
CHAPTER 07
CHAPTER 07
'Sing along in the midnight time,
Together, we will raise our voice.
Enjoy the limited time,
Hear the rhymes of music box.'
Nagiging hasa na sila sa iba't-ibang tono ng kanta. Hindi ko akalain na kaya nilang gawin ang mga pinagagawa ko sa kanila. Akala ko mahihirapan akong turuan sila.
Isa pa sa napansin ko sa kanila, hindi sila magkakasundo sa mga bagay-bagay. Minsan ko na rin silang nakikitang nag-aaway sa maliit na bagay. Hindi sila 'yong tipong tao na peke ang pinapakita nilang kaugalian. Sila 'yong taong ini-express kung ano man ang tunay na sila.
No'ng una, akala ko hindi ko kaya silang makasama. Nagkamali ako, hindi naman pala gano'n kasama ang ugali nila. Sadyang gan'yan lang talaga sila.
Nakasuot kami ng uniporme namin sa eskwelahan. Pinagkaibahan nga lang, may logo ang gilid ng bandang dibdib namin na nagpapatunay na kabilang kami sa choir club.
Gusto ito ni Choir Master na pormal na pananamit ang aming susuotin. Kahit nauumay na ako sa suot namin, hindi ko magawang makapagpalit.
Nasa pangatlong palapag kami ng simbahan. Ngayon lang din namin napagmasdan ito. Ayaw naman kasi ni Padre na umakyat kami rito na hindi sila kasama.
'Yon pa ang gumugulo sa isip ko. As if naman na may kukunin kami rito. Ayaw kaming papuntahin sa ibang kwarto. Tanging sa unang pasilyo lang kami pinayagan.
Magkahiwalay ang section 1, 2 at 3. Dapat hindi magkatulad ang aming klaseng kanta. Sound proof naman ang kwarto kaya hindi nila kami maririnig dito. Ang weird nga na may sound proof 'pang nilagay rito.
“Apat na araw na lang at ready na dapat tayo sa performance,” sambit ni Stephanie na kasalukuyang pangalawa sa pinuno ng section 2.
Tumayo sa pagkakaupo si Zarahi at humakbang papalapit sa amin. “Dapat walang magpa-practice sa labas ng simbahan o kahit anong lugar na maaaring marinig nila, ah?”
“Baka gayahin pa ang sariling kanta natin at technique, eh,” dugtong pa ni Caspian, isa sa grupo na mataas ang boses. Bagay s'ya maging classical singer.
Napaisip din ako roon. Hindi naman siguro dahil alam kong mas magaling ang section 1 lalo pa't nando'n halos lahat ang mga magagaling na mang-aawit. Lalo na si Caz at Chord.
Pop song lang 'yong kinakanta ko, sila nag-aral pa ng ilang taon sa voice lesson. Anong laban namin?
“Ang gagaling pa naman ng section 1,” mahinang usal ni Carlo at nakatitig pa sa kan'yang paanan. Nakasandig s'ya sa pader habang ang mga kamay n'ya'y nasa bulsa. Para na s'yang model sa men perfumes, ah.
Napaasik si Caspian. “Lahat naman tayo magagaling. Kaya natin 'to 'no!” Napasuntok s'ya sa ere. “Tayo pa ba? Basta nagtutulungan, may pag-asa.”
Napangiwi ako. “Sino nagsabi n'yan?”
“Ako!” giit n'ya, nagtawanan naman ang mga kasama n'ya. 'Yan tuloy pinagtulungan s'yang dinumog.
Mas lamang pa yata ang pag-asaran nila kaysa sa tumutok sa aming pina-practice. Buti na lang hindi ako naka-assign para magbantay sa kanila. Hindi rin pala masama na maging leader, minsan lang ako sumasama sa ensayo nila.
Napatawa ako nang pumiyok ang boses ni Carlo. Napahawak pa s'ya sa lalamunan n'ya at bahagyang nilunok kung ano mang laway na bumara sa kan'yang lalamunan.
Bigla ko na lang napansin na hindi mapakali si Rynne. Kaibigan s'ya ni Zarahi at wala akong masyadong alam sa kan'ya. Tinignan ko pa s'ya ng mabuti.
Hindi s'ya sumasabay sa kanta, balisa ang kan'yang mga matang patingin-tingin sa labas ng malaking bintana banda sa gilid ko. Tinignan ko naman ang tinitignan n'ya at wala naman akong nakitang kakaiba.
Pagkabalik ko ng tingin sa kan'ya ay nakita ko na lang na lumayo s'ya sa mga kasama at lumabas ng aming sinisidlan. Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo at sinundan s'ya. Ewan ko kung bakit nakikita ko ang mali sa kan'yang kinikilos.
Bigla-bigla ba namang umalis na hindi nagpapaalam. Yayain ko na sana s'yang bumalik sa kwarto nang bilisan n'ya ang paglalakad kaya malayo na ang agwat namin.
Hindi ko magawang sumigaw dito at baka marinig ako ng Padre at Madre. Napagdesisyonan ko na lang na sundan s'ya hanggang sa makababa kami.
“Rynne!” malakas kong tawag sa kan'yang pangalan pero tila hindi n'ya narinig. Hindi s'ya lumingon sa 'kin.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kan'ya hanggang sa nakarating kami sa labas ng simbahan. Walang araw na magbibigay silak sa madilim na paligid. Hindi ko maramdaman ang kaginhawaan, siguro'y dahil sa mga lantang dahon ng puno na nakapalibot sa 'kin.
“Rynne!” sigaw ko muli sa kan'ya. Hindi n'ya man lang ako nilingon o pinansin!
Kinakabahan akong naglalakad-takbo para sundan s'ya. Lumalayo na s'ya sa simbahan at maaaring pagalitan kami!
Delikado ang lugar pati na rin ang dinadanan namin. Hindi ko alam kung saan s'ya pupunta. Para 'bang desperado s'yang makapunta sa kan'yang destinasyon.
“R-Rynne...” kinakabahan kong bulong sa sarili. Kahit naman kasi tawagin ko s'ya ng paulit-ulit ay hindi pa rin s'ya lumilingon sa 'kin. Hindi ko alam ang kan'yang binabalak.
Nakarating kami sa masukal na daanan. Malamig dito, walang ingay rin na maririnig. Wala ba talagang tao rito?
Walang kapit-bahay. May mga ilang kabahayan naman pero sa tingin ko'y walang taong naninirahan. Saan na sila ngayon kung gano'n?
Saglit kong nilihis ang tingin kay Rynne at aking paglingon ay nawala na ang kan'yang pigura. Nasa'n s'ya?!
Tawag ako ng tawag sa kan'ya. Kinakabahan na rin na baka maligaw ako ng daanan. Masyadong tutok ang atensiyon ko kay Rynne kaya 'di ko na namalayang naliligaw na ako.
Marahas akong pabaling-baling ng tingin sa paligid. “Rynne lumabas ka! Bumalik na tayo!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Naiiyak ako sa 'king sitwasyon. Tumigil ako saglit sa paglalakad. Tila na blangko ang utak ko sa 'king sitwasyon ngayon. Nalilito at nangangamba ako, hindi ako makapag-isip ng paraan kung papaano makabalik sa simbahan.
Humarap ako sa 'king likuran at gano'n na lang aking pagkagulat nang makitang lakad-takbong lumapit sa 'kin si Arren.
Sa kabila ng aking takot ay nagawa kong tanungin s'ya. “A-Anong ginagawa mo rito?”Nakahinga ako ng maluwag dahil nandito s'ya.
Hinawakan n'ya ako sa braso at bahagyang hinila. “Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan. Anong ginagawa mo rito? Alam mo 'bang delikadong mag-isa ka lang naglalakad dito?” tumaas ang kan'yang boses, hinihingal na tinignan ako.
Napalunok ako sa sariling laway, mukhang galit kasi.
“S-Si Rynne, nakita ko s'ya kanina rito naglalakad. Sinundan ko s'ya pero hindi ko na s'ya makita pa.” Nanginginig na aking katawan nang marinig ang ingay ng kampana ng simbahan.
Tinignan ko ang orasan ng aking cellphone. “Ala-sais na...” naibulong ko at inangat ang tingin sa kan'ya. “B-Baka magsasara na ang simbahan.”
“Kaya nga umalis na tayo.” Marahas n'ya akong hinila, mabilis kong binaklas ang kan'yang kamay sa 'king braso.
“Paano si Rynne?! Iiwan natin s'ya rito?” singhal ko.
Napatagis ang kan'yang bagang na tila ba'y nawawalan na s'ya ng pasensya. “Wala rito si Rynne! Ano 'bang pinagsasabi mo d'yan?”
Umiling ako sa kan'ya. “Totoo nga! Kaya nga ako nandito para sundan s'ya!”
Kumunot ang kan'yang noo. “Mula simbahan hanggang sa makarating ka rito, sinundan kita. Tanging ikaw lang ang nakita kong tumatakbo rito.” Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko.
Umecho sa 'king tainga ang lahat ng sinabi n'ya. Kanina pa n'ya ako sinusundan. Ako lang ang tumatakbo.
Napahawak ako sa 'king noo at pilit na iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa 'kin. May sakit na ba ako sa utak? Palagi na lang ako nakakapansin ng kakaiba sa paligid.
“Tinatawag ko si Rynne kanina pero hindi n'ya ako nilingon. Tuloy-tuloy ang kan'yang takbo kanina,” kuwento ko sa sarili at tinignan nang maigi ang mukha ni Arren. “Sabihin mo nga sa 'kin kung nasisiraan na ako ng utak.”
Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Naiiyak din sa aking sitwasyon.
“Hindi ka nasisiraan ng utak,” bigla n'yang tugon na ikinatigil ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. “May kakaiba sa lugar na 'to.”
Mismo sa kan'yang pananalita at boses ay kinalibutan ako. Hindi lang ako ang nakaramdam nito kundi s'ya rin. Tama ba talaga ang simbahang napuntahan namin?
Six-ten ng gabi kami nakarating sa simbahan. Sarado na nga ito at hindi ko alam kung anong gagawin namin para mabuksan ito.
Tumingala s'ya. Nakita ko tuloy ang nakaumbok na adam's apple n'ya.
“Aakyatin natin 'to hanggang sa makarating sa veranda na 'yon.” Turo n'ya sa ikalawang palapag ng simbahan na mataas pa yata sa puno.
“Ang tanong, paano? Ang taas, kaya!” histerikal kong singhal sa kan'ya.
Tinignan naman n'ya ako na para 'bang ang tanga ko. “Kaya 'yan akyatin,” giit n'ya.
Tahimik na sinundan ko s'ya kung saan man s'ya patungo. May hagdanan pala sa gilid ng simbahan, sinadya talagang gawin para makarating sa ikalawang palapag pati na rin sa pinakataas ng simbahan.
“May hagdan pala rito, oh.”
“Dakdak ka kasi ng dakdak. Umakyat ka na bago pa tayo mahuli,” sabat n'ya na ikinaikot ng mata ko.
Mabilis naman akong nakaayat hanggang sa nakasabit na ako sa veranda. Napabuga ako ng hininga nang nakatapak ako sa pangalawang palapag.
Dumungaw ako sa veranda at nakitang papalapit na s'ya sa 'king kinaroroonan. “Bilisan mo!”
Sinamaan n'ya ako ng tingin habang umaakyat. “H'wag ka nga'ng maingay!”
Kahit madilim na sa kinalalagyan namin, kita ko pa rin ang kumikinang n'yang mga mata na kasing kulay ng dagat.
Kinakabahan naman akong pabaling-baling ng tingin sa pintuan. Baka biglang makita kami rito, lalo na kung madatnan kami ni Padre! Pa-rubbing-rubbing pa naman iyon sa buong simbahan tuwing nasa ganitong oras. Chini-check n'ya ang bawat kwarto.
Nasa harapan ko ngayon si Arren na kanina pa pala nakaakyat. Napansin ko na naman ang matangkad n'yang height. Nagmukha tuloy akong pandak.
“Kumakain na siguro sila ng hapunan,” bigla n'yang sambit sa 'kin.
Inaya na n'ya akong umalis sa veranda. Salamat dahil bukas ang pinto rito pati na rin sa loob . Hindi ko na nagawang tingnan ang kabuohan ng kwarto at sumunod sa kan'ya. Nakarating kami sa nave.
Walang taong dito, kaya sigurado akong nando'n na sila sa dining room. “Akyat muna ako sa kwarto,” sabi ko kay Arren na ikinatingin n'ya sa 'kin.
“Sama ako.” Sumunod s'ya sa 'kin sa ikadalawang palapag ng simbahan kung saan ang aming kwarto lahat.
Pinatigil ko s'ya.“Ano 'bang gagawin mo rito?” tanong ko, dapat hindi na s'ya sumama.
Nasa ibang atensiyon s'ya nakabaling. Takang tinignan ko naman ang tinititigan n'ya.
Bigla na lang kami nakarinig ng langitngit ng pinto banda sa pangatlong pasilyo. Nablangko na naman ang utak ko.
Dahan-dahang humakbang si Arren papunta ro'n. Bago pa man s'ya lamunin ng kadiliman ay hinila ko s'ya. Tumambol ang dibdib ko sa kaba.
“H-H'wag 'kang pumunta r'yan. Sinabihan ako ni Madre na h'wag na h'wag tayong papasok sa mga kwarto,” kinakabahan kong sambit sa kan'ya.
Saglit s'yang napatingin sa madilim na parte bago n'ya ako binalingan. “Bakit naman n'ya iyon sinabi? May tinatago ba sila?” Hindi iyon tanong kundi pahayag.
Umiling ako ng dahan-dahan at saka s'ya binitawan. “Hindi ko alam, basta sinabi lang n'ya iyon sa 'kin no'ng minsan na rin ako nagigising sa hating-gabi.”
Wari 'bang nagulat s'ya.“Lumabas ka ng kwarto sa hating-gabi?” bulong n'yang tanong, napalinga-linga pa sa paligid.
Tinignan n'ya ako at do'n ako napatango sa kan'yang tanong.
“May naririnig ka 'bang kanta tuwing hating-gabi?” tanong n'ya ulit.
Biglang kumalabog ang pinto na ikinatingin namin pareho. Agad kong nakita ang kwartong nasa harapan namin na may kaunting liwanag sa parteng iyon.
Totoo ang aking naririnig tuwing gabi. Posible kayang alam n'ya kung sino ang nasa likod ng kumakantang estudyante na iyon?
“Hindi lang basta kanta, pati na rin ang pagtugtog ng piano.” Nanginginig ang buo kong katawan.sa kan'yang dinugtong.
“Minsan ko na rin nakitang may mga taong nagtitipon sa Hall, hindi ko mamukhaan. Sa tingin ko mga Padre at Madre sila basi sa kanilang suot,” kuwento ko sa kan'ya, pahina ng pahina ang boses ko.
Sa ilang gabi na nagigising ako, paulit-ulit na kanta ang aking naririnig. Hindi na basta imahinasyon ang lahat. May tinatago sila. May nakabaon na sekreto sa simbahan na 'to na 'di ko mahukay.
“H'wag na lang natin ituloy.” Umatras si Arren at hinila ako mula sa madilim na parte ng pasilyo. “Sa ibang araw iimbestigahan natin ang misteryo sa simbahang ito. Pareho natin nasaksihan ang kakaiba rito tuwing hating-gabi. Kahit ako nagigising din.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro