Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTH ARROW

κεφάλαιο πέντε

Chapter Five: More Than Friends

Krisha's Point of View

“I know right! Male and female cannot be just friends, right!” I said emphasizing the word 'friends'. He suddenly stopped laughing.

“But I'm a male and you're a female, right?”

“But we're cupids, right?” I answered his question with a question and also copied his tone. He slowly flashed a small smile.

“Right, we are cupids,” sabi niya at ginulo ang buhok ko.

“Remember what I said at the lobby?”

“What?” I asked while fixing my hair.

“No relationship, no emotions, just s*x,” he said using the same tone that he used when he said it to me that day.

“Could you please stop saying it, ang bastos.”

“Paanong naging bastos? Hindi nga natin alam ang nararamdaman ng mga tao kapag nakikipag-s*x sila.”

“Yes, hindi tayo nakakaramdam ng sexual arousal pero parang ang vulgar pa rin niyan.”

“Yeah it's vulgar, sa mga tao. Mortal ka ba?” Tanong niya sa 'kin. I shook my head.

“Ayon naman pala. Aren't you curious on why people are addicted to s*x?”

“Paano mo naman nasabing adik sa s*x ang mga mortal?” Inosenteng tanong ko.

Tumawa siya at umiwas ng tingin. Why do I feel like having this conversation with him is kinda weird. We are both cupids but still, magkaiba kami ng gender.

“Listen, magkwe-kwento ako. Huwag ka munang magsasalita,” he said with a serious tone. I showed him a thumbs up. I even acted like I am zipping my mouth.

“My previous task. The task that I pursued after matching Tim and Clarivel successfully is a peculiar one. They are friends. . . best friends.”

Paano naman naging peculiar ang pagiging best friends?

“Best friends with benefits.”

Is there such a thing? Ano namang ibig sabihin no'n?

I frowned at what he said. Hindi muna siya nagsalita, parang nahalata niya na naguluhan ako sa sinabi niya kaya nakatitig lang siya sa mukha ko.

“You have question?” I nodded and he sighed.

“Fine, you can interrupt me with your questions.”

“Ano 'yong benefit? Hindi ba kapag friend mo may nakukuha ka talagang benefit? Like what we are doing? Me benefiting from you because you're always help me?”

“No, no, hindi ganyang benefit. God, why are you so innocent. It's a situation wherein two friends are having s*x but still staying as friends. No strings attached just like what humans said but in their case. . . In Crissa and Ian's case there's a string. And it's actually tied to their pinky finger, the red string of fate.”

“Why do mortals want to have s*x with their friends? Bakit nga ba sila nakikipag-s*x?”

“Out of love or sometimes. . . ouf of lust. Bago mo pa tanungin kung ano ang lust, it's a strong sexual desire na kahit kailan ay hindi natin mararamdaman.”

“So, pure lust ba ang namamagitan sa kanilang dalawa?”

Posible rin namang mahal nila ang isa't isa pero parang ang weird. May na-i-in love ba sa best friend nila? If they really love each other, why would they settle on just being in that situation? Is it even possible if you only look at that someone as a friend.

I lightly slapped my head to remove the thoughts. Yes, it's possible! I'll make it possible kung imposible man! Naalala ko kasi bigla na mag-best friend pala ang task ko.

You can fall in love with a friend right? Lalo na kung laging nandyan ang taong iyon para sa 'yo kapag nangangailangan ka ng tulong. Or kapag lagi kang pinapatawa! O kapag kailangan mo ng comfort?

“Alam mo ba, muntik ko nang sukuan ang task ko sa kanilang dalawa. Buti na lang nagkaroon kami ng interaction ni Crissa which completely changed my mind.”

“What happened? Ito naman pa-suspense pa! Alam mo naman na ang sasabihin ko, hindi mo pa tinuloy-tuloy ang kwento.” I said that made him laughed. At dahil nakakahawa talaga ang tawa niya, pati ako ay natawa nang bahagya.

“The moment that I made my mind to give up on the task because I first thought it's hopeless, I bumped in to Crissa. Nahulog ang picture ni Ian tapos pinulot ko. So just for fun, I chatted with her. She thought that I'm just a mortal stranger who doesn't have any idea on what's happening to her personal life. Kaya naman naging komportable siya sa 'kin at nag-share ng totoong nararamdaman niya kay Ian,” mahabang kwento ni Kraft.

“Na-realize ko na may chance ang kanila ni Ian kaya naman I befriended her just for fun. Tuwing magkasama talaga silang dalawa napapansin ko na parang s*x lang ang habol sa kanya ni Ian habang si Crissa naman ay nagpapagalaw lang dahil mahal niya si Ian.”

Ngayon ko na-realize na napakadaldal talaga ni Kraft. Hindi lang madaldal, bulgar pa. Sobrang bilis niya magsalita, parang naglo-loading na ang utak ko sa dami ng sinasabi niya. Hindi ko na alam kung saang parte pa ng utak ko isasaksak ang mga sinabi niya.

“But the moment that Crissa introduced me to Ian, he suddenly became territorial. Unti-unti kong nakita ang paglitaw ng totoong nararamdaman ni Ian para kay Crissa. And that's how I ended my task successfully!” Proud na sabi niya.

“Tapos ka na?” I asked while yawning.

“Para namang hindi ka interesado,” he said and created a sad face using his face.

“I just can't see the point on why you are telling me those kind of stuffs.”

“Nanghihingi ka ng tulong 'di ba? Kung nakinig ka sana sa kwento ko edi sana alam mo na ang gagawin mo riyan kila Julian at Jehona,” he said and crossed his arms.

Kaibiganin ko si Julian? Tapos kapag nakita ni Jehona na lagi kaming nagbo-bonding ay mare-realize niya na may nararamdaman siya para kay Julian?” I asked and he abruptly shook his head.

“Just go straight to the point, sa sobrang bilis mo magsalita para kang nagra-rap kaya hindi ko ma-gets ang pinupunto mo.”

“The point is, humanap ka ng paraan para maging close ka kahit isa sa kanila! As simple as that, hindi mo naman kailangan gayahin ang ginawa ko para lang maging sila. Besides, Julian and Jehona's situation is different from Ian and Crissa's,” he said and even motioned his hands.

“Bakit isa lang kung pwede namang pareho sila?” I asked while smiling widely because of an idea. Dumusog ako palapit kay Kraft at niyakap siya nang mahigpit. His body stiffened probably didn't expected my next move.

“Thanks Kraft! The best ka talaga! Kaya best friend kita dahil ikaw ang bestest creature na nakilala ko!”

While hugging him, I remembered the signage in front of the school. Naghahanap ang school nila Julian at Jehona ng temporary teacher. Now my next step is to apply. Sana makuha ako.

I smiled at Jehona while pointing my index finger towards her. She looks so confused right now. Kittsie raised her hand again. Hindi siya naghintay sa sasabihin ko, bigla na lang siyang tumayo.

“But Ma'am! She's half albanian, hindi siya bagay mag-Maria Clara!” She said with a hint of bitterness in her tone.

Why is she suddenly having a violent reaction?

“Oo, half albanian siya. Pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na siyang dugong filipina. Class, okay lang sa inyo kung siya ang Maria Clara?” I said, still referring to Jehona.

“Oo naman po! Walang problema!” Energetic na sagot ng isang babae.

“But Ma'am!”

”Tama ka na Kittsie.”

“Epal naman neto, gusto ata mag-Maria Clara.”

“Yie! Makikita na natin ang chemistry ng mag-best friend!”

“BFF premium!” Gatong ni Francis

“Jehona Zhidkova for Maria Clara! Woohoo!”

Natawa ako sa mga sinasabi nila. Nakatitig sa 'kin si Julian habang nakangisi, nginitian ko siya. Bumaling ang tingin ko kay Jehona na nakanganga at parang hindi pa aware sa nangyayari.

Sa tingin ko kahit wala akong inaasikaso na task, si Jehona pa rin ang bagay na Maria Clara. Halatang foreigner siya pero ang kagandahan niya ang nangingibabaw sa klase.

I also just feel like her personality fits the character. Lalo na sa part na 'di makabasag pinggan. Through observation, I noticed that she's the only girl with modest movements here.

“Jehona Zhidkova bilang Maria Clara, final.”

➹ ➷ ➹ 𓆩♡𓆪➷ ➹ ➷

“Anong ngiti 'yan?”

“Ay gulay!”

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla na lang sumulpot sa harap ko si Kraft at nagsalita. Pinalo ko nang mahina ang braso niya.

“Aw! Nagtanong lang naman ako, bakit may palo?” Tanong niya at hinihimas-himas pa ang braso niya.

“Ikaw lang 'yong kupido na overreacting, hindi bagay,” sabi ko at umayos nang upo.

“Bilis mo naman magulat, how's your task?” Tanong niya at naupo sa tabi ko.

Nakatambay na naman kami sa lobby. Sana hindi kami mahuli ni Voluptas!

“Ang laki ng progress! It's only been a week but I know that this task will be successful!” I exclaimed while smiling widely.

“A WEEK?” Tanong niya na pasigaw.

“Yeah, hindi naman gano'n kadali ipag-match ang mag-best friend. Because of some obvious reasons.”

“No one wants to take a step closer because of the fear of what will happen? I get it, natatakot ang mga tao na mawala ang friendship. Pero ang buhay ng mga tao ay napaka-ikli lang. They shouldn't be afraid in taking a risk,” mahabang litanya niya.

”Anong alam mo sa pakiramdam ng mga mortal? You're a cupid. Kahit kailan hindi mo maiintindihan ang nararamdaman nila,” he just shrugged his shoulders at what I've just said.

Hindi ko rin alam ang pakiramdam ng mga mortal pero nire-respeto ko ang mga desisyon nila at ang nararamdaman nila. I'm just existing to help them because cupids are an instrument of destiny.

Alam ko na malaki ang progress nina Julian at Jehona kasi sa tingin ko ay may gusto sila sa isa't isa. I mean, I confirmed that Julian likes Jehona. I saw the sparkle in Jehona's eyes while she and Julian are being filmed as Maria Clara and Crisostomo Ibarra.

Hindi ko lang ma-confirm kasi unlike si Julian na may best friend na madaldal, which is si Francis. Si Jehona Zhidkova, nag-iisa lang ang best friend niya. At si Julian 'yon, napansin kong introvert siya at hindi masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase niya.

Kahit kami ay hindi masyadong nakakapag-usap dahil tuwing kinakausap ko siya ay parang uncomfortable siya. She somehow reminds me of myself noong bago kami maging close ni Kraft. Well, I think similar kami ni Jehona.

“Aalis ka ba bukas? May gagawin ka?” Tanong ko para mabasag ang katahimikan na namamagitan sa amin.

“Bukas? Sunday is rest day kaya matutulog ako all day! Rhyme 'yon!” He said while laughing. Natawa rin ako nang bahagya kasi nakakahawa talaga ang tawa niya.

Ang saya talaga maging kaibigan si Kraft, puro tawa lang.

“Birthday mo bukas, idol! Baka nakakalimutan mo,” I said to remind him. Unti-unti siyang tumigil kakatawa. He is just simply smiling genuinely right now.

“Wow, naalala mo ang birthday ko?” He asked, his eyes is filled with amusement.

“Kakasabi mo lang last week tapos makakalimutan ko agad? Grabe ka na talaga, idol! Wala akong dementia huh!” I said while giggling. Ang saya ko kasi dati idol na idol ko lang si Kraft pero ngayon nakakausap ko na at nabibiro ko pa!

Really? A cupid is genuinely happy? This is weird.

“I was just fascinated. Kahit sobrang dami ng kakilala ko, lagi nilang nakakalimutan ang birthday ko. Even my roommate Alexa will just casually walk in our room every twentieth of March like it's just a normal day. Nasabi ko naman sa kanya ang birthday ko kaso nakalimutan niya ata. Isa lang ang nakakaalala ng birthday ko noon, tas ngayon dalawa na,” mahabang litanya niya.

Hindi ba 'to natutuyuan ng laway? Sobrang daldal talaga.

“Be grateful na may nakakaalala ng birthday mo, sa akin kasi wala.”

“Nakakaramdam ba ng gratefulness ang isang kupido?” He laughed while shaking his head. “Bakit walang nakakaalala ng birthday mo?”

“Ikaw nga lang ang kaibigan ko. Baka nga pati ikaw hindi alam kung kailan birthday ko,” I laughed to hide the bitterness on my tone.

“Second of January,” he said while smiling widely. “Kung alam mo lang. . . .”

“Kung alam mo lang ano?” I asked while smiling.

“Wala!” He said, he put his arm around my neck resulting to a headlock. Hindi naman masyadong mahigpit pero hindi ako maka-alis. Ginulo-gulo rin niya ang buhok ko. I tried to remove his arm around my neck but he just laughed. He released me when I tapped his forearm.

New hobby niya yata na guluhin ang buhok ko.

“Bukas, let's have a dinner. My treat!” I said after coughing because of what he did.

➹ ➷ ➹ 𓆩♡𓆪➷ ➹ ➷

“Ma'am! Tapos na po kaming mag-film! Late kayo!” Francis said.

“Pasensya na kayo, nakalimutan ko. Nag-lunch na ba kayo?” I asked them while smiling. Masyadong napasarap ang kwentuhan namin ni Kraft kanina, nakalimutan ko na inaya pala 'ko nila Francis na sumama sa filming.

“Yun oh, papa-lunch si Ma'am!”

“Tara na Ma'am! May malapit na Fonti Mall dito.”

Nagpunta na kami sa nearest mall. Buti na lang marami akong dala na human money ngayon. At isa pa, sampu lang naman sila. Mostly 'yong main cast lang.

Jehona changed her clothes at the restroom. Habang kami ay dumiretso na sa kainan sabi niya ay susunod na lang siya. Sila Francis at iba pa niyang mga kaklase ay dumiretso na rito sa kainan kasama ko instead na magpalit kasi mga gutom na gutom na raw.

Kanina pa kami pinagtitinginan dahil sa mga suot nila. I even heard someone whispered to another person that my students looks stupid. I was about to talk to them earlier but Francis stopped me.

“Thank you, Ma'am! Nabusog po kami! Next time ulit!” Augie said. Ako at ang mga kaklase naman niya ay natawa.

“Bye po Ma'am Beautiful!”

Hinintay kong makauwi silang lahat bago ako umuwi. I was about to exit the mall when I saw Julian and Jehona, I approached them. Nakasuot pa rin ng makalumang damit si Julian.

“I'll be fine, you should go. May bibilhin lang ako.”

“No, hindi ka naman sanay lumabas-labas. Pano kapag may nangyaring masama sa 'yo edi yari ako kay Tita?” Julian's voice sounds worried.

“I can go with her,” I said. Sabay silang napatingin sa 'kin, nagulat sila pero napalitan din ng ngiti nang ma-recognize ako.

Tinignan ni Julian si Jehona at parang naghihintay ng sasabihin nito. When Jehona nodded, he bid his goodbyes. Sinabi niya rin kay Jehona na mag-ingat ito at dumiretso na agad sa bahay pagkatapos bumili.

“Ma'am, nakakahiya naman po,” sabi ni Jehona habang naglalakad kami.

“Ano ka ba, huwag ka nang mahiya! Ano ba ang bibilhin mo?”

“Maniningin lang po sana ako ng pang-regalo sa kaibigan ko roon, sa malapit na jewellery shop,” nakayukong sabi niya habang tinuturo ang malapit na jewellery shop sa amin.

“Really? Kaninong friend?” May iba pa pala siyang friend bukod kay Julian?

“Para kay Julian po, birthday niya po kasi bukas,” sabi niya at hinihimas-himas ang batok.

Oh, akala ko naman may iba pa siyang kaibigan. Wait? Bukas? Birthday rin ni Kraft bukas! What a coincidence!

“Mahilig pala sa jewellery si Julian?”

“Hindi naman po, Ma'am. Gusto ko lang po siyang bigyan ng singsing.”

“A ring? Are you guys dating?” I said in a playful tone. Hindi ako komportable sa ginagawa ko dahil baka iniisip niyang masyado akong nosy. But I need to know the real score between them.

“Ano p-po kasi Ma'am. Ang totoo niyan, may gusto po ako kay Julian matagal na. Natatakot lang po akong umamin,” she sighed. “Kaya lang nalaman po ni Kittsie na may gusto ako kay Julian. Sasabihin niya raw po ang nararamdaman ko kay Julian.”

“Kaya bago ka niya maunahan, sasabihin mo na? Sabagay, mas magandang sa 'yo manggaling kaysa sa ibang tao pa malaman ni Julian,” I said and held her hand. She smiled, I made her feel that I am supporting her decision.

“Jehona, bakit ba nagbibigay ng regalo ang mga mortal tuwing birthday ng isa pang mortal?” I asked while she's picking a ring. For the first time, she laughed. Nakatingin siya sa 'kin na para akong isang weirdo.

“Grabe ka, Ma'am. Mortal talaga? You're talking like you're not a human,” she said with a teasing voice. I panicked, paano kapag nalaman niya na cupid ako! Nag-isip ako ng paraan para makaalis sa situation.

“Ikaw rin! Ang weird kasi mukha kang foreigner pero ang pure mo mag-tagalog!”

“Hala, si Ma'am!”

“That's a compliment, actually.”

“Thank you po, Ma'am! Basta Ma'am hindi ko po talaga alam kung bakit may gift giving kapag birthday. Gusto ko lang po talagang magbigay ng something kay Julian. Magco-confess din po kasi ako bukas. . . ibibigay ko po ang singsing with a letter kung sakaling hindi po ako magkaroon ng lakas ng loob.”

Ang daldal pala ni Jehona, akala ko si Kraft kausap ko.

But I'm glad that she's getting comfortable when it comes to talking to me. Kasi kanina at kahit noong mga nakakaraang araw ay sobrang tahimik lang siya. Mabibilang nga lang yata sa isang kamay ang mga salitang lumalabas sa bibig niya kapag kinakausao ko.

“You know what, you're good at talking. Pero bakit lagi kitang nakikitang mag-isa? Are you a loner type of person?” I asked.

“Ma'am. . . karamihan po kasi sa kanila hindi ako gusto because of my albanian features. Lagi po nilang pinaparamdam sa akin na iba ako sa kanila.”

“Are they bullying you?!” I exclaimed. Pati 'yong babaeng nasa cashier ay napatingin sa akin.

“Ma'am, hindi po! Hindi po nila sinasabi sa harap ko pero nararamdaman ko,” she said while shaking her head.

“Being different means that you're unique. Hindi mo kailangan makibagay sa kanila para mag-fit in. Always remember that,” she smiled because of what I said.

I didn't know that someone can get discriminated because of their ethnicity!

“Pili ka na ng gift mo for Julian, mag-iikot-ikot lang ako,” she nodded while still smiling brightly.

Maraming magagandang alahas. Hindi ako mahilig sa alahas pero parang sumasabay ang mga mata ko sa pagkinang ng iba't ibang mga bato sa bawat necklaces at bracelets.

Habang naniningin ay nahagip ng mga mata ko ang isang kuwintas na nakasuot sa isang mannequin busts. The pendant of the necklace is two cross arrows. Nang titigan ko iyon ay naalala ko si Kraft.

I think I found the perfect birthday gift.

yeojacosmos

_____

please let me know if you like this chapter through pressing the star shape at the lower left corner of this chapter! thank you! ★

- alexcy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro