Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Blurb (ᜊ᜔ᜎᜓᜇ᜔ᜊ᜔)

SUGILANON SANG PULA NGA BULAN
       ᜐᜓᜄᜒᜎᜈᜓᜈ᜔  ᜐᜅ᜔  ᜉᜓᜎ   ᜅ   ᜊᜓᜎᜈ᜔                                       

Mula sa lahi ng mga makapangyarihang babaylan ang pamilya ni Liway. Isang bunggaitan ang kaniya Uray Silay at punong babaylan naman ang iloy na si Sinag. Kayang manipulahin ng kaniyang iloy ang panahon at magbigay lunas sa sakit na dulot ng iba't ibang busaw o elemento, habang ang kaniyang lola Sinag naman ay may kakayanang makipag usap sa mga diwata at samuhin ang mga ito.

Biyaya kung maituturing mula sa banal na Laon, diwata, at mga umalagad ang kakayahan ng kaniyang uray at iloy. Ngunit para kay Liway ay isa itong sumpa, sapagkat tila namana niya ang kakayanan ng mga ito. Sa kadahilang nang minsan siyang nagpunta sa isang museo at mahawakan ang isang kakaibang libro na naglalaman ng sinaunang inskripsyong baybayin ay nagsimula siyang magkaroon ng pangitain at panaginip patungkol isang madugong digmaan na ilang siglo na ang nakararaan.

At dahil sa paulit-ulit na mga pangitain at panaginip, ay nagpasya siyang tanggapin ang matagal nang nais ng kaniyang uray at iloy---ang siya'y maging isang ganap na babaylan. Sa pagiging ganap niyang babaylan ay maglalakbay siya sa nakaraan upang tulasin ang hiwagang nakabalot sa sinaunang libro. At alamin kung anong papel ang kaniyang gagampanan sa digmaan, dahil sa mismong digmaan ding iyon ay nakita niya ang sariling lumuluha ng dugo kasabay ng paglukob ng pulang anino sa bulan.

Kayanin niya kaya ang kaniyang masasaksiha't malalaman? Mai-kwento niya pa kaya ang sugilanon sang pula nga bulan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro