CHAPTER 10
CHAPTER 10
“Arren anong nangyar—” Mabilis akong napaatras nang makita ang tinitignan ni Arren. Marahas na umiling ako at hindi makapaniwala sa nakita. “H-Hindi!”
Gust kong pumasok sa banyo pero paatras-abante lang ako dahil sa takot ko. Hindi maproseso ang utak ko at tila nablangko lamang. P-Paano nangyari ito? Paanong alam n'ya 'to at nandito s'ya?!
Tila natauhan naman si Arren mula sa pagkatulala. Mabilis n'yang pinuntahan si Rynne na ngayon ay nakabitay sa itaas. Nanginginig at mangiyak-ngiyak akong sumunod din sa pagpasok. Do'n ko lang naihakbang ang paa ko.
Maluha-luhang inalis ni Arren ang lubid na nakapalibot sa leeg ni Rynne. Basi sa dugo at mukha ni Rynne ay kabibitay pa lang n'ya. Hindi ko masabing aksidente ang nangyari sa kan'ya!
Parang napaos na ang boses ko dahil kahit sumigaw ako ay hindi ko magawa. Tahimik na binuhat ni Arren si Rynne at lumabas. Nanghihinang sumunod ako sa kan'ya.
Kita ko sa mukha ni Rynne ang matinding pagkamutla. 'Yong kamay n'ya kanina may bahid na dugo na hindi ko alam kung saan galing.
'Yong suot n'yang damit kanina... 'Yon 'yong binigay ko sa kan'ya na cassock robes na may mantya sa bandang leeg at dibdib.
Namutawi ang ingay at iyak sa buong silid namin. Halos lahat ng mga kasama ko ay nandito sa aming kwarto, pinalilibutan namin si Rynne.
Wala na si Rynne. Hindi pa rin ako makapaniwala. Masyadong mabilis ang pangyayari. Kagabi lang kami nag-usap tungkol sa misteryong nakapaloob dito tapos madadatnan ko s'ya sa itaas na wala nang buhay.
Walang makasasagot sa 'king katanungan kung bakit nando'n s'ya at alam n'ya na may ceiling room sa itaas ng kama ko. Hindi ko naman naramdaman o nakita man na sumampa s'ya ro'n. Madaling araw akong natulog kaya malamang pagkatulog ko, ro'n s'ya mismo nakaakyat.
Paano nga? Ang gulo. Bakit naman s'ya aakyat do'n 'di ba?
Hindi maipaliwanag ang mukha nina Padre kasama ang lahat na nakatatanda sa amin. Tila nakakita sila ng multo dahil sa namumutla ang kanilang mukha.
Alam kong takot sila na walang ihaharap sa magulang ni Rynne. Ano ba naman kasi ang irarason nila? Seryosong sitwasyon ang nangyari kay Rynne.
Hindi sila nagtanong kung bakit s'ya nando'n o ano. Pakiramdam ko may alam sila tungkol dito. Naiinis man sa kanilang pinapakita ay hindi ko muna sila tinanong muna.
Halos mapuno ang buong kwarto namin dahil kahit section 3 at 1 nandito. Nakaupo ang iba sa sahig ang iba naman sa mga kama.
Katabi ko si Arren ngayon sa kama ko habang si Carlo at Stephanie naman ay nasa bandang likuran namin. Tulala at kanina pa sila tahimik na tila ba malalim ang iniisip.
Niyakap ko ng mahigpit ang unan sa 'king kandungan. “Anong gagawin natin?” bulong ko at binalingan si Arren ng tingin. “Tuloy pa ba?”
“Malamang tuloy. Wala tayong magagawa.”
Napabaling ang atensiyon ko kay Caz na nakadikwatro ng upo sa kama ni Rynne. Naiinis ako sa babaeng 'to.
“Hindi ibig sabihin na wala na s'ya, titigil na lang tayo,” sabat naman ni Ericka, napatayo s'ya sa pagkakaupo sa sahig. “Masasayang ang lahat kung magpapaapekto tayo. Come on, guys, h'wag kayong gan'yan!”
“Ikaw kaya namatayan, huh?! P'wede ba! Konting respeto naman kay Rynne! Parang walang pinagsamahan, ah!” sigaw ni Venezia, isa sa mga kasama ni Zarahi.
“Oo nga naman. Kahit kailan talaga panira ka,” asik na sambit ni Neon at masamang tinignan si Ericka.
Hindi na muling nagsalita si Ericka at padabog na lumabas ng kwarto. Pabagsak pa n'yang sinara ang pinto dahilan para mapatalon ako. Bwiset.
“'Yong damit ni Rynne kanina,” biglang salita ni Arren na ikinabaling ko ng tingin sa kan'ya. “Bakit gano'n 'yong suot n'ya? Saan galing 'yon?” Saka ako hinarap.
Umupo ako ng maayos. Kahit silang lahat ay naghihintay sa sasagutin ko.
“Mamaya ko na lang sasabihin tungkol d'yan.” Makahulugan kong tinignan si Arren at nakuha naman ang gusto kong iparating.
Ayaw ko naman na mas lalong matakot silang lahat. Ayos na 'yong alam nilang dapat silang mag-ingat dito. Hindi namin alam kung sino ang totoong nasa paligid namin. Kahit si Padre at Madre pinagdududahan ko. Sino pa ba kasi ang kakaiba rito?
Si Choir Master, alam kong wala s'yang alam tungkol dito dahil kaka-train n'ya lang sa amin at saka galing s'ya sa ibang university. Si Ma'am Karen at Melody naman, sa tingin ko'y may alam sila. Ito na ba ang sinasabi nilang trahedya?
Hindi maaari. Ayaw kong isipin na may kinalaman sila. Gaya nga sa plano ko, hindi muna ako magsasalita kung hindi sigurado.
Matapos ang mahabang katahimikan ay inaya na kami ni choir master na kumain ng tanghalian. 'Di tulad sa nakaraang araw, nagagawa pa nilang mag-ingay pero dahil sa nangyari bigla na silang napipi.
Kahit naman ako hindi ko magawang mag-ingay. Gusto kong pagaanin ang kanilang loob pero naisip ko rin na malalampasin naming lahat ito.
“P-Po? Hindi p'wedeng manatili ang katawan ni Rynne rito, Padre!”
Binilisan ko ang lakad at nilampasan ang mga kasama ko. Nadatnan kong nag-uusap si Ma'am Karen at Padre Sevilla sa harapan ng dining room. Tumabi sila ng daan kaya nakapasok ang iba.
Tumigil ako sa kinatatayuan ko, ramdam ko ring gano'n din si Arren. Hindi ko na lang pinansin ang pagiging malapit n'ya sa 'kin.
“Gumawa ako ng paraan, Ma'am Karen na hindi magiging problema ang kalalagyan ngayon ng bata. Hindi tayo maaaring sumulong sa labas. Matindi ang pagbaha at pag-ulan ngayon.”
Napakagat si Ma'am Karen sa kan'yang kuko. “P-Paano namin sasabihin ito sa kan'yang mga magulang? Ano na lang ang iisipin nila sa amin?!” tumaas ang kan'yang boses sa matinding pagkataranta.
Kahit ako nababahala na rin. 'Yong mga magulang ni Rynne na naghihintay sa labas ng lugar na 'to. Paano namin maipaparating sa kanila na wala na ang kanilang anak? Naiiyak na ako sa sitwasyon ngayon. Kawawa ang mga magulang ni Rynne.
“Kumain muna tayo,” bulong ni Arren na nasa gilid ko.
Nang umalis si Ma'am Karen at Padre sa kanilang pwesto kanina ay ro'n ko napagpasyahan na pumasok sa dining room. Hindi ako gano'n kagana sa pagkain na kinakain ko kahit masarap. Sariwa pa rin ang nakita ko kanina.
“Paano n'yo nakita si Rynne na nasa itaas ng kisame, Avery?” biglang tanong ni Caz, hindi maganda ang pagkatanong n'ya sa 'kin.
Kahit ayaw kong sagutin ang kan'yang tanong, wala akong magawa kundi sabihin na lang. Nakaabang na naman kasi sila sa 'king sasabihin, nagtataka rin kung bakit mismo sa itaas ng aking kama.
Uminom muna ako ng tubig bago s'ya sinagot. “Para paikliin ang impormasyon, umakyat kami ni Arren do'n para may kumpirmahin sanang bagay.” Saglit akong natigilan, 'yong kahon pala nakalimutan kong buksan.
“Then?” Tumaas ang kan'yang kilay, tila nagdududa.
Lumipat ang tingin ko kay Stephen na nasa tabi ni Carlo. Bruha talaga. Nakayuko si Stephen, nanginginig din ang kan'yang kamay. Bakit parang takot s'ya?
Inalis ko rin ang tingin sa kan'ya at napadapo kay Chord na katabi lamang n'ya. Hindi ako nagpaapekto.
“Then nakita namin s'yang nakabitay sa itaas ng banyo,” sagot ko ulit.
“Anong mero'n sa itaas? At saka paano mo nalaman na may gano'n ka sa itaas ng kama mo?” Pinaninkitan pa n'ya ako ng kilay.
Bagsak na nilapag ko ang basong hawak ko sa lamesa at masama s'yang tinignan. “Bakit imbestigador ka ngayon? Dapat nga kayo ang pagdududahan ko. Bukod sa magkaaway kayo ni Rynne, kayo rin ang palaging nagigising sa madaling araw.”
Biglang lumipat ang tingin ng mga kasama namin kay Caz. Nagtataka rin sa natuklasan.
Kita ko ang mahigpit n'yang pagkakahawak ng kutsara habang masama naman akong tinitignan. “Wala akong kinalaman kaya h'wag mo akong akusahan!”
“Same!” malakas kong sambit at tumayo sa pagkakaupo. “Kung wala ka namang magandang sasabihin, p'wede 'bang itiklop mo muna iyang bibig mo? Kaasar.”
Tinulak ko ang upuan mula sa 'king likuran, napaatras ito. Malalaking hakbang na lumabas ako ng dining room. Mas mabuting bumalik ako sa kwarto para alamin ang lahat. Isipin na nila ang dapat isipin, basta alam ko sa sarili na wala akong kinalaman.
Sinara ko ang pinto nang pagkarating ko sa kwarto. Lumakad ako papunta sa kama ko. Hinila ko ang 'di kalakihang kahon sa ilalim at saka pinatong sa kama.
Maalikabok kaya kailangan ko 'pang pagpagan. Bubuksan ko na sana nang mapatalon ako sa kinauupuan ko. May kumatok sa pinto.
Tinakip ko muna ang box gamit ang kumot bago pinuntahan ang pinto para buksan. Nakahinga naman ako nang maluwag, si Arren lang pala.
Mas niluwagan ko ang pagkabukas. “Pasok ka. May nakasunod ba?” Sumilip pa ako sa kan'yang likuran.
Napaatras ako nang ihakbang n'ya ang kan'yang mga paa papasok sa kwarto. S'ya na mismo nagsara ng pinto.
“Wala namang nakasunod. Ano ang ipapakita mo sa 'kin?” Naglakad kaagad s'ya papunta sa kama. Mismo s'ya rin ang nag-alis ng kumot na bahagyang nakatakip sa kahon.
Umupo ako sa kan'yang harapan at napapagitnaan namin ang kahon sa kama.
“Nakita ko 'to sa itaas.” Hinawakan ko ang takip ng kahon. “May iilang gamit pa ro'n pero sa tingin ko importante rin 'to.” May something na nagtutulak sa 'kin na kunin kasi 'to.
“Sa susunod na araw na lang natin akyatin ang ceiling room,” sambit n'ya at tinitigan ng mabuti ang kahon. “Bubuksan na ba natin?” Tinignan n'ya ako.
Saglit akong natigilan. Natatakot ako sa 'di malamang dahilan. Wala naman sigurong something dito 'di ba?
Napahinga ako ng maluwag na tila ba'y nahihirapang huminga. “Ikaw ang magbukas.” Tinulak ko sa kan'ya ang kahon.
Sumalubong ang kan'yang kilay. “Daming arte.”
“Narinig ko 'yon!” agap kong sambit at sinamaan s'ya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nakasundo.
May parte kasi sa 'kin na naiinis sa kan'ya pero at the same time gustong nasa tabi ko para iligtas sa mga masama.
Nagawa na n'yang buksan ang kahon. Tinignan ko ang kan'yang reaksiyon,bahagyang napatalon s'ya sa kinauupuan.
“Anong laman? May patay ba na daga o ano?” sunod-sunod kong tanong. Pinilit kong h'wag munang tumingin at baka mga patay na hayop ang makikita ko. Gano'n 'yong nakikita ko sa movie, eh.
Mas lalong kumunot ang kan'yang noo. May kinuha s'ya sa loob. Akala ko kung ano na. Gano'n na lang ang ginhawa ko nang makita na isang album iyon. Mukhang may nagmamay-ari no'n.
“An album,” naisatinig n'ya saka ako tinignan. “Baka may makita tayong kakaiba rito na makasasagot sa 'ting katanungan.”
Nilapag ko muna ang kahon sa lapag at lumapit sa kan'ya ng bahagya. S'ya mismo ang nagbukas ng album. Unang bumungad sa 'min ay 'yong picture ng mga estudyante na sa tingin ko'y kasing edad namin.
“Dito nila nakuhanan ang litrato.” Ako mismo ang nag-flip ng panibagong pahina ng album.
“Nakuha ito no'ng 2017,” sabi n'ya.
Tinitigan ko ng mabuti ang mga estudyanteng nasa picture. Naka-white robes sila na damit, hindi katulad sa amin na kulay itim. Mga nasa tatlopu silang lahat. Kapwa nakangiti sa picture, mukhang masaya.
Binuklat ulit ni Arren ang album. 2017 pa rin nangyari at sa puntong 'to ibang suot na naman ng mga estudyante. Naka yellow robes sila.
Napatitig ako sa gitna kung saan nakatayo ang babae na sa tingin ko'y leader nila. Mukha s'yang pamilyar sa 'kin. Hindi ko gano'n mamukhaan ang kan'yang itsura dahil sa kupas na 'to. Pinaglumaan na talaga.
Ang sumunod na pahina ng album ang nagbigay kilabot sa amin. Ramdam kong nagsitayuan din ang balahibo ni Arren sa nakita. Nanginginig ang kalamnan ko at pati ang aking kamay ay tila hindi na maigalaw pa.
Pilit kong binuka ang bibig ko para makapagsalita. “N-Nakahubad sila. R-Rape...”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro