Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 05

CHAPTER 05

“Sino ka?!”

Ang pangamba at panginginig ng aking katawan ay unti-unting naglaho. Tila na hugot ko ang aking sarilong hininga nang lumingon ako sa likuran.

Imbes na tanungin kung sino ang nagtutugtog ng piano at saan ang mga kasama n'ya'y mas lalong nanaig ang pagtataka ko kung bakit gising pa sila.

“B-Bakit ka gising? Anong ginagawa mo rito?” Lumapit ako sa kan'ya. Natigilan din ako nang makitang may kasama pala s'ya.

Kilala ko ang babaeng 'to. S'ya si Caz, kilala na isa sa matalinong estudyante. Maganda ang boses n'ya na minsan hinahangaan ko.

Salubong ang kilay ni Chord. Hinila n'ya sa beywang si Caz dahilan para mapatingin ako sa kanilang dalawa.

Magkasintahan na sila? Malamang, Avery! Halata naman na silang dalawa, oh! H'wag ka nga'ng magmaang-maangan pa na wala kang alam sa kanilang relasyon!

“Nag-iikot lang kami sa bawat sulok,” dahilan ni Chord, ayan na naman ang boses n'ya na tila walang paki. “Dapat hindi ka na lumabas sa kwarto n'yo. Gabi na.”

Natawa ako nang mapakla. Nilalamon na ako ng matinding pagkapait sa aking lalamunan.

“Leader ka?” Bigla lang lumakas ang aking loob. “Mas lalong kayo dapat ang manatili sa inyong kwarto,” tumaas ang boses ko. Hindi na maintindihan ang pagkabog ng aking dibdib.

“Istorbo talaga,” salita ni Caz, napatingin ako sa kan'ya dahil do'n.

Nilalaro-laro pa n'ya ang naka-unbotton na polo ni Chord. Bigla ako nakaramdam ng pagkadismaya. Iba pala ang Chord na nagustuhan ko.

“Naistorbo ko ba kayo sa milagrong ginagawa n'yo?” diin kong sambit, natigilan naman sila.

Halata naman kasi. Kahit hindi gano'n ka liwanag ang paligid, kita ko pa rin ang mga damit nila na tila pinunit ng aso.

“Anong pinagsasabi mo d'yan?!” tumaas ang boses ni Chord, bahid pa ang panginginig sa boses sa galit at balisa.

Hindi ko sila inabala 'pang kausapin at nilampasan sila. Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko. Buti hindi gano'n kalalim ang aking nararamdaman sa kan'ya.

Hindi ako nakinig kay Carlo na may naka-make out na si Chord. Masyado akong confident na hindi gano'ng klaseng tao si Chord, nagkamali ako sa pagkakilala sa kan'ya.

Ano naman kung may ginawa silang kakaiba ng kan'yang nobya? Hindi na sila mga mata pa.

Hindi ko na namalayang nakabalik na ako sa room namin. Mabibigat ang hakbang kong ginawad hanggang sa pabagsak na humiga ako sa 'king kama.

Saktong tumunog ang kampana. Alas-dose na, hindi ko alam kung gising ba talaga si Padre at Madre ngayon.

Bago pa man ako tanghayin ng antok, tumugtog ulit ang musika pati na rin ang pagbalik ng mga nagkakantahan sa gitna ng gabi.


~•~•~•~•~


Tutok ang aking atensiyon sa dini-discuss ni Ma'am Melody na kasalukuyang temporary naming guro habang nasa kalagitnaan kami ng pag-eensayo.

Hindi naman kasi p'wedeng 'di kami mag-aral dahil lang sa pagiging student choir.

Katabi ko ang president namin na si Ericka, galing sa section 1. Kanina pa s'ya hindi nakikinig at iniinis lang ako. Hindi ko alam kung binibiro ba n'ya ako o sinasadya n'yang painisin. Hindi ako komportable sa kan'ya.

“Mananalo kami, babae.”

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang magsalita s'ya malapit sa 'king taenga. Nilingon ko s'ya at nakitang nakangiting nakatitig sa harap.

Nagsalubong ang kilay ko bago binalik ang atensiyon kay Ma'am.

“Ang mundong kanluranin ay tumutukoy sa bandang kanluran tulad ng mga nasa Hilagang Amerika...”

Malakas akong piningot ni Ericka sa kamay. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa gawa n'ya. Marahas ko s'yang tinignan.

Ngumisi s'ya sa 'kin habang ako'y nagngingitngit ang ngipin sa inis.

“Aalis ako rito kasama ang mga ka-myembro ko. Ayaw kong manatili rito at gusto kong kayo ang maiwan.”

Pasinghal na bumuga ako nang hininga sa kan'ya. Marahas akong tumayo at lumipat sa ibang upuan. Hindi ko alam kong sinong katabi ko basta malayo ako sa impaktang iyon.

Hindi ko naman hahayaang maiiwan kami rito. Sisiguraduhin kong makakaalis kami sa lalong madaling panahon. Hindi na maganda manatili rito lalo pa't sa sunod-sunod na kamalasan na nangyari sa akin.

Isang oras ang ginugol namin sa pag-aaral bago tumungo ng Hall. Naalala ko lang bigla si Chord at Caz. Kalimutan ko na nga sila lalo na s'ya. Nakaka-turn off ang inasal n'ya kagabi at sa mga nalaman ko.

Hinati kami sa tatlong parte. Nasa bandang gitna kami habang ang section 1 at 3 ay nasa gilid namin.

Nasa kalagitnaan kaming kumakanta ng 'Reflection' nang biglang tinigil ni choir master ang pagtugtog ng piano.

“Kung kumanta kayo parang mga patay. Damdamin n'yo ang kanta at bigyan n'yo ng emosyon.” Tumayo s'ya sa pagkakaupo at lumapit sa amin.

Napayuko tuloy kaming lahat. Sobra kasing nakatatakot si choir master kahit gan'yan pa lang ang ginagawa n'ya. Mabait s'ya pero grabe 'yong pagka-strict n'ya.

Napabuntong-hininga s'ya nang makita kaming nakayuko.

“Paano kayo makakapasa sa training kung mismo 'yong importante sa pagkanta'y hindi n'yo magawa?”

Mahaba-haba ang sermon n'ya sa amin hanggang sa nilisan n'ya ang Hall. Tahimik ang namayani sa amin hanggang sa nagsalita si Caz.

“Ang pangit n'yong ka-myembro. Kahit pagandahin ko ang aking boses, wala pa ring saysay dahil nangingibabaw ang kapangitan ng boses n'yo.” Winaksi n'ya sa ere ang pamaypay upang bumukas ito at pinaypayan ang sarili. “Dapat galingan natin section 1, naturingang matalino, oh.”

“Ikaw kaya kumanta mag-isa? Galing mo pala, eh,” sabat ni Ericka.

“At sumasagot ka pa?!”

Inawat kaagad sila ni Chord. “Tama na 'yan at mas mabuting ayusin na lang natin ang kanta.” Inis pa s'ya.

Paanong 'di gaganda ang boses kung inubos na nila ang lakas kagabi.

“Paanong magiging maayos ang kanta kung wala man lang silang paki?” sarkastik na tanong ni Ericka at naghahamon na tinignan si Chord.

Napailing-iling na lang si Chord at hindi na pinatulan pa si Ericka. Nilapitan n'ya si Caz at may binulungan pa rito.

Umiwas ako ng tingin at bumaling sa kabilang parte. Biglang nagtama ang aming mga mata ni Arren, 'yong lalaking nakasabay ko sa Ceres.

Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya, walang reaksiyon na nakatitig pa rin s'ya sa akin. Sana naman mag-thank you s'ya sa 'kin, 'no? Sobrang nangalay ang balikat ko dahil sa kan'ya. Pero mukhang hindi n'ya naalala. Tulog s'ya no'n, eh.

Tanghalian na kaya naman inaya kami ni Ma'am Karen na kumain na. Mismo section 1 ang naghahari sa simbahan. Akala mo naman kung sino.

Inis na inis ako lalo na kay Ericka na halos buong araw ako iniinis. Si Caz naman tudo dikit kay Chord na akala mo mawawala sa kan'yang tabi.

Napaasik ako sa tabi at mabilis na kinain ang kanin na huling subo ko. Sinadya ko talagang bilisan ang pagnguya ko, ayaw ko lang kasing makita ang pagiging PDA ng dalawang taong nasa harapan ko.

Sana naman alalahanin nilang simbahan 'to 'no? Kainis, ah! Sadyang bitter lang talaga ako kaya pati buhay nila pinapakialaman ko na.

Nakangusong tinignan ako ni Carlo nang tumama ang tingin naming dalawa. Tumingin s'ya kila Chord at Caz bago binalik sa 'kin ang tingin na para 'bang naawa s'ya sa 'kin.

Inikutan ko s'ya ng mata. Ayaw kong ipakitang kaawa-awa ako. Malamang sinasabi na n'ya sa sarili na tama s'ya ng hinala at nagbubulagan lang ako.

Hindi naman totally nasaktan ang damdamin ko. Medyo may kirot lang na dumaplis. Parang nawalan ng saysay ba 'yong pagsali ko rito.

Hindi ko dapat maramdaman ang ganito. Pumunta ako rito para tuparin ang pinangako ko hindi para sa kan'ya. Okay, overacting ako masyado. Hayaan na nga.

Nakatayo ako sa harapan ng simbahan at nanalangin na naman sa panibagong araw. Sobrang nakonsensya kasi ako na hindi man lang ako naglaan ng oras para manalangin sa Diyos.

Simula nang mamatay si Papa, hindi ko na nagawang tumungo sa simbahan. Palagi pa naman kami noon nagsisimba tuwing Linggo.

“Isa 'kang mabuting bata. Naglaan ka pa ng minuto para manalangin sa ating Diyos.”

Gulat akong lumingon sa 'king likuran. Si Padre Sevilla lang pala. Akala ko kung sino.

Tipid na ngiti ang ginawad ko sa kan'ya bago binalik ang mga mata sa malaking krus na nasa harapan namin. Ayaw kong tignan s'ya, hindi ko pa rin nakalimutan ang ngiti n'ya no'ng isang araw.

“Ngayon nga lang po, Father,” ngiwi kong usal. Hindi na ako nag-abala 'pang lingunan s'ya.

Ramdam ko pa rin ang kan'yang titig sa 'king likuran. Lumakas ang pag-ihip ng hangin sa amin. Hindi tuloy ako mapakali.

“Sana hindi ka na lang nag-abala 'pang manalangin dito.”

Gulat na napalingon ako sa kan'ya, hindi ko napigilan. “P-Po? Bakit naman po?” Tama ba ang narinig ko? Bakit naman n'ya nasabi iyon sa harapan ng Krus?

Hindi s'ya nagsalita at nakatayo lang ng matuwid. Nakatingala s'ya sa harapan kung saan ang nakapako ang krus. Walang sabing umalis din s'ya sa tabi ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin ulit sa krus. Mabilis akong napaatras sa nakita, nanlalaki ang mga mata ko.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at umaasang may kasama pa rin ako rito. Hindi ako nag-iisa.

Mukhang hindi nila napansin ang aking nakita. Tinignan ko ulit ang krus at takang tumitig dito.

Guni-guni ko lang ba iyon? Nakita ko kanina ang nakadamit na 'pang Padre tulad kay Padre Sevilla. Nakapako s'ya sa krus at duguan ang buong katawan.

Napailing ako. Nagha-hallucinate lang talaga ako. Palagi ko ba namang iniisip na may something dito sa simbahan. Simbahan 'to, wala namang masamang elemento o ano.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro