Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

CHAPTER 17


“I-Ikaw.”

Bakit n'ya nagawa ang lahat ng ito kay Rynne? Wala nang buhay ang katawan ni Rynne at nagawa pa n'yang babuyin ito at itinago pa talaga sa amin ang katawan!

Hindi ko alam kung ano pa ang dahilan n'ya bukod sa gusto n'ya si Rynne.

Bumuka ang kan'yang bibig at umiling sa akin na para 'bang mali ang iniisip ko.

“M-Mali ang iniisip mo, Avery.” Humakbang s'ya nang dalawang beses subalit kaagad kong tinaas ang dalawa kong kamay.

“D-D'yan ka lang!” buong lakas kong sigaw.

Nanginginig ang kalamnan ko sa panggigigil. Gusto kong tumakbo na lang at h'wag s'yang kausapin. S'ya ba ang gumahasa kay Rynne?

“H'wag na h'wag mong tatangkain na gawin sa 'kin ang ginawa mo kay Rynne!” dugtong kong sigaw, umatras ako sa gilid ng pader. Hinablot ko ang stick na nakapatong sa lamesa. “H'wag 'kang lalapit!”

Lumamlam ang kan'yang ekspresyon at sinunod ang gusto kong mangyari. Samot saring ideya ang sumasagi sa 'king isipan. Hindi ko magawang makapag-isip ng plano. Kapag inalis ko ang tingin sa kan'ya, baka sugurin n'ya ako.

“Avery,” mahina n'yang tawag, gusto n'yang lumapit sa 'kin, tinapat ko kaagad ang matulis na stick sa kan'yang harapan. Natigilan s'ya.

Hindi ko na namalayang tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Binantayan ko ang bawat galaw n'ya at baka ako na naman ang mapahamak.

Nilunok ko ang sariling laway na nagbabara sa 'king lalamunan. “S-Sabihin mo ang totoo, Neon. Ikaw ba ang gumahasa kaw Rynne?” Balisa ang isip ko lalo na nandito s'ya sa 'king harapan.

Kita ko ang matinding pagtanggi sa kan'yang mukha at marahas na umiling ulit. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Avery. B-Baki—”

“Sinungaling!” Putol ko sa kan'yang sasabihin. “Bakit ka nandito kung gano'n? Bakit nandito ang katawan ni Rynne? Wala naman s'ya rito no'ng huli naming kita.”

Biglang lumandas ang luha sa kan'yang pisngi harapan na ikinagulat ko. “G-Ginahasa.... T-Totoong ginahasa s'ya?”

'Di s'ya makapaniwalang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Rynne. Para bang nakakita s'ya ng multo.

Nanlaki ang kan'yang mga matang nilingon ako at nilipat din ang tingin kay Rynne. Napakapit s'ya sa pinto nang mawalan s'ya ng balanse. Parang nanghina s'ya bigla.

Pinunasan ko ang aking luha at binaba ang stick. “H'wag ka nang magpanggap pa.” Umiling ako sa kan'ya. “Hindi ako makapaniwala na kaya mo itong gawin sa kan'ya.”

Marahas na umiling s'ya ulit. “M-Maniwala ka, Avery! Wala akong alam sa nangyayari!” umiiyak n'yang giit. “I swear na wala akong kinalaman tungkol sa kan'ya. Hinahanap lang kita at napapunta rito. Kanina ka pa nawawala kaya halos kaming lahat ang naghahanap sa 'yo.”

Pilit kong kinukumbinsi na s'ya talaga ang bumaboy sa katawan ni Rynne. Maaaring totoo ang kan'yang sinabi. Ngayon ko lang naalala na ilang oras na pala ako sa itaas. Mabilis ang oras kaya 'di ko namalayang hapon na.

“Totoo ba ang sinasabi mo?” ulit kong tanong. Desperado naman s'yang tumango at lumapit sa 'kin.


Sinabi pa n'ya ang ilang dahilan kung bakit s'ya tumungo rito. Si Arren, paniguradong nag-aalala na sa 'kin.

May parte sa 'kin na hindi naniniwala kay Neon subalit magkatugma naman ang kan'yang pinahayag. Hindi s'ya, pero sino?

“G-Ginahasa s'ya? Paano mo naman nasabi?” tanong ulit ni Neon.

Hindi ko pa kayang iwan si Rynne gayong nasa tabi ko na s'ya. Tumabi kaming dalawa ni Neon sa kinahihigaan ni Rynne.

Huminga ako nang malalim. “N-Nakita namin noong nakaraang gabi ni Arren. Bigla lang kasi namin nakita si Padre na tumungo rito at nalamang nandito si Rynne nakahiga.” Binalingan ko ng tingin si Rynne.

Hindi ko alam kung mapagkatitiwalaan ko ba si Neon. Kailangan kong sabihin sa kan'ya ang lahat nang sa gano'n makumpirma ko sa kan'yang ekspresyon kung nagsasabi s'ya ng totoo.

Nanigas s'ya sa kan'yang kinauupuan. “K-Kasama mo pala si Arren?” gulat n'yang tanong nang maikuwento ko sa kan'ya ang buong pangyayari.

Takang tumango ako, nagtagal ang titig n'ya sa 'kin.

“Hindi mo talaga kilala si Arren, Avery. Hindi ko alam kung binalaan ka na ba ng ilang kasama natin pero sasabihin ko pa rin ang tungkol kay Arren.”

Pigil hininga ko namang inaabangan ang susunod n'yang sasabihin. Ilang beses nga nila akong pinagsabihan, hindi sinabi sa 'kin kung anong dahilan.

Ngayon ko lang napagtanto na may kakaiba kay Arren. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon.

“Lumalabas ng simbahan si Arren tuwing gabi. Ang nakapagtataka ro'n ay wala s'yang kasama at hating-gabi pa,” turan n'ya na ikinakunot ng noo ko. “Hindi mo na ba nabilang ang mga kasama natin sa choir?”

“Apatnapu't lima tayo. Anong mero'n?” tanong ko, naguguluhan ako kung ano ang kinalaman sa bilang ng kasama namin.

Umiling s'ya. “Apatnapu na lamang tayo natitira, Avery. Masyado 'kang tutok sa ibang bagay kaya hindi mo namalayang unti-unti tayong inuubos nang kung sino.”

Malakas na pumintig ang aking dibdib. Apatnapu. Bali dalawa ang patay tapos tatlo 'yong nawawala.

“At ang sinasabi ko na sino ay walang iba kundi si Arren. Palagi s'yang gising sa hating-gabi at kinaumagahan no'n ay unti-unting nawawala ang mga isa-isa nawawala ang mga babae.”

Kinalibutan ako sa kan'yang tinuran. Umiling ako. “Hindi totoo 'yan. Palagi kaming magkasama, kaya h'wag mo s'yang sirain sa 'kin!”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Akmang pipihitin ko na sana ang pinto nang pinigilan n'ya ako.

“Hindi n'yo alam na naghahanap ako rin ako ng butas. Ngayon ko lang nalaman na si Arren ang may pakana ng lahat.”

Salubong ang kilay kong binalingan s'ya. “Sinungaling! Magkasama kami araw-araw kaya imposible ang sinasabi mo!”

Marahan n'ya akong hinawakan sa balikat at niyugyog. “Aminin mo na misteryo rin para sa 'yo si Arren,” giit n'ya, umiling ulit ako. “Nalaman namin, Avery na palibot-libot s'ya sa buong simbahan tuwing gabi. Magka-myembro kami kaya alam ko kung saan s'ya palagi.”

“So, sinasabi mo na s'ya ang gumahasa kay Rynne? Magkasama kami no'n!”

Binitawan n'ya ako at tinitigan sa mga mata. “Hindi pa rin magbabago na may kinalaman s'ya rito,” giit n'ya na ikinainis ko lang. “Kung hindi man s'ya ang gumahasa kay Rynne, baka kasama n'ya ito. Kung hindi nga s'ya, paano mo maipapaliwanag kung bakit nakabitay sa itaas ng ceiling room si Rynne? Ang masaklap, s'ya ang unang nakakita.”

Napaisip din ako tungkol do'n ngunit hindi talaga si Arren ang may kagagawan ng lahat. Oo, inamin sa 'kin ni Arren na lumalabas s'ya ng hating gabi pero wala s'yang ginagawang masama.

Walang alam si Arren sa ceiling room kaya imposible ang sinasabi ni Neon.

“Dahil lang do'n pinapalayo n'yo ako kay Arren. Hindi s'ya masama, alam kong nasa paligid natin ang totoong may kagagawan ng pagkawala ng tatlong babae.”

Walang nagawa si Neon kundi tumango na lang bilang pagsuko. Bumuga s'ya ng hininga sa pagkadismaya na hindi ko s'ya pinaniniwalaan.

“Basta sinabihan na kita.” Tuluyan ko na nga'ng nabuksan ang pinto saka lumabas.

Hindi pa man ako nakalalayo nang humabol pa s'ya ng sasabihin.

“May record na rin si Arren sa salang pagpaslang sa kan'yang mga kapatid na babae. Kaya sigurado ako na may kinalaman s'ya. Ang kriminal, walang pag-asang magbago pa kung ilang ulit n'yang ginagawa ang mga kasalanan.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro