CHAPTER 28
CHAPTER 28
THIRD POV,
Umalingawngaw ang hagulgol at iyak ng mga estudyante habang nakaluhod sa harapan ng altar. Pilit ang mga mata at tahimik ang ibang nanalangin na bigyan sila ng proteksiyon sa masasamang nilalang.
Hindi lang ang proteksiyon ang kanilang dinadasal, pati na rin sa mga walang buhay na katawan ng kanilang kaklase. Tatlong babae at isang lalaki na ngayon pinalilibutan nila.
Alam nilang si Marvey ang pumatay sa mga nasawing estudyante. Hinanap nila kung saan-saan si Marvey ngunit hindi nila mahanap ito. Wala silang ideya kung bakit kinakailangan pang patayin ang estudyante. Hindi naman ganito kalala ang ginawa noon ni Marvey.
Paulit-ulit man sila magmakaawa sa kaligtasan nila, hindi sila pakikinggan ni Marvey dahil binalutan na ito ng kadiliman. Kaya tanging nagawa ng ilan ay h'wag mangialam at tumahimik lamang.
“Please, Lord,” pikit matang pakiusap ni Niña habang nakaluhod sa harapan ng altar kasama ang mga kaibigan n'ya. “Tulungan n'yo po kami. Mas lalong bantayan n'yo po si Marvey. H-Hindi n'ya alam ang kan'yang ginagawa.”
Pilit na sinasaksak ni Niña sa isipan na hindi lang ito sinasadya ni Marvey. Estudyante pa lamang si Marvey at hindi pa bukas ang isipan sa mundong ginagalawan nila. Nilamon lang s'ya ng masamang nilalang at epekto ito sa hindi tamang pag-iisip nito.
Walang imikan at bahid ang pagkabalisa ng mga estudyante nang nagsibalikan sila sa kani-kanilang kwarto. Minsan napapatingin sa gilid. Baka mamaya kasi nand'yan lang si Marvey.
Simula nang makita nilang nakabitin sa itaas si Jevain, bigla na lang nawala na parang usok si Marvey. Mga Pari at Madre ay kasalukuyang hinahanap pa rin si Marvey. Dapat nang alisin ang masamang nilalang sa katawan ni Marvey.
“P-P'wede 'bang mag-back-out sa choir club?” tanong ni Galathea kay Niña.
Napatingin tuloy si Niña sa kan'yang kaibigan. Bumuga ng hininga si Niña saka umupo mula sa pagkahiga. “Alam mo naman na kulang tayo tapos magba-back out ka.”
Niyakap ni Galathea ang sarili. Biglang nahawi ang kan'yang buhok dahil sa hangin na pumasok sa kanilang bintana. Malapit sa kinahihigaan ni Niña.
Mahinang bulungan ang maririnig sa loob ng kwarto. Ang ilan ay natulog na kaagad sa sobrang takot. Kahit makatakas man lang ng ilang oras
sa reyalidad. Masyadong mapanakit at nakasisindak ang mga pangyayari.
“Sa una gusto ko rito, Niña, pero hindi ko na gustong manatili pa rito ng matagal,” ani Galathea.
“Konting tiis na lang, Thea.” Lumapit si Niña sa kan'yang kaibigan at niyakap ito. “Weeks na lang ang hihintayin natin. Nand'yan pa naman sila Padre at Madre. Hindi tayo pababayaan.”
Tumango-tango na lang si Galathea kahit ayaw na n'ya talagang manatili pa sa simbahan ng ilang araw. 'Di rin magtatagal ay mag-isa na lang s'yang aalis dito. Alam naman nito na hindi sasama si Niña.
“Matulog na tayo,” yaya ni Galathea matapos nilang mag-usap ni Niña. Hindi na nila inungkat pa ang tungkol sa mga kasama nilang namatay.
Madagdagan lamang ng problema nila kung iisipin pa nila ang nangyari kanina.
Tinignan ni Niña ang kan'yang cellphone. “11:55 pm na pala,” untag n'ya. “Sige matulog ka na.”
Antok na tumango lamang si Galathea saka patalikod na humiga sa kama nito. Bumalik din si Niña sa kan'yang kinahihigaan na katabi lamang ng kama ni Galathea.
Nang makahiga s'ya sa kama, sinilip n'ya ulit ang orasan at battery nito.
“Low battery na ako,” naisatinig n'ya. Pinindot n'ya ang turn off sa cellphone at saka binalik sa kan'yang bag. Kailangan n'yang magtipid ng battery lalo pa't walang kuryente ngayon sa simbahan.
Hihiga na sana s'ya matapos maayos ang kan'yang higaan nang marinig ang boses ng isang babaeng umaawit. Natigilan s'ya at pinakinggan pa ito ng mabuti.
Hindi n'ya maintindihan ang inaawit ng babae. Nag-e-echo kasi ang boses nito sa buong simbahan. Tinignan n'ya ang mga kasama at nakitang tulog na silang lahat. Tanging s'ya na lang ang gising sa gitna ng gabi.
“Sino naman ang magp-practice sa ganitong oras?” Bumaba ng kama si Niña saka lumabas ng kwarto para alamin kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Ngayon lang s'ya nakarinig ng gano'n ka gandang boses sa buong buhay n'ya. Para 'bang hinihele s'ya ng kanta at hinihila na lumapit dito. Hindi rin n'ya maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lang ang epekto ng kanta sa kan'ya.
Lumikha ng tunog ang suot-suot ni Niña na sandals. Hindi s'ya sanay sa tsinelas kaya kahit sa bahay lang s'ya ay nagsusuot pa s'ya ng sandals.
Lalagpasan n'ya sana ang Hall nang biglang bumukas ang pinto nito. Napaatras s'ya at napasinghap sa nakita. Kinakabahan s'ya na walang taong tumulak sa pinto para buksan.
Rinig pa rin n'ya ang boses ng isang babaeng 'di n'ya kilala. Nagtataka man kung bakit bumukas bigla ang pinto ay tumuloy pa rin s'ya sa Hall.
Pagkatapak pa lang n'ya sa loob ng Hall, nawala ang boses ng babaeng kumakanta. Inilibot ni Niña ang paningin sa paligid at walang nadatnang babae. Kahit hininga ay wala s'yang narinig.
“Baka pinatugtog lang sa speaker,” kausap n'ya sa sarili. Napagpasyahan n'yang bumalik na lang sa kwarto.
Saktong pagkatalikod n'ya ay ang pagsulpot ng nakaitim na babae sa kan'yang harapan. Masyadong mabilis ang pangyayari. Nagsitaasan ang balahibo n'ya sa katawan at hindi makaatras. Tila kontrolado ang buong katawan n'ya at may pumipigil.
Ibang-iba na ang babaeng nasa harapan n'ya. Gusto n'yang umiyak ngunit walang lumabas na tunog sa kan'yang bibig. Hindi rin kumukurap ang kan'yang mga mata.
~•~•~•~
“In your hands, O Lord, we humbly entrust our brothers and sisters,” salita ni Padre Norman.
Tuloy ang pagdadasal ng madre at padre. Madami-dami 'ring nakiramay sa pagkamatay ng apat na estudyante na mismo sa simbahan nangyari ang krimen.
Hanggang ngayon hindi pa rin matukoy kung ano ba talaga ang plano ni Marvey sa kanila. Natatakot na ang ilan, lalo na ang mga Padre at Madre. Hindi malabong sila ang isusunod.
Hindi lang basta-basta demonyo si Marvey, higit pa ro'n. 'Di sila mapakali na baka mas malala pa ang gagawin ni Marvey sa kanila. May lakas man sila na lumabas ngunit hindi pa rin sapat iyon.
“Sa ngalan ni—”
'Who are that people I see?
Staring straight right back at me.'
Lahat ng taong nakapalibot sa isa't-isa ay natulos sa kanilang kinatatayuan. Kanilang pinakiramdaman na baka guni-guni lang ang kanilang narinig. Nang marinig ulit ang awit ay do'n na nagsimulang nag-panic ang mga kantores.
Mga Padre at Madre naman, pinakiramdaman ang paligid. Hawak nila ang bibliya at rosaryo habang kung saan-saan na ang mga mata nakatingin.
Mas lumakas ang boses ang umalingawngaw sa simbahan. Mabilis na pag-awit at pagbigkas ng lyriko hanggang sa naging malumanay ang nasa likod ng boses na kanilang naririnig.
Tumigil ang kanta. Agad na nilapitan ni Padre Norman ang mga estudyante na hanggang ngayon 'di pa rin mapakali.
“Bumalik muna kayo sa inyong kwarto.” Batid ni Padre Norman na papalapit na ang mga masamang nilalang sa kanila kaya hanggat maaari, kailangan nilang iligtas at itago ang mga estudyante.
Napailing ang iba at sumunod naman ang ilan sa kanila. Kahit sila'y natatakot na rin.
“P-Paano po kayo, Padre Norman?”
“H'wag n'yo kaming alalahanin. Kaya naming patalsikin kung sino man ang desperadong nakapasok dito sa simbahan.”
Tatanggi sana sila sa gustong mangyari ni Padre nang biglang sinakop ang buong silid ang halakhak. Hindi matukoy kung ilan sila ngunit halatang madami sila.
Walang ibang maririnig kundi ang kanilang halakhak. Mas lalong namayani ang nakatatakot na tensiyon sa pagitan ng Madre at Padre.
“Bumalik na kayo sa kwarto!” sigaw ng isang Padre. Kumilos naman silang lahat.
Unti-unting lumalakas ang tawa na tila mali ang desisyong ginawa nila.
Kulang na lang liparin nila ang sarili para makaabot sa kanilang kwarto habang nagsisitakbuhan ang mga estudyante.
Samantala ang mga Madre at Padre ay kapwa nagtipon-tipon sa gitnang parte ng altar. Hinayaan muna nila ang naudlot na pagdadasal sa namatayan.
Lahat sila'y nakapabilog ang pwesto na kapwa magkahawak kamay. Pinikit nila ang kanilang mga mata at malakas na binigkas ang dasal. Ramdam na nila ang papalapit na nilalang.
Nasa kalagitnaan pa sila nang pananalangin nang biglang nawala ang nagtatawanang boses. Tuloy-tuloy sana ang kanilang pagdadasal nang lumipad sa ere ang mga Madre at Padre.
Napaatras ang iba, napabitaw sa mga kamay na kapwa magkahawak kanina.
“Diyos ko, h'wag n'yo po kaming pababayaan!”
Tinatatagan ng iba ang sarili na h'wag matakot sa ano 'mang masasamang nilalang ang gumambala sa kanila. Lalo lang sila nito tatakutin kapag pinakita nilang kinakabahan sila.
“H-Hindi natin sila kakayanin,” usal ng Padre na kasama ni Padre Norman. “Umalis na lang kayo.”
“Walang aalis!” Dumagundong ang boses sa buong sulok. Ang mga gamit na tahimik na nakapatong ay bigla lang nabasag sa lakas ng impak.
Rinig ang hagulgol ng ilan sa takot. Lumuhod sila sa harapan ng altar, nanginginig na hinawakan ang rosaryo at nanalangin. Hindi na nila nakayanang maging matatag.
Hindi nila magawang manalangin ng diretso dahil sa gumambala ulit sa kanila ang samot saring boses na umaawit at halakhak. Rinig pa ang pagmartya na tila ba mga hukbo.
Lumingon-lingon sila sa ibang direksiyon. Napatayo sila mula sa pagkakaluhod. Nasa di kalayuan nila ang mga kantores na kanina pa nila hinahanap. Nakatayo at madilim na anyo ang nakapalibot dito.
Pumagitna si Padre Norman, walang takot na hinarap ang pinuno. “Anong gusto n'yo? Bakit kailangan n'yong pumatay ng mga inosente?” buong lakas n'yang tanong, umecho pa ang boses sa loob ng simbahan.
Hindi nagsalita ang pinuno nila. Tanging nakangisi sa labi lamang ang makikita rito. Lahat ng kasama nito ay may suot na cassock robes na kulay itim. 'Di nakaligtas sa paningin nila na may bahid na dugo ang kanilang damit .
Unti-unting inangat ng babae ang kan'yang ulo at tinanggal ang talukbong. Napaatras sila sa mapaglarong ngisi ng dalaga.
Huminga ng bahagya si Padre Norman, pinipigilan na umusbong ang pangamba n'ya. “Tulungan mo kam—” agad s'yang pinutol ng pinuno.
“Walang tutulong sa inyo dahil ang simbahang ito ay napapaligiran na ng kasamaan.” Buong-buo ang boses nito na pang-lalaki, malayo sa itsura n'ya na inosente tignan.
Umatras ang iba, samantalang taas noong hinarap ng mga Padre ang mga kasapi ng pinunong nakaangat ng tingin sa kanila.
Nanginginig na tinapat ni Padre Sevilla ang malaking krus sa harapan nila. Ngunit gano'n na lang ang gulat nila nang biglang lumusaw ang hawak-hawak n'yang krus. Nabitawan n'ya kaagad ito bago pa tumulo ang likidong mainit pa sa apoy.
“Makukuha namin ang aming gusto kung ang lahat ng kaluluwa ay iaalay namin sa nakatataas sa lahat,” diniin nito ang huling kataga, huminto ang mga kantores mismo sa harapan ng mga Padre at Madre.
“Gracious and merciful, Fathe—”
Naputol lang iyon nang biglang umangat sa ere ang mga nilalang sa harapan nila. Dahil sa ginawa ng mga Padre at Madre ay mas lalong nagalit ang babaeng pinuno.
Ang susunod na pangyayari ay hindi inaasahan nila Padre. Hindi sila makasigaw habang pataas nang pataas sila sa ere.
Lumitaw sa kanilang leeg ang makapal na lubid na gawa sa bakal sa kanilang leeg. Unti-unting pinupulupot ang kanilang leeg.
Tumingala ang pinuno sa itaas at ngisian ang mga nakabitin sa kisame.
“Walang kaalam-alam na demonyo ang niluluhuran nila. Sana'y mga kaluluwa n'yo mapunta sa impyerno.”
Nanlalaki ang mga mata ni Marvey habang tinitignan ang mga Pari at Madre na nilalagutan ng hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro