Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 : Invader

10 : Invader

Mandy's P.O.V.,

"Ate... may napanaginipan po ako. May kumuha raw po sa akin," saad ni Maldi. Pawis na pawis siya kaya agad kong pinunasan ang mga 'yon gamit ang damit na nadala ko. "M-may kumuha raw po sa akin," pag-uulit pa niya bago siya agad na yumakap sa akin.

"Maldi, panaginip lang 'yon. Nandito si Ate oh. Hindi ako papayag na may kumuha sa'yo. Kung mangyari man 'yon, lagot sila kay Ate," matapang kong saad bago ayusin ang gulu-gulo at basang-basang buhok niya dahil sa pawis.

Inaamin ko, kahit may emergency light sa k'wartong ito, madilim pa rin at hindi pa rin 'yon sapat para lumiwanag ang buong k'warto. Sobrang init din kaya kahit ako, pawis na pawis. Gusto ko na ngang tumalon sa malamig na tubig sa sobrang init dahil walang kuryente.

"Ate... nasaan po si Ate Eunice?" Tanong niya sa akin bago tumayo sa kama.

"Nasa baba sila," sabi ko. "Gusto mo bang bumaba? Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya nang maalala na hindi pala siya kumain bago siya natulog. Tumango siya bago tumalon pababa ng kama. Sabay kaming lumabas ng k'warto at maingat na bumaba sa hagdan. Madilim dito pero dahil sa kandila sa sala na malapit sa hagdan, naaaninag ko ang bawat baitang.

"Hi Maldi," bati ni Claude kay Maldi pagdating namin sa sala.

"Hello," tugon ni Maldi. "Nasaan po si Ate Eunice, ate? Sabi mo po nandito siya? Miss ko na si ate Eunice!" Aniya bago umupo sa malambot na sofa. Nagcross arms pa siya at nagpout habang nakatitig sa kandila na nanganganib nang maubos.

"Oo nga Claude. Nasa'n na 'yung dalawa?" Tanong ko. Muli akong napatingin kay Maldi. Kahit kailan talaga, minsan pakiramdam ko na si Eunice ang ate niya at hindi ako. Pero wala naman sa akin 'yun dahil para ko na ring kapatid si Eunice. Close na rin si Maldi sa kaniya dahil ilaw taon na kaming magkaibigan ni Eunice.

"Magpupunta yata sa grocery," aniya. Pagkatapos no'n, narinig kong may nagbukas sa harang ng garahe. Ilang minuto pa, narinig ko na ang makina ng sasakyan paalis at ang pagsarang muli ng harang ng garahe. Mukha ngang lalabas sila Eunice para bumili ng supplies namin.

"Sana makabalik sila rito ng maayos," mahina kong sasad bago tabihan si Maldi sa sofa. "Claude, ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya nang makita kong titig siya sa kandila at hinahantay ang bawat pagpatak ng natunaw na kandila sa lalagyan nito.

"Ahh. Wala akong magawa," sabi niya bago tumawa at tumingin kay Maldi. "Gusto mo bang kumain ng chocolate?" Tanong niya rito kaya nawala ang kunot sa noo ni Maldi. Agad siyang ngumiti at tumango.

"Wala namang chocolate sa ref ah," saad ko.

"Sa ref wala. Pero sa bag ko meron," sabi ni Claude bago niya ilabas ang tsokolate sa bag na nasa tabi niya mismo. Isa 'yong malaking backpack. Mahilig kasi siyang magcamping at maghike kaya halos lahat ng bag niya eh malalaki at panghiking talaga. "Come here," tawag niya kay Maldi kaya umalis sa tabi ko ang kapatid ko at tumabi kay Claude.

Napangiti naman ako sa ginawang pang-uuto ni Claude kay Maldi.

"Kita mo, p'wede na tayong magkababy," sabi ni Claude habang may mapang-asar na ngiti.

"Baby mo mukha mo!" Sabi ko bago tumayo. Tinawanan lang niya ako kaya inirapan ko siya. "Tse! Doon muna ako sa kusina. Nauuhaw ako," ani ko bago sila talikuran at magsimulang maglakad papunta sa kusina.

Walang ilaw, kaya kapa ako nang kapa sa buong lugar. Muntik na nga akong matisod, buti na lang nakahawak kaagad ako sa pader.

Kumuha ako ng baso sa tauban. Pagkatapos ay nagsalin ako ng tubig mula sa mineral. Walang malamig na tubig kasi hindi gumagana ang ref ngayon. Ubos na rin pati ang laman kaya wala na itong pakinabang.

Napunan ko ang uhaw. Siguro nakadalawang puno ako sa baso bago ako nasatisfied. Hawak ko pa rin ang baso nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog ng kahoy na parang sinisira. Para bang may paulit-ulit na bumabangga doon kaya nabagsak ko ang babasaging baso sa sahig. Mabuti na lang at may suot akong tsinelas, kahit kinakapa ko ang daan, hindi ako makaka-apak ng bubog.

Dumiretso ako sa sala kung saan ko narinig ang tunog. Agad na hinanap ng mga mata ko si Maldi at Claude. Nakita kong lumayo sila sa bintana, na hinarangan namin ng mga kahoy para walang makapasok mula sa labas kung sakaling maisipan nilang pumasok mula sa bintana ng bahay. Ilang beses pang kumalampag ang kahoy at mukhang malapit na itong masira.

"A-anong gagawin natin?!" Kinakabahan kong tanong kay Claude ba buhat-buhat si Maldi. Agad kong kinuha sa kaniya ang kapatid ko. "Baka makapasok siya!" Dagdag ko pa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Sigurado akong nanganganib na ang buhay namin ngayon.

Nakita kong may kung anong kinukuha si Claude sa bag niya. Isang mahabang bagay na matagal nang nasa loob ng bag niya. Isang baseball bat na gawa sa bakal.

"Sabi na nga ba't hindi 'yon ang huling beses na magagamit ko 'to," mahina niyang saad bago tumingin sa akin. "Mukhang ito ang tamang panahon para maglaro," nakangisi niyang saad bago kami papuntahin sa likuran niya. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo kayo sa loob ng k'warto at ilock niyo ang pintuan. Magtago kayo," aniya.

"P-pero paano ka!?"

"'Wag niyo 'ko intindihin. Kaya ko ang sarili ko. Sundin mo na lang ang sinasabi ko," matapang niyang saad bago namin pinakiramdaman ang kahoy. Nawala ang tunog mula roon at naging tahimik ang buong sala.

"Mukhang wala na---"

Isang malakas na hampas sa kahoy ang lumikha ng nakakabinging ingay. Nabasag din nito ang salamin ng bintana kaya mas lalo kaming umusog ni Claude. Nanatili kami sa likuran niya. Mula sa bintana, may hugis ng lalaki na tumalon papasok gamit ang sirang bintana. Nabasag pati ang katabing vase kaya tumapon sa sahig 'yung tubig na laman nito.

May hawak itong mahabang bagay na sa dulo ay may malaking bulto. Isang maso.

Hindi namin mas'yadong makita ang mukha ng lalaki dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana, parang naging against the light. Hindi namin alam kung anong plano niyang gawin. Kinakabahan na ako para sa aming tatlo lalo pa't kaaalis lang nila Eunice. Natatakot ako para kay Maldi. Pero mas kailangan kong maging matapang para sa kaniya.

Hindi nagsasalita ang estranghero. Gayunpaman, alam kong isa na siyang baliw. May nakikita akong bakas ng dugo mula sa maso na tumutulo sa sahig. May hawak din siya sa kamay niya na isang mahaba at malambot na bagay. Sinusubo niya ito at lumilikha ng wirdong tunog. Para bang kumakain siya ng lobo. Intestine. Kung hindi ako nagkakamali, kumakain siya ng intestine, bagay na gusto kong ikasuka.

"H-hindi pa ba tayo aalis? Hi-hintayin ba natin na sugurin niya tayo?" Tanong ko kay Claude pero hindi niya inalis ang tingin sa lalaki.

Hindi sumagot si Claude. Umiling lamang siya at winasiwas sa hangin ang baseball bat na hawak niya. Dahil sa ginawa niya, naagaw namin ang atens'yon ng lalaki. Ang pinagtataka ko lang, how did he know na may tao rito sa bahay. O baka trip lang niyang pasukin ang bahay na 'to? Hindi pa ba siya magpapakamatay tulad ng mga kagaya niya? Alam kong masama ang iniisip kong ito, pero baka kasi isama niya kami sa hukay.

Hinagis niya sa amin ang kaninang sinusubo niya at tama nga ako. Bituka nga ito ng isang tao. Sobrang baho nito at nanunuot ang amoy sa ilong. Dahil dito, pinatakip ko ang ilong ni Maldi sa kaniya para hindi niya ito maamoy.

"Mandy..."

"Ba-bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Takbo!" Sigaw niya kaya parang bumagal ang oras. Agad akong tumakbo paakyat ng hagdan habang buhat-buhat si Maldi. Muntik na akong matisod nang lumingon ako kay Claude nang nasa hagdan na ako. Alam kong mali na iwan ko siya mag-isa, kaya agad kong dinala si Maldi sa k'warto.

"Stay here okay? 'Wag kang lalabas hangga't hindi ako ang nagsasabi. Lock the door. Panatilihin mong nakasarado ang pinto. Understood?" Bilin ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya agad kong hinalikan ang noo niya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng hindi sugatan. Pero kailangan kong makabalik ng buhay para kay Maldi.

Pinindot ko 'yung lock ng pintuan mula sa loob. Pagkatapos ay sumulyap muna kay Maldi na naka-upo sa kama at nakatingin sa akin. Ayokong makaramdam ng lungkot dahil alam kong makakasama ko pa siya. Kailangan ko siyang alagaan dahil 'yon ang pangako ko kay Daddy. I need to keep him safe at all time, at all cost. Tuluyan ko nang sinarado ang pintuan at siniguradong nakalock na ito.

Nang masiguro kong hindi ko na mabuksan ang pintuan, agad kong kinuha 'yung fire extinguisher na nakita ko bago 'yung hagdan.

This will be freakin' awesome.

Matagal ko nang gustong paglaruan ang fire extinguisher. Mukhang ito ang tamang pagkakataon para maglaro.

"Hey psycho!" Sigaw ko pagbaba ng hagdan. Nakita kong iwas nang iwas si Claude sa mahabang maso na dala no'ng lalaki. Hindi ko pa rin ito mamukhaan dahil sa dilim. Isa pa, mukhang hindi ko naman ito kilala kaya wala akong pakialam kung hindi ko man makita ang mukha nito.

"Ma-Mandy! A-alis!" Ani ni Claude kaya naman nadaplisan siya ng maso. "Ahhhh!" Daing niya bago hawakan ang kaliwang braso niya kung saan siya nadaplisan.

"Trust me Claude, kaya kong tumulong," giit ko bago titigan ang baliw na lalaking pumasok sa bahay ni Charles. Gustung-gusto kong ihagis ang hawak kong fire extinguisher pero kailangan ko pa ang laman nito. Just in case na lumapit siya sa akin na nasisiguro kong gagawin niya.

"Ma-Mandy! Aish!" Inis niyang sambit nang muli siyang matamaan. This time, hindi na ito daplis. Namilipit siya sa sakit. Nawalan siya ng balanse dahil natamaan ang binti niya.

I need to do what I have to.

"Punyemas kasi 'tong baliw na 'to. Tinawag ko na nga iba pa ang gustong paglaruan. Bading siguro ang isang 'to," inis kong bulong sa sarili ko. "Hoy punyemas na bading! Halika. Fight me," mapanghamon kong saad. Kahit kinakabahan, kailangan kong maging matapang. Napuruhan na si Claude, ako na lang ang kailangang tumapos nito.

Nanlilisik ang mga mata nito, 'yun ang sigurado ko dahil nakita ko siyang tumingin sa akin. Hawak ang mahabang maso, tumakbo siya sa akin at inangat sa ere ang hawak---handang ihampas sa akin anumang oras.

"Sorry, too slow," nakangisi kong saad bago buksan ang fire extinguisher.

Nakita kong nalito siya at napahinto sa pagtakbo. Nakangisi ako habang tuwang-tuwa.

At last, nakapaglaro rin.

Inubos ko ang lahat ng laman ng extinguisher. Nakita ko kung paano napaluhod ang lalaki dahil sa lamig. Nanghina ang tuhod niya bago niya tuluyang mabitawan ang maso.

Lumapit ako sa kaniya. Ito na ang tamang oras para ihampas sa kaniya ang hawak kong extinguisher. Hindi ko alam kung kakayanin ko dahil isa akong pharmacist, ang tungkulin ko ay magbigay ng gamot sa nangangailangan. Para na rin akong nurse kaya nagdadalawang-isip ako sa gagawin ko.

Pero kung hindi ko ito gagawin, baka siya ang kumitil sa buhay namin.

Paglapit ko sa kaniya, gusto ko nang ihampas sa kaniya ang hawak ko.

Pero sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan at pumapasok sa bintana na sinira ng manloloob, nakita ko ang mukha niya. Sobrang linaw at hindi halos matanggap ng sarili ko.

Naibaba ko ang extinguisher sa sahig.

Hindi ko kaya.

"S-sir Arellano."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro