PROLOGUE
PROLOGUE
'Who are that people I see?
Staring straight right back at me.'
Nanindig ang mga balahibo ko nang aking marinig ang umilangawngaw na boses sa loob ng silid ng simbahan.
Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna habang hinahanap-hanap ng aking mga mata ang boses ng mga taong nagkakantahan. Hating-gabi na ngayon, tanging buwan lamang ang gumagabay sa 'king dinadaanan.
'Who is the traitor, jackass? Front or back face with blood?'
Hinawi ng hangin ang suot-suot kong mahabang bestidang itim na may talukbong sa 'king likuran. Nakatapak ang dalawang paa ko sa lupa nang nakalabas ako ng simbahan.
'Maybe someone you know. Don't stop singing tonight, 'cause your voice may be lose this time.'
Kahit nilalamig ang aking katawan sa nangingig kong nararamdaman ay pinagpatuloy ko ang paghahanap sa boses na iyon. Mga kasama ko ba iyon?
'Will you find the culprit behind of this? We'll kill one by one if not.'
Mga sirang puno at wala man lang kabuhay-buhay na paligid ang aking bawat nakasasalubong. Hanggang sa kusang tumigil ang aking mga paa.
Bumaba ang aking tingin at nakitang sirang yero at mga basag na semento ang nakakalat sa lupa. Saan naman ito galing?
Sinundan ko ang mga basag-basag na semento hanggang sa dinala ako sa cover court na nasa likurang bahagi ng simbahan.
Nabitawan ko ang susi ng motor na 'di ko man lang namalayang hawak-hawak ko pala. Halos kunin na ng hangin ang aking hininga.
Nanlalabong mga mata, kasabay ang pakurap ko ay ang pagtulo nang nagraragasang luha sa aking mga mata. Takot at pagtataka ang aking nararamdaman nang makitang wasak na ang hukuman kung saan sana gaganapin ang aming palabas.
Napatakip ako sa 'king bibig at pinigilan na kumawala ang malakas na hikbi. Mabilis akong tumungo roon at mas lalo na lang napaiyak sa nakita. Halos mawalan na ako ng balanse sa aking nasaksihan.
Patay lahat ng mga kasama ko sa choir club. Duguan, sugatan at binagsakan pa ang ilan ng yero na galing sa itaas ng cover court. Wala ng buhay ang kanilang mga katawan.
'Don't waste your time, death is chasing after you.'
'Yong kaibigan ko, 'yong mga kagrupo at kasama ko'y wala na.
Napahagulgol ako habang nililibot ang aking paningin sa mga nasawing buhay ng mga kasama ko. Biglang tumigil ang aking paghinga sa nakita. Tumigil na rin ang naririnig kong kanta. Sino sila kung hindi sila ang mga kasama ko?
Nakasuot sila ng cassock robes na may hoodies. Malayo sila sa kinaroroonan ko kaya hindi ko makita kung sino sila. Masama ang pakiramdam ko, sa tingin ko'y may kinalaman sila sa nangyari.
Ang mas kinatatakutan ko ngayon ay parehas kami ng kasuotan samantalang kagrupo ko lamang ang tanging may kapareha sa 'king suot ngayon.
Wala na ang mga kagrupo ko, kaya sino sila? Bakit parehas kami ng kasuotan ngayon? Bakit nakatayo at tinititigan lamang nila ako mula rito sa gitna ng mga namatayan kong kaklase?
Kailangan kong malaman kung sino ang may kagagawan nito. Aksidente lang ba talaga o sinadya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro