Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SEVENTH ARROW

κεφάλαιο έβδομο

Chapter Seven: Immortal and Mortal

Krisha's Point of View

"I'm so sorry!" I exclaimed. "Why am I so clumsy!" I blurted out of frustration. Lumuhod ako para tulungan ang nabangga kong waiter. Kaya lang bago pa sumayad ang mga tuhod ko ay may humawak sa palapulsuhan ko.

"What the hell are you doing? Let him do his job!" Halatang-halata ang diin sa boses ni Kraft kahit bumubulong lang siya. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa 'kin.

"Pero it's my fault!" He just hushed me and pulled my wrist. We took a step backwards to give way to the guy who's cleaning the floor.

Seeing the guy carefully putting the broken mugs back to his tray makes me feel guilty. Totoo namang kasalanan ko kung bakit naibagsak niya ang mga 'yon. I suddenly stood up just because of my shock and the urge to run away from that. . . that iced americano guy.

Napatingin ako bigla sa gawi nila. My students looks shocked and even standing just to look at what happened. Vladimir is walking towards us. The iced americano guy is no longer looking at me. Prente lang ang upo niya at kalmado na tila ba wala siyang pake sa nangyayari sa paligid niya.

"Excuse, anong nangyari?" He asked.

"Nothing man, just a little bit of damage," Kraft casually responded while smiling towards him. Napangiti rin ako kay Vladimir.

"Vladimir," pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay kay Kraft. Tinanggap din ni Kraft 'yon at nakipag-shake hands siya. "Kraft," tugon niya.

"How much is the damage? I'll pay for it," sabi ni Vladimir at ipinakita ang credit card. I pushed it softly.

I can't let him pay using his company's credit card just because of this mess!

"No need!!" I exclaimed because of shyness.

"On the house man," Kraft casually said. Ang nakangiting mukha niya kay Vladimir kanina ay napalitan ng pagka-seryoso.

Dinunggol ko nang bahagya si Kraft, hindi siya tumingin sa 'kin. Diretso lang ang tingin niya kay Vladimir na parang kinikilatis ito. Nilapit ko ang mukha ko kay Kraft habang nakatitig pa rin kay Vladimir.

"Ako na magbabayad," I whispered while still smiling. Hindi ko alam kung narinig ni Kraft ang sinabi ko dahil masyado siyang focused kay Vladimir.

"No man, I insist," sabi ni Vladimir at mas inilapit pa ang credit card

"No man, I said it's on the house," may diin ang bawat salitang sinabi ni Kraft. Mukhang nagulat si Vladimir sa inasta ni Kraft kaya napa-atras siya.

"Okay, if you insist," bumaling sa 'kin si Vladimir at ngumiti. Sumenyas din siya na babalik na siya sa table. Pag-alis na pag-alis niya ay hinarap ko si Kraft.

"What was that?" I asked him while raising a brow.

Bakit parang sinungitan niya si Vladimir? Wala namang ginagawa sa kanya 'yong tao.

"Nothing, I'll pay for the damages using my salary. Just focus on your task, huwag sa mga mortal," he said.

"Huh? Vladimir is my friend!" I defended.

"Prove it," he answered shortly. Hinawakan ko ang biceps niya at malakas na hinila papunta sa table namin. I just heard a soft chuckle.

"Hi guys, this is Kraft."

Inasar ako ng mga students ko. They are all saying that Kraft is my boyfriend. Habang inaasar nila kami ay tumayo sina Jehona at Julian na nasa tapat nila Vladimir at pinaupo kami. I thanked them amidst of the noisiness.

"Hep! Hep!" Awat ko sa kanila kasi pinagtitinginan na kami ng ibang mga customer.

"Ikaw Ma'am Beautiful ha! Sino 'yan!" Sabi ni Francis na ngayon ay nasa dulo na nakaupo habang nakatingin na parang nang-aasar.

"We share a deep connection," biglang pagsasalita ni Kraft. Natahimik ang mga students.

"Ooh! Deep connection," sabay-sabay na sabi nila. Ang dalawang lalaki sa tapat namin ni Kraft ay tahimik lang.

"Deep connection daw Julian at Jehona!" Kantyaw ni Francis kaya nagtawanan ang iba. Namula si Jehona habang si Julian naman ay busy sa pagbatok kay Francis.

A bit fishy. Ano kayang nangyari noong birthday ni Julian?

"Deep connection, huh?" Bakas ang pang-aasar sa tono ni Vladimir.

"We're just friends!!" I defended. Kung alam lang nila na mga kakaibang nilalang kami, they wouldn't dare to even tease us.

"Parang narinig ko na 'yon! Hano Julian?" Sabat ni Francis at tumawa nang tumawa. Nagulat ako nang biglang lagyan ni Jehona ng tissue ang nakangangang bibig ni Francis habang tumatawa.

Nagtawanan kami nang umubo si Francis dahil do'n. I heard a manly chuckle. Napatingin ako sa katapat ko. . . the iced americano guy. Binaling ko ang aking tingin kila Francis at ipinagpatuloy ang pagtawa

Si Jehona naman ay inosenteng yumuko lang. Bumulong si Julian kay Jehona at hinimas ang buhok nito. If I'm not mistaken, "good girl" is what he said based on the movement of his mouth.

"Oh, by the way. Boss Russ, this is Raffinah. Raffinah this is-," the iced americano guy cut him off.

"Kevin Russlee Esquivel," malamig na sabi ni Kevin.

"Nice to meet you, Kev-," he cut me off.

"Russlee."

➹ ➷ ➹ 𓆩♡𓆪➷ ➹ ➷

Ugh! Sobrang sakit ng puson ko! It's the time of the month!

Bakit kasi nagkakaroon pa ng monthly menstruation ang mga cupid? Hindi ko naman kailangan ng ganito kasi hindi ako mag-a-anak! Iritang-irita ako sa pakiramdam. I can't even celebrate Julian and Jehona's relationship because of the heavy feeling.

Yes, sila na! Kinausap ako kanina ni Jehona at nagpasalamat pa siya sa 'kin. Now, my job as a teacher and their matchmaker is over. As much as I want to stay with my students and just match students from the same school, I can't.

I just can't kasi tapos na ang school year huhu!

"SANDALI!" Hiyaw ko kasi may kumakatok sa pinto ko na parang sinisira na ito.

"Ikaw lang pala! Bakit ba katok ka nang katok, gabing-gabi na!" Iritang sabi ko kay Kraft.

"Wala pa si roomie Alexa ko, wala akong makausap," he casually said and barged in like my room is also his room.

"Why don't you just go to sleep, you look tired." He halted, dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin.

"Ako? Mukhang pagod? We're cupids, remember? Cupids don't get tired. . ."

"But we're fake cupids. . . remember?" I said. Nagkibit-balikat lang siya at nagdire-diretso sa kama ko.

I'm always saying that fake cupids thingy just to feel an assurance that we're still normal

Pag-upo niya roon ay saka ko naala-"what the hell is this?" Tanong niya. Gamit ang kanyang hintuturo ay inangat niya sa ere ang puting panty ko na may dugo.

"DROP IT!" Bulalas ko kaya agad naman niyang binagsak iyon. Dali-dali akong yumuko at tinago ang panty ko sa drawer na katabi ng kama ko.

Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako pero nakakahiya kasi!

Wala namang malisya kung makita niya ang panty ko na may dugo kasi babae rin naman si Alexa at alam kong may buwanang dalaw rin ito. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sa nangyari. Kumunot ang noo niya at bigla na lang binuksan ang drawer ko.

Kinalat niya ang mga laman no'n. Napunta uli sa sahig ang puting panty ko na may dugo tapos pati ang mga kalat kong tissue na may dugo. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.

Ang mga tissue kasi na 'yon ang nilalagay ko sa panty ko kapag may buwanang dalaw ako. I don't know why we don't have something to use in this kind of situation in our pantry. Sabi pa naman ni Voluptas ay lahat ng kailangan namin ay nasa pantry lang.

"You're having menstruation?!" Gulat na tanong ni Kraft sa 'kin. I just nodded while still facing the floor. "Shit," he suddenly cussed.

"Wait, I'll come back."

Pag-alis na pag-alis niya ay pinulot ko agad ang mga kinalat niyang gamit ko. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong. Nakakahiya!

After a few minutes, I heard a knock. Alam ko namang si Kraft lang 'yon kaya sumigaw ako at sinabing bukas ang pinto. Nakarinig ako ng footsteps na papalapit sa kama ko.

"Hey, are you already sleeping?" Kraft asked using his soft voice.

Hindi ba siya makaramdam na hiyang-hiya ako.

Huminga ako nang malalim at inangat ang kumot. Nakita kong may hawak si Kraft na supot. Napansin niyang nakatingin ako do'n kaya nilabas niya ang mga iyon.

"These are napkins, hindi ko alam kung anong brand comfortable ang ano mo pero I just grabbed all of the types because all the shoppers are staring at me. They're looking at me weirdly like I did something wrong or what," mahabang paliwanag niya.

Binuklat ko ang sandamukal na bagay na tinatawag na napkin iba-iba ang kulay pero ang laman ng bawat pack ay kulay puti lang. I grabbed a particular brand because it says that it has wings. Binalik na ni Kraft ang iba sa supot.

"Go to your bathroom, ilagay mo 'yang hawak mo sa underwear mo," Kraft instructed.

"Ihhhhh!"

"Ihhhhh?"

"Ih hindi ako marunong maglagay," mahinang sabi ko. Napamura siya nang mahina.

"What do you expect? Alam ko kung pano ilagay 'yan? Mas lalong hindi, aba malay ko," he said while containing his laugh. Padabog akong tumayo at pumunta ng banyo.

Tinawanan pa niya talaga ako!

Umupo ako sa toilet at kumuha ng isang napkin sa isang buong pack. Parang medyo na-figure out ko na kung paano ilagay. Tinanggal ko ang isa papel na nakadikit tapos nang ilalagay ko na sa panty ko ay naihulog ko ito.

"AGH!" I screamed because of frustration.

Habang nagbubukas ng panibagong napkin ay bigla akong nakarinig ng katok sa pinto ng banyo ko. It's just Kraft asking if I'm alright. Sinabi ko na lang na okay lang ako para makapag-focus na 'ko sa paglalagay ng napkin.

Para namang may maitutulong siya kung sabihin kong hindi ako okay.

For the first time, nailagay ko na nang maayos ang napkin ko. Kaso may dalawang parang pakpak ang napkin. Hindi ko alam kung para saan ang bagay na 'yon kaya dinampot ko ang pack. Muntik na 'kong mapamura nang may instructions naman pala sa likod.

Nakita ko rin na wings 'yong dalawang nasa napkin at kinakabit sa magkabilang gilid ng panty. May wings daw para mas maging stable ang napkin sa panty ayon sa pack.

Medyo nagulat ako kay Kraft paglabas ko. Nakaupo siya sa kama ko at nakatulala na parang malalim ang iniisip. In movies, he looks like a guy waiting for his wife to finish her pregnancy test.

"All set? Komportable ba?" Tanong niya at lumapit siya sa 'kin.

"Much comfortable than those tissues, I guess?" I said. Kraft smiled and tucked me in bed.

"Go have some rest, ang alam ko masama ang pakiramdam ng mga babae kapag may menstruation," Kraft said and patted my head. I just smiled as response.

Siguro ganito niya rin alagaan si Alexa kapag may buwanang dalaw ito. Parang gusto ko na lang tuloy maging roommate si Kraft.

➹ ➷ ➹ 𓆩♡𓆪➷ ➹ ➷

Other cupids' Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang opisina ni Voluptas. Sa highest floor 'yon ng headquarters at hindi basta-basta mapupuntahan. I can't even pin her room to my tracker.

If I can just pin it, I can go there in just a tap to my bracelet. Pagkatapos ko sa stairs ay naglakad na 'ko palapit sa office niya. I hope she's not sleeping.

Ang sabi niya pumunta raw ako sa kanya pagkatapos ng mga kailangan kong asikasuhin. Hindi ko naman inakalang mahihirapan pala 'ko sa pagma-match kila Vladimir at Adira. Luckily, I ended my task before this day ends.

Kaso ang resulta, hatinggabi ko ma-i-istorbo si Voluptas. This whole floor is for Voluptas only. Hindi basta-basta nakakapunta ang ibang mga cupids dito. Kailangan pinatawag ka ni Voluptas bago ka mapunta rito.

She's normally on her swivel chair kaso wala siya. I assumed that she's now sleeping on her room. I was about to go to my own room to sleep but I heard a voice of a man and a woman, talking.

Naglakad ako patungong kwarto ni Voluptas. I have to let her know that I followed her orders. Bubuksan ko na sana nang tuluyan ang pinto kaso napatigil ako sa boses ng isang lalaki.

-Isa siyang mortal 'di ba? Mortal siya!" Hindi ko narinig ang ibang mga salitang sinabi niya pero narinig ko nang malinaw ang mga salitang iyon.

May maliit na awang ang pinto kaya nakikita ko si Voluptas. She's wearing her white nightgown while facing a man. Hindi ko makilala kung sino ang lalaking kausap niya dahil likod lang nito ang nakikita ko.

"Why are you letting her stay in this hell? Set her free, Krisha doesn't d-deserve to be here!"

This hell? Is he talking about that Stupid Cupid?

"Hindi mo naiintindihan, she's just like you! Immortal and mortal at the same time. Her fath-," napasinghap ako nang dahil sa sinabi ni Voluptas. Alam kong nakita ako ni Voluptas sa awang ng pinto bago ako nakapagtago.

Krisha is. . . Krisha is immortal and mortal at the same time? Is that even possible?

yeojacosmos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro