CHAPTER 28.2
CHAPTER 28.2
AVERY RAMOS,
“Kailangan nating maghiw-hiwalay.” Hinawakan ako sa braso ni Arren.
Tumango ang ilan at sinunod ang gustong mangyari ni Arren. Tutol man ang ilan na tumuloy sa binabalak namin ay wala silang nagawa. Hindi mapapadali ang paghahanap namin kung hindi kami maghihiwa-hiwalay.
Hinila kaagad ako ni Arren papunta sa itaas ng palapag. Walang nagsalita sa amin. Hanggang ngayon nilalamon pa rin ako ng trauma sa nakita.
Kahit gusto kong manatili sa harapan nila Padre Sevilla, wala pa rin kaming magagawa para baguhin ang lahat. Uubusin kami ng kung sino 'mang demonyo ang tinutukoy ni Stephen.
“Ayos ka lang ba?” Bigla s'yang huminto nang mapansin ang 'di mapakali kong mga mata. Sana h'wag muna sa ngayon. Mamaya ko na lang alalahanin ang gamot ko.
Hinawakan n'ya ako sa balikat. “Hey, magsalita ka naman.” Sinilip n'ya ang mukha ko na bahagyang nakayuko sa kan'ya.
Bumuntong hininga ako at saka umangat ng tingin sa kan'ya. “Aaminin ko na hindi ako okay.” Huminga ako nang malalim tila hinahabol ang hininga. “G-Gusto ko na lang umuwi sa bahay.”
Napatitig ang kan'yang asul na mga mata sa 'kin ng diretso. Niyakap n'ya ako na bahagyang ikinabigla ko. Kalaunan nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi safe ako sa tabi n'ya. Nawala na 'yong sakit na nararamdaman dahil sa yakap n'ya.
Humiwalay rin s'ya kaagad. “Matatapos natin 'to mamaya rin mismo. I promise na hindi tayo magtatagal dito.”
Nabuhayan ang loob ko na makaalis kami sa impyernong kinalalagyan namin. May dahilan talaga ang lahat. Kung 'di pa ako sumali rito ay baka hindi ko na nakilala si Arren.
“Tara.” Akmang hihilahin n'ya sana ako papunta sa rooftop nang biglang kumalampag ang pinto ng kwarto rito sa ikalimang palapag.
Natigilan ako at gano'n din si Arren habang nakatingin sa gumagalaw na pinto na mismo sa gilid ko. Pigil ang hininga kong pinakinggan ang boses na nagmumula sa loob nito.
“Buksan n'yo 'to!”
Binitawan ako ni Arren at pilit na binubuksan ang pinto na kanina pa kumakalampag.
Bumaling ako sa kaliwa't kanan. “B-Baka mga masasamang nilalang 'yan, Arren.” Pipigilan ko sana s'ya ngunit tuluyan na n'yang nabuksan ang pinto.
Natigilan kami pareho ni Arren. Hinawakan ako bigla ni Arren sa kamay nang aatras sana ako. Pinakalma n'ya ang sistema ko.
“Padre,” bulalas ni Arren, walang bahid na takot sa boses n'ya kundi kaginhawaan. Hindi ba masamang nilalang ang kaharap namin ngayon?
Siningkitan ko ang aking nga mata upang makita ang taong nasa loob ng kwartong ito. Tuluyan nang lumabas ang mga taong nasa loob
Nakita ko ang kanilang mga mukha at kasuotan.
“Nasa'n si Padre Sevilla?” agad na tanong ng Pari. May mga kasama s'yang Madre na hindi ko kilala.
Natulala ako at hindi makapaniwala. Naikwento sa amin ni Stephen na halos lahat ng Padre at Madre noon ay binitay at namatay. Paanong may tao rito sa itaas ng simbahan?
Hindi sila masama at ramdam ko iyon. Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil sa nilamon ako ng katanungan. Napakagulo talaga ang lahat.
Hinawakan ako bigla ni Arren sa balikat na ikinabalik ko sa wisyo. “Buhay sila, Avery. Ilan sa kanila nakatakas.” Kita sa mga mata nito ang kaginhawaan.
Napatingin ako sa Padre at nakitang nakatingin din s'ya sa 'kin. Nagtaka naman ako kung bakit masyado s'yang nakatitig ng matagal sa 'kin.
Tumikhim ako. Ramdam ko pa rin ang kaba ngunit tinatagan ko ang sarili. “I-Ikaw po ba si Padre Norman? Paano kayo nakaligtas?”
Sunod-sunod nagsilabasan ang ilang taong nasa loob ng kwarto. Masyadong nakakalito ang mga panyayari. Buhay pa ang ilang choirs na hindi sumanib sa grupo ni Marvey na ikinagulat naming dalawa ni Arren.
~•~•~•~
THIRD POV
“H-Hanggang kailan kami mananatili rito, Padre Sevilla?” garalgal ang boses na tanong ng Madre.
Natahimik ang ilang madre at padre sa tanong ng kapwa nilang kasama. Walang kasiguraduhang mabubuhay pa sila sa simbahang ito. Walang kasiguraduhan na makakaalis pa sila. Hindi batid kung kailan matatapos ang lahat.
Nagpakawala ng buntong hininga si Padre Sevilla. Mahigpit na hinawakan ang saradula ng pinto ng kwarto. Nakaupo at nakatayo ang ilan ng mga kasama n'yang buhay pa mula sa paglusob ng mga demonyo sa kanilang simbahan.
“Hanggang sa mawala na silang lahat.” Inangat ni Padre Sevilla ang tingin at nilibot sa kabuuan ng kwarto.
Madilim at tanging mga butas-butas sa gilid ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng kwarto. Abandonadong kwarto na ito kaya alam ni Padre na mas ligtas sila rito sa itaas ng simbahan kung saan sila ngayon.
Inaakala nila na ang simbahang ito ay magbibigay proteksiyon sa kanila. Ngayon lang nila napagtanto na hindi ito ang simbahan ng mga anghel at santo, kundi tahanan na mismo ng demonyo na sinasamba ng ilang kantores.
“Baka kayo mapahamak tatlo.” Lumapit si Padre Norman sa tabi ni Padre Sevilla, hinawakan ang balikat. “Maipapangako n'yo ba sa amin na magiging ligtas kayo sa simbahang ito?”
“Hindi ko maipapangako pero gagawin namin ang aming tungkulin. Ito ang makabubuti sa atin,” wika ni Padre Sevilla.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Padre Sevilla na babalik na sa ibaba. Umatras at nagsibalikan ang mga Madre at Padre sa kani-kanilang pwesto kanina. Hinihintay na maisara na ang pinto ng kwarto.
Hindi man ninanais ni Padre Sevilla na maging ganito ang sitwasyon, wala s'yang ibang paraan kundi ito na lang. Ikulong sila sa kwarto hanggang sa mawala na ang masasamang nilalang na nasa paligid lamang nila.
Bumaba si Padre Sevilla at sinalubong ang dalawang Madre na hinayaan ng mga masasamang estudyante na mabuhay.
Hindi alam ng pinuno na si Marvey na may natitira 'pang Madre at Padre. Itinago muna nila Padre Sevilla ang mga ibang kasama para mailigtas ito. Batid n'yang uubusin silang iaalay sa demonyong sinasamba ng kantores na kasama ni Marvey.
“Sa susunod na taon.”
Napalingon si Padre Sevilla kay Madre Susina na nakaupo sa kan'yang tabi nang marinig ang mahinang tinig nito.
Kumunot ang noo ni Padre Sevilla. “Anong mero'n sa susunod na taon?”
Unti-unting lumingon sa kan'ya ang Madre. “May panibagong estudyanteng kantores na tutungo rito. Kada taon naman talaga may mga kantores na nag-eensayo rito para makapasa sa kanilang gawain.”
Ngayon lang din naisip iyon ni Padre Sevilla. Natatakot s'ya na baka pati ang mga susunod na korong estudyante na tutungo rito ay mapahamak.
Umayos ng upo si Padre. “H'wag nating hahayaan na makapunta sila rito. Hindi natin batid kung hanggang kailan matatapos ang paghihirap natin dito.”
“'Yan din ang naisip ko, Padre Sevilla ngunit hindi natin maaaring hadlangan ang nakatadhanang mangyari,” tugon ng Madre. “Batid mo ang sinumpa ng demonyong iyon na kada taon, lahat ng nga kantores ay babagsak dito at gawing alipin ng demonyo.”
Hindi alam ni Padre Sevilla kung ano ang susunod na gagawin. Tama si Madre Susina, hindi nila kayang takasan ang nakatadhana. Subalit handa naman n'yang protektahan ito. Hindi n'ya hahayaan na matupad ang nakatadhanang tinutukoy ng demonyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro