Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

"Beh," bahagya akong siniko ni Pyper. "kanina pa tingin nang tingin sa'yo 'yung bokalista! Mukhang type ka ata," bulong niya habang itinaas baba pa ang dalawang kilay niya.

"Sira ka talaga." Naiiling na sabi ko nalang. Nakainom na kasi kaya ang lakas na naman ng topak nitong babaeng 'to.

Lima kami sa table. Ako, si Pyper, Alyshi, Emma, at Shivawn. Nasa bandang gitna kami at malapit sa stage kaya maganda ang puwesto namin dahil kitang-kita namin ang view sa stage. Restaurant pub ang datingan dito sa Back Alley kaya hindi masyadong maraming tao hindi gaya sa club na sobrang siksikan talaga.

Masasarap din ang mga pagkain na in-order namin. Kaya siguro marami talagang nagpupunta dito. Pang chill lang kasi na-vibe 'tong Back Alley. 'Yung tipong kung gusto mong mag-inom with friends pero hindi siksikan sa loob tapos may live band pa sila.

"Totoo kaya!" Pagpilit niya. Medyo lumakas 'yung boses niya dahilan kaya dumako ang tingin nila Alyshi saming dalawa.

"Anong meron?" tanong ni Alyshi.

"Oo nga. Share naman d'yan kanina pa kayo nagbubulungan dalawa e." dagdag pa ni Emma.

"Ahh, wala 'yon. Lasing na kasi 'tong si Pyper." I glared at Pyper secretly before nudging her arm.

Akala ko titigil na si Pyper, pero bakit pa ba ako nagtaka. Nakakailang margarita na siya.

"'Yung bokalista kasi ng double helix kanina pa sinusulyapan 'tong si Randi, mukhang type ata." paliwanag niya sabay ngisi nang nakakaloko. Sabay-sabay naman lumingon sila Alyshi, Emma at Shivawn sa mga nagpapahingang members ng double helix na nasa stage pa rin.

Currently, the double helix members are all taking a rest after their third set. In all fairness, they are indeed good. No, they're great!

Sobrang lakas ng charisma nilang apat lalo na kapag nagsimula na silang tumugtog. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit mukhang marami silang fans na nandito rin ngayon sa Back Alley. Panay kasi ang tili ng ibang nanonood dito sakanila.

Sa sobrang galing nga nila, pati ang tahimik na si Alyshi ay napapatili na rin sa kilig kanina.

"Hala akala ko namamalikmata lang ako kanina dahil nakainom na ako!" sabi ni Emma. "Napansin ko kasi na maya't maya tumitingin sa table natin e. Nag-assume pa naman ako ng slight na baka ako ang type," tumawa si Emma sa sariling komento niya.

"Uy, bagay kayo." gatong naman ni Shivawn. "Lapitan mo mamaya girl."

"Nako, wala akong time." sagot ko sabay inom sa alak na nasa harapan ko. Malalagot talaga sa'kin 'tong si Pyper mamaya!

Mabuti nalang at nagsalita na 'yung bokalista kaya tumahimik na ulit sila. Pero 'yung mga mapanuksong tingin nila sa'kin ay hindi pa rin nawawala.

"Lost and insecure
You found me, you found me
Lyin' on the floor
Surrounded, surrounded
Why'd you have to wait?
Where were you? Where were you?
Just a little late
You found me, you found me"

(You Found Me - The Fray)

His voice is so soothing and calming that can melt your inside. Wala akong masabi. Ang ganda ng boses niya. Halos cover song ang kinanta nila dahil kasalukuyang nagsusulat palang daw sila ng sarili nilang kanta.

Natapos ang buong set nila ngayong gabi pagkatapos ng pang anim nilang kanta. Nagpasalamat silang apat bago nagpaalam at umalis ng stage.

Pero bago tuluyang umalis ang bokalista ng banda, isang sulyap muli ang ibinigay niya sa'kin. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may gusto siyang sabihin sa bawat titig niya sa'kin.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro