Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26(2)

CHAPTER 26.2


THIRD POV,



“S-Sino kayo?”

Hindi maipinta ni Salisca ang kan'yang itsura sa nakita. Kakaibang aura ang mga nilalang na nakapalibot sa kanya.

Ilang segundo ay walang ni isa sa kanila nagsalita. Nakatitig sa kan'ya na para 'bang may binabalak na masama.

Bahagyang napatalon s'ya nang tumunog ulit ang kampana. Bumalik bigla ang kan'yang atensyon sa labas ng binatanang nasa gilid n'ya, mismo kaharap ng hagdanan ng ikalawang palapag kung saan s'ya ngayon.


Napahawak si Salisca sa dibdib at unti-unting nilingon ang mga taong 'di n'ya kilala. Napasinghap s'ya nang makitang wala s'yang kasama. Hinanap n'ya ito sa paligid. Ano ang nangyayari sa kan'ya ngayon?

Humigpit ang pagpiga n'ya sa dibdib habang humihinga nang malalim. Napagtanto n'ya na hindi tao ang nailigtas n'ya at mas nakatatakot do'n, hindi n'ya ito kilala.

Kinakabahan s'ya. Paano na lang kung malaman ni Padre Sevilla na may bumukas ng kwarto sa ikatlong pasilyo. Mali ba ang kan'yang pinagkatiwalaan? Ang tanga n'ya para maniwala kaagad.

Do'n pa lamang s'ya kumilos. Bumaba s'ya ng simbahan at tinungo ang mga kasama n'yang nasa cover court ngayon.

Huminto s'ya sa paglalakad. Nakita n'yang nag-aaway at nagkasakitan ang kan'yang mga kasama.

“Itigil n'yo iyan!” buong lakas n'yang sigaw at pilit silang pinaghihiwalay.

Hindi sila nakinig kaya naman lumabas s'ya ng cover court para humingi ng tulong kay Madre at Padre. Wala na s'yang pakialam kung ano man ang kan'yang natuklasan sa itaas ng simbahan. Kailangan n'yang maawat ang mga kasama.

“Bilisan natin, Salisca,” wika ng kan'yang mga kasama na sumunod sa kan'ya, ilan sa kanila ay galing pa sa ibang section.

Gulat man si Salisca na nakasunod na pala sa kan'ya ang mga kasama. Tumango s'ya at mabilis na naglakad.

Gano'n na lang ang pagkatalon nila sa kanilang kinatatayuan nang yumanig ang lupa. Rinig nila ang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay mula sa kanilang likuran. Mabilis na lumingon si Salisca at gano'n din ang ilan.

“Hindi!” sigaw ng isa n'yang kasama at akmang tatakbo papunta sa bumagsak na cover court nang mabilis nilang pinigilan ito.

Nataranta ang ilan at sumigaw ng buong lakas. Tinatawag ang mga pangalan ng kanilang kaibigan na binagsakan na ngayon ng yero at semento.

Niyakap pa ng isang babae ang umiiyak na kaibigan habang nakatingin sa mga ilang kasama na naiwan sa cover court. Natulos sila sa kanilang kinatatayuan habang tanaw ang kanilang mga kasama na binagsakan ng cover court.


~•~•~•~

AVERY RAMOS,

“Hindi n'yo nakita kung sino ang may pakana nang pagbagsak ng cover court?” tanong ko kay Salisca.

Malungkot s'yang umiling. “Hindi namin nakita ang eksaktong nangyaring pagguho ng cover court. Napag-alaman namin na marupok na ito.”

“A-Alam mo ba kung nasa'n 'yong tinulungan mong estudyante?” kinakabahan kong tanong. Sigurado akong mga dating choir ito.

Paano sila nabuhay ng isang taon na nakaposas lamang sa isang kwarto? Hindi ko natuloy ang pagtungo sa kwarto kaya hindi ko alam na may tao pala ro'— hindi sila tao gaya sa sinabi ni Salisca.

May ideya ako kung ano na ang mangyayari sa amin ngayon, kaya gusto kong makaalis na kami rito bago pa mangyari ang trahedyang sinasabi ni Ma'am.

Natulos sa kinauupuan si Salisca sa 'king tanong. Para 'bang pumasok ulit sa kan'yang isipan ang nagawa n'ya kanina.

“Hindi malabong sila 'yong nagpaguho ng cover court,” salita ng isang lalaki na tahimik sa tabi ni Salisca. “Basi lamang sa kwento ni Salisca, mga masasamang nilalang ang kan'yang natulungan.”

“K-Kasalanan ko ang lahat,” giit ni Salisca at tinakpan ang kan'yang mukha gamit ang kamay at do'n humikbi. Pinapatahan naman s'ya ng mga kasama n'ya.

“Walang may kasalanan sa ating lahat,” saad ni Stephen. “Wala tayong kaalam-alam sa nangyari. Hindi natin batid na may mga sekreto pa palang nakabaon sa simbahan na iyon.”

Tumango ako. “Dapat no'ng una sinabihan na tayo ni Ma'am Karen. Aaminin kong may ilan kaming nalalaman pero nagawa naman naming maisolba ito. 'Yong pinaka-iingatang sekreto nila Padre, 'yon pala ang magbibigay trahedya sa atin. Wala tayong alam tungkol sa iniingatan nilang sekreto.”

“Paano tayo makakaalis dito kung wala tayong ideya sa nangyari no'ng nakaarang taon?” tanong bigla ni Arren, nakasalubong ang kilay sa inis.

“Bumalik tayo sa simbahan,” sagot ni Stephen na ikinasinghap namin.

“Alam mo 'bang pinagsasabi mo, Stephen?!” Tumalbog ang dibdib ko sa isipang babalik kami sa impyernong simbahang iyon. “Kaya nga tayo nandito para magtago. Ano 'mang oras tutugisin tayo ng masasamang nilalang iyon!”

Binigyan ako ni Stephen nang seryosong ekspresyon. “Hanggang kailan tayo magtatago rito, Avery? Hindi masosolba ang problemang ito kung tutunganga lang tayo rito!”

“Hinay-hinay naman ng boses,” singhal ni Arren. “Tama s'ya, Avery.” Binalingan n'ya ako ng tingin. “Baka na roon sa simbahan ang matagal na nating gustong malaman tungkol sa nakaraan.”

“Hindi tayo patatahimikin ng mga taong iyon. Kaya mas mabuti 'pang harapin natin sila kung sakaling sumulpot ito. Ang importante makuha natin ang mga kasama sa cover court. Hindi natin sila p'wedeng iwan dito kung sakali 'mang aalis tayo,” mahabang salaysay ni Stephen.

Bumuga ako nang marahas na hininga at sumang-ayon na rin sa kanilang plano. Nagtulungan kaming lahat. Kahit gusto man naming magsama-sama lahat mamaya, kailangan naming maghiwa-hiwalay para mapabilis ang aming gagawin.

Wala na kaming po-problemahin pa sa pagbukas ng gate. Kailangan lang namin makuha ang mga kasama at malaman ang nangyari no'ng nakaraang taon.

Kaya naman pala sumama rito si Stephen. Gusto n'yang mabigyan ng hustisya ng pagkamatay ng kan'yang ate na hanggang ngayon hindi pa rin makita sa dalampasigan. Kailangan naming iligtas ang ilang choir noon na nakakulong lamang sa madilim na anino.



Sinalubong kami nang nakakabinging katahimikan ng simbahan. Lampara lamang ang tanging nagsisilbing ilaw sa loob. Tulad sa unang tapak ko rito, nakakikilabot at walang kabuhay-buhay ang presensiya ang paligid.

Sa sobrang laki ng simbahan, nagmumukha na itong haunted church. Dagdag pa na hindi pinaayos ang buong simbahan. Maganda sana pero napapaligiran naman ng masasamang demonyo.

“Oh, sh*t!” Biglang tumakbo si Arren papasok sa loob.

Nagkatinginan kaming lahat at sinundan si Arren. Napaatras ang ilan sa amin at kasama na ako ro'n.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan at para 'bang may gustong kumawala sa 'king bibig nang makita ang nasa harapan ng altar.

“Ayaw ko na! A-Ayaw ko na!” Napaupo ang kasama ko, 'di n'ya nakayanan ang kan'yang nakikita.

Wala silang magawa. Wala silang masabi sa nakita. Singhap at hikbi lamang ang kumawala sa kanilang bibig

Ang walang buhay na katawan ni Ericka ay nakapako ngayon sa krus kung saan n'ya rin pinako si Caz. Putol-putol ang katawan ni Sir Robert na nakakalat sa sahig.

Napatakip ako sa bibig. Nanghina ang mga tuhod ko at babagsak na sana sa sahig nang bigla lang may umalalay sa 'kin. Si Stephen.

Napamura sa galit si Arren. Umalingawngaw tuloy ang kan'yang boses sa buong simbahan. Galit at awa ang lumukob sa aking dibdib. Paano nila nagawa ito sa kanila? Walang sino man ang may karapatan na pumatay sa kanila!

Wala na si Padre Sevilla. Nakabitin s'ya sa itaas, nakatabingi ang ulo at nakalabas ang dila. Gano'n din si Madre Susina at Lucia pati na rin ang dalawa naming guro. Wala silang ginagawang masama at nangyari ito sa kanila.

Nakahilera pa silang lahat. Sinadya na ipakita sa amin para makitang kaya nilang gawin ito sa amin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro