CHAPTER 15
CHAPTER 15
Malapit na ang hating gabi nang kumilos kami. Hindi kami gumawa ng ingay habang tahimik na binabaybay ang daan papalabas ng simbahan. Bitbit nga lang namin ang tsinelas nang nasa hagdan na kami bumababa.
Walang nagsasalita at tanging senyas lang ang ginagawa namin para magkaintindihan.
Mabilis kaming lumapit sa malaki at mataas na pinto ng simbahan. Nando'n si Ericka, nagawa n'yang buksan ang pinto gamit ang susi na kinuha n'ya kay Padre.
Pagkabukas ng pinto ay sunod-sunod na nagsilabasan kaming lahat. Nanginig pa ang katawan ko sa lamig ng panahon.
Sinalubong kami ng madilim na paligid. May narinig pa akong huni na parang ibon na 'di ko matukoy kung anong klase ito.
Hinawakan ni Arren ang aking kamay kaya napatingin ako sa kan'ya. Ito na naman ang abnormal kong puso, kumakabog nang mabilis. Sana hindi n'ya naririnig.
“H'wag kang lalayo sa 'kin,” sambit n'ya, masyadong malalim ang ibig n'yang iparating sa 'kin.
“Paano si Carlo at Stephanie?” taranta kong tanong. Ngayon ko lang sila naalala.
Lumingon-lingon ako sa paligid at kaagad nakitang nasa pinakaunahan sila naglalakad. Tumuloy kami sa paglalakad kahit hindi namin batid kung makikita ba namin ang malapad na gate na isang beses naming nakita.
Hindi namin magawang tumakbo, kailangan naming alalahanin kung saan ang daan patungo ng gate.
“Maayos naman sila ro'n.” Turo pa ni Arren kila Carlo, sinabayan n'ya ako sa paglalakad. “Tayo dapat ang palaging magkasama.”
May sinasabi ang mga kasama namin pero masyadong nakapukos ang atensiyon ko kay Arren lalo pa sa binitawan n'yang salita.
Hindi ko maiwasang mag-assume na baka parehas ang aming nararamdaman. Imposible rin na may gusto s'ya sa 'kin. Sinabi sa 'kin ni Carlo na wala s'yang girlfriend dahil takot daw sa commitment. Hindi ko alam kung paano nila iyon nalaman.
“Bakit naman?” Gusto ko 'pang dagdagan ng ilang katanungan na bumabagabag sa 'king isipan ngunit pinigilan ko na lang na h'wag sabihin.
Nagkibat-balikat s'ya at ngitian lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit takot sila minsan kay Arren. Halos silang lahat walang tiwala sa kan'ya. Bakit hindi ko makita na isa s'yang masamang tao kung gano'n?
Palagi s'yang nand'yan sa 'kin kahit kakikilala pa lang namin. Tahimik s'yang tao pero makikita naman sa bawat kilos n'ya na may paki s'ya sa amin.
Hindi nila alam na kaming dalawa ni Arren ang pumoprotekta sa kanila.
Tumigil ang ilan kaya nagtatakang nilibot ko ang tingin sa kanilang lahat. Nagtataka rin ang iba.
“Bakit kayo tumigil?” tanong ng kasama namin na babae.
“Shh!” singhal ni Ericka at itinapat ang hintuturo sa bibig na para 'bang sinasabing tumahimik kami. “Did you hear that?”
“Ang alin?” Lumapit sa kan'ya si Venezia.
Mahinang inikot ni Ericka ang kan'yang ulo sa kabilang gilid. Natahimik naman kami nang unti-unti naming napagtanto na may sumisigaw sa 'di kalayuan sa 'min.
“Students!”
Napasinghap kami. Si choir master iyon at alam kong malapit na n'ya kaming maabutan.
“Sh*t! Paano n'ya nalaman?!” 'di makapaniwalang bulalas ni Ericka.
“We have to hurry! Move, guys!” pasigaw na singhal ni Chord at sinenyasan kaming mauna na.
Wala kaming choice kundi tumakbo. Maaabutan kami rito kung hindi namin gagawin iyon.
“H'wag n'yong tangkain kung ano man ang binabalak n'yo!” rinig pa namin na sigaw sa 'di kalayuan. Malapit na talaga kami masundan ni choir master!
“Bilisan natin!” giit ni Caspian at sumunod ng takbo kila Ericka.
Hinawakan ako nang mahigpit ni Arren sa kamay. “Takbo nang mabilis!”
Tumango ako at sabay kaming lahat na tumakbo sa direksiyon ni Ericka at mga kasama pa nila. Mukhang kabisado ni Ericka ang daan, hindi ko alam kung paano n'ya nalaman.
“Malapit na tayo! H'wag kayong hihinto!” sigaw na ni Ericka nang makita namin na papalapit sa aming direksiyon si choir master.
Magkahawak kamay kaming tumakbo ni Arren. Bigla akong napatingin sa 'di kalayuan ng simbahan.
Nanindig ang aking balahibo nang makitang may nakatayo sa tuktok ng simbahan. Hindi ko alam kung sino s'ya, hindi ko rin makita masyado ang kan'yang pigura. Inalis ko kaagad ang tingin dito. H'wag ngayon.
Nagsimulang tumambol ang dibdib ko nang makitang desidido si choir master na habulin kami at pahintuin kung ano man ang binabalak namin.
“H'wag n'yong sayangin ang pagkakataon na 'to!” sigaw ni Caspian. “Malapit na tayo sa gate!”
Mas binilisan namin ang pagtakbo hanggang sa hinihingal na huminto kami sa harapan ng mataas na gate. Tarantang pinasok ni Ericka ang susi sa padlock.
Lumingon ako sa aming likuran at napasinghap na lang. “Bilisan n'yo!” Tinulungan ko si Ericka sa pagbukas ng gate.
“H-Hindi mabuksan, Avery.” Tinignan ako ni Ericka, nakapaskil sa kan'yang mukha ang pagkawalan ng pag-asa at pagkataranta.
Marahas na umiling ako at kinalampag ang gate. “Hindi! Buksan natin 'to! Ayaw ko na rito!” nanggigigil kong sigaw.
Tinulungan nila akong itulak ang gate pero masyadong matibay ang pagkakasara nito. Wala na itong padlock pero bakit hindi mabuksan-buksan?!
Hinihingal na tumigil sa pagtulak si Arren sa 'king tabi. “Hindi mabuksan. Wala na tayong pag-asa.”
Hindi ko na nagawang makapagsalita pa nang makitang nasa harapan na namin si choir master. Umatras sila nang hakbang at nakipagsisikan sa gate.
Galit na tinignan kami ni si choir master. Patay na naman kami nito. Ngayon lang namin s'ya sinuway, alam kong paparusahan n'ya kami sa ginawa namin.
“Anong ginagawa n'yo, huh?! Aalis kayo na walang paalam sa amin?” buong lakas n'yang sigaw sa amin, nanginginig na rin ang katawan n'ya sa galit.
Wala kaming nagawa kundi yumuko na lang sa pagkadismaya. Malapit na kaming makatakas, eh. Ayaw talagang bumukas ng gate at nakapagtataka iyon gayong wala na s'yang lock.
Humawak si Sir Robert sa kan'yang kanang beywang. Hinihingal na tinititigan kami. Malayo rin kasi ang tinakbo n'ya para maabutan kami.
“Ilang beses ko 'bang sabihin sa inyo na hindi pa kayo maaaring makalabas hangga't hindi n'yo pa natatapos ang kahuli-hulihang performance n'yo,” aniya't bumuga ng hininga. “Ilang araw na lang ang natitira kaya h'wag kayong magmadali. Makalalabas din kayo rito at agad kayong isasalang sa entablado.”
Pumagitna si Ericka at hinarap si Sir Robert. “Alam n'yo 'bang delikado na ang mga buhay namin, master?” nanggagalaiti n'yang usal. “Hindi mamamatay si Caz at Rynne kung hindi dahil sa inyo! Pinabayaan n'yo kami!”
“Hindi sila mamamatay kung hindi sila malikot,” tugon ni Sir Robert. “Sinabihan na kayo ni Padre Sevilla na h'wag n'yong pakialaman ang mga bagay na pinagbawalan n'ya sa inyo. Dahil sa tigas ng ulo n'yo at ayaw n'yong maniwala, baka iisa-isahin na kayo ng mga iyon.”
“Sino sila? Kilala mo po sila, sir?” bigla kong tanong sa kan'ya. Pabilis na pabilis ang pagtibok ng aking puso. Baka may alam s'ya.
Tulad ni Ma'am Karen at Padre Sevilla ay hindi n'ya sinagot ang aking tanong. Napalitan ng takot ang kan'yang mga mata.
“H-Hindi ko sila kilala. Sinabihan lang ako ni Padre Sevilla na sundin ang kanilang pinag-uutos.” Lumunok s'ya ng sariling laway. “Hindi natin sila kilala at maaaring mapahamak tayo kung hindi natin susundin ang utos ni Padre. Masyadong misteryoso ang simbahan kaya wala tayong magawa.”
Nanginig na lamang kami sa takot at tumango kay Sir Robert. Pareho lang ang sitwasyon namin ngayon. Kahit si choir master o sir Robert ay natatakot din sa nangyayari.
Matapos ang paghihirap naming makatakas sa simbahan ay nauwi naman kaming bigo sa aming plano. Napunta lang sa wala ang lahat.
Napag-isipan ko rin na kailangan ko munang manatili rito para alamin ang kasuluk-sulukan na misteryoso rito sa simbahan. Hindi yata ako matatahimik kung wala akong mahanap na sagot.
Pagkapasok namin sa sari-sarili naming kwarto ay kasabay no'n ang pagtunog ng kampana. Hudyat ito na hating-gabi na.
Hindi ko magawang pakinggan ang kani-kanilang reklamo dahil sa kakaibang ihip ng hangin na pumasok sa kwarto.
Umiling ako at tinampal nang mahina ang aking pisngi nang maramdaman ang antok. Tumungo ako sa 'king kama at humiga rito.
Gaya nila humiga rin sila sa kani-kanilang higaan. Alam kong nalulungkot sila, hindi lang dahil sa hindi namin nagawang makatakas kundi dahil hindi namin alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin.
Bago pa man ako hilahin ng antok, isang ihip ulit ng hangin ang dumampi sa 'king balat. Mahinang tugtog ng musika at pagkanta ng isang babaeng pamilyar sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro