Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 08

CHAPTER 08


“Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap.”

“Paano kayo naging close?”

“Anong relasyon n'yo? Bakit parang namamawis kayo?”

Samu't saring tanong ang bumungad sa akin nang makapasok kami ng dining room.

Napatingin si Padre at Madre sa amin na tila ba kinikilatis ang ginawa namin. Bahid ang pagtataka sa kanilang mga mukha kung bakit parang hinabol kami ng aso.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila at pinagpatuloy ang kinakain ko. Hindi ko masyadong malunok ang kinakain ko dahil sa kanila. Baka mabulunan lang ako sa pinaggagawa nila.

“Pakainin n'yo muna nga kami! P'wede ba?” singhal sa inis ni Arren sa mga kasama n'ya. Masama na ang tingin n'ya rito.

Natakot siguro sila kaya hindi na nilang tinangka 'pang magtanong. Buti sa inyo. Kaso 'yong mga kasama ko para na akong papatayin sa mapanuring nilang tingin.

Kinagat ko muna ang manok bago sila tinaasan ng isang kilay. Tinuro nila ang labas ng dining room na para 'bang pinapahiwatig na kakausapin nila ako ro'n mamaya.

Sinumot ko ang isang hiwa ng manok. Kakainin ko na sana ang paa ng adobong manok nang makitang may kakaiba rito. Tinitigan ko ito ng mabuti. Bakit parang hindi naman 'to adobo?

“Kainin mo iyan, hija.” Napatingin ako bigla kay Madre Lucia. Hindi ko alam kung gan'yan ba talaga ang kan'yang mga mata. Nanlalaki itong nakatingin sa akin na para 'bang takot o baka nanakot lang?

Kinalibutan naman ako. Tumingin ako kay Arren, nakakunot ang kan'yang noo habang nakatitig sa adobong manok na nasa kan'yang plato.

Nagdadalawang isip man na kainin ang adobo, wala akong magawa kundi ubusin ito. Nakatingin ba naman si Madre Lucia sa 'kin, binabantayan n'ya ako. Hindi tuloy ako komportable.

Mabilis pa yata sa kidlat akong tumungo sa kusina at nilagay ang ginamit kong plato. Bago pa man ako makatakas sa nga kasama ko, mayro'n nang humila sa 'king braso.

Si Stephanie pala, seryoso ang mukha n'ya gano'n din ang mga kasama na ngayon ay nasa harapan ko. Halatang inabangan nila ako rito.

Tumaas ang kilay ni Carlo sa 'kin. “Sabihin mo nga sa 'kin, Avery. May relasyon kayo ni Arren?” diin n'yang tanong.

Napasinghal ako at hindi makapaniwalang tinignan sila. “Seriously? Walang kami, okay? Ba't 'yan ang iniisip niyo?”

“Paano mo ma-explain na magkasama kayo kanina? At take note! Wala kayo sa buong simbahan, unless kung pumasok kayo sa mga kwarto na pinagbabawal sa 'tin.” Napangisi sa huli si Carlo.

Napahilamos ako sa mukha sa sobrang frustrated. Pinaulanan ba naman ako ng tanong!

Tinaas ko ang kamay sa ere at pinanliksikan sila ng tingin.“H'wag n'yong sasabihin ito sa iba, ah? Ala-sais na kami nakabalik sa simbahan.” Napasinghap sila.

“Hinabol ko kasi si Rynne kanina sa gubat. Ayon sinundan ko s'ya,” dugtong ko.

Tila hindi sila naniniwala. Ang haba ng sinabi ko pero ni katiting hindi nila tinatak sa utak.

“Totoo? Kasama kaya namin si Rynne kanina pa. Kasama nga s'ya sa paghahanap sa 'yo,” usal ni Stephanie, nakapameywang sa 'king harapan.

Kumunot ang aking noo. Binaha ng kaba ang aking dibdib.

“P-Pero s'ya 'yong nakita ko kanina tumatakbo sa loob ng gubat,” naisatinig ko na lang. Totoo nga talaga ang sinabi ni Arren kanina, may kakaiba sa lugar na 'to.

Buti naman at hindi na nila ako tinanong pa kung ano ang nangyari sa amin. Hindi man lang nagtaka kung paano kami nakapasok. Mas mabuti na rin iyon, hindi ko kayang sabihin pa sa kanila.

Gusto ko silang balaan sa mga nangyayaring kakaiba sa simbahan na ito pero paano? Malamang hindi sila maniniwala sa 'kin. Oo takot sila sa lugar na 'to, 'yong mga bagay na nakikita ko rito ay hindi nila paniniwalaan. Kailangan ko lang silang bantayan sa abot ng aking makakaya.

Hindi ko alam kung bakit kami binabagabag ng misteryo sa lugar na 'to. Hindi ako sigurado kung may nangyari 'bang masama rito noon na hindi nagawang bigyan ng hustisya.

Gulat na gulat akong nakatingin kay Rynne na tumatawa kasama ang mga bago n'yang kaibigan nang nakapasok ako sa kwarto namin. Nandito s'ya. Hindi s'ya naligaw kanina at mas lalong hindi s'ya 'yong hinabol ko!

Natatakot na talaga ako. Wala akong ideya kung anong sadya ng multo o tao man sa akin. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat pero paano ko magagawa iyon kung binabagabag ako palagi? Mababaliw na yata ako.

Nasaktuhan ko naman na magkatabi kami ng kama. Bahagyang umupo ako sa gilid ng kan'yang kama, hindi n'ya ako napansin.

Kinalabit ko s'ya na ikinatingin naman n'ya sa 'kin. Ngumiti s'ya ng tipid at hinarap ako.

“May sasabihin ka ba?” Bahagya pa n'yang tinabingi ang ulo sa kabilang gilid.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at lakas loob na sinabi sa kan'ya ang nangyari kanina. Hindi yata ako patatahimikin.

Kahit s'ya'y natatakot sa aking tinuran. Pailing-iling pa sa kawalan, lumampas ang kan'yang tingin sa likuran ko.

“Imposible ang sinabi mo, Avery,” mahina n'yang sambit habang tulala pa rin. “Nagbanyo lang ako kanina pero hindi ako lumabas ng simbahan. B-Baka taga ibang section ang nakita mo kanina.”

Napaisip din ako tungkol do'n pero sigurado talaga ako, eh. S'ya iyon, suot pa n'ya ang costumes na galing sa aparador kanina. Nag-practice nga kami kanina.

Binasa ko ang aking ibabang labi. “Sigurado ako na ikaw 'yon. Wala namang ibang sections na may cassock robes na suot. 'Di ba tayo lang ang nakakaalam ng damit na 'yon?”

Mas lalong tumindi ang aming pangamba. Hindi ko kayang sabihin ang tungkol sa mga iba 'pang nakikita ko rito sa simbahan. Ayaw kong dagdagan ang pangamba n'ya.

Bago pa man ako makahiga sa kama ay bigla s'yang nagsalita ulit na ikinatigil ko.


“N-Nga pala, Avery. 'Yong costumes na sinuot ko kanina may mantya na kulay pula banda sa dibdib at leeg. Hindi ko alam kung saan galing ang mantya, baka may mantya rin sa inyo.”

Dahil sa sinabi n'ya'y dali-dali kong kinuha ang mga robes sa aparador. Pati na rin sa ilalim na parte nito. Inilapag ko lahat sa kama ang mga ito at nagulat na lang sa nakita.

Ramdam kong natigilan si Rynne nang lumapit s'ya sa kinaroroonan ko. Napahawak s'ya sa 'king balikat na tila ro'n kumukuha ng suporta sa pagbalanse.

Tinignan ko isa-isa ang pare-parehas na robes pero iba't-ibang klaseng mantya ang nakatatak. Iisang kulay ang nakalagay pero iba't-ibang parte ng katawan ang namantyahan.

“Lahat may mantya...” Napatakip s'ya sa ilong. “Sobrang baho naman nito. Lalabhan na talaga natin 'to buka—”

“H-Hindi muna!” mabilis kong giit, hinawakan ko lahat ng mga mantya ng robes. Magaspang, tuyo na ang kulay pula sa damit.

Paanong naging ganito ang amoy nito? Alam ko ang amoy ng luma, pero itong mga damit ay parang amoy patay na daga. Hindi man lang nilabhan ng dating gumamit nit—

“Wait.” Nanlalaki ang mata ko s'yang nilingon, tila natakot s'ya sa klaseng tingin ko. Unti-unti akong huminahon sa gulo na aking nararamdaman. “Ibig sabihin nito may nakagamit na noon sa mga damit na 'to.”

Bahagyang lumunok s'ya ng laway a tila pareho kami ngayon na iniisip. “S-Sigurado akong may nangyaring masama sa mga nakagamit nito.” Kinuha n'ya ang nag-iisang robes na halos tadtadin ng pulang kulay ang buong tila. “Hindi lang ito basta-basta mantya, kundi dugo.”


Sa sobrang takot namin ni Rynne ay tinago muna namin ang mga robes sa malaking plastic at saka siniksik sa aparador. Nagsitaasan talaga ang mga balahibo ko sa katawan.


Hindi ko alam kung nakatulog ba ng mahimbing si Rynne gayong ngayon lang namin napagtanto ang kulay pulang mantya na 'yon. Sana mali ang iniisip namin ni Rynne.

Paniguradong totoo ang sinabi n'ya. Sh*t! Kinakalibutan ako sa aking nalalaman. Hindi ko na yata kayang manatili pa rito.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero kahit anong klaseng higa na ang ginawa ko para maging komportable ay wala pa ring epekto.

Inalis ko ang kumot na bahagyang tumatakip sa 'king mukha. Hindi ako mapakali sa 'king kinahihigaan. Feeling ko nasa ilalim o sa tabi ko lang 'yong multo. Please, ayaw ko ng ganito.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng kama. Binuksan ko ito at nakitang eleven-thirty na ng gabi. Malapit na ang hating-gabi. Kailangan kong magising at puntahan si Arren sa kabilang kwarto.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahang lumabas ng kwarto. Alam kong binalaan na ako ni Madre Susina pero gusto kong malaman ang lahat ng mga kasagutan.

Para kailangan mangyari iyon, dapat kasama ko si Arren. S'ya lang ang tanging makatutulong sa 'kin. Hindi lang ito para sa kuryusidad ko kundi pati na rin sa kaligtasan ng lahat. Hindi ako mapapanatag na hindi namin nalalaman ang pakay ng taong nasa likod nito.

Hindi ako lumikha ng ingay habang dahan-dahang humahakbang ang mga paa ko patungo sa pangatlong kwarto. Tulog na sila nang aking mabuksan ang pinto, hindi lock.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at napahinto banda sa pinakadulong parte. Nakaupo si Arren habang may kinakalikot pa sa kan'yang cellphone. Gising pa pala s'ya

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at marahan na sinara ito. Napatingin pa sa 'king gawi si Arren na bahagyang nanlalaki pa ang mga mata. Sinenyasan ko kaagad s'yang h'wag maingay.

Hindi s'ya nagsalita at tumungo sa 'king kinaroroonan ng tahimik.

“Akala ko si Padre Sevilla, ikaw lang pala.” Tila nakahinga s'ya ng maluwag nang makita ako.

Saglit kong sinilip ang mga kasama n'ya bago s'ya binalingan. “B-Bakit? Binibisita ba kayo ni Padre Sevilla rito?” tanong ko. Mas lalo lang akong tinatakot ng lalaking 'to.

Sinuot n'ya ang kan'yang jacket na kulay itim. Pinahiram din n'ya sa 'kin 'yong kan'ya. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at sinuot kaagad ito.

“Sa tuwing sumasapit ang alas-dose, pumapasok s'ya rito.” Saglit s'yang natigilan. “Hindi ko alam kung anong pakay n'ya, wala naman s'yang ginagawang masama sa amin.”

“Ano ang ginagawa n'ya rito kung gano'n?” tanong ko.

“Tinititigan lang kami na para 'bang binabantayan,” sagot n'ya. “Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko alam kung kami lang ba ang kanilang binabantayan o kayo rin.” Tinitigan n'ya ako ng mabuti.

“Binabantayan din n'ya ko minsan, 'di ko lang alam kung pati ang mga ka-myembro ko kasama. Minsan na rin akong lumabas ng alas-dose, hindi ko s'ya nadatnan sa kwar—”

Mabilis n'yang tinakpan ang bibig ko dahilan upang tumigil ako sa pagsasalita. Nanlalaki ang mata ko s'yang tinignan. Sinenyasan n'ya akong h'wag maingay.

“A-Anong mero'n?” mahina kong bulong sapat na para marinig n'ya nang bitawan n'ya ang bibig ko.

“Paparating na si Padre Sevilla,” mabilis n'yang sambit.

Hinila n'ya ako bigla sa kan'yang kama at pinahiga. Hindi na ako umalma at sumunod na lang sa kan'yang plano. Humiga s'ya sa 'king tabi at mabilis na tinabunan ang aming buong katawan sa malaki at makapal na kumot.

Hindi ako masyado makahinga pero ayos lang naman. Iisipin ko pa ba ang simpleng problema gayong nandito na si Padre Sevilla? Nasa loob na s'ya ng kwarto. Narinig ko kasi ang pagbukas at sara ng pinto.

Hindi gano'n kadilim sa loob ng kumot na kinalalagyan namin ngayon ni Arren. Ramdam namin pareho ang mabibigat na hininga, pilit na pinapakalma dahil sa kaba na nararamdaman. Bahagyang tumatama ang kan'yang mabangong hininga sa aking uluhan.

Na-concious tuloy ako. Kumusta naman ang hininga ko ngayon? Baka amoy adobo pa ang bibig ko samantalang s'ya amoy snow bear.

Inangat ko ang aking tingin sa kan'yang mukha. Mabibigat ang kan'yang hininga habang nakatitig sa maliit na siwang ng kumot. Naramdaman siguro n'yang nakatingin ako sa kan'ya kaya s'ya bumaba ng tingin.

Mabilis akong umiwas ng tingin. Narinig ko bigla ang yabag ni Padre na papalapit sa amin. Marahan na niyakap ko s'ya na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinahihigaan.

Para tuloy kaming magkasintahan na nagtatago sa magulang. Gezz! Grabe na ang utak ko, ah! Umabot sa kabilang dimension.

Minuto ang lumipas bago n'ya napagpasyahan na alisin ang kumot na nakatakip sa amin. Mabilis naman akong humiwalay sa yakap. Sinuklay ko ang magulo kong buhok, nahihiyang umiwas ako ng tingin.

“Kailangan nating makapunta sa pangatlong pasilyo,” panimula n'ya at bumaba sa kama. Inalalayan pa akong makababa.

Mukhang wala naman sa kan'ya ang nangyari sa loob ng kumot kanina. Sinawalang bahala ko muna iyon at sumunod sa kan'ya.

Saglit muna s'yang palinga-linga sa pasilyo bago ako hinila palabas ng kwarto. “Dapat hindi tayo maghiwalay. Kumapit ka ng mabuti sa 'kin at baka mawala ka.”

Gusto kong ngumiwi pero h'wag na lang muna. Baka samaan lang ako ng tingin. Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kan'yang kamay at sabay kaming nagtungo sa pangatlong pasilyo.

Tumigil muna kami sa pagitan ng madilim at 'di gano'n kaliwanag na parte ng pasilyo. Tumingin s'ya sa 'kin.


“H'wag 'kang matakot. Kailangan nating malaman ang lahat.”

Tumango ako sa kan'ya at tatlong hakbang ang aming ginawad hanggang sa makarating kami sa pangatlong pasilyo. Nagsimula ulit manginig ang aking katawan, naninindig ang aking mga balahibo.

Kinuha ko ang cellphone sa 'king bulsa at binigay sa kan'ya. Tinanggap naman n'ya ito at binuksan ang cellphone.

Saktong pagkabukas ng flashlight ay tumambad sa amin ang kulubot na mukha ng lalaki. Nanliliksik at namumula ang kan'yang mga matang nakatingin sa amin.

Napasigaw ako at mabilis na hinila si Arren na natulos na sa kan'yang kinatatayuan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro