Chapter 8
8. Darkness
Harper
Binuksan ko ang pintuan sa Guidance Room at bumungad sa akin ang pigura ni Ms. Alcantara na kasalukuyang nagsusulat sa ibabaw ng kanyang desk. Isang Record Book, iyon ang nakita kong sinusulatan niya.
Nang mapansin niya ako ay umayos siya ng upo. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo, hija?" tanong niya sa akin.
Kumurba ang ngisi sa labi ko at naramdaman ko ang matulis na patalim sa likod ko. Si Nevah. Inaabot niya sa akin ang isang maliit na kutsilyo na may kataliman ang dulo.
Kinuha ko 'yon at isinilid sa bulsa ko. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa nakakunot-noong mukha ni Ms. Alcantara.
"Excuse me ma'am," I said while walking closer. "May irereklamo lang po sana ako.."
"What is it...miss?" tanong niya.
Hindi ko sinagot ang tanong niyang tila inaalam ang pangalan ko.
"May bata po kasing nawawala," I looked at Nevah who's smiling at me. "Hinahanap niya po kasi yung kambal niya."
Ms. Alcantara frowned at me. Marahil nagtataka siya kung bakit iyon ang tinanong ko.
Hindi ko rin alam kung bakit.
"W-well baka may guardian siya na naghahanap na sa kanya ngayon. May I know her name? Para ma-contact ko yung mga nandito pa sa loob."
Napadako ang tingin ko sa bintana. Madilim na pala sa labas.
"Nevah." diretso kong sagot.
Bahagyang nanlaki ang mata niya. "I-I'm sorry? Papasukin mo na lang yung bata." aniya.
Napansin ko agad ang pamumutla ng mukha niya habang sinasabi iyon. Lalong lumawak ang ngiti ko.
"Ayaw niya eh." kusang gumalaw ang kamay ko at dinukot ang kutsilyo na isinilid ko kanina sa aking bulsa.
"Ayaw niya?" pag-uulit niya sa tanong ko.
"Ayaw niya sa mga sinungaling."
Agad kong inilabas ang kutsilyong bigay ni Nevah at ipinakita iyon kay Ms. Alcantara. Akmang sisigaw na siya subalit tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko.
"Don't make any noise, Guidance Councilor ka pa naman!" I laughed.
Impit siyang tumitili habang nakatakip ang kamay ko sa kanya. Nakakairita ha?
Gusto ko sanang patagalin ang pagdurusa niya pero mukhang makulit ang isang 'to.
Hinila ko ang buhok niya ng mahigpit at tinutok ang patalim sa noo niya.
"Liars go to hell."
Ididiin ko na sana ang kutsilyo nang makarinig ako ng ilang yabag ng mga paa papunta dito. Rinig ko rin ang bangayan nila na palakas ng palakas.
Ilan segundo lang ang lumipas ay nakumpirma ko nga ito. May dalawang taong pumasok sa loob na pamilyar sa akin.
"Wala kang modo!-" napatigil si Ms. Eula sa pagsasalita at napatingin sa amin.
Kapwa silang nagulat nang makita ako. Marahil dahil sa pwesto ko at ng kamay kong nananakit kay Ms. Eula.
Bwisit naman. Mga panggulo.
"Anong kailangan niyo?" I smiled sheepishly, mimicking Ms. Alcantara's voice.
"A-anong ginagawa mo?!" Ms. Eula shouted at the top of her lungs.
Taena, isa pang maingay.
Binitawan ko si Ms. Alcantara at marahas na itinulak dahilan para tumumba siya sa kanyang upuan at mapadapa.
Ms. Eula and John took a step backward. I smirked when I saw Nevah grinning at me habang nasa likod nilang dalawa.
Tinulak niya ang dalawa papasok at agad na sinarado ang pinto. Narinig ko rin ang tunog ng pag-click nito tanda ng pag-lock niya.
"W-wag kang lalapit!" banta sa akin ni Ms. Eula na dahilan para humalakhak ako.
"Anong gagawin mo pag lumapit ako?" I said while stepping forward.
Tumili ng malakas si Ms. Eula. Nanlaki ang mga mata ko. This woman is getting on my nerves. Napaka ingay niya.
Bumukas ang bintana sa Guidance Room at nakita ko si Nevah na nakasilip. It's as if she's saying na siya ang magbabantay sa labas upang walang maka-istorbo sa amin.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at hinawakan ko ang baba ni Ms. Eula nang makalapit ako sa kanya. Nanginginig siya ng sobra habang matalim ang tingin na tinatapon niya sa akin.
Pretending brave, huh.
"Open your mouth, ma'am!" utos ko sa kanya.
"H-hoy! Harper itigil mo y-yan!"
Napatingin ako sa likod ko kung saan nagmula ang boses. Pinigilan kong matawa nang makita si John na may hawak na isang tabla.
Pinagbabantaan niya ba akong hahampasin niya ako n'on?
Mabilis kong hinarap muli si Ms. Eula at puwersahang binuka ang bibig niya para hilahin ang kanyang dila. Wala pang limang segundo ay matagumpay ko nang natanggal ang dila niya.
Naramdaman ko agad ang presensya sa likod ko kaya agad akong umilag. Tama ako, si John nga ang nasa likod ko at naka-ambang siyang hampasin ako ng tablang hawak niya.
"Sorry but you missed me, John." I slightly laughed. Nanlalaki ang mata niya sa akin. Marahil hindi siya makapaniwala sa ginawa ko sa aming guro.
Pinagmasdan ko ang nawalang malay na katawan ni Ms. Eula habang bumubulwak ang maraming dugo na nanggagaling sa kanyang bunganga.
Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad na inagaw ang tabla kay John. Nabalik ang paningin niya sa akin at nanlaki ang mata niya. I grinned.
Hinampas ko ang tiyan niyang malaki ng tabla na sapat na para mapatumba siya sa sahig. Agad akong pumaibabaw sa kanya at walang habas na pinaghahampas si John sa kanyang ulo ng tabla hanggang sa magdugo ang kanyang buong mukha.
Hindi pa ako nakontento at kinuha kong muli ang kutsilyo. Pinugot ko ang kanyang ulo at hinati sa dalawa ang kanyang bungo.
"Shit." I hissed to myself. Nasira yung kutsilyo.
Umalis ako sa ibabaw ng katawan ni John at binalikan ko ang walang malay na katawan ni Ms. Eula. Doon ko sinaksak ang kutsilyo na purol na sa dibdib niya.
Nakarinig ako ng palakpak mula sa labas kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Nevah na nakangiti sa akin.
"You're not yet done."
Napatingin ako sa direksyon kung saan nakalupaypay ang walang malay ding katawan ni Ms. Alcantara.
"Piece of cake." sambit ko sabay balik ng tingin kay Nevah. "Anong klaseng pagpatay ang gusto mo?"
She smiled wider. "Ball is in your court."
Tumango ako at agad na binitbit ang walang malay na katawan ni Ms. Alcantara patungo sa banyo ng Guidance Room.
"Sosyal." sambit ko nang makita ko ang loob ng banyo nito. Kumpleto ang lahat. Parang isang mayaman lang na school ah? Hindi gaanong malinis ang Comfort rooms namin at kulang pa nga kung tutuusin sa Cubicles, eh.
Ang traffic traffic ng pila sa CR samantalang dito na iisa lang ang nakikinabang, sobrang gara.
Inilapag ko si Ms. Alcantara sa bath tub. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko roon ang ilang gamit panlaba.
Kaya pala kahit sa mga ganitong oras, hindi pa rin umuuwi si Ms. Alcantara. Mukhang ito na ang nagsilbing tirahan niya, eh.
Napangisi na lang ako and snapped out of my thoughts. Kinuha ko ang Zonrox doon at ibinuhos ang lahat ng laman sa loob ng bath tub, at maging sa katawan ni Ms. Alcantara.
Nang maubos ko na ay binuksan ko na ang shower. Napatingin ako sa relo ko at napangiti nang mapagtantong wala pa palang sampung minuto ang nagugol ko sa pagpaslang sa tatlong ito.
Nang makita kong nag-uumapaw na ang tubig at nalulunod na si Ms. Alcantara ay pinatay ko na ang shower at nilisan ang loob.
"Bien joué!" bungad sa akin ni Nevah pagkalabas ko ng Guidance Room sabay salubong ng yakap sa akin.
Unti-unting nilamon ng kadiliman ang paningin ko bago pa man ako makasagot kay Nevah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro