Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 : They are gone

13 : They are gone

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, but I'm really thankful dahil nagawa kong gumulong palayo sa babaeng nakatayo sa likuran ko. Nang makalayo ako sa kaniya, agad namang sinalag ni Charles ang dalang tubo ng babae na dapat ay ihahampas niya sa batang babae.

"Mauna ka na sa kotse!" Utos ni Charles. "Dalhin mo 'yung bata!" Dagdag pa niya kaya wala akong nagawa kung 'di tumango at kuhain si Hershie na patuloy pa rin sa pagiyak.

"Mama..." aniya sa pagitan ng bawat hikbi niya. "Si mama..."

"Shh... alam kong mama mo siya. Pero hindi na siya ang mama mo," napailing ako habang naglalakad palayo at buhat-buhat si Hershie. Hindi ko mapaliwanag sa kaniya ng maayos kaya hindi ko na sinubukan pang ipaliwanag sa kaniya. Agad ko siyang sinakay sa cart na kanina dala ni Charles.

"Ako na bahala sa cart mo! Mauna na kayo!" Sigaw pa ni Charles bago hatawin ang babae gamit ang sword niya. Mas lalong napaiyak si Hershie kaya agad ko siyang tinalikod para hindi niya makita ang gagawin ni Charles sa mama niya.

"C-Charles! T-tara na!" Tensyonado kong saad. Nakalingon lamang ako sa kaniya dahil tinatakpan ko si Hershie.

"Sandali!" Sigaw ni Charles bago niya hatawin ang kamay ng babae. Nalaglag nito ang hawak niyang tubo na tingin ko mula sa banyo ng store. Agad na sinipa ni Charles ang babae kaya wala na itong nagawa nang bumagsak siya sa sahig. "Let's go!" Sabi ni Charles nang mahatak ang cart na dala-dala ko kanina.

Napatakbo na rin ako papunta sa entrance. Napapalingon ako sa likuran ko dahil sa babaeng pilit na tumatayo at kinukuha ang tubong kanina'y hawak niya.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang makita kong nakatayo na siya at tumatakbo na rin papunta sa amin. "Hindi ko inaasahang magmamarathon ako ngayong araw," bulong ko sa sarili ko bago ko itulak 'yung glass door na punung-puno ng dugo. Tinulungan ako ni Charles na buksan 'yon para mas mabilis kaming makalabas.

"Bilisan mo Eunice!" Aniya kaya mas lalo akong kinabahan. Malapit na 'yung mama ni Hershie sa amin. Dala-dala niya 'yung tubo at nakahanda na siyang hatawin ang kahit sino sa aming tatlo. Nakalabas kami ni Hershie sa glass door pero huli na para kay Charles.

"Charles!" Agad kong sigaw nang maabutan si Charles ng babae. Nahataw ng tubo si Charles sa kanang balikat nito na agad niyang ininda. Nanatiling nakabukas ang glass door dahil nando'n si Charles.

"G-gun," saad ni Charles habang iniiwasan ang bawat hataw ng babae.

"H-ha?" Tanong ko sa kaniya.

"I said use the gun!" Sigaw niya kaya agad kong naramdaman na hawak ko pa pala ang baril. Namanhid ang kamay ko kanina habang hinahabol kami ng babae kaya hindi ko na naramdamang may hawak pa pala akong baril. "Eunice we don't have time! Barilin mo na!" Sigaw pa ni Charles kaya agad kong tinalikod si Hershie.

"Cover y-your ears," sabi ko na agad naman nitong ginawa kahit na umiiyak pa rin siya. Hinawakan ko nang maayos ang baril at tinutok 'yon sa babae. Pero hindi ko alam kung paano ko maipuputok ang baril gayong malikot ito. Isang maling kilos ko lang, p'wedeng si Charles ang matamaan ko.

"B-barilin mo na!" Sigaw ni Charles. Doon ko lang namalayan na sakal-sakal na pala siya ng mama ni Hershie. Hindi na ito masiyadong malikot dahil pinipigilan na ni Charles ang paggalaw nito. "Sh-shoot Eu-Eunice!"

"Oh God. Sorry po sa gagawin ko," bulong ko sa hangin bago maningkit ang mga mata ko. After that, umalingawngaw sa buong lugar ang ingay na nagmumula sa baril. Agad na namanhid ang kamay ko at hindi ko namalayang naibaba ko na pala ang baril.

Nakita ko ang pagbagsak ng katawan ng babae. Marahan pa itong tumingin sa kinaroroonan namin. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Hershie bago ito tuluyang pumikit at bawian ng buhay.

"Na-nakapatay ako," hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na napigilan pang humagulgol dahil nakita ko ang pag-agos ng dugo sa tagiliran ng babaeng binaril ko. "H-hindi... s-sorry," wala sa sarili kong saad.

"Eunice, ginawa mo lang t-tama," sabi ni Charles nang makalapit siya sa akin. Tulak-tulak pa rin niya ang cart na ngayo'y may tilamsik ng dugo mula sa babae. "T-tara na. Baka may nakarinig ng putok ng baril. Delikado na tayo rito. Tara n-na," dagdag pa niya habang hinihimas-himas ang leeg niya. Namumula iyon at bakat pa ang kamay ng babaeng sumakal sa kaniya.

Wala akong imik. Namalayan ko na lang na tinutulungan ko na si Charles sa paglilipat ng mga nakalagay sa cart papunta sa compartment ng kotse niya. Umiiyak ako na parang batang aping-api pero ilang ulit akong pinapatahan ni Charles. Nasa loob na rin ng sasakyan si Hershie at tumahan na ito sa pagiyak. 'Yun nga lang, nakatulala itong nanunuod sa amin ni Charles.

Agad na sinara ni Charles ang compartment ng kotse niya nang matapos kami sa paglilipat ng mga laman ng cart. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad akong pumasok at nagsuot ng seat belt kahit hindi na malinaw ang mga nakikita ko dahil sa dami ng luha na hindi pa rin tumitigil sa pagpatak at paguunahan sa pagtulo.

"Eunice, ginawa mo lang ang dapat. Kung hindi mo siya pinatay. Baka ako ang napatay niya," for the nth time, sabi ni Charles. Mahina ito at sinigurado niyang kami lang ang makakarinig dahil may bata kaming kasama sa backseat.

"P-pero pharmacist ako Charles. Tungkulin kong pangalagaan ang buhay ng tao. Health worker pa rin ako," giit ko.

"Alam ko," hinawakan ni Charles ang nanginginig kong kamay bago niya buhayin ang makina ng kotse niya. "P-pero hindi na tao 'yon. Nakita mo kung anong kaya niyang gawin. You saw her almost killing me. Naunahan lang natin siya," pagkumbinsi pa rin niya sa akin.

Pinunasan ko na lamang ang mga luha ko at nagtapang-tapangan.

"Magdrive k-ka na. B-baka may papunta na r-rito," saad ko. Tumango na lamang siya bago nagsimulang paandarin ang kotse. Napatingin naman ako sa batang nasa backseat at tulalang nakatingin sa labas ng bintana. "Ang pangalan niya ay Hershie. Mama niya 'yung... 'yung babaeng..." napatikhom ako dahil hindi ko magawang sabihin na pumatay ako.

"It's okay Eunice," pinilit ni Charles na ngumiti sa akin kahit pa maging siya ay nalulungkot sa sinapit ng mama ni Hershie. "Hey kiddo, want some chocolate?" Tanong ni Charles sa bata pero hindi ito sumagot sa tanong niya.

"H-hayaan muna natin siya," tangi ko na lamang saad.

"Yeah. I think that's the best we can do, for now," tugon ni Charles bago muling hawakan ang kamay ko. "I thought I'm going to lose you," aniya na nagpabilis sa tibok ng puso ko. I shouldn't feel this thing sa ganitong oras. Pero ito ang nararamdaman ko. I can't deny the fact na meron na talagang epekto sa akin si Charles.

"P-pero ayos---"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang umikot ang paningin ko. Sobrang bilis no'n kaya siguradong hindi 'yon dulot ng pagandar ng sasakyan. Para akong hinatak ng lupa pailalim. Para bang nahulog ako sa whirlpool at dinala ako sa kailaliman nito.

"Eunice? Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Charles sa akin.

Sinundan ko ng titig ang boses niya. Pero wala akong makita. Narinig ko ang boses niya. At katabi ko lang siya kanina. Pero ngayon, nasa isa akong madilim na lugar. Pamilyar na lugar at hindi ko alam kung paano ako napunta rito.

"S-sorry. Napalakas yata."

"Claude! Mas'yadong brutal ang ginawa mo!"

Si Mandy! Naririnig ko siya. Pero hindi ko siya makita. Base sa boses niya, malapit lang siya sa kinatatayuan ko. Mas lalo ko tuloy sinuri ang lugar kung nasaan ako. Doon lang rumehistro sa utak ko ang detalyadong disenyo ng bawat furniture, at ang salamin na dati kong pinagtinginan ng sarili kong repleksyon.

Narito ako sa bahay ni Charles. Pero paano ako napunta rito?

"S-sorry. Ayos ka lang ba? Ka-kaya mo bang tumayo?"

Si Claude. Alam kong si Claude 'yon. Pero tulad nang nauna, narinig ko lang ang boses nito. Hindi ko siya makita kahit pa ramdam kong sobrang lapit ko sa kaniya. Sa kanila ni Mandy.

"Mandy! Claude!" Sigaw ko habang tumitingin-tingin sa paligid. "Nasaan kayo?" Tanong ko bago nagsimulang maglakad para maghanap ng kahit anong senyales nila Mandy.

Pero hindi pa man ako nakakalayo sa kinalulugaran ko, may malagkit na bagay akong naapakan. At naramdaman ko ang pagpitpit ng bagay na 'yon kasabay ng paglikha nito ng malambot na tunog na parang may lobong sumabog o pumutok.

Napatingin ako sa sahig.

At halos masuka ako nang makita ko kung anong meron sa sahig, at kung anong naapakan ko. Isa 'yong mata na ngayo'y pitpit na dahil naapakan ko, at may mangilan-ngilang parte ng utak na nagkalat sa buong sahig. Kalat din sa buong lugar ang dugo at mga tilamsik nito sa pader.

"S-sir Arellano!?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago impit na napaiyak sa bangkay na nasa sahig.

Pinagmasdan ko 'tong mabuti, hanggang sa dalhin ako ng mga mata ko sa kamay nito. Ang isa sa mga 'yon ay may singsing.

Eto 'yung singsing na nakita ko noong tumingin ako sa salamin. 'Yung singsing na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Pero ngayon kilala ko na, it's Sir Arellano's ring.

"Eunice? Ayos ka lang ba? Nandito na tayo," napatingin ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang pag-uga sa akin.

"Ch-Charles," hindi makapaniwalang saad ko. Napatingin ako sa kalagayan ko. Nakaupo ako sa loob ng kotse, at nasa likuran pa rin si Hershie. Tulala pa rin ito sa labas ng bintana. Napatingin na rin ako sa labas mg bintana, at nakita kong nasa tapat na kami ng bahay ni Charles.

Paanong?

"Ipapasok ko na sa garahe ang kotse," sabi ni Charles kaya tumango na lamang ako. "Namumutla ka yata?" Aniya pa.

"H-ha?" Tanong ko pero umiling na lang ito bago pinasok sa nakabukas na garahe ang kotse niya.

"Bakit nakabukas 'to?" Tanong ni Charles. Pagkapark niya, bumaba na kami sa kotse pero agad siyang napatigil at napansin ko 'yon.

"Ba-bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala 'yung kotse ni Mandy," saad niya kaya mas lalong humigpit ang yakap ko kay Hershie na karga ko ngayon. "Sandali. Dito lang kayo. Titingnan ko kung nasa loob sila," sabi ni Charles kaya wala akong nagawa kung 'di maghintay sa pagbabalik niya sa garahe. Pumasok siya sa loob ng bahay.

Hingal na hingal siyang bumalik sa akin, at may kabadong ekspresyon sa mukha.

"Wa-wala na sila rito. A-at may bangkay sa lo-loob," aniya kaya malalim akong napasinghap ng hangin. "Si---"

"Si Sir Arellano," sabi ko kaya napakunot ang noo niya at nagtataka kung paano ko nalaman.

"Paano mo nalaman?"

"Hindi na importante," maging ako kinakabahan Charles. Ayoko nang malaman kung paano ko nalaman. "Ang importante, malaman natin kung nasaan sila Mandy ngayon," saad ko bago muling gapangin ng kaba ang sistema ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro