CHAPTER 19
CHAPTER 19
THIRD POV,
“Bakit ka sumali sa choir club? Mas maganda sa music club, Rynne,” wika ni Poiley kay Rynne.
Umangat ang tingin ni Rynne sa kan'yang kaibigan at saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Tila ba'y hindi s'ya tinarayan nito.
“Susunduin ko si Jevain sa Spring Hills. Isang taon na s'ya ro'n at hindi man lang ako tinawagan o 'di kaya'y nagparamdam man lang.”
Hindi n'ya alam kung bakit sobrang tagal do'n ni Jevain sa simbahan kung saan ito magtr-training. Sa pagkakaalam n'ya, dalawang buwan lang ang kan'yang nobyo ro'n.
Umismid at napailing-iling si Poiley sa tinuran ni Rynne. “Sabi ko na sa 'yo hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Malamang sa malamang may iba na 'yon,” pasinghal n'yang usal.
Natigilan si Rynne at mabilis na umiling dito bilang 'di pagsang-ayon. “Mahal ako ni Jevain, hindi n'ya magagawang lokohin ako,” pagtanggol n'ya. “Nasabi n'ya rin sa 'kin na mahina ang signal sa Spring Hills.” Hinawakan ni Rynne ang kan'yang baba at napaisip. “Isang taon, sobrang tagal n'ya namang makabalik dito.”
Kahit nagtataka si Rynne kung bakit sobrang tagal ang ginugol ni Jevain sa pagtr-training sa pagiging choir ay iniisip na lang n'yang hindi pa makakaalis ang kan'yang nobyo. Kailangan kasing magtagumpay at makakuha ng mataas na grado para makaalis do'n.
Isang taon na walang komunikasyon si Rynne sa kan'yang kasintahan. Sa totoo lang, nalulungkot s'ya na naghihintay sa wala. Anong magagawa n'ya? Pag-ibig n'ya rito'y tapat at kayang maghintay ng ilang taon.
Kailanman hindi iniisip ni Rynne na may ibang babae si Jevain. Nakausap n'ya ang mga magulang nito at wala namang nabanggit na may ibang babae ito. Sa katunuyan nga, saksi ang mga magulang ni Jevain sa sakripisyong binigay ng kanilang anak.
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Isang taon at hindi ka pa nagtaka ro'n?” Umismid si Poiley . “'Di bali, makikita mo na s'ya ng ilang araw. Tama ring sumama ka sa choir club para makita mo na s'ya. Para naman masaksihan ang ginagawang kalokohan ng ex mong iyan,” diin pa n'ya sa salitang 'ex'.
Tumawa nang mahina si Rynne sa sobrang lawak ng imahinasyon ng kan'yang kaibigan. “Hindi maman kami naghiwalay, 'no,” pagtatama n'ya.
“Whatever,” tanging tugon ni Poiley bago nagpaalam sa kan'ya na babalik sa kan'yang room.
Bumaba ang tingin ni Rynne sa kan'yang pagkain na nasa lamesa nakalatag. Ngumiti s'ya nang mapait at kumain mag-isa.
Sanay na s'yang mag-isa simula nang umalis si Jevain. Hindi n'ya mapigilan na alalahanin ang mga ala-alang kasa-kasama pa n'ya ang kan'yang nobyo.
Isang maka-diyos ang kan'yang kasintahan. Hindi naman sa puntong magpapari ito kundi sa pagiging isang mabuting tao at kasintahan. Palagi s'yang pinapaalalahanan na manalangin sa tuwing kakain, matutulog at iba pa.
Kaya imposible para sa kan'ya na maisip na may iba itong mahal bukod sa kan'ya. Ilang taon silang magkasama at sa ilang taon na iyon ay kilala na nila ang isa't-isa.
Nakasakay si Rynne sa magarang sasakyan na mismo pagmamay-ari n'ya. Hindi nga lang s'ya ang nagd-drive nito, kundi mismo sarili nilang family driver.
Nakabaling ang kan'yang ulo sa labas ng bintana kung saan makikita ang ilang simpleng kabahayan. Hindi n'ya maiwasang mangamba at makaramdam ng pagkasabik. Malapit na n'yang makita ang kan'yang kasintahan. Mayayakap at madama na n'ya sa wakas ang presensya ni Jevain.
Kumusta kaya s'ya? Kawawa naman s'ya at hindi magawang makapasyal sa labas ng syudad. Sigurado s'yang mas lamang ang pagkasabik ng kan'yang kasintahan kapag nagkita sila.
“Nandito na po tayo, ma'am,” biglang sambit ng driver ay sinilip s'ya mula sa likuran.
Natauhan s'ya at mabilis na ngitian ang driver. “Maraming salamat po, manong. Ingat po kayo, ah? Paki sabi kay Mom at Dad na mami-miss ko sila.” Binaklas n'ya ang seatbelt.
Sinuklian s'ya ng magaan na ngiti ng driver. “Makararating po sa kanila.”
Bumungad kay Rynne ang nagkaguluhan n'yang nga kasama nang makababa s'ya ng kotse. Sinara n'ya muna ang pinto nito at naglakad papalapit sa mga kasama n'ya.
Bigla lang umulan kaya naman wala silang nagawa kundi maghintay hanggang sa humupa ito. Sang-ayon naman si Rynne rito, bukod sa mga kasama n'yang atat na atat na makarating sa destinasyon.
“Saan ka matutulog, Rynne?” tanong ng kasama n'ya nang makita s'yang nakaupo sa sahig.
Binalingan n'ya ang tingin ang comforter na kan'yang nilapag. “Dito ako matutulog.” Tinapik n'ya ng bahagya ang higaan at ngitian ng tipid ang kasama.
Binigyan s'ya ng kan'yang kasama ng pagkain na nasa tupperware bago nagpaalam na aalis muna. Tumango naman s'ya at nagpasalamat.
May mga tao talagang binibigyan s'ya ng kung ano-ano at alam n'ya kung bakit gano'n ang kanilang pagtrato sa kan'ya. Maganda ang kan'yang pakikitungo rito at kinakaibigan n'ya halos lahat ng estudyante. Hindi nga lang 'yong kaibigan na palagi n'yang kasama.
Natapos ang kan'yang hapunan nang makabalik sila sa classroom kung saan sila matutulog. Alas-dyes na ng gabi nang magkuwentuhan sila ng kan'yang katabi sa pagtulog.
“Excited ka na 'bang makapunta sa Spring Hills?” tanong ni Rynne at dumapa sa kinahihigaan nitong comforter.
Maririnig pa ang bulungan sa tabi-tabi. Marahil hindi pa makatulog dahil maaga pa naman.
Naka-indian sit si Lorein na kan'yang kausap. “Medyo?” 'di siguradong sagot nito at huminga ng malalim saka yumuko. “Hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako sa simbahan. Wala na ang last batch na choir do'n. Bigla lang sila naglaho na parang bola.”
Hindi inaasahan ni Rynne na masasabi ito ni Lorein. Umupo s'ya nang maayos at hindi na maintindihan ang nararamdamang kaba na namumuo sa kan'yang dibdib.
“S-Sino ba ang babalikan mo sana? May kakilala ka 'bang choir na last batch noon?” Namamawis ang kamay ni Rynne habang hinihintay ang sagot ni Lorein.
Tumango si Lorein at napaangat ng tingin na tila nag-iisip. “Mga kaibigan ko lang naman. Isang taon na silang nando'n sa simbahan. Hindi kami maaaring makapasok sa Spring Hills na walang pahintulot mula sa pari. Kaya lakas loob akong sumali rito kahit hindi ko gano'n ka galing sa pagkanta.” Tumawa pa s'ya sa huli.
Nag-usap pa sila tungkol sa nangyaring insidente. Ro'n na mismo ginapangan ng kaba si Rynne. May mali sa simbahan na nasa Spring Hills. Wala raw ang mga choir do'n. Saan naman pupunta kung sakali 'mang wala sila ro'n?
Hindi pinakita ni Rynne na kinakabahan s'ya. Samot saring negatibo ang pumapasok sa kan'yang isipan.
Paano na lang kung wala talaga ro'n si Jevain? Paano kung wala s'yang inaasahan na Jevain na sasalubong sa kan'ya?
Hindi sinabi ni Rynne na may kakilala s'yang choir na noon pa ay nasa Spring Hills pa rin namamalagi. O baka naman wala talaga si Jevain do'n?
Hindi gano'n ka-komportable si Rynne no'ng unang tapak pa lang n'ya sa simbahan. Walang tao silang nakasalubong nang makarating. Kung gano'n, nasa'n nga ba talaga ang kan'yang kasintahan?
Hindi n'ya maitanong sa mga kasama n'ya kung sila-sila lang ba talaga rito dahil alam din n'yang unang beses pa lang nila rito at wala silang alam na may ibang choir pa nag-training dito noon.
Sinarili n'ya na lang ang tungkol do'n. Tanging si Padre at dalawang Madre lang ang namamalagi rito sa simbahan. Wala silang kasama kaya malamang wala na talaga rito ang kan'yang kasintahan.
“Nasa'n ka na, Jevain?” garalgal n'yang naisatinig sa kawalan habang nakaupo sa hagdanan ng second floor.
Ang ilang kasama n'ya'y nasa kwarto na. Nagpaiwan muna s'ya rito at nagmuni-muni. Gusto n'yang umiyak nang matuklasan na walang Jevain ang sumalubong sa kan'ya. Kahit ilang hibla ng kan'yang pigura ay hindi n'ya rin nakita.
Niyakap n'ya ang sarili at tahimik na umiiyak sa ilalim ng hagdanan. Pinagsisihan nga ba n'yang tumungo pa rito? Pinagsisihan pa ba n'yang sumali?
“Bakit nandito ka pa, Miss?”
Dali-dali n'yang pinahid ang luha sa kan'yang pisngi bago tumayo para harapin ang kanilang choir master na si Sir Robert.
Agaw pansin ang magandang hubog ng katawan ni Sir Robert nang makaharap na n'ya ito. Tumagal ang kan'yang titig sa bandang dibdib nito na siguradong namumutok sa tigas.
Umangat ang kan'yang tingin at halos gusto n'ya na lang lamunin ng lupa nang mapagtanto na kanina pa s'ya tinititigan nito. Umiwas kaagad s'ya ng tingin, hindi naman naalis sa kan'yang isipan ang perpektong mukha ng kan'yang choir master.
“H-Hindi po kasi ako makatulog, choir master.” Lumunok s'ya ng sariling laway nang maramdaman ang bahagyang paglapit ng binata sa kan'ya.
Mapupulang labi na tila tinatawag s'ya. Matangos na ilong at kasing kulay ng chokolate ang kan'yang mga mata. Sa tingin n'ya'y may lahi itong espanyol. Sigurado s'yang hindi nalalayo ang kanilang edad.
“Hindi mo ba narinig ang patakaran ng Padre sa buong simbahan?” Nasa likuran ni Sir Robert ang dalawang braso nang huminto ito sa kan'yang harapan. “Dapat nasa kwarto na kayo pagkatapos ng hapunan. Mahigpit na pinagbabawal ng Padre na gumala at tumambay kayo rito sa labas ng kwarto.”
Napakagat na lamang si Rynne sa sariling labi. Gusto n'yang makapagsalita ngunit hindi n'ya magawa dahil sa tensiyon na nakapagitan sa kanilang dalawa. Hindi n'ya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang kan'yang pakiramdam sa kan'yang choir master. Hindi n'ya ito nagustuhan.
Hindi n'ya pa rin magawang tignan ng diretso si Sir Robert. Kinakapos s'ya ng hininga sa kaba.
“A-Ahh.” Napakamot si Rynne sa batok at sinilip si Sir Robert na takang nakatingin sa kan'yang kinikilos. “S-Sige po, sir. P-Pasok na ako sa kwarto.”
Hindi na n'ya hinintay ang sasabihin ni choir master at agad na kumaripas ng akyat ng hagdan at pumasok sa kan'yang magiging silid. Ni-lock n'ya ito at napasandig sa pinto.
Nakakawala talaga ng hangin ang kan'yang presensiya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang kan'yang epekto. Hindi n'ya pa ito naramdaman at ngayon pa lang.
Nagbihis s'ya sa banyo ng pantulog at humiga kaagad sa higaan. Saglit n'yang binalingan si Avery na bumubulong-bulong. Hind n'ya narinig ang binubulong ng babae. Nanaginip siguro ang kan'yang kasama.
Siguro isang magandang panaginip ang napaginipan ni Avery. Kakaibang ngiti ba naman ang nakapaskil sa labi nito habang natutulog.
Pinikit n'ya ang kan'yang mga mata. Bago pa man s'ya makatulog ay kan'yang narinig ang mabibigat na yapak na para 'bang papunta sa kan'yang gawi.
Hindi na n'ya magawang buksan ulit ang mga mata nang lamunin s'ya ng pagod at antok na nararamdaman. Hindi na n'ya sunod nalaman ang nangyayari sa loob ng kwarto.
~•~•~•~
“Wait.” Nanlalaki ang mata ni Rynne, tinignan n'ya si Avery na nanlalaki ang mga mata.
Unti-unting huminahon si Rynne sa gulong nararamdaman n'ya. “Ibig sabihin nito may nakagamit na noon sa mga damit na 'to.”
Bahagyang lumunok s'ya ng laway at tila pareho ang kanilang iniisip. “S-Sigurado akong may nangyaring masama sa mga nakagamit nito.” Kinuha ni Avery ang nag-iisang robes na halos tadtadin ng pulang kulay ang buong tila. “Hindi lang ito basta-basta mantya, kundi dugo.”
~•~•~•~•~
Mariin na pinikit ni Rynne ang kan'yang mga mata. Gusto na n'ya matulog upang hindi maramdaman ang takot na gumagapang sa kan'yang sistema.
Binabagabag pa rin s'ya ng kalituhan sa nasaksihan. 'Yong robes na iyon. Sigurado s'yang nagamit iyon noon ng mga choir, kasama ang kan'yang kasintahan na si Jevain. Hindi maaaring hindi sa kanila iyon. Tila hindi pa pinaglumaan ang tila at bakas nito na mantya sa damit.
Umiling s'ya at bumalik sa kalagitnaan n'yang pagtulog. Kan'yang naramdaman ang pagtayo ni Avery at kasabay no'n ang pagbukas-sara ng pinto.
Lumingon s'ya banda sa pinto. Alam n'yang tatagpuin nito si Arren na kasama nitong solbahin ang misteryo sa simbahang ito.
Napagpasyahan na lang n'yang bumalik sa tulog at tulungan sila bukas sa paghahanap ng kung anong bagay na magiging silbing sagot sa kanilang katanungan.
~•~•~•~
Alas tres nang madaling araw naalimpungatan si Rynne. Naalimpungatan s'ya dahil sa paglubog ng kan'yang kama.
Napaupo s'ya sa kan'yang kinahihigaan at kinusot ang mata para maging klaro ang paningin n'ya. Unti-unti n'yang minuklat ang mga mata nang bahagya at nakitang wala namang taong may nakaupo sa kan'yang kama.
Nakapagtataka. Parang may umupo kanina sa kan'yang kama at kan'yang pag-upo ay hindi na n'ya naramdaman ang paglubog ng kama.
Napagpasyahan n'yang kunin ang mga robes na nakatago sa aparador. Gusto pa n'yang kumpirmahin kung may kakaiba ba sa damit na iyon.
Napabaling ang kan'yang ulo kung saan nakahiga si Avery. Inakala n'yang nag-iimbestiga pa rin sila ni Arren. Dalawang oras kung gano'n ang kanilang ginugol sa labas.
'Yon ang sa tingin n'ya. Tila katutulog pa lang ni Avery. Pagkakuha n'ya ng robes sa aparador, gano'n na lang ang kaba n'ya nang marinig ang tunog ng musika na sa tingin n'ya'y galing sa music box.
Palinga-linga s'ya sa paligid pero wala s'yang nakitang bagay na nagbibigay musika sa silid. Huminto muna s'ya sa kan'yang kinatatayuan at pinakinggan nang maigi ang musika.
Dahan-dahang napatingala s'ya sa kisame. Bakit may naririnig s'yang musika sa itaas mismo ng kisame? May tao ba rito o ano?
Sunod-sunod na tumambol ang kan'yang dibdib nang mapagtantong nasa itaas nga nanggagaling. Nakumpirma n'yang dito nga galing dahil sa nakitang padlock na para 'bang may bumukas nito.
Napatingin s'ya kay Avery. Baka tulog mantika na 'to. Hindi naman siguro s'ya magigising kung aakyat s'ya sa itaas.
Kinuha n'ya ang plastic chair sa gilid nang kinahihigan ni Avery at nilapag sa kama. Dahan-dahan s'yang sumampa sa upuan at kan'yang tinulak ang nagsisilbing pinto ng kisame.
Namangha s'ya sapagkat ngayon lang s'ya nakakita ng ceiling room. Walang paligoy-ligoy s'yang sumampa rito at binuhat ang sarili para makaayat.
Napalingon s'ya sa likuran at napapikit ang mga mata ng mariin. Tumumba ang plastic chair sa sahig dahilan upang lumikha ng ingay. Takot naman s'ya na baka magising ang mga kasama n'ya. Gano'n na lang ang kan'yang pasasalamat na hindi naman sila nagising.
Hinayaan n'yang nakabukas ang kahoy na gawa sa tabla na nagsisilbing pinto sa ceiling room. Tumayo s'ya nang matuwid nang makatapak na s'ya rito.
Madilim at tila wala s'yang makapa na kahit anong bagay na nasa paligid. Tinaas n'ya ang kan'yang mga kamay sa ere at dahan-dahang naglakad. Kumakapa-kapa s'ya sa paligid at umaasang makapa n'ya ang pambukas ng ilaw.
Nanginginig na ang kan'yang mga kamay sa kaba. Bakit ang tagal n'yang mahanap ito? Inis na inis na s'ya na walang kahit na anong ilaw s'yang makita.
Hanggang sa may nahawakan s'yang tela. Kinapa-kapa pa n'ya ito para kumpirmahin kung anong tela ito.
Nanindig ang kan'yang balahibo nang makapa n'ya ang malagkit na nasa damit. Iniwas tuloy n'ya ang kan'yang kamay at kinuyom ito. Tila may malagkit na likidong nakadikit sa kan'yang palad.
Tinapat n'ya ulit ang kamay sa tela na kan'yang nahawakan. Isa itong mahabang damit. Hindi n'ya matuloy kung anong klaseng damit ito.
Nang kan'yang hinila ang damit ay ang paglitaw nang kaunting liwanag sa loob ng silid na kan'yang kinalalagyan na nagmumula sa liwanag ng buwan.
Agad n'yang binitiwan ang tela na may bahid na pulang likido. Masangsang kaya ngiwing pinahid n'ya ang kamay sa kan'yang damit.
Dinala s'ya ng kan'yang mga paa sa mahabang piano na tahimik na nakalagay sa sulok ng silid. Maalikabok lahat ng mga gamit dito kaya naman binahingan s'ya.
Titignan sana n'ya ang malapad na cabinet na nasa gilid ng piano nang tumunog ulit ang music box.
Wala s'yang kasama at dagdag pa na parang nasa teleserye s'ya na may nakatatakot na tunog na halos umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. Nakakilabot. Pinagsisihan tuloy n'yang umakyat pa rito.
Aalis na ana s'ya sa 'di makayanan na kan'yang kaba nang may natapakan s'yang kahon sa sahig. Bumaba ang kan'yang tingin dito at saka kinuha ang maliit na kahon.
Dahil sa kuryusidad, binuksan n'ya ito. Album na kulay itim ang nasa loob. Tumambol nang mabilis ang kan'yang dibdib nang makita ro'n ang robes na kulay itim.
Hindi ba 'to kasama sa ibabang aparador? Kan'yang tanong sa isipan.
Nilapag muna n'ya ang kahon sa piano at kinuha ang album. Binuksan n'ya ito. Mas lalong lumakas ang tunog ng music box na hindi n'ya alam kung saan nanggagaling.
Pumatak ang isang butil ng luha sa kan'yang mga mata nang makita ang larawan na nasa album.
Ang kan'yang kasintahan na si Jevain ang nakapaskil sa larawan kasama ang mga ka-myembro n'ya sa choir. Natandaan n'ya na bago pa umalis si Jevain, suot-suot nito ang robes na katulad ng kan'ya.
Ibig sabihin ba nito nandito pa rin sila? Nasa'n sila kung gano'n?
Tarantang binuksan n'ya ang panibagong pahina at do'n na s'ya nanghina sa nakita. Nakasabit nang patiwarik sa itaas si Jevain. Labas ang dila at wala ng buhay.
Nanghihina at putol-putol ang pagsigaw ni Rynne sa iyak. Nabitawan n'ya ang album. Mabilis s'yang tumungo sa nakitang banyo na nakabukas. Isusuka n'ya sana ang pagkain na nasa kan'yang tiyan pagkatapos n'yang makita ang brutal na pagkamatay ni Jevain.
Hindi n'ya na maintindihan kung ano ang uunahin. Aalis na s'ya rito o humingi ng tulong sa kan'yang mga kasama.
Lalabas na sana s'ya ng banyo nang biglang sumara nang napakalakas ito. Nanginig ang kan'yang katawan at natulos sa kinatatayuan.
Paanong nangyari iyon gayong s'ya lang naman ang tao sa loob? Imposible na hangin ang tumanghay rito. Mas lalong bumuhos ang kan'yang luha. Hindi na maawat ang kan'yang paghikbi sa naramdamang takot.
Lumunok s'ya nang sariling laway at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik ngunit nakakangamba. Tila pinaglalaruan s'ya ng demonyo nang marinig ang kaluskos banda sa kan'yang likuran.
Ayaw n'ya sanang lumingon ngunit kinain s'ya ng kuryusidad kung anong ingay nasa kan'yang likuran. Paglingon n'ya rito ay kaagad nanlaki ang kan'yang mga mata. May tao sa kan'yang harapan na nakatayo 'di kalayuan sa kan'yang pwesto.
Hindi s'ya makapaniwalang nandito s'ya mismo sa kan'yang harapan. Hindi s'ya maaaring magkamali, kilala n'ya ito. Paano s'ya nakapunta rito gayong wala naman s'yang naramdaman na may umakyat dito.
“Sana hindi ka na lang tumungo rito,” ngiting sambit ng kan'yang kasama sa banyo. Hindi s'ya 'yong klaseng ngiti na magbibigay gaan sa kan'yang kalooban. Kasalungat ito sa ibig nitong iparating sa kan'ya.
Hindi s'ya makapaniwala sa nakikita ngayon. Ibang-iba s'ya kumpara sa nakilala n'ya. Ang kan'yang mukha na mala-anghel ay tila naging demonyo. May balak yatang masama sa kan'ya na kan'yang ikinabalisa.
Tatakbo na sana s'ya papalabas ng banyo nang mabilis s'yang nahila nito. Bago pa man s'ya nanlaban ay mabilis ang paggalaw ng mabangis na hayop na nasa kan'yang likuran na tila uhaw na uhaw.
Namalayan na lang ni Rynne na nakapalibot ang lubid sa kan'yang leeg. Bago pa man s'ya humingi ng tulong ay kasabay ro'n ang pagtaas n'ya sa ere. Nalagutan s'ya ng hininga sa sobrang higpit at tusok-tusok na lubid na nasa kan'yang leeg.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro