hershie. Kung itutuon ko ang sarili sa mga bangkay na nadadaanan namin, baka mawala ako sa katinuan.

Tumingin si Hershie sa akin at tumango. Agad kong kinuha ang bag na nasa paanan ko at kinuha mula roon ang mga biscuit. Inabutan ko si Hershie ng mga 'yon at binigyan ko siya ng fresh milk. Inabot niya 'yon at agad na binuksan at kinain. Napangiti nalang ako bago muling tumingin kay Charles. Nakapout ito at para bang nagtatampo.

"Ano nanamang arte 'yan? Mukha kang aso," pagsusungit ko rito.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung gutom na ako? Hindi mo ba ako bibigyan ng biscuit tsaka fresh milk?" Tanong niya habang saglit na tumitingin sa akin.

"Ano ka bata?" Tanong ko rito. Binuksan ko isang tasty bread at inabutan siya ng tinapay.

"Paano ko kakainin 'yan? Eh nagmamaneho ako," nakanguso pa rin niyang tanong.

"Aba malay ko. Hindi mo ba kayang magmaneho gamit ang isang kamay?" Umiling siya bago nagpapaawang tumingin sa akin. "Gusto mo bang subuan pa kita?" Tanong ko sa kaniya bago siya tumango. "Ang arte mo ha! Bahala ka diyan."

"Bakit ba ang sungit mo? Kapag ba naging mag-asawa na tayo, hindi ka manlang magiging sweet sa akin? Hmmm... pero sabagay, gusto ko palagi kang masungit sa akin. Ang cute mo kapag masungit ka," sabi niya bago kuhain sa akin ang tinapay na kanina'y inaabot ko sa kaniya. Agad siyang kumagat doon at nakangiting nagmaneho. "Lasang kamay ni Eunice," natatawa niyang saad.

"Asawa agad? Ha. Ha. Eh hindi pa nga kita sinasagot," inis kong saad.

"No need to be my girlfriend. Sa simbahan din naman tuloy natin. Asawa na agad," saad niya kaya sinuntok ko siya sa tagiliran. "Aray! What was that for?"

"That's for overthinking," inis kong sagot. Tumawa naman siya at tumingin kay Hershie na tahimik na kumakain sa likod.

"Hey little fellah, gusto ko ikaw ang flower girl sa kasal namin ha," aniya kaya agad ko siyang sinuntok sa tagiliran. Muli nanaman siyang tumawa na para bang kiniliti ko siya sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya.

Maya't-maya siyang tumitingin sa akin pero maya't-maya rin ang pag-irap ko sa kaniya. Ewan ko ba, pero tuwang-tuwa siya na nakikita akong umiirap. Eto naman akong si uto-uto, irap nang irap.

"Mas lalo talaga akong nahuhulog sa'yo kapag umiirap ka. Isang irap pa, hahalikan na talaga kita," nakangisi niyang saad kaya napatigil ako sa pag-irap. Paano niya nasasabi ang mga salitang 'yon? Nasa gitna kami ng sitwasyong wala kaming alam pagkatapos nakukuha pa niyang landiin ako.

"Charles, 'wag ka ngang magsalita na parang wala tayong kasamang bata," bulyaw ko sa kaniya pero tumingin lang siya sa akin bago nagpout.

Dahil sa ginawa niyang 'yon, pareho naming hindi napansin ang kalsadang dinadaanan namin. May nabangga kaming lalaki na nagmamadaling tumatawid sa kalsada. "Fuck," mahinang mura ni Charles bago niya ihinto ang sasakyan. Tinanggal niya agad ang seat belt niya. Gano'n din ang ginawa ko.

Sabay kaming bumaba ng kotse at agad na inalalayan 'yung lalaki na nabangga namin.

"A-ayos lang ho ba kayo? We're sorry. Hi-hindi ka namin napansin," sabi ko bago tuluyang nakatayo ang lalaki. I think he's in his mid-40's. Nakasuot siya ng light blue long sleeves at may mga hawak na eco bags. Mukhang punung-puno 'yon ng can goods, instant noodles at bigas.

"A-ayos lang ako. Kasalanan ko rin naman. Kumpyansa akong walang dadaan na kotse kaya nagmamadali akong tumawid," aniya.

"Saan po pala kayo papunta? Gusto niyo ho bang ihatid na namin kayo?" Tanong ni Charles pero agad na umiling ang kausap namin.

"Hindi na kailangan, nasa kabilang kanto lang ang bahay ko. Ako nga pala si Richard," pagpapakilala niya.

"Ako po si Eunice. Eto naman po si Charles. May bata pa po kaming kasama, si Hershie po," saad ko.

"Mawalang galang na po pero, naghahanap po kasi kami ng matutuluyan ngayon. Hindi na po kasi ligtas sa dati naming tinitirhan. May alam ho ba kayong apartment na p'wede naming upahan ngayon?" Tanong ni Charles pero agad na napalingon sa ibang dako si Richard bago muling lumingon sa amin. Mukhang nag-isip siya.

"Wa-wala. Pero p'wede kayong tumira sa bahay ko hangga't kailangan niyo. Wala akong kasama sa bahay kaya tingin ko walang dahilan para hindi ko kayo tanggapin do'n," aniya kaya nagkatinginan kami ni Charles.

"Ta-talaga ho?" Nakangiti kong tanong. Tumango naman si Richard.

"Salamat ho. Ta-tara. Sakay na ho kayo sa kotse. Mukhang bigat na bigat na po kayo sa dala niyo," sabi ni Charles bago tulungan si Richard na ilagay sa kotse ang mga dala nito. Nilagay namin iyon sa backseat dahil puno na ang compartment. Tumingin lang sa amin si Hershie bago muling umiwas ng tingin.

Sumakay na rin si Richard sa backseat katabi si Hershie. Nginitian niya ito pero hindi siya pinansin nito.

"Ganiyan ho talaga siya," saad ko. Tumango naman si Richard bago ituro sa amin ang daan patungo sa bahay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro