Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

CHAPTER 22

THIRD POV,

“Kumain ka nang marami.” Sunod-sunod ang paglagay ni Chord ng kanin at ulam sa plato ni Caz. “Magpakabusog ka. Hindi 'yong nagdi-diet ka.”

Hindi maiwasang kumurba ang ngiti sa labi ni Caz at humagikgik sa gilid ni Chord. Napatingin tuloy sa kan'ya si Chord, ngiting napailing-iling ito.

“Why so sweet naman, babe?” malambing tanong ni Caz at sumandig sa balikat ni Chord. “Kaya nai-inlove ako sa 'yo palagi, eh,” bola pa nito.

Ngiting-ngiti naman si Chord at mabilis na ninakawan nang halik ang kan'yang nobya.

“Stop flirting with me, babe,” paos na sambit ni Chord pagkatapos nitong bitawan ang labi ni Caz.

Napahagikgik ulit si Caz. “Hindi kaya, 'no!” Tinarayan n'ya si Chord bago inubos ang kan'yang pagkain.

Silang dalawa lamang ang nasa kwarto samantalang mga kasama nila'y nasa itaas ng third floor kung saan nag-eensayo. Nagutom kasi si Caz kaya bumaba sila saglit upang sa kwarto kumain.

Itinabi ni Caz ang ginamit n'yang plato sa gilid ng kama kung saan nando'n ang maliit na lamesa. Tatayo na sana ito nang hinila s'ya ni Chord at bumagsak sa mga hita nito.

Natatawang hinampas ni Caz ang braso ni Chord na nakapulupot sa kan'yang beywang. “Lambing na naman? Kailangan nating bumalik sa itaas, babe.”

Wala s'yang nakitang sagot bagkus naramdaman n'ya ang hiningang tumatama sa kan'yang leeg. Namalayan na lang n'yang nakasubsob ang mukha ni Chord dito.

“Five minutes, please,” pakiusap ni Chord sa malamyos na boses.

Tumango-tango naman si Caz at tumagilid ng upo saka niyakap ang leeg ni Chord. Mas lalong napasubsob ang mukha nito sa kan'yang leeg. Bahagyang sinisinghot pa ang kan'yang amoy.

“Stop doing that,” saway ni Caz kay Chord at mahinang tinampal ang kan'yang balikat.

Mahinang humalakhak si Chord at sinunod na ang kan'yang nobya. Nakikiliti kasi ito sa tuwing sinisingkot ang kan'yang leeg.

Nasa gano'n silang posisyon nang biglang narinig ni Caz ang pagbukas nang marahas ng pinto. Hindi umalis si Caz sa pagkakaupo sa hita ni Chord at nilingon kung sino man ang gumambala sa kanila.

Nagsalubong ang kilay ni Caz nang makita ang kan'yang kasama sa loob ng kwarto.

“Tsk! Why are you here, Ericka?” inis na tanong ni Caz at umalis sa pagkakaupo sa hita ni Chord saka lumipat sa tabi nito.

Nagpalit-palit ang tingin ni Ericka sa dalawang taong nasa kan'yang harapan. “Talagang tinatanong mo pa 'yan, Caz?” 'di makapaniwalang bulalas nito at saka nilapitan si Caz.

Tumingala si Caz kay Ericka. “'Di ba dapat nasa itaas ka? Why are you here nga?” ulit nitong tanong dito.

Mas lalong sumalubong ang kilay ni Ericka sa tinuran ni Caz. “Oras ng practice ngayon kaya h'wag mo akong maganyan-gan'yan.” Binaling nito ang tingin kay Chord, naging malamlam ang kan'yang titig. “Ikaw rin, Chord.”

Tinaas ni Chord ang kan'yang kamay bago tumayo sa pagkakaupo. “Sorry, nagutom lang bigla ang asawa ko,” ngiti-ngiti pa nitong dahilan at kinindatan si Caz.

Parang kamatis tuloy ang mukha ni Caz sa pambobola ng kan'yang nobyo. “Kakairita ka talaga, babe!” hiyaw n'ya at tinulak ito palabas ng kwarto.

Tawa nang tawa si Chord. “Okay, babe. Sumunod ka na lang sa taas, ah?”

“Sige na umalis ka na,” gigil na tanong ni Caz at 'di rin naiwasang mapangiti. Mahilig talaga mambola ang kan'yang nobyo sa kan'ya. Sa kan'ya lang ganito si Chord bagay na nagbigay kiliti sa kan'yang sistema.

Umalis na nga si Chord at naiwan silang dalawa ni Ericka na nakatitig sa labas ng pinto. Tumaas ang kan'yang kilay, alam naman n'ya kung bakit ganito umasta ang kanilang president.

“H'wag 'mong tangkain na agawin sa 'kin si Chord, ah?” pabirong sambit ni Caz at tumawa nang mahina, bumaling si Ericka sa kan'ya.

Mapait na ngumiti si Ericka. “Hindi ko iyon magagawa,” pagtitiyak ni Ericka.

Inakbayan ni Caz si Ericka bago ginaya itong lumabas ng kwarto. “Alam ko naman na 'di mo magagawa iyon. We're friends kaya!” hagikgik pa nito.

Kasalukuyan silang naglalakad hanggang sa makarating ng hagdan. Ngumiti nang malapad si Ericka at huminto sa paglalakad na ikinatigil ni Caz.

Hinarap ni Caz si Ericka. “'Di ba magpa-practice tayo? Tara na.” Hinila-hila ni Caz si Ericka subalit nagmatigas ito.

“May gagawin pa pala ako sa baba,” dahilan n'ya. “Ikaw muna bahala sa kasama natin. I'll be right back.”

Magsasalita pa sana si Caz nang mabilis na humakbang si Ericka papalayo sa kan'yang kinatatayuan. Tinikom na lang n'ya ang bibig at nagkibat-balikat.


Weird naman talagang tignan si Ericka. Matalino naman ito at may itsura, iniisip nga n'ya na baka dahil sa katalinuhan nito ay unti-unting umiiba ang isipan nito.


~•~•~•~

Nakaluhod sa harapan ng altar si Ericka habang tahimik na nanalangin. Matapos n'yang manalangin ay kan'yang inimulat ang mga mata at umangat ng tingin sa krus na nakapaskil sa pader na nasa kan'yang harapan.

Hindi n'ya maiwasang ngumiti ng malapad habang naglalaro sa kan'yang isipan kung paano n'ya mabubura si Caz sa isipa't puso ni Chord. Matagal na n'ya itong gusto at hindi s'ya makapaghintay na mapasa kan'ya ang lalaking kan'yang hinahangad.

Tumayo s'ya sa pagkaluhod at bahagyang yumuko para magbigay galang na nasa kan'yang harapan ngayon bago umalis sa lugar na iyon. Kailangan na n'yang gawin ang kan'yang pinaplano.

Ano ang mas importante? Ang pagkakaibigan nila o ang lalaking hinahangad n'ya? Tanong sa isipan ni Ericka habang papalapit sa kinaroroonan ni Caz.

Nakakokonsensya man pero wala nang atrasan. Paumanhin na kaagad sa kan'yang gagawin ngayon.

Saktong walang taong nasa paligid, tanging silang dalawa lamang ni Caz ngayon. Nakaupo si Caz sa mahabang upuan habang nagbabasa ng notes.

Huminto s'ya sa harapan ni Caz. Unti-unting umangat ang tingin sa kan'ya ni Caz at may pagtataka sa mukha nitong nakatingala sa kan'ya.

“Anong kailangan mo, Ericka?”

“Samahan mo muna akong manalangin ngayon, Caz,” utos n'ya at hinila ang braso ni Caz.

Binaklas ni Caz ang kan'yang kamay na nasa braso nito. “Ikaw na lang. Kita mo namang busy ako rito,” may bahid na irita sa boses ni Caz at umusog ng upo sa gilid.

Sandali natigilan si Ericka, nagngitngit ang ngipin n'ya. “Samahan mo muna kasi ako!”

Bagsak na nilapag ni Caz ang kan'yang notes sa gilid. “Nakaka-buwiset ka talaga!” inis n'yang sigaw at tumayo para harapin s'ya. “If I know hindi ka nagdadasal, Ericka. What's with you?” takang tanong pa nito.

Hindi nagsalita si Ericka at marahas na hinila si Caz. Panay reklamo naman si Caz sa marahas na paghila nito hanggang sa huminto sila mismo sa harapan ng altar.

“Sabi nga'ng ayaw ko!” Marahas na binaklas ulit ni Caz ang kamay ni Ericka sa pagkakahawak dito. “Anong mapapala ko kapag sinamahan kita manalangin dito, huh?!”

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ericka. “Matutupad ang kahilingan ko,” sagot ni Ericka.

Umismid si Caz at pakrus na nilagay ang braso sa kan'yang dibdib. “Seriously, Ericka? Hindi 'yan matutupad,” asik ni Caz. “Depende na lang sa sitwasyon 'yan. Hindi naman basta-basta matutupad ang kahilingan, kaya hayaan mo akong umalis dito.”

Mabilis na hinawakan ni Ericka ang kamay ni Caz nang akmang aalis ito. Bumaba ang tingin ni Caz sa baba at inangat ang tingin sa mukha ni Ericka. Bigla s'yang nanlamig nang makita ang kakaibang titig ni Ericka sa kan'ya.

“Maniwala ka, Caz. Matutupad ngayon mismo ang kahilingan ko.” Nakatatakot na ngiti ang pinukol ni Ericka kay Caz.

Magsasalita na sana si Caz nang mabilis na sinuntok ni Ericka ang tiyan nito na ikinabagsak nito sa sahig. Namimilipit s'ya sa lakas ng suntok.

“B*llsh*t!” sigaw sa sakit ni Caz, nanlalaking inangat ang tingin at kay Ericka. Hindi makapaniwalang sinuntok s'ya nito.

Hindi nakapaghanda si Caz nang sipain s'ya dahilan para mamilipit ulit s'ya sa sakit. Akmang sisigaw s'ya nang mabilis na tinakpan ang kan'yang bibig upang 'di lumikha ng ingay.

Nilapit ni Ericka ang bibig nito sa taenga ni Caz. “Palagi na lang ikaw. Kaya naman, ako ang magiging masaya ngayon.”


Hindi maintindihan ni Caz kung anong ibig sabihin ni Ericka ngunit gano'n na lang ang kan'yang takot nang marahas na pinulupot sa kan'ya ang makapal na tela sa kan'yang bibig.

Pilit na kumakawala si Caz subalit masyadong malakas ang pwersa ni Ericka. Nanghihina na s'ya at walang lakas na ipagtanggol ang sarili.

Samot sari ang pumapasok sa isipan ni Caz kung bakit ito ginagawa ni Ericka. Hindi na n'ya magawang makapag-isip pa nang hilahin s'ya nito papunta sa harapan ng krus.

Umiling-iling s'ya kay Ericka habang umiiyak. Hindi n'ya magawang mailabas ang hagulgol dahil sa nakaharang na tela sa kan'yang bibig.

Imbes na maawa si Ericka ay mas lalo itong ginanahan sa nakikita.

“Mababaling ang atensiyon sa 'kin ni Chord kung mawawala ka sa mundong ito.” Kumuha ito ng martilyo na nakapatong sa lamesa malapit sa krus.

“Hmmp!” Marahas na naglulumikot si Caz. Hindi nya alam na may tinusok pa lang bagay si Ericka sa kan'yang braso. Wala s'yang ideya na planado ang lahat.

Umamo bigla ang mukha ni Ericka. Akala ni Caz nagsisi na ito pero gano'n na lang ang kan'yang hikbi nang tumawa ito nang napakalakas.

“Nakakaawa ka talaga.” Kunwari 'pang pinunasan ang luha sa mata at yumuko nang bahagya sa harapan ni Caz. “Hindi ko gusto ang ugali mo. Hindi ka rin naniniwala na matutupad ang kahilingan ko.” Tinaas nito ang martilyo saka pinakita ang apat na pako sa kan'yang palad. “Kaya ako ang gagawa ng parusa sa matabil at magaspang mong dila.”

Walang ibang inisip ngayon si Caz kundi makawala sa bitag ni Ericka. Pero paano?! Hindi na n'ya magawang igalaw ang kan'yang paa. Kahit ulo n'ya'y naka-steady lamang sa harapan ng mala-demonyong mukha ni Ericka na minsan naging kaibigan n'ya.

Iyak s'ya nang iyak. Hindi n'ya rin magawang sumigaw, tila dumikit ang kan'yang bibig dahil hindi n'ya magawang maibuka ito.

Nanlaki ang kan'yang mata nang itayo s'ya ni Ericka. Alam na n'ya ang gustong mangyari ng babaeng ito. Wala s'yang lakas at ramdam na rin n'yang dito na lang matatapos ang lahat.

Hindi n'ya akalain na magagawa ni Ericka ito sa kan'ya. Parang panaginip lang ang lahat ngunit hindi. Nasa reyalidad s'ya kung saan nararanasan n'ya ang matinding bangungot sa buong buhay n'ya.

Nakatayo s'ya at nasa likuran lamang ang krus. Ayaw n'yang isipin ang susunod na mangyayari sa kan'ya. Mabilis ang galaw ni Ericka at nagawa nitong itaas ang kamay sa kabilang gilid na para 'bang pa-krus ang katawan n'ya.

“'Di ba perpekto ka?” nanunuyang tanong ni Ericka at tinapat ang pako at martilyo sa kanang kamay n'ya. “Pwes gagawin kitang diyosa.”

Impit na napasigaw si Caz nang ipukpok ni Ericka ang pako gamit ang martilyo sa kan'yang kamay. Gusto n'yang gumalaw pero nabigo s'ya.

Tila unti-unting s'yang pinapapatay sa sobrang higpit nang pagkayukom ni Caz sa kan'yang palad.


Nagraragasa ang dugo sa kanang kamay n'ya. Sunod-sunod na bumuhos ang luha sa kan'yang mata. Impit ulit napasigaw nang ipako ang kan'yang kamay at paa sa krus. Napakabrutal ang ginawa sa kan'ya ni Ericka, hindi n'ya ito mapapatawad.


“At nagawa mo pa talagang magsuplada habang umiiyak?” Ngisi pa ni Ericka, tinaas nito ang kahu-hulihang pako. “Sa tingin mo, saan ko ito ilalagay?”

Pikit matang nanalangin na lang s'ya. Buong buhay n'ya hindi s'ya kailanman humingi nang kapatawaran sa diyos. Hindi s'ya ni minsan nanalangin dito. Nagsisi tuloy s'ya sa kan'yang ugali na ubod ng sama.

Tama nga talaga sila, sa huli ang pagsisisi. Kung noon pa sana s'ya may paki sa diyos, hindi ito mangyayari sa kan'ya. Siguro nga tama si Ericka, parusa n'ya ito ngunit hindi n'ya alam kung bakit naging ganito ang kan'yang kaibigan. Kakaiba sa nakilala n'yang Ericka.

“Syempre sa lalamunan mo.”

Hindi nakapaghanda si Caz. Huli na ang lahat para makapagsalita at makaprotesta nang idiin ni Ericka ang pako sa kan'yang lalamunan. Rumagasa ang nagdadamihang dugo sa kan'yang dibdib. Sobrang sakit na hindi n'ya magawang sumigaw.

Natulos na lang s'ya sa kan'yang kinalalagyan. Kumurap-kurap ang matang tumingin kay Ericka. Madami na s'yang dugo na sayang. Hanggang sa unti-unting pumikit ang kan'yang mata.

Sa huling sandali, sumagi sa kan'yang isipan ang mukha ni Chord na nakangiti sa kan'ya. 'Yong mga magulang n'ya na ni minsan hindi n'ya nagawang batiin sa araw-araw sa tuwing kinakausap s'ya nito.

'Maiiwan si Chord pati na rin ang magulang ko.' Bulong sa isipan ni Caz bago s'ya binawian ng buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro