Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25 (2)

CHAPTER 25.2

THIRD POV,

“Ang taas pala ng simbahan na 'to. Malawak pa,” komento ng isang babae habang nakakawit ang braso sa kaibigan n'ya.

Inilibot nila ang kanilang paningin sa kabuuan ng simbahan. Maganda, malinis at kumikinang ang mga bagay na mero'n dito. Tila palaging nililinisan.

Nagsimula nang umingay ang mga estudyante na kararating ng simbahan kung saan dito sila mamalagi ng isang buwan para mag-ensayo.

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Marvey!” sigaw na pasinghal ng lalaki na may tattoo sa buong katawan.

Takang lumapit naman ang dalawang babaeng magkaibigan sa kinaroroonan ng pinagkaguguluhan. Alam nilang papatulan ito ni Marvey. Kasing sama yata ng demonyo ang babaeng ito.

“'Di ba alam ng lalaking iyan na kaya s'yang patumbahin ni Marvey, Niña?” tanong ng kaibigan ni Niña na si Galathea. Nakikiususyo sila sa gulo.

Napailing si Niña at hindi sinagot ang tanong ng kaibigan. Alam naman nito ang sagot sa katanungan kaya ayaw na n'yang sayangin pa ang laway sa kakapaliwanag.

“Aww!” hiyaw ng mga kasama nang itulak ni Marvey ang lalaki na walang kahirap-hirap.  Malakas ang impact na bumulagta sa gilid ng sulok ang lalaki kung saan nakalagay ang mga walis tingting at tambo.

“Sh*t!” hiyaw ng lalaki at napangiwi. Tila hindi na makatayo sa kan'yang kinauupuan. Hindi na n'ya nagawang gumanti pa nang sinuntok s'ya ni Marvey sa mukha.

Nagkagulo tuloy ang lahat ngunit walang nagtangkang awatin si Marvey. Batid nilang hindi nila magugustuhan ang magiging kahinatnan nito.

Kasing lamig ng yelo ang mga titig na pinukol ni Marvey sa lalaking nagtangkang bumangga sa kan'ya. Paki ba n'yang binangga n'ya ito? Walang sino man ang makakalaban sa kan'ya.

Yumukod si Marvey at walang awang pinagmasdan ang duguang labi ng lalaki. Tila isang asong takot naman ang lalaking umatras ng upo.

“Sa susunod, kilalanin mo muna kung sino ang binabangga mo,” malamig na turan ni Marvey bago unang tumungo sa Hall ng simbahan kung saan gaganapin ang saglit na pagpupulong.

Huli na nakarating ang mga Padre at Madre. Nagtaka pa sa una kung bakit tahimik ang mga estudyante sa sulok ng espasyo. Nagulantang sila nang makitang nakaupo pa rin ang lalaki sa sahig.

“Anong nangyari sa 'yo, hijo?” alalang tanong ng Madre bago s'ya dinaluhan na tumayo. Nagsitabi naman sila Niña kasama ang mga kaklase n'ya.

Hindi tumugon ang lalaki. Tumayo ito at lumabas ng simbahan. Napatingin tuloy si Niña sa likurang bahagi ng lalaki. Nalulungkot s'ya sa sinapit nito.

Kung tutuusin kaya ng isang lalaki na kalabanin si Marvey. Sadyang may alam sa pakikipag-away ang dalagang iyon at dagdagan pa ang mala-yelong titig nito. Nakakanindig balahibo.

Nagkatinginan na lang ang mga pari at madre sa isa't-isa. Inaya na silang tumungo sa loob ng Hall dahil wala rin sila magagawa pa.

Masigla ang simbahang kinalalagyan ng mga estudyanteng na sa susunod, magiging ganap ng kantores. Balak ng mga Padre na papuntahin sila rito sa simbahan at sila mismo ang aawit sa susunod na misa.

Kasalukuyang nakasuot ng cassock robes ang mga Pari na mahabang damit na sinusuot ng romano katoliko, at iba 'pang mga klero bilang ordinaryong damit, at sa ilalim ng liturgical na kasuotan. Mahabang manggas din na akma sa katawan.

Habang ang mga Madre naman ay nakasuot ng belo na may hawak na rosaryo. Tunika, medalya, coifs (ang cap na isinusuot sa ilalim ng belo) at sandals.

Nasa sampo ang bilang ng mga pari at mga labing lima naman ang mga madre. Mga mababait at ramdam ni Niña ang pagmamahal nito sa kanila.

Sa kabilang banda, hindi maalis sa mukha ni Marvey ang matinding galit at inis. Hindi alam ni Niña kung bakit palagi na lang ito ganito. Sinawalang bahala na lang n'ya at tinuon sa iba ang pansin.

~•~•~•



Unang gabi na matutulog na sana sila sa pinakaunahang bahagi ng kwarto nang inaya sila ni Padre Norman na sumunod sa kan'ya.

Bahid ang pagtataka sa mga estudyante nang makarating sa ikatlong pasilyo. Ro'n lang napagtanto na rito sila mamalagi habang nandito pa sila sa simbahan.

Tatlong kwarto ang ginamit nila. Maliwanag ang paligid nang buksan ang ilaw ng kwarto nila. Malinis at talaga namang pinaghandaan.

“Hahatiin ko na lang kayo sa tatlong grupo,” usal ng pari at nagawa na nga nitong maihati ang mga estudyante.

Mahigpit na pinagbabawal na magsama ang babae at lalaki sa isang silid kaya naman hiwa-hiwalay ang kwarto ng mga babae at lalaki.

“Gusto ko ro'n.” Biglang salita ni Marvey na nasa tabi ni Padre Norman. Tinuro nito ang nasa ikalawang pasilyo kung saan ang kwartong gusto n'ya.

Pinaglapat ni Padre ang kan'yang palad at ngitian si Marvey. “Kailangan hindi kayo maghiwa-hiwalay, hija. Rito ka na—”

“As if susunod ako sa 'yo,” madiin nitong bigkas. “Gusto ko ro'n at walang makapagpigil sa 'kin!” Mabilis ang martyang umalis si Marvey at pumasok sa kwartong tutulugan n'ya.

Bahagyang napatalon pa si Padre Norman sa ginawa ng dalagita nang malakas na isinara nito ang pinto. Napailing si Padre at sinawalang bahala na lang ang hindi pagrespeto ng babaeng iyon.


(Content warnings: contains scenes of blood, nudity and etc. That might upset readers and make them uncomfortable. Read at your own risk.)



Hindi alam ni Padre Norman kung bakit hindi n'ya magawang pangaralan ang babaeng ngayon ay nakatingin sa kan'ya ng masama. Masyadong madilim ang anyo nito na 'di n'ya maintindihan.

Natahimik ang mga estudyanteng nasa tabi lamang. Wala silang magawa ukol dito, kahit sila ay ayaw nila makisawsaw sa kanila at baka sila naman ang pagdiskahan ni Marvey.

“Kakainit ng ulo,” diing sambit ni Marvey bago tumungo sa kwartong napili n'ya at pumasok sa loob. Malakas 'pang binagsak ang pagkasara ng pinto.

Napahinga si Padre Norman nang mawala sa kan'yang paningin ang babaeng iyon. Binalingan n'ya ang mga estudyante na hanggang ngayon tahimik pa rin sa tabi. Nag-aalala tuloy s'ya na baka natakot sila sa dalaga.

“Ipanalangin na lang natin na maging isang mabuting tao si Marvey. Baka kulang sa pagmamahal ang batang iyon,” alalang sambit ni Padre.

Nagpaalam na si Padre Norman sa kanila. Kan'ya-kanya silang pasok kani-kanilang kwarto at ginawa ang dapat nilang gawin bago natulog sa mga sarili nilang higaan.

Hindi mapakali si Niña. Kataka-taka pa rin ang pagkatao ni Marvey. Hindi n'ya alam kung bakit sumali ito sa choir club. Ang sama ba naman ng ugali at wari 'bang walang patutunguhan ang buhay.

Ayaw n'ya namang magsalita ng tapos. Baka ganito lang talaga ang kan'yang kasama. Baka tama nga si Padre Norman na kailangan ni Marvey na may magmamahal at masasandigan.

Winaksi na ni Niña ang mga bagay na bumabagabag sa kan'yang isipan at ipinikit ang mata upang matulog.


~•~•~•~•~

Umalingawngaw ang malamig na boses sa apat na sulok ng kwarto, mismo pagmamay-ari ni Marvey.

Nakaupo ito habang umaawit ng nakakakilabot na kanta. Hindi ito simpleng kanta lamang, isa itong awitin na hindi mo basta-basta p'wedeng kantahin. Parang awit ito na hinahandog sa demonyo.

Marahan n'yang pinunasan ang anting-anting na hawak n'ya. Tumigil s'ya sa pag-awit at kan'yang sinuot ang anting-anting sa leeg n'ya.

Ngumisi s'ya sa kawalan na tila ba'y nasisiraan na s'ya ng ulo. Hindi lang s'ya nasisiraan ng ulo, kan'yang sinasamba ay isang demonyo. Wala s'yang pinagsisihan nang lumapit s'ya rito.

Dahil dito, naging isang magaling na mang-aawit s'ya sa choir nila. Hindi lang halata sa kan'yang mukha na may interesado s'ya sa bagay na iyon.

Katatapos lang n'ya sa pagtugtog ng piano nang napagpasyahan n'yang matulog sa maliit n'yang kama. Hindi mawala-wala ang mala-demonyo nitong ngiti sa labi hanggang sa ipinikit n'ya ang mata.

~•~•~•~

“Ang galing mo, Niña! Sobrang taas ng boses mo!”

“Paano mo 'yon nagagawa, Niña? Na-shock ako.”

Natawa naman si Niña sa samot saring komento ng mga kasama n'ya. Para sa kan'ya simple lamang ang kan'yang inawit pero tila ba'y isang gifted s'ya kung ipuri s'ya ng kasama.

Nahihiyang ngitian ni Niña ang mga kasama. “Practice at humanap ng inspiration, guys. At higit sa lahat, always pray kay God.” Nakahawak s'ya sa dibdib na wari 'bang dinadamdam ang pananalig sa Diyos.

Sa kabilang banda, hindi nagustuhan ni Marvey ang binibigyan na atensiyon ng mga kasama n'ya sa babaeng walang-wala kumpara sa kan'yang angking galing.

Kinuyom n'ya ang kutsarang hawak n'ya at walang kahirap-hirap na naputol ito sa sariling kamay. Hindi pa nila narinig ang kan'yang boses. Sigurado s'yang titingalain s'ya kapag nalaman nila na mas magaling s'ya sa lahat. Walang papantay sa kan'ya.

Masamang tingin ang kan'yang pinukol sa mga grupo ng babae na nasa gilid ng kan'yang lamesa. Alam n'yang pinag-uusapan s'ya nito.

“May sayad 'yan sa utak. H'wag na kayong magtaka kung gan'yan s'ya kumilos.”

“Totoo. Marami na ring nakapagsabi na galing s'ya sa pamilyang baliw. Illegal ba naman na business ang kanilang ginagawa. Mga demonyo talaga.”

Imbes na mainis s'ya sa pinagbubulungan ng mga kasama n'ya, kusang gumuhit ang ngiti sa kan'yang labi. Proud na proud sa sarili na isa s'yang sayad at demonyo. Totoo naman kasi at hindi n'ya iyon kinakahiya.

Kinalibutan naman mga babaeng nagbubulungan nang makita ang mala-demonyong ngiti ni Marvey. Kumaway pa sa kanila kaya halos kumaripas sila ng lakad-takbo para lang makaalis sa dining room.

Sumunod ang tingin ni Marvey sa nagsitakbuhang mga babae. “Uunahin ko kayo,” naisatinig n'ya.

'Kulang pa ang kan'yang talento at galing. Para madagdagan iyon, kailangan n'yang ialay ang katawan at kaluluwa ng isang tao. Madali lang naman iyon gawin.'  Aniya sa isip.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro